Ang Layo ng Iwakuni sa Pilipinas
Nitong nakaraang Sabado ay nagpunta ako sa
Mahirap makipag-usap sa mga Hapon dahil hirap sila sa ingles, at ako naman sa Nihonggo. Kalahati ng pag-uusap naming ni Yuki ay nauuwi sa drawing sa likod ng mga materyales para sa rali. Pero plantsado na ang lahat pagdating, kasama ng mabilis na excursion sa
Itinanong ko kay Yuki kung ang mga bus na nakapara sa pampang ay mga turista o raliyista. Maging siya ay hindi alam ang sagot. Dinaanan naming sa community restaurant ang isa pa niyang kasamahang profesor at ang estudyante nito, na dating city council member.
Nang bumalik kami sa pampang ay tila reunion para kay Yuki at ang kanyang mga kasamahan. Maraming bumati kay at binati si Yuki. Ipinakilala niya ako sa iba pang kasapi ng AWC-Japan, kasama ng dalawang second-generation na biktima ng atomic bomb. Pisikal ang deformidad pero ang komitment sa rali at sa AWC ay hindi matatawaran.
Sa pampang ng ilog, tanaw ang ilog, tulay at ang kastilyo sa tuktok ng namumulang mga puno dahil sa pagdating ng taglamig, ang programa. Tulad sa atin, isang flatbed na trak ang gamit. Bandilang patayo, hindi pahalang nang tulad sa atin, ang bitbit ng mga tao. