ROUNDTABLE DISCUSSION QUESTIONS
1. The decrease in government funding for public universities is becoming a
global trend. What can universities do to adapt to or counter this trend?
2. The argument has been raised that it’s the government’s primary
responsibility to provide free education to all citizens. Do you agree? Can’t
the government transfer more funds from, say, debt servicing and the military
budget to education?
3. If universities like UP raise income on their own, won’t it weaken our
bargaining position when it comes to asking for funds from the government?
4. Under the revised UP Charter, will UP have the power to sell its lands? Can
the Board of Regents sell off UP, or parts of it, to private entities? Are we
going down the road to privatization?
5. UP wants to forge more linkages with business and industry to support its
academic programs. What safeguards are necessary to ensure that big
corporations will not direct UP’s research agenda? How should UP deal with
private industry and business?
6. Is commercialization a bad thing for the university? How would you define
“commercialization”?
7. Do you foresee a need for tuition and other university fees to be raised?
Would you support it? How effective will this be in raising income for UP? What
will happen to socialized tuition?
8. Any further thoughts or suggestions on how UP can improve its financial
standing?
TUGON SA ROUNDTALE DISCUSSION:
1. Hindi naman ito ang aktwal na kaso. Ang mga estado sa
Sa mga mauunlad na bansa, may pananaw sa kahalagahan ng edukasyon sa lalong tumitingkad na kompetisyon sa globalisasyon. At ito ang kailangang bigyan-diin ng U.P. sa pambansang pamahalaan.
2. Ang aking pananaw rito ay karapatan ang edukasyon. Ito ang diwa ng demokrasya. Lahat ng nagnanais na mapabuti ang kanilang sarili sa pamamagitan ng edukasyon ay kailangang magkaroon ng patay na akses sa mga institusyon. Maging ang Konstitusyon ng bansa ay nakaangkla sa saligang karapatang ito na magbubunsod ng kagalingang pangmamamayan. Kailangan ng edukadong mamamayan sa gawaing sibika at politika ng pagkabansa.
Ang kasaysayan ng pagtustos ng pamahalaan sa edukasyon ay sinasabing isa sa pinakamababa sa mundo relatibo sa GNP. Ito ay 1.7-2.9% lamang ng GNP kumpara sa 4.1% ng Thailand, 5.2% ng Malaysia o 3.7% ng Korea. Ayon sa UNESCO, kinakailangang gumastos ng P40,130.50 bawat estudyante sa tertiary edukasyon ang mga umuunlad na bansa. Gumagasta lamang sa average ang Pilipinas ng P24,777 bawat estudyante.
Paano uunlad ang bansa kapag 40% ng pambansang budget nito ay napupunta sa debt servicing at 20% sa korapsyon? Ang Pilipinas ay gumagasta lamang ng 1/6 ng ginasta ng Thailand sa edukasyon o 8% lamang ng sa
3. Ang pagpapaloob ng U.P. rito ay sink or swim mentality. Nilalayon nitong maisalba ang sariling kapakanan nang walang paghagip sa mas malawakang estado ng bumababang kalidad at kantidad ng pambansang edukasyon. Tinatahak ng U.P. ang direksyon ni hindi pa nga tinatahak ng maraming pribadong kolehiyo at unibersidad—tungo sa komersyalisasyon ng edukasyon sa pamamagitan ng korporatisasyon nito. Sa maraming pribadong institusyon, tuition fee ang pangunahing kalakalan ng paglikom ng kita. Sa pagkakataong ito, maari nang tumahak ang U.P. sa pagpapaunlad ng mga lupain at resources nito.
Tinatakasan ng U.P. ang papel nito bilang pangunahing unibersidad, bilang social critic ng bansa. Imbis na ipaglaban ang kapakanan ng iba pa sa lipunan ay naglalayon nitong malusutan ang kolektibong predikamento sa edukasyon at lipunan. At ito ang hudyat ng abandonment ng U.P. sa abandonment ng estado sa edukasyon.
