Tuesday, July 08, 2008

Moving to another site

Ayon sa ginintuang payo ni Teo Marasigan, ako ay lumipat na sa panibagong blogsite:

http://rolandotolentino.wordpress.com/

Please update your link. Maraming salamat.

Roland

Thursday, June 19, 2008

Desaparasido





Paano magpipista kapag dalawang taon nang nawawala ang anak mo?, Pasintabi Column






imahen mula sa painting ni Tence Ruiz na may imahen ni Palparan
kalovski.blog.com/1049627/
kuha ng awtor

Paano magpipista kapag dalawang taon nang nawawala ang anak mo?

Hindi ko kilala sina Nanay Connie at Tatay Oca. Kaya rin nag-atubili ako nang maimbitahan ng kakilala ng kakilala na dumalo sa pista sa kanilang baranggay sa Masinloc.

Ang inisip ko, hindi pa ako napunta rito sa bahagi ng Pilipinas. Kaya mabuti itong pagkakataon. Hindi ko akalain na anim na oras pala ang biyahe, at tunay na pwedeng magluto ng pandesal sa upuan namin.

Hindi tapos na bahay sa looban ng kalsada ang sa mag-asawa. Pangmeriendang oras na kami dumating. At dahil madalas ang kantyawan sa stopover na huwag magpakabusog, nagmistulang kaming hayok nang isa-isang inilabas ang pagkaing itinago para sa grupo.

Ang mga hipon at talangka ay huli ng kuryente sa dalampasigan. Ang inihaw na bangus ay galing sa fishpen sa baybayin. Hindi na umabot ang malagkit na kanin. Napanis na sa kaantay dahil ilang oras pa lamang nagkakaroon ng kuryente, matapos ng bagyo ilang araw pa lang ang nakararaan.

May refrigerator cake din na inihanda. At gaya nang pamimista, labas-pasok ang mga tao. Maraming ipinakikilala, at nag-uusyoso ang mga kapitbahay. At nang matapos ang mabilis na pagkain, nag-usap naman kung ano pa ang gagawin kinabukasan.

Gusto raw mag-beach ng mga batang lalakeng kasama namin. Sige, magpi-picnic daw, sabi ni Nanay Connie. At nilibot niya kami sa kapaligiran ng bahay. Nagtumba ang mga puno ng mangga sa taniman ng kapitbahay.

Naglipana ang pagkarami-raming manok sa bakuran. Na sabi nga ni Nanay Connie, ayon kay Tatay Oca, pwede raw silang kumain ng isang manok araw-araw at di mauubos ang mga ito nang isang taon. Imbes na ang tira ay ipakain sa aso, mga manok ang naghahabulan sa mumu.

Nagposing kami sa isang nabuwal na puno ng manggang inakyat. Naging musmos ang lahat. Pinagtatawanan ang lahat nang pwedeng mapagtawanan: laki ng mga katawan ng kasama, imahinaryong pag-aaring hacienda, pati ang kakulitan ng tahimik at cute na apo ng mag-asawa.

Natuloy ang pagpunta sa beach. Umarkila sila ng isa pang tricycle para magkasya ang grupo. Pwedeng magsurfing sa beach sa Masinloc. Malakas ang alon dahil kababagyo nga lang. Kami ay nasa pampang lang at nag-aantay itulak ng inaabangang alon.

Hindi pa nakuntento sa beach. Dinala rin kami sa ilog na pinagpipiknikan ng iba pang grupo. Nagtatalunan ang mga musmos at teenager sa ilog, samantalang ang grupo namin ay nagbababad lamang sa tagiliran ng ilalim ng kalsada.

Sa panahon ng digicam, walang takot na magkukuha ng pix. Yung dalawang lalake ay panay ang posing dahil ilalagay raw nila sa kanilang Friendster. Dinala kami ni Nanay Connie sa kanyang paaralan. Prinsipal siya at nakasaad ito sa mga marker. Kami na ang pumansin nito.

Hapon na nang bumalik kami sa bahay. Malakas ang buhos ng ulan. Naggagayak na kaming bumalik sa aming buhay sa Manila. Si Nanay Connie ay naggagayak ng pasalubong package para sa lahat: suman, mangga, kasoy wine, daing, at langka. Bawat isa sa amin ay binigyan niya rin ng trucker’s cap.

Napayakap ako kay Nanay Connie. Gaya nang ibang nauna sa akin, hinalikan ko rin siya sa pisngi na para ko ring nanay. Tinapik ang balikat ni Tatay Oca. Naglakad kami habang nag-aantay ng tricycle pabalik sa sakayan ng jeep.

Iniisip ko, para lang ba kaming multong nagpakita sa mag-asawa? Na tulad ng mga diplomang naka-laminate sa dingding at graduation picture ni Karen Empeno, estudyanteng dinampot at magdadalawang taon nang nawawala, ay nagpaparamdam nang alaala ng pagkakamit at kawalan? Nang pag-aantay at pagbabakasakali?

Dumating kami pero hindi umalis. Dumating din sila sa amin at hindi kailanman aalis pa.

Sex and the City at Kung Fu Panda sa Panahong Tulad Nito, KPK Column





imahen mula sa www.counterfeitchic.com/pop_culture/
animationguildblog.blogspot.com/2007/04/at-dr...
filipinocultured.blogspot.com/2008/05/sharon-...
www.helpingyou.ca/nannies.html



Sex and the City at Kung Fu Panda sa Panahong Tulad Nito

Walang ibang panahon. Wala namang substansyal na pagbabago sa pagdaan ng mga panahon. Ang nagbabago lang ay ang mga bagay na nagiging artifact ng panahon—mga bagay na nagpapagunita sa nakaraang lagay ng panahon.

Sa U.S., ang pagpasok ng mga Hollywood blockbusters ay senyales na panahon na ito ng tag-init sa kanila. Ang bulto ng kanilang taunang kita ay nanggaling sa kung ilang pelikula ang lalampas sa US $100 milyon na marka bilang sertipikadong blockbuster.

At sa kaisa-isang paglubog ng barkong “Titanic,” na siyang magtataas sa US $500 milyon ang pinakamalaking kinita ng pelikula, nangangarap ang Hollywood na muli pa itong malampasan. Global ang market ng Hollywood at kasama tayo sa bultong tumatangkilik ng kanyang pelikula.

Humahawi ang lokal na sinehan kapag dumating ang Hollywood blockbuster. Naalaala ko sa nakaraang installment ng “Batman” na nang pumasok ako sa Gateway Mall ay walang ibang sineng mapapanood kundi ito.

At sa kasalukuyang pag-unlad ng saklaw ng Hollywood sa bansa, tanging mga pelikula ng lokal na higanteng studio ang maaring makalaban dito. Kaya rin hindi kataka-taka na ang pinambabato ng Star Cinema ay OCW (overseas contract worker) film, tulad ng “Caregiver,” na pinagbibidahan ng pinakamalalaking artista sa arsenal nito.

Habang ang mamamayan ay natuto nang managinip na kasing laki ng Disneyland at barkong Titanic, ang ipinapalaganap naman ng lokal na studio ay pa-lokal at nasyonal na karanasan ng mga OCW na pelikula na naglalayon makapagrekruta pa ng mas maraming mamamayang mag-o-OCW.

At ito ang global turn ng studio, na kaugnay rin naman ng kanilang telebisyon network na may direksyong maging komoditi sa mga OCW tumatangkilik nito sa labas ng bansa. Una, umaapila sa guilt ang lokal na pelikula sa abject na realidad ng kahirapan sa loob ng bansa na napag-iwanan ng mga mahal sa buhay. Ikalawa, silang OCW na may finansyal na yaman ay nililikha bilang sabayang media bi-product at consumers.

Bi-product dahil hindi naman sila ang ibinebenta kundi ang kanilang karanasan via Sharon Cuneta at Claudine Barreto. Consumer dahil sila rin mismo ang ipinapatangkilik ng komoditing ginawa para sa kanila. Pinapatangkilik ang OCW sa pagnanasang makaugnay sa mahal sa buhay (bayan, bansa, kamag-anak, at kaibigan) na nakabatay sa realidad na hindi makabalik dahil sa kalikasan ng kanilang trabaho.

Na hindi rin naman kakatwa kung bakit ang mga pangunahing channel sa bansa ay brina-brand ang sarili bilang “kapamilya” at “kapuso.” Ipinipirito ng mga ito sa sariling mantika ang mga OCW at ang kanilang mahal sa buhay. At inihahanda rin ang mga wanna-be OCW sa OCW na karanasan—ipinadarama na kung paano ba kahirap maging OCW, kung bakit hindi na ito option, at kung paano dadalhin ang bigat ng ganitong desisyon.

Ang lokal na manonood ay prospective OCW naman talaga. May kita kaya nakakapanood ng sine sa loob ng mall. May kita kaya nakakapagdamit ng maayos para manood ng sine at mag-malling. May kita pero hindi lubos dahil hindi naman regular na nagagawa ang magastos na aktibidad na ito.

Kaya ang rekursong sinasambit ng panonood ng pelikula—lokal man o Hollywood at foreign—ay paghahanda sa mamamayan ng bansa na gawing lehitimo ang karanasan sa libangan. Na ang panonood ng sine ay isang gitnang uring panuntunan. Na ang pirated DVD at player ay simulain lamang pagdanas ng illicit na gitnang uri tungo sa lehitimong pagiging gitnang uri via OCW o ang lokal nitong surrogate, ang call center.

Di nga ba’t ang call center ay pagdanas na rin ng pagtratrabaho sa ibang bansa? Na sa mga aral na twang at virtual space ay araw-araw (o gabi-gabing) nakakapangibang-bayan at pagtratrabaho? Na ang entry point na kita rito ay tulad na rin ng kita ng OCW sa ibang bansa (katumbas ng kita ng DH o domestic helper)?

Nang manood ako ng “Sex and the City” sa Trinoma Mall, ang high-end mall sa kabilang dulo ng Metro Manila, lost lang ako sa pana-panahong kolektibong tumatawa ang manonood. Parang hindi naman natatawa, o sila lang ang natatawa. Pero masaya naming dinanas ang voluntaryong virtual na malayo sa pang-araw-araw na realidad.

At ano ba ang tinunghayan sa sine? Apat na babaeng walang guilt sa kanilang indibidwal na pagnanasang maging maligaya sa kani-kanilang personal (domestiko) na buhay. Apat na mayayamang babae na ang ipinakita lamang ay ang kanilang pagdanas ng libangan dulot ng kanilang trabaho at hindi ang aktwal na pagtratrabaho nila.

Ganito ang kahalintulad na pagtatago ng sine sa mismong paraan kung paano tayo nakapanood ng sine. Hindi ba’t may nagtrabaho kaya tayo nakabili ng tiket? HindiHindi ba’t ang ginagawa natin ay libangan, at kung gayon bakit gusto nating makapanood ng sine ukol sa pagtratrabaho?

Kung gusto nating makapanood ng sine tungkol sa pagtratrabaho, manonood tayo ng OCW na pelikula. Pero hindi ito ang choice natin. Hindi ba’t naggayak tayo sa pagmo-mall at ang suot natin ay aproximasyon ng suot ng mga tauhan sa pelikulang pinapanood natin? Kasama ng tabas ng buhok at make-up, at higit sa lahat, disposisyon sa buhay?

At anong klaseng buhay ito? Guilt-less, na tulad ng O-calories at sugarfree ay hindi naman lubos bilang healthy ang mga opsyon na ito. Na patuloy pa ring magre-release ng insulin ang sistema dahil ito naman ang gawain ng artificial sugar.

Paano magiging guilt-less kung ang mismong sinasakdal ay ang manonood na willing namang magpasakdal sa kasong aksesorya sa pagnanasang makaangat? At maaga ang sosyalisasyon sa ganitong pagnanasa.

Nanood kami ng mga pamangkin kong paslit ng “Kung Fu Panda,” na pati naman ako ay naaliw. Ang konsepto ng pagsasama-sama at panonood nilang magpipinsan ay nakakasapat na para sila maging hyper sa loob ng sine. Ang dami nilang palitan ng tig-iisang linyang hirit.

At maging ang mga paslit sa likuran namin ay gayon din. Nag-uumapaw sa enjoyment sa libangan na sandali. Ang mga realidad sa mga bata at problema sa nakakatanda na kinahaharap ay saglit na naglaho.

Sa “Kung Fu Panda” ang isang pagkataba-tabang hayop ay natuto ng ilang araw lamang para maging savior ng mamamayan sa China. Kahit pa may kapasidad ng distinksyon ang totoo sa hindi ang mga paslit, napuntirya na rin ang kanilang pagkatao sa aspirasyong makaangat.

Mapunta sa ibang lugar maliban sa sariling kinalalagyan. Tunay na bonanza ito ng Hollywood films. Hindi lang nasisimot nila ang kita ng gitnang uring Filipino na sa ngayon ay pangunahing market ng pagtangkilik sa sine. Maging ang aspirasyon at paraan ng pagnanasa ng gitnang uri ay naisama na sa net ng Amerikanong ideolohiya.

Na kahit pa sa China ang mga hayop, tagpuan at kung-fu na istilo, ang mga ito ay nakolonisa na sa adbentura ng ideolohiya ng Amerikanong imperialismo. Na sa manonood ng “Sex in the City,” ang posh-ness ng upper-side New York ay malalim na ring nakaukit sa guni-guni ng gitnang uring manonood nito at nagnanais rin mapabilang, kundi man makita, sa guilt-less na mundong ito.

Na parang hindi nangyari ang 9/11 sa New York, at ang New York ay naging mas malaking U.S., at ang U.S. ay lumawak na sa sinehan sa Trinoma at iba pang cinemplex sa bansa. Nag-uumapay na ang geopolitikal na espasyo ng Amerikanong imperialismo.

Soft-selling ito kaya nakukumbinsi tayo sa napakaraming bagay hinggil sa kanilang dominasyon ng mundo. Ito o i-boykot ang mga produkto nila? Paano mo ibo-boykot ang Hollywood films, ang kanilang palabas sa telebisyon, cable channels, usong damit at tabas ng buhok?

Nang mapanood ko ang dalawang pelikula, hindi lang naman kami nag-iisa sa sinehan. Blockbuster ito. Ano ang sinasabi na ang panonood ng Hollywood na sine ang rekurso ng mga gitnang uri para magkaroon ng relief sa kanilang unti-unting naagnas na pangekonomikong lagay panlipunan?

Sasabihing intelligent comedy at women-in-their-40s liberation ang pelikula, o wholesome family entertainment ito. Ito nga naman o ang saga ng caregiver-via-Sharon Cuneta ang magaganap. Na kung gusto mo ngang magkaroon ng relief, bakit ka manonood ng anumang konektado sa iyong realidad?

Kaya maging ang “Caregiver” na rin ay hiwalay sa historikal at panlipunang realidad. Na nanghihimok ito sa kapwa professional na huwag magsisi, piliin maging caregiver, at idambana ang puting alaga bilang nagpalaya sa kanyang agam-agam, kulang na lang at mismong Philippine Overseas Employment Agency ang nag-produce nito.

Na nakakapanghimok na maging at manatiling OCW ang pelikula ay patungkol pa sa aparato ng mainstream film industry ng estado. At ang estado ni Gloria Arroyo, kahit pa ginigipit ang mga Lopez na may-ari rin ng Star Cinema na nag-produce sa pelikula, ay konektado naman sa Amerikanong imperialismo.

Sa susunod na magbayad ang gitnang uri ng malaking bahagi ng kanyang sweldo para sa tiket sa sine, isipin niyang siya na nagbabayad ay nagtratrabaho para may ipambayad. Siya na nagbabayad ay nagbabayad hindi lamang para manood at makalimot, kundi para bumoto rin sa referendum ng estado at imperialismo.

Malaki ang puwang ng independent filmmaking at political film collectives sa bansa. Ito ay kung matatalakay nila ang ugnayang pang-estado at imperialismo na soft-sell at wholesale na inilalako sa mamayang nagtratrabaho, namimili at pabor na bumoboto.

Mangangailangan din ng ibang paraan ng produksyon at konsumpsyon, distribusyon at iba pang sistemang nakagisnan na sa pagiging nasa laylayan ng Hollywood at imperialismo. Ito ang kailangang akdain sa mga panahong tulad nito.

Walang ibang panahon!

Statement on the P150 million UP Centennial Budget, All UP Workers Union and All UP Academic Union




imahen mula sa www.bikoy.net/.../
ode2old.blogspot.com/2008/01/up-centennial-ki...

P150 milyong budget para sa Selebrasyon ng UP Centennial pero walang alokasyon para sa Centennial Bonus

Note: Inanunsyo kahapon, June 18, 2008, ni Roman ang pagpirma ni Gloria Arroyo sa Cenennial Bonus na P20,000. Tagumpay ito ng mga unyon natin!