4. Naalaala ko
Ang kahalintulad na realisasyon ng baluktot na pangarap sa pribatisasyon ay bahagi ng disenyo ng Seksyon 19 ng revised U.P. Charter. Nasa BOR na ang kapangyarihang gumawa at mag-implementa ng
Ang proliferasyon ng pribadong institusyon ay nagbigay kontrol sa 79.9% ng edukasyon sa bansa. At itong trend sa pribatisasyon ang siya rin namang sinisisi sa overproduction of graduates in some fields and underproduction in others.” Lalo lamang nadidiin sa pribatisasyon via korporatisasyon ng U.P. ang nagiging komersyalisadong empasis ng pambansang pamahalaan sa edukasyon.
5. Paano? With a ten-foot pole. Lahat ng korporasyong gustong mag-forge ng link sa U.P. ay may vested interest—mula sa legitimation hanggang sa developmental research kundi man tuwirang pagkita. Walang safeguards ang lubos na makakapagprotekta ng interes ng unibersidad dahil ang mismong unibersidad ay nagbubukas sa posibilidad ng pagkagamit.
Ang pribatisasyon, sa aktwal, ay fetishistang relasyon. Tayo na inaakalang love object ay maari ring madahas sa panunuyo at seduksyon, lalo pa nga kung ang kaniig ay nabibihisan ng labis na kapital. Paano ka papalag? Quid pro quo sa simula na sa huli, kung sino pa rin ang may kapital ang may lubos na kapangyarihan sa relasyong ito. Historikal naman ang pagkapailalim ng intelektwal at kultural na kapital sa aktwal na kapital.
6. Komersyalisado ang edukasyon kung ang tumutustos nito ay sa pangunahin ay ang pribadong indibidwal at ang pribadong sektor. Dalawa ang pamamaraan sa SB 2587 kung paano nito tutustusan ang gastos ng unibersidad—pagtaas ng tuition fee sa komersyal na antas (quantity for quality) at sa komersyalisasyon ng idle assets.
Ito rin ang ipinapangakong paraan ng pagtaas ng sahod ng guro at empleyado ng unibersidad. Paano mo naman maaatim na kumuha ng salary increase kung ito ay hango sa higit pang disenfranchisement ng mga estudyante lalong di makapasok at makapagpatuloy ng pag-aaral sa U.P. o mula sa kita sa subcontractual labor ng Jollibee at McDonalds? At sa kasaysayan ng mga korporatisadong unit sa pamahalaan, hindi ba’t nasa loob sila ngayon ng financial mess, tulad ng GSIS at SSS? Walang garantiya na kikita ang U.P. kapag ang BOR ay naging Board of Directors.
7. Naalaala ko dati na mismong si Pangulong Nemenzo ang nagsabi sa isang forum (to the effect) na ang “raising tuition fee is the most unimaginative way of raising income for the university.” Naniniwala ako rito. Ang paglaban para sa dagdag na state subsidy ang siya pa ring direksyon direksyong dapat tahakin ng unibersidad sa paglikom ng finansya—gawing accountable ang pambansang pamahalaan sa lumiliit na ngang papel ng estado sa tertiary education.
Kung walang social consciousness kasi, kay daling abandonahin ang pagbibigay-diin sa produksyon ng skolar ng bayang magsisilbi sa interes ng bansa. Ngayon na nga lang, balita sa akin sa email, may mass recruitment para sa call centers mula sa kaka-graduate pa lamang sa aming kolehiyo. Imbes na lumikha ng pelikula at maging bahagi ng media, ang mga graduate ay pumapaloob sa boom industry sa bansa gayong ito ay mababang antas sa pandaigdigang industriya ng information technology.
At ito ang nagagawa ng pagbibigay-diin sa pribatisasyon, komersyalisasyon at korporatisasyon ng edukasyon at U.P. Hindi ito mga ampaw na retorika. Lahat tayo ay araw-araw na nalululon at inilulubog dito.
8. Tutulan ang SB 2587.
No comments:
Post a Comment