Imeldific (ibig sabihin, bongga, magarbo at magastos) ang inihandang selebrasyon ng Administrasyong Roman sa sentenaryo ng UP. P150 milyon ang inaprubahan ng Board of Regents na budget para sa Sentenaryo. (Tingnan ang box)

Breakdown ng Budget:*

Item Milyon (P)

Centennial Lectures P 13

Tri Media Projection 12

Capital Outlay 85

Centennial Concert 5

Centennial Notes 5

Centennial Awards 2

Centennial Literary Contest 2

Audio Visual Presentation 2

History Project 1.4 Coffee Table Book 1.5 Digital Film Making Contest .7 Centennial Music Video .7 Centennial Address Book .5 Centennial Glass Plates .5 Centennial Song Contest .4

Centennial Newsletter .3

Events Poster .15

Administrative Expenses 5

Honoraria (1.5 milyon)

Centennial Commission

Operations (1 milyon)

Travel ( 2.5 milyon)

Contingencies 10

Kabuuan P147.15 milyon

*Inaprubahan sa Pulong ng UP Board of Regents September 28, 2007, UP Los BaƱos

May maagang budget para sa bonggang selebrasyon, walang budget para sa karaniwang kawani, REPS at mga guro:

Setyembre 28, 2007 pa inaprubahan ng UP Board of Regents ang inihapag na budget ng Administrasyong Roman para sa sentenaryo. Ngunit hanggang nitong pulong ng Presidential Advisory Council noong Mayo 21, 2008, pag-aaralan pa raw ang P20,000 centennial bonus na hiniling ng ating mga unyon.

May ilang faculty at istap na nakinabang/makikinabang sa P150 milyong budget na inilaan noong Setyembre 2008. Tumanggap o tatanggap ng P100,00 bawat isa ang mga faculty na bahagi ng Centennial Lecture Series. Mayroon ding ibang faculty at istap na tatanggap ng mga honoraria di lamang mula sa P1.5 milyong nakalaan sa “administrative expenses” kundi pati na sa iba’t ibang proyekto para sa sentenaryo tulad ng sa “centennial concert” at sa “coffee table book”.

Malinaw na hindi prayoridad ng Administrasyong Roman ang pagtitiyak na lahat ng empleyado ng Unibersidad ay makikibahagi sa biyayang dulot ng 100 taon ng UP.

Paglalako sa UP sa TV, radio at dyaryo

Pansinin na halos magkasinglaki ang budget para sa centennial lectures (P13 milyon) at para sa mga anunsyo sa TV, radio at print (P12 milyon). Talagang magkatumbas na halos ang pagpapahalaga sa mga pang-akademikong mga lectures at sa pagbebenta ng Unibersidad ng Pilipinas sa pamamagitan ng media. Hindi na nakasasapat ang libreng ispasyo sa mga balita at mga features story dahil newsworthy naman ang isang daang taon ng UP; kailangang maglaan ng milyun-milyong piso para ibenta ito. Tulad sa mga korporasyon ng mga sabon, shampoo o kape, na kailangang magbayad ng malaki sa “packaging at projection” para tangkilikin ng mamimili, ang UP ay isa na ring komoditi na kailangang ilako sa pamamagitan ng pagbayad sa mga anunsyo sa telebisyon, radio at dyaryo.

Ang tanong, ilako kanino? Hindi naman seguro sa mga estudyante para pumasok sa UP dahil alam nating taon-taon ay mahigit sa 60,000 ang kumukuha ng UPCAT.

Mas malamang na nakapatungkol ang mga anunsyong ito sa mga korporasyong pribado para mag-invest sa UP at sa mga mayayamang alumni para magbigay ng donasyon sa UP.

Isang patotoo na naman ito na korporatisasyon at pribatisasyon ang tinatahak na landas ng UP. Hindi na nga siya simpleng state university, dahil wala tayong alam na iba pang state university (ipinagdiwang na ng PNU at PUP ang kanilang mga sentenaryo) na gumagastos ng ganito kalaki para sa kanilang sentenaryo. (Pero alam natin na naglaan ng malaki-laking halaga ang PUP para sa centennial bonus ng kanilang mga kawani at faculty.)

At tulad ng mga pribadong negosyo na tubo ang hinahangad, hindi prayoridad ng Administrasyong Roman ang centennial bonus para sa ating mga kawani, REPS at faculty.

P20,000 Centennial Bonus Ipaglaban!

Korporatisasyon ng UP, Tutulan!

All UP Workers Union at All UP Academic Employees Union

Hunyo 16, 2008

Alam niyo ba na…. ?

….sa bagong UP Charter, hindi na lang chief academic officer, head of faculty ang UP President, kundi chief executive officer (CEO) na rin siya. (Section 14). Tayo ang tanging state university na ang presidente ay kawangis na rin sa presidente ng isang korporasyon. Kaya hindi na lang Presidente Roman si ERR, CEO Roman na rin ang kanyang titulo.

….sa bagong UP Charter, merong “Independent Trust Committee” na binubuo ng UP President, bilang tagapangulo at isang kinatawan mula sa Bankers Association of the Philippines (BAP), sa Investment Houses Association of the Philippines (IHAP), sa Trust Officers Association of the Philippines (TOAP) at sa Financial Executive Institute of the Philippines (FINEX). Ang komiteng ito ang magtitiyak sa mga investments ng UP at mamimili sa mga bangkong paglalagakan ng kita ng UP. (Section 23). Ito ang institusyunalisasyon sa pagpasok ng UP sa komersyalisasyon at korporatisasyon: nasa istruktura na ng UP sa kanyang 2008 Charter ang bagong stratum ng pangangasiwa labas sa UP Board of Regents. At ang stratum na ito ay binubuo ng UP President at mga kinatawan ng malalaking kumpanyang pambangko, pampinansya.

Thursday, June 12, 2008

Contend Statement on the 2008 UP Charter

The 2008 UP Charter: Forging the Transition from the Premier State University to a Privately Run Corporate Enterprise Driven by the Search for Profit

From State to National University

The first thing which would probably strike a casual reader of the "Centennial Charter" (RA 9500) is the replacement of the conventional label of "state university" by the term "national university." The current nomenclature rests on the crucial distinction between Private Higher Educational Institutions (PHEIs) and State Universities and Colleges (SUCs). Indeed, the yearly General Appropriations Act (GAA) only mentions SUCs as recipients of government subsidy. The studious elimination of all mention of the term "state university" in the Charter sends a message that this distinction no longer holds for the University of the Philippines . This suspicion is confirmed by the contents of the Charter itself.

UP and the Rise of a New Managerial Stratum


One salient characteristic of the Charter is the creation of a managerial stratum distinct from the existing governance structures of the University. The UP President, aside from being referred to as the "chief academic officer," is also labelled in the text of the Charter as the Chief Executive Officer (CEO), which means no less than that she/he shall henceforth serve as the highest ranking officer of the corporate entity which is the "national university." Since the President shall be appointed in this capacity as the head of a corporation and since good CEOs don't come cheap, she/he shall also receive a salary befitting a CEO. In 2007, CEOs in the Philippines received an average base salary of $44,496 and $51,519 in annual cash or PhP4, 271,899 or PhP355, 991 a month (www.mercer.com). Bear in mind that this is only the average. The Charter consequently states that the Board shall deem it within its powers to "determine the compensation of the President of the University" (Sec. 14). Despite the efforts of the promoters of the Charter to allow the UP President to have an unprecedented two terms, this proposal was eventually withdrawn because of strong opposition. Quite disturbing, however, is the fact that the Chancellor of each constituent unit will not only receive an unspecified amount to be determined by the Board but will also serve an unspecified term likewise to be determined by the Board (Sec. 18: "The Board shall determine [both] the term and compensation of the Chancellor") .

Combining managerial and governance roles, the President shall serve simultaneously as the co-Chairperson of the Board of Regents (with the Chairperson of the Commission on Higher Education (CHED)) and as the Chairperson of an Independent Trust Committee (ITC) to be made up of representatives nominated by the following private entities explicitly specified by the Charter: Bankers Association of the Philippines (BAP), Investment Houses Association of the Philippines (IHAP), Trust Officers Association of the Philippines (TOAP) and the Financial Executive Institute of the Philippines (FINEX). Furthermore, in case of two failed biddings these same private entities shall nominate representatives which shall make up the majority of a "third-party body" tasked with making a "fairness opinion report" (Sec. 23). The individuals making up the ITC and the "third-party body" shall be "entitled to a reasonable per diem as the Board may specify" (Sec. 23 & 24). Some information about these private entities is in order. The BAP was founded in 1964 and aims to provide "a necessary avenue for member banks to raise and discuss issues that affect the commercial banking industry." It counts among its members, 40 commercial banking institutions covering 26 local banks and 14 foreign bank branches (http://www.bap. org.ph/). The IHAP was founded in 1974 and its current membership consists of "fifty-five (55) member houses, which include the top players in the investment banking industry" (http://www.ihap. org/). Established in 1964, the TOAP's aim is to unite, professionalize and promote the Philippine Trust and Investment Management Industry http://www.toap. org.ph/). Lastly, the FINEX, founded in 1968 is said to be an "organization (which) is devoted to the continuing development and improvement of financial management techniques and the promotion of efficiency in business enterprises" (http://www.finex. org.ph/).

There is no good reason why these entities should have their names inscribed in such a solemn document such as the UP Charter. These are plainly transitory private entities which do not sit well in a national public document drawn up with claims to perenniality such as the UP Charter. They could always be hired if and when consultants are needed and paid their "reasonable compensation. " As it is, they could just fold up in a couple of years and leave embarrassing blank spaces on the Charter. This is almost equivalent to putting the names of private businesses in the Philippine Constitution. Being in the UP Charter lends these private entities more prestige than they are worth.

The function of the ITC, befitting its "independent" nature, is to recommend to the Board five banks aside from providing the "Board with direction on appropriate investment objectives and permissible investments with the view to preserving the value of the funds while allowing the University to earn a reasonable return thereon" (Sec. 24). Emphasis should be placed on the words "appropriate" and "permissible" in the above sentence in order to stress the actual managerial power of the ITC. These individuals, the President, the Chancellor, and these representatives from the BAP, IHAP, TOAP and FINEX shall henceforth constitute a distinct stratum of managerial technocrats whose "compensations" and privileges shall be at a qualitatively differently level than the ordinary faculty, REPS and administrative personnel making up the university community. It seems that such gains as the Staff Regent who shall represent the administrative personnel and the research, extension and professional staff was conceded by the framers of the Charter with the foresight that the BOR itself shall eventually no longer carry much weight in the scheme of things to come.

UP as a Commercial Area with an “Academic Core Zone”


The scope of the income generating activities which these individuals shall plan and undertake shall only be limited by the size of what is termed in the Charter as the "academic core zone." According to Section 22 of the Charter, "The Board may plan, design, approve and/or cause the implementation of land leases: Provided, that such mechanisms and arrangements shall … be exclusive of the academic core zone of the campuses of the University of the Philippines ." The whole territory of the University lying outside of this so-called "academic core zone," which is as of yet unspecified, is therefore declared as a commercial zone. Furthermore, lands donated to the University from hereon may simply be sold if the terms of donation allow for it.

Profiting from the Pursuit of Truth


It is hard to see, given the power enshrined in the new Charter which now gives private business interests a preponderant role in shaping the future of the University, how such half-hearted provisos in the Charter itself, such as one stating that "such mechanisms and arrangements shall not conflict with the academic mission of the national university" or that "any plan to generate revenues and other sources from land grants and other real properties entrusted to the national university shall be consistent with the academic mission and orientation of the national university as well as protect it from undue influence and control of commercial interests" (Sec. 22) can realistically be adhered to. Instead of protecting it, the Charter actually renders the University extremely vulnerable to the "undue influence and control of commercial interests" as never before. For example, Sec. 3 on the "Purpose of the University," states that the University is "a community of scholars dedicated to the search for truth and knowledge." However Sec. 13 specifies without irony "that research and other activities funded by the University shall likewise undertake research in fields of topics that have promising commercial applications. " ("Likewise" here means "also" and cannot be read as meaning "optional.") The message is clear: the scholars of the University shall be dedicated to the "search for truth and knowledge" only as long as these have "promising commercial applications. "

The Price of Higher Wages


The thoroughgoing commercialization of the campus and of the research and academic mission of the University together with projected substantial tuition fee increases are being sold to the faculty with the promise of higher salaries. This is the proverbial carrot. Indeed, Sec. 13 states that "any law to the contrary notwithstanding, to fix and adjust salaries and benefits of the faculty members and other employees: Provided, That salaries and other benefits of the faculty shall be equivalent to those being received by their counterparts in the private sector." Aside from the fact that a great part of these promised higher wages shall come from rising tuition fees and rampant commercialization, it is also more than likely that these salary increases shall come at the cost of undermining existing rights to tenure in the longer term and lead to a rising percentage of part-time and full-time non-tenure track teaching staff. This is already a problem in the US where according to the American Association of University Professors (AAUP), 68 percent of all university and college level teaching personnel comprise these so-called "contingent faculty," thus seriously undermining academic freedom, academic quality and professional standards (www.aaup.org).

This Charter marks the next 100 years of UP. What has been dangled to clinch faculty support—exemption from the SSL and salaries competitive with the private sector—is neither forthcoming nor will it be within the range of the compensation package of the UP President as CEO. This Charter legitimizes the neo-liberal turn to greater commercialization, privatization, and deregulation of UP and of higher education in general.

A Charter Against the University of the People


This blatantly neo-liberal charter accepts the conventional and deadly wisdom of aspiring to be "globally competitive" at the cost of erasing all traces of the University of the People. It accepts the assumption that the government cannot and will not provide a sufficient budget for UP. Its main direction is to forge the transition from being a service-oriented public entity towards being a privately run corporate enterprise with its own CEO and an independent trust committee driven primarily, if not solely, by the search for profit. This Charter is nothing but the tragedy of the UP Centennial.

As the UP administration advances its neo-liberal agenda in the transformation of higher education, CONTEND calls on the various sectors of the university to be militant and continue to struggle for a UP which may be called an exemplary university of the people.

Education is not a commodity!

Continue the Fight for a genuine University of the People!

*The Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy or CONTEND is a progressive organization of academics based in the University of the Philippines- Diliman. Please email your comments to upcontend@yahoo. com

Monday, June 09, 2008

Si Bayani Fernando, ang MMDA sa Sogo, KPK Column













imahen mula sa www.websaytko.com/141-plate-number-on-helmets...
tacchy-al.cocolog-nifty.com/.../index.html
www.indolentindio.com/?p=29
www.mmda.gov.ph/home.html


Si Bayani Fernando, ang MMDA sa Sogo

Hindi ako nagtaka kung hanggang sa kwarto sa Sogo, isang higanteng chain at gusaling motel, ay napanood ko ang cable show ng MMDA (Metro Manila Development Authority). Siempre, ang bosing na si Bayani Fernando, na ang tagumpay sa munting syudad ng Marikina ay nire-reproduce sa iba pang syudad ng Metro Manila, ang bida.

Hindi lang siya bida, siya ay bidang-bida. At sa ilang saglit, tulad ng kanyang mantra (Metro Gwapo, Tao-Ganado), ay bigla nga siyang nagkaroon ng personalidad. Minsan ko nang natunghayan si Fernando sa isang poetry reading sa lumang bahay na trinansforma sa isang cultural center sa Marikina. At winish kong sana ay nagbaon ako ng unan.

Monotono ang kanyang boses, dead-pan ang mukha. Pero ang bangis ay nasa ilalim ng hitsura. Tunay na megalomaniac ang hitad. Kinuha ang wallet sa likod na bulsa ng pantalon, at may tinanggal na pirasong papel. Dahil nga poetry reading ang event, nagbasa ito ng sinulat niyang tula. At balak niyang ipalilok ang kanyang tula sa marmol sa sports arena pa raw!

Sa internet site ng MMDA, http://www.mmda.gov.ph/main.htm, ay nagmumukhang impressive ang mga proyekto ni Fernando: traffic engineering, education at enforcement; solid waste management; establishment at operation ng landfills; flood control at sewerage management; CAMANAVA-flood control project; Metro Gwapo at Metro Clear Roads; Gwapotel; Street Dweller Care Program; MLMO-Imaging a Vibrant Metropolis; Metro Clean at Metro Safe Programs; Road Emergency Program; Urbanidad; ang notorious na Wet Rag (papasadahan ng basang trapo ang mga nag-aantay na pasahero sa kalsada) at Pink Flag; at door-to-door garbage collection.

Sa isang banda, nagpapasalamat ang maykayang pribadong mamamayan sa pag-angat ni Fernando at MMDA sa pamantayan ng urbanidad, sa abot ng makakaya, sa global na panuntunan. Tila mas mabilis na umuusad ang mga pribadong sasakyan sa tila walang katapusang pinalalawak na mga kalsada at sidewalk, na peryodikong tinataniman ng halamang di mabuhay-buhay nang kumpleto. Impresibo ang proyekto dahil nilegitimisa ni Fernando ang pagpapaproyekto bilang primaryong proyekto ng MMDA.

Samakatuwid, hindi naman talaga ang panuntunan ay makaabot sa isang humanisadong global na standard, kundi ang simpleng magkaroon lang ng hanay ng proyektong nagpapamukha na tila walang katapusan ang pagkilos ng kanyang mga pwersa. Ang paproyekto ay nagsasaad ng kinetisismo ng publikong serbisyo gayong mula sa ibaba, tinatangkang burahin ang anumang makakapagtunghay sa di-global na karanasan (tindera sa bangketa, pagdura, pag-aantay ng sasakyan sa kalsada mismo, at iba pa).

Kaya sa kabilang banda, sinusumpa naman ng nasa ibaba ang paproyekto ito dahil hindi na unti-unti kundi malawakan na ang pagbura sa di-kosmopolitan, di-global na urbanidad. Totoong hindi pa sagaran na nabubura ang mga nagtitinda sa sidewalk at di tumatawid sa napapakalayong pink at blue na pedestrian walk na wala nang lilim, tulad na lang sa Commonwealth Avenue, isang tampok na paproyekto ng MMDA.

Pero ang layon ay gayon na rin. Mas malayo sa nerve center ng MMDA, mas nababawasan na ang karanasang anti-urbanidad. Mas kumikitid ang daan, mas marami ang tumatawid sa highway, mas walang pedestrian walk. Na nagtataka ang napapadaan dahil sa ibang seksyon ng Commonwealth pa rin, ay halos magkakadikit naman ang pedestrian walk.

Iaakda ni Fernando ang astang urbanidad sa pamamagitan ng behavior modification. Binabago ang kalakaran ng pag-iisip, pagkilos at pag-uugali: paglalakad sa bahagi ng highway at pag-aantay sa elevated waiting area; pagpara sa mga bahaging ito lamang; maingat na pag-U-turn sa designated slots; towing kapag nasiraan o mali ng parada; red sidewalks para itakda na no parking at bawal magtinda; pink lanes para malinaw ang lunan ng publiko at pribadong pag-aari; at iba pa.

Ang problema ay di lamang epistemikong marahas ang behavior modification na ito. Sa usapin ng uri, mas humahaba ang nilalakad at tumatagal ang oras ng paglalakad ng mga nasa ibaba gayong mas bumibilis ang oras ng biyahe ng mga nasa itaas. Mas delikado nang tumawid sa mga walang pedestrian walk ang mga nasa ibaba dahil sa bilis ng sasakyan ng mga nasa itaas. Mas nabibiyayaan ang maykayang pribado kaysa publikong mamamayan.

Literal lalo pa ang karahasan. Binubuhusan ng gaas ang nakumpiskang binebenta sa sidewalk; spinre-spray ng “colorum” ang mga bus, taxi at FX na walang papeles; dine-demolish ang mga tirahan para malinis ang kalsada at tulay nang may 15 araw lamang na abiso; inilalagak ang street children at mga pulubi sa DSWD (Department of Social Work and Community Development) nang walang lubos na pagtatanto sa kanilang inbidwal na karapatan; at iba pa.

Pinipulisya ni Fernando ang mga nasa ibaba nang sa gayon ay hind maging kriminal. Dahil sa paglawak ng execution ng kanyang kapangyarihan, nakriminalisa na ang mga inaakalang di-ligal na gawain—pagtitinda sa sidewalk, pagsakay sa di-designadong bahagi, pagdura, pagtawid sa mismong kalsada—bago pa man aktwal na magampan ang ganitong gawain.

Kriminal na ang turing kaya naman napakahilig ni Fernando na gumawa ng mga rehasang seksyon sa mga proyekto. Pink pa nga para mas humanisado ang turing, na nagdo-double tasking na trellis sa malawakang pagpapatanim ni Fernando ng kadena de amor, ang opisyal na bulaklak ng Metro Manila.

Gayunpaman, malinaw na minamarkahan ni Fernando kung sino ang dapat ipulisya—commuters, pedestrians, sidewalk vendors—at kung sino ang hindi. Kung sino ang may akses sa ekonomikong kapangyarihan at pagkamamamayan, at kung sino ang wala at kulang. Anti-masa si Fernando at MMDA dahil ang turing sa masa ay mob na dapat pinupulisya.

Kung gayon, double standard ang panuntunan ni Fernando sa mga mamamayan ng Metro Manila. Para sa Italianong kritikong kultural, Antonio Gramsci, ang estado ay gumagamit ng tambalang pwersa at panghihimok para makamit ang konsensus na paborable sa kanya.

Ang panghihimok ay ginagamit ni Fernando para sa gitna at mataas na uri na may latay ang kanilang posisyon at tinig sa lipunan. Ang pwersa at dahas ay nakatuon sa mababang uri, na dahil sa abang indibidwal at kolektibong lagay, ay ninakawan na ng tinig at posisyonalidad ng estado. Paano magsasalita ang sa una pa lamang ay itinuring na ng estado na kanyang kaaway?

Kriminalisa ni Fernando sa Metro Manila ang lantarang pakikipagtunggali. Na sa isang palabas sa balita ay mismong mamamayan na ang tumulong magdemolisa ng kanilang tahanan para maprotektahan ang mga naimpok na gamit sa loob ng bahay. Na wala na silang magawa maliban sa pag-ayon sa pwersa ng baril, maso at makina ng anti-demolisyon team.

Ang tagumpay ng anti-demolisyon team, at ni Fernando at MMDA sa pangkalahatan, ay ipagpadaloy ang anti-mahihirap na gawain. Sa ngalan ng kinetisismo ng pagpapaproyekto na nagpapamistulang kay raming pagbabago sa infrastruktura ng globalidad sa Metro Manila, napapakabayo sa kariton ang maykayang mamamayan. Nagkakaroon ng blinders para hindi makita ang kakambal na karahasang dulot ng masibong pagkilos.

Pero tunay bang batayang pagbabago ang dulot ng pagpapaproyekto? Anim na buwan akong naglagi sa Kyoto, at sa aking pagbabalik, nagkaroon ng dalawang rotunda ang airport road at nawala ang interseksyong direktang nag-uugnay sa EDSA. Tunay namang umuusad ang trafiko, pero mas matagal lamang akong dinala nito sa aking patutunguhan.

Ang nangyari, ako na sa lipunang ito ay may gitnang uring posisyon, ay nagmistulang hamster sa spinning wheel sa kulungan. Ibig sabihin, kilos lang ako nang kilos pero wala naman talaga akong pinatutunguhan. Ang nangyayari lamang sa lahat ng pagbabago sa trinatransforma ni Fernando ay walang patumanggang pagkilos tungo sa pareho pa ring posisyonalidad.

Narereafirma ako at ang kakaunting iba pa sa aming nakakataas na lagay sa lipunan gayong lalong nasasadlak ang nasa mababang antas sa mas lalo pang abang lagay. Mas maraming kailangang habulin ang nasa ibaba para magkaroon ng akses sa nasa itaas.

Ang pinapadaloy ni Fernando ay neoliberalismo. Inaasa sa indibidwal ang pagkaagapay sa panuntunang globalidad na urbanidad. Ginagawang napaka-impyerno at marahas ang lagay nang nasa ibaba at napakataas ng panuntunang nasa itaas na may relief na espasyo mula sa purview ng estado, na ang rekurso para makaakyat ay nasa kanilang sariling mga kamay.

Kaya bakal na kamay ang pagsasadlak ng isa pang mantra ni Fernando at MMDA, “pantay-pantay kung may disiplina” na nagpapaalaala sa diin ng motto ng Bagong Lipunan ng diktador na Marcos, “sa ikakaunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.”

Ang sinasaad ng mantra ni Fernando ay ang paglalapat ng di-pantay na pagdisiplina para sa inaasam na behavior modification. At para makaabot ang nasa ibaba sa pamantayan ng pagkapantay-pantay, kinakailangan nitong madisiplina hanggang disiplinahin nito ang sariling pagkatao.

Sa motel, sa di-lubos na tanggap na lunan ng sexual na pagnanasa, pinapanasa na ang ibang uring pagkamamamayan na may finansyal na yaman para maka-book ng kwarto: pulisyahin ang sexual at iba pang pagnanasa, pumanatag sa itinakdang panuntunan, at tamasain ang temporal na kaligayahang iniendorso ng estado. Hindi na trespassing subject ang nasa loob ng motel, ipinaloob na siya at ang kanyang ginagawa sa lehitimasyong pang-estado ni Fernando at ng MMDA.

Sa lunan na ito, sa pagkakahon ng at pagdidisiplina sa pagnanasa, si Fernando ang non-erotikong bosing. Buti na lang at hindi siya literal na naalaala habang nakikipagsiping. Ipinagsisigawan ng kanyang mga tarpaulin ang kanyang mukha at mantra gayong, tulad ng isinasaad ng kanyang imahen, hindi naman siya gwapo.

Binago lang ang panuntunan ng pagkagwapo. Wala sa pisikalidad. Nasa internalisasyon ng disiplina at akses sa kapangyarihang estado. Ang inaakalang bawal at hindi katanggap-tanggap ay binigyan na ng rekurso para makapaloob sa pagkamamamayan ng estado.

Kaya ang halinghing ay sabayang pagtamasa ng sexual na ligaya, at latay sa hagupit ng estado ni Fernando.

Friday, June 06, 2008

Usapang lasing, usapang UP, Pasintabi Column



imahen mula www.kulay-diwa.com/ferdinand_doctolero "Inuman sa Kiosk"travelnoypi.wordpress.com/2007/05/

Usapang lasing, usapang UP

Matagal na kaming hindi nagkikita ng aking kamag-anak sa Nueva Ecija. Matapos ng ilang taon, umuwi ako para sa anibersaryo ng kamatayan ng aking lolo sa nanay.

Brusko ang mga lalake ng bahagi ng pamilyang ito. At gaya nang inaasahan ko, ako ang nakantyawan magpatak ng dalawang case ng beer. Hindi naman ako tumanggi o nagpakipot dahil matagal ko nga silang di nakita.

Nagsalitan ang oras sa pag-inom, kwentuhan at pagkuha ng pictures. Ganito ang family reunion, wala naman talagang bagong pinag-uusapan. Matapos malaman ang bago sa isa’t isa, ipapasa na ang impormasyon sa iba pang bahagi ng bahay.

Pati ang mga nasa kusina at tulugan ay updated na sa nangyayari sa buhay ng madalang nilang makita. Dalawa ang inuman. Ang isa ay nasa ilalim ng hindi pa natatapos na ginagawang bahay. Hardcore ito. Kayang magpatumba ng ilang case. Yung mas bata-bata ay sa balkonahe umiinom, kasama ng mga sanggol at paslit na pamangkin.

Sumama ako sa huli, pero nahabol ako ng unang grupo. Nang magdilim na at nagsisimula nang magposturang mamaalam, bigla akong tinabihan sa harap ng aking tiyuhin. Nagbukas siya sa pagsasabing iniririkomenda niya ang aking mga libro sa mga kakilala niya sa Cabanatuan.

Nagpasalamat naman ako, at bago ko matapos ito ay bigla ang kanyang kabig. Tumarak ang talim ng usapan. Sa simula, tinanong niya ako kung willing ba akong suportahan ang aking mga pamangkin. Wala pang nakakapasok sa UP (University of the Philippines) mula sa sangay ng pamilyang ito.

Ang sabi ko ay kung makapasok, bakit hindi. At ipinaalaala sa kanya ang aking laki o liit ng aking sweldo bilang limitasyon sa kung ano man ang kanyang iniisip. Ang sumunod niyang punto ay paano kung matalino naman ang kanyang apo at pamangkin, pero hindi nakapasok sa UP?

Kung may talento, maaring pumasok ito sa ilang certificate courses kapag hindi nakapasa sa UPCAT, ang qualifying exam ng UP. Nagulat ang tiyuhin ko, at tumaas ang boses. Hindi ko raw ba maipapasok o maililipat sa kursong nais nilang ipakuha?

Ang sabi ko ay wala akong kapangyarihan sa usaping ito. At lalong nagpaikot-ikot ang debate niya. Maraming nagtangkang lumahok pero nanatiling sekundaryo dahil siya ang senior. Akala ko ay lilipad na ang mga bote.

Alam nila ang benefisyo ng pagpasok sa UP: murang matrikula, magaling na reputasyon, maraming matutunan. Sa paningin yata nila, sinasara ko ang mga pinto ng UP sa kanilang mga kapamilya. Sabi ko ay hindi na mura ang matrikula. Ano raw kung walang pangmatrikula ang valedictorian?

Ang sabi ko ay hindi ito makakapasok. Sa PUP (Polytechnic University of the Philippines), kung saan tunay na mura pa ang matrikula, pumasok. O tustusan na lamang nila sa nursing schools sa Cabanatuan, tulad ng pagpasa ng isang pinsang dito na nag-aral.

Kung gayon, anong klaseng suporta raw ang sinasabi kong maitutulong ko? At bigla nga akong napaisip. Hindi ko sila maipapasok. At kung makapasok man, hindi ako makakatulong nang lubos sa usaping finansyal. Moral support? Na tila wala namang halaga sa kanila.

Pauwi na kami at binaybay ang malayong daang pinagsisiksikan ng mga malalaki at maliliit na sasakyan sa dalawang lane na highway. Hindi ko pa rin mapagpag ang kainitan ng usapan.

Tunay na makitid na ang pinto ng pagiging state university ng UP. Kung makapasok man, kailangang mamrublema sa matrikula at ang mataas na halaga ng edukasyon at libangan sa Manila. Sa naaprubahang bagong Charter, ito na ay national university, na maari nang isangkot ang pribadong negosyo sa pag-unlad nito.

At nalungkot ako sa pagiging realidad ng pangitain. Hindi na para sa mahihirap ang UP. Mas pinili nitong kumiling sa malalaking negosyo at sariling pagnenegosyo para matustusan ang paggastos.

Gusto kong humingi ng paumanhin sa aking tiyuhin sa kawalan, maliban sa moral na suporta, na maibibigay sa kanyang aspirasyon kapag ang kanyang unang apo, matapos ng labinglimang taon, ay magkokolehiyo na. Sana ay retirado na ako pagdating nang panahon.

Road Trip at Biyaheng Kawalan-Hanggan




imahen mula samelovillareal.com/.../landscape-photography/
www.artesdelasfilipinas.com/main/archives.php...

Road Trip at Biyaheng Kawalan-Hanggan

Patapos na ang bakasyon. At nitong nakaraang linggo ay natagpuan ko ang sariling nagbibiyahe sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. May biyaheng mag-isa, may biyaheng kasama ang kapamilya, at may biyaheng kasama ang mga kasama. May biyaheng pribadong sasakyan, may biyaheng Victory Liner, at biyaheng eroplano ng Cebu Pacific.

Ika ng zen, hindi mahalaga ang patutunguhan, ang mahalaga ay kung paano ka tutungo roon. Mahalaga ang biyahe, hindi ang destinasyon. Ang pagdating ay isa lamang paghahanda sa pag-alis. Isa na namang biyahe.

Ika ng social scientists sa U.S., ang pangunahing gamit sa biyahe sa bansa nila ay kotse. Ito ay simbolo ng indibidwal na mobilidad, ang pagnanasa na “Go west” at kolonisahin ang itinakdang sariling mundo, ang gitnang uring buhay na walang patumangging pagkilos tungo sa iba lugar. Ang doon ay nandito, ang dito ay nandoon. Paratihang wala ang indibidwal sa inaakalang akmang lugar.

Kaya ang sumpa ay walang hanggang pagkilos. Parang ang sumpa kay Samuel Bilibit na ang sumpa ay walang katapusang paglalakad sa isang libo’t isang lunan. At bawat lunan ay hindi destinasyon dahil ang sumpa ay ang paglalakad na walang patutunguhan.

Iniisip ko, purposive ba ang biyahe sa kulturang Filipino? Nagbibiyahe ba tayo nang sapilitan, tulad ng pag-aaral sa mas modernong syudad o kontraktwal na pagtratrabaho sa ibang bansa? Luho ba ang pagbibiyahe para magbakasyon? Ang biyahe ba, sa paratihan, ay kaugnay sa isyu ng paggawa? Na maging ang pag-aaral sa tertiary level ay paraan ng pag-igpaw sa karanasan ng paggawa?

Unang destinasyon: nakipista kami sa Masinloc, Zambales. Kakasunog pa lang ng limang bus sa Cubao Terminal ng Victory Liner, at sa terminal sa Kalookan City kami sumakay. Only-in-the-Philippines na passenger-friendly ang nanununog ng bus. Pinababa muna ang mga pasahero bago sunugin ang bus.

Malayo ang Zambales. Mabilis ang break sa “Double-Happiness” restaurant na puro fastfood at food stalls ang laman. Sa paghinto ng bus, mapipilitan kang gawin ang mga bagay dahil sa pangamba na matagal ang susunod na hinto. Napapaihi ka kahit hindi ka naiihi. Napapakain ka kahit hindi ka nagugutom.

Tunay na passenger-friendly rin itong bus. Lahat ng spesipikong hantungan ng bawat pasahero ay ihihinto ang gustong umibis, kasama ang ilang ulit na paghinto ng mga lalaking gustong umihi. Kakahinto pa lamang ay hihinto na naman. Kung nagbibilang ka ng oras, ito ang sandali na mapapabuntong-hininga ka na naman o gustong sabunutan ang sarili.

Buong araw ang biyahe, umalis ako ng bahay ng alas-otso ng umaga. Nagkitaan, siempre pa, sa pinakakumbinyenteng Jollibee branch, matapos ay nag-usap sandali kung saang terminal sasakay, nag-jeep at nag-bus patungo sa terminal, naghanap ng ATM sa harap na mall ng terminal, tumatakbong sumakay ng bus dahil dalawang oras pa ang antayan ng susunod na aalis, at anim na oras na nagbiyahe.

Mauubusan ka ng kwento sa biyahe. Sa simula ay buhay na buhay ang kwentuhan na tila nananamlay dahil pareho na kayong inaantok ng kausap mo. Matutulog pamandali o mapapatingin sa paligid na dinadaanan. Mabilis ang NLEX (North Luzon Expressway) at magastos. Hanggang Zambales ang apektado ng lahar mula sa pagsabog ng Pinatubo.

Ikalawang destinasyon: sa death anniversary ng amain sa Papaya (aka General Tinio, Nueva Ecija). Umupa kami ng van para magkasya ang apat na pamilyang delegasyon sa family reunion. Noong bata pa kami, madalas naming bagtasin ang mga daang ito dahil taga-roon kami. Nadagdagan ng ilang diversion roads ang mga bayan sa Bulacan at Nueva Ecija pero madali ring nagsisikipan dahil sa dami ng sasakyan.

Ito naman ang daang tricycle-friendly dahil kahit national highways ay pwedeng bumagtas ang mga sasakyang ito. At dahil two-lanes lang ang highway, kailangang matiyaga, malakas ang loob, at maingat ang driver para lampasan ang mga tricycle at iba pang mababagal na sasakyan, lalo na ang higanteng truck at bus.

Ang mga daan ay hindi nagpabilis ng biyahe. Nagsisiksikan ang mga sasakyan. Ang tatlong oras na biyahe noong kabataan ko pauwi sa San Leonardo ay nanatiling tatlong oras pa rin. Tila mas siksikan din ang mga bayan ng mga bagong tayong bahay, karamihan ay gitnang uri.

Lalo na sa Papaya na marami sa mga nakatira roon ay may kamag-anak sa Amerika. May mga apat na palapag na bahay na sa Papaya, at ang pinaggalaan kong mga lugar sa bakanteng bakuran sa San Leonardo ay nagsisikipan na ng bagong tayong bahay.

Ikatlong destinasyon: para magsalita sa kongreso ng College Editors Guild of the Philippines sa Davao City. Alas-kwatro medya nang madaling-araw ang lipad ng eroplano, at natagpuan ko ang sarili na gising na ng hatinggabi. Kulang siempre ang dalawang oras na tulog, at hindi rin naman makatulog sa airport kahit pa dalawang oras ang pag-aantay ng lipad.

Kung sa Iba at Subic ay higanteng tarpaulin ng babaeng Magsaysay na representatibo ang namumutiktik sa mga basketball court, paaralan at kalsada, sa Davao City ay Nograles ang pangalang inaanunsyo sa parke, kalsada at mga gusali. Mas maayos ang kalsada sa mga lokal na syudad, at hindi ito pinapalimot ng mga lokal na politiko sa kongreso.

Konkreto ang mga pook ng syudad, wala man lang puno sa kalsada o iilan lamang ang natitira. Ang kagandahan ng Davao City bilang pinakamalaking syudad sa buong mundo ay malawak pa rin ang kanyang erya na may tanim na puno. Malamig ang hangin kahit mas malapit ito sa equator. Mas lush ang pagkaluntian ng kapaligiran. Mas higante ang tubo ng mga halamang tanim.

Hindi pa dahil programado ito kundi dahil hindi pa lubos na nakakasabay ang laylayan sa pag-unlad ng sentro. Ang sentro ay nagsusumikip na. May high-rise buildings na ang Davao City, bahagi ng call center boom. Maraming namamalimos sa syudad. Ang unang palapag ng bagong tayong harapang building ng Ateneo de Davao ay komersyal na ipinapaupa.

Nakakapanlumong magbiyahe hindi lang dahil nakakapagod kundi dahil tila pare-pareho naman ang hitsura ng bansa, lalo na ang countryside. Kundi man bulubundukin, tulad ng Bataan, Zambales at Davao, kapatagan naman sa Bulacan at Nueva Ecija. Malinaw rin ang distinksyon ng maykaya at mahirap na syudad at munisipalidad, at ang paghihikahos na hindi nawawala sa kahit anong lugar sa bansa.

Kung manlulumo ka sa biyahe, bakit ka pa aalis ng Manila?

Serialisadong mukha ng kahirapan ang matutunghayan sa biyahe. Kahirapan sa kabundukan, kahirapan sa kapatagan, kahirapan sa syudad at kanayunan, kahirapan sa loob ng syudad, karangyaan sa loob ng nayon. Pinapagaan ng kwentuhan at biruan, maging ng aircon ng van, bus at eroplano ang bigat ng realidad ng kahirapan sa bansa.

Kaya nakakapagod ang kwentuhan sa road trip dahil sa kontexto ng malawakang pambansang pagdanas ng kahirapan ang backdrop nito. Safe passage ang mga sasakyan at NLEX at langit, pero nilalamon ng abang lagay ang lahat ng binabagtas. At ito ang tunay na “trip” sa road trip, hango sa pagkalungo sa droga at sa focus na aktibidad na dulot nito.

Trip lang ito, one-time big-time deal. At walang kasiguraduhang “good trip” ito, dahil ang mismong sinasambit ng droga ay pag-igpaw (kundi man pagtakas) sa historikal na realidad (kahirapan). Paano iigpawan ang isang meta-karanasang sumusubaybay sa bansa at pambansang pagkatao? Kaya ang anumang “good trip” ay hahantong din sa sakop ng temporal na pagdanas ng “bad trip.” Ang pagbaba ng tama.

Na hindi naman talaga bumababa dahil hindi naman naging lubos ang pag-igpaw. Kaya walang afinidad ang nakararaming mamamayan sa domestic tourism at panghalina nitong “huwag maging dayuhan sa sariling bayan.”

Ang paradox ay ganito. Tunay na ang malawakan at malalimang pagdanas sa kahirapan sa road trip ang balakid para mag-road trip. At kapag nag-road trip ka sa inaakalang magandang destinasyon, ang tunay na niro-road trip ay ang mapa ng kahirapan sa iba’t ibang lugar ng bansa.

Kaya ihanda na ang mga damit, bag at toiletries; at mabilisang paputukin ang thought balloon na ito. Magbiyahe na lang tayo sa travel-and-destination shows sa telebisyon, mula sa ligtas na lugar ng ating mga sala.

Unibersidad at Kanya-kanyang Bersyon ng Urban Renewal








imahen mula sa www.essential-architecture.com/STYLE/STY-M02.htm
http://www.ironwulf.net/2006/12/12/feu-alumni-gathering-and-heritage-award/
travel.yahoo.com/trip?pid=567266&action=printable
picasaweb.google.com/.../J_IJ3gAuvwfEpZLfEdi9vw

picasaweb.google.com/.../MTj2YstY-clsbj2dehmxmg
www.asiafinest.com/forum/index.php?showtopic=...


Unibersidad at Kanya-kanyang Bersyon ng Urban Renewal

Ang isang indikasyon na namamayagpag (kumikita o nabiyayaan ng pondo) ang unibersidad ay kung mayroon itong mga bagong gusaling itinatayo. Pero may kanya-kanyang inunlad ang mga pangunahing unibersidad sa Metro Manila. Ang paraan ng paglawak ng infrastruktura ay mas ugnay pa hindi sa pagyaman ng akademikong kagalingan kundi ng mismong pagyaman ng unibersidad, kasama ang emblematikong urbanidad at modernidad na sinasambit sa expansyon ng mga ito.

Ang Far Eastern University (FEU) ang tinitingnan bilang pinakadakila sa larangan ng campus at urban renewal. Pinatingkad ang art deco style ng arkitektura sa mga gusali. Nagmistulang panahon ng Amerikano ang kapaligiran kung saan umunlad ang stilong ito. Matatamlay na kulay berde ang mga gusali, at nagkaroon ng mas masinsing landscaping sa quadrangle ng campus sa Morayta.

Quaint ang pakiwari dahil nakaunipormeng checkered green na palda at puting blusa ang mga babae; gayundin, nakaunipormeng puting polo ang mga lalake. Parang nakapasok ang mag-aaral sa sinaunang pribadong mundo, simple ang buhay at nagtatawanan lamang ang mga mag-aaral na gustong matuto, kung saan ang edukasyon ay isang pribilehiyong tinitingala at pinaniniwalaang nagtitiyak ng mas maunlad na kinabukasan. Ay! Hindi naman pala nagbago ang saligang pananaw na ito sa higher education.

Tunay namang nag-urban renewal ang FEU sa paglipat nito ng medical school sa Fairview. Tanging core courses sa humanidades at social sciences ang nanatili sa Morayta campus. Pati ang labas ng campus ay napasadahan ng mas malawakan pero di pinag-isipang urban renewal ng dating mayor ng Manila, Lito Atienza, na sa kanyang administrasyon ay ekletikong binago ang Plaza Miranda, Plaza Moriones, Baywalk at Nagtahan Bridge.

Sumunod sa yapak ng FEU ang University of Santo Tomas (UST) na tinumbok ang modernong neo-classical na stilo ng disenyo ang mga bagong gusali. Sa likod ng main building ay may fountain sa ground level, na magpapaalaala sa mga fountain sa mall. Solidong konkretong may makikitid na bintana ang disenyo ng main building, kasama ang itinayong library. Sa restorasyon ng harap ng ospital, pati ang itatayong recreation building, tila “Jollibee” architecture na matitingkad na accent na kulay at curvilinear na disenyo ng bakal, salamin at kongkreto ang nangingibabaw.

Tanging ang UST sa mga pangunahing unibersidad sa Manila ang hindi pa naglilipat ng mga programa sa ibang bahagi o labas ng syudad. Kaya nananatiling nakapako ang urban na karanasan sa UST—nagbabago ang loob gayong nananatiling bahain, mausok at ma-krimen pa rin ang labas. Sa isang banda, sanktwaryo ang espasyo ng unibesidad; sa kabilang banda, time-warped ang fantasya ng klasikal na non-sekular na edukasyon nito.

Ang main campus ng University of the East (UE) sa Recto ang sumunod sa campus renewal ng FEU. Binalik sa sinaunang disenyo ang harapan ng theater sa main building sa bukana ng campus sa Recto, pinaliit ang mall area, at tanging ang harap ng unang palapag ang pinamumutiktikan ng branches ng Jollibee at bangko. May binuksan pang area, ang pinakakulang sa dating tila pinagsisiksikang campus ng mga estudyante (dating pinakamalaking populasyon ng UE sa university level), at ito ang garden na spinonsor ng isang patron ng unibersidad.

Sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), ang core academic area—ang mga gusaling pinababalutan ng oval—ay nagmistulang time-warped na rin. Walang bagong inobasyon, maliban sa College of Business Administration na nagpalawak ng kanilang harapan at nagdagdag ng palapag. Ang time-warp ay nagresulta sa mga gusaling parang kay tagal nang naitayo, nananatiling pareho pa rin, kundi man nabubulok na.

Ang pinakadekripitong gusali, hindi kataka-taka, ay ang Vinzon’s Hall, ang gusali para sa mga estudyante. Tanging “maliliit” ngunit makabuluhang neoliberal gestures ang matutunghayan sa oval: stalls na pumalit sa mga pwesto ng manininda, centennial flame at “UP @ 100” na ilaw sa Quezon Hall, at bike lane at one-way na ruta.

Ang expansyon ay nasa palabas na erya ng oval: ang inobatibong building cluster ng College of Architecture, at ang multi-bilyong Science Complex sa CP Garcia area; ang pagpapalawak ng kalsada ng C-5 sa Ripada; at ang nagaganap na Science and Techonology (aka call center complex) sa Commonwealth na bahagi.

Mas matingkad sa UP ang neoliberal na pag-unlad ng unibersidad sa campus renewal. Ang pagpapalawak ng C-5 ay magbubura sa komunidad na tinutuluyan ng mga kawani nito; ang S&T complex ay paglalatag ng kinabukasan ng unibersidad sa paanan ng pribadong negosyo; ang Science Complex ay resulta ng kolaborasyon sa administrasyon ni Gloria Arroyo.

Ang mga pribadong eskwelahang Katoliko ay mayroon din sariling diskarte sa kanilang campus renewal. Ang Ateneo de Manila University ay taon-taong nagtatayo ng bagong gusali sa estilong modenrong tropical—mga tisa ang tagiliran o bubong, maraming bintanang nakadikit imbis na nabubuksan, at may probisyon sa landscaping.

Nakabuo na ng bagong enclave ang Ateneo ng modernong gusali na napangibabawan na nito ang austere na ayos ng mga lumang gusali. Interesante rin na kalakhan ng mga gusali ay nakapangalan sa patron na nagbigay-pondo sa pagpapatayo nito, tulad ng mga burgis-kumprador na Pangilinan at Gokongwei. At nagpapanggap pa ang Ateneo sa kawalan ng carpark building gayong ang malaking bahagi ng lote ay nakalaan sa putikan kapag umuulan na paradahan ng mga pribadong sasakyan ng kanyang mag-aaral.

Interesante rin ang De La Salle University dahil sa pagpapalawak ng disenyong neo-classical na puting building. Lahat ng bagong gusali ay pinapatingkad ang stilo ng Main Building sa Taft. Ang problema ay ang kawalan ng open space para tumingkad ang mga gusaling may malalawak na pillars at matatayog na steps.

Parang siksik at nakapanliliit ang pakiwari sa loob ng kampus dahil sa kawalan ng open space. Kumpara sa aktwal na infrastruktura ng La Salle, kahit ang pinakamayamang mag-aaral ay magkakaroon ng humbling effect kung ikukumpara sa naglalakihan at naglalawakang gusaling kanyang kinahaharap.

Kakatwa rin naman na ang La Salle ay nag-shopping binge sa mga available na lote sa Taft at Singalong areas. Isa-isang binibili ng La Salle ang mga lote at lumang gusali, at nagtatayo ng high-rise building na may neo-classical na stilo. Mula sa patrong Yuchengco ang kanyang international relations na building sa Singalong.

Matingkad ang mga katangian ng campus renewal sa mga unibersidad. Una, nakatali ang pag-unlad sa negosyo at pamahalaan (sa kaso ng UP). Ito ang nagbibigay ng pondo sa pagpapaunlad ng infrastruktura sa mga kampus. Tila mga lapida ang mga building sa patrong nagbigay ng pondo sa pagpapatayo at bagong-ayos ng mga ito, o ang pamahalaan ni Arroyong tumustos sa pagpapalawak ng infrastruktura.

Ikalawa, ang pag-unlad ay hindi naman talaga nagsasalin sa akademikong kagalingan kundi sa pag-aastang nasa kaliber na ang unibersidad sa pambansa at global na panuntunan sa modernidad at urbanidad. Bagong gusali, bagong pananaw-mundo (business-as-usual sa kaso ng Ateneo; nostalgia sa “dakilang” kasaysayan ng iba pang pribadong unibersidad, kasama ang UP).

Ikatlo, ang campus renewal ay nagpapatingkad sa unibersidad bilang sityo ng tunggaliang pang-estado. Ang mahirap at mayaman sa loob ng campus (sa kaso ng maralitang tagalunsod at pati ang empleyado ng UP na nakatira sa ididemolisang Ripada area), ang scholar at regular student sa Ateneo, ang may notebook computer at ang wala, ang hindi nakapagbayad ng tuition at ang nakatustos na nito sa klase ng electronic surveillance sa gates ng La Salle, at no ID no entry policy ay ilan lamang halimbawa nito.

Sa labas ng campus, ang mga high-rise high-end condos para sa maykayang estudyanteng gustong tumira malapit sa kampus, ang pagtatayo ng negosyo para sa service industries sa edukasyon (laundry, fastfood, convenience stores, internet shops, cellphone loading nooks, xerox, at iba pa), ay lalong nagpapatingkad kung sino ay may kakanyahan ng full access sa unibersidad, at kung sino ang wala at maeetsapwera.

Ikaapat, ang campus renewal ay nagsasalin sa neoliberal na transformasyon ng edukasyon, syudad at bansa. Konektado ang nagaganap na pagbabago ng infrastruktura sa unibersidad sa urban renewal ni Atienza, Alfredo Lim at Sonny Belmonte, sa isang banda (lokalisadong transformasyon), at lalo na si Bayani Fernando sa kabilang banda (pangkalahatang transformasyon ng syudad at “kasyudaran” o cityhood). Konektado rin ito sa mall at leisure development nina Henry Sy, Gokongwei at Ayala.

Na hindi rin kakatwang nakaugnay sa pambansang transformasyon ni Arroyo na nilalayong tunay na nakaplug ang infrastruktura sa global na negosyo. Ang pagtatayo ng mga bagong gusali sa buong kapuluan ay halimbawa nito: condos para sa savings ng OCW, at malalawak na opisina para sa call centers.

Ang pag-uugnay ng mga isla sa kanyang navigation highway, kasama ang malawakang airport development program, ay lalong nagpapatingkad sa aspirasyong maihanda ang kasuluksulukan ng bansa sa global na kapital. Kung gayon, ang pagpupursigi ng mga unibersidad sa kani-kanilang campus renewal ay hindi hiwalay sa urban renewal ng mga lokal na opisyal, at maging ang national multinational renewal ni Arroyo.

Scenario A: Kung matalino at mahirap ka, at nakapasa ka sa mga unibersidad, kahit sa UP ay hindi ka na makakapasok; kung wala kang pera, hindi ka para sa mga unibersidad na ito.

Scenario B: “Umuunlad na talaga ang Pilipinas” kahit na iilan lamang itong sityo at representatibong nakakaangat.

Scenario C: Habang lumalawak ang infrastruktura ng mga unibersidad, lalong sumisikip ang akses rito.

Mabuhay ang henyo ng mga nagpapatakbo ng unibersidad, ang kanilang mga patron, at ang diyosang Arroyo!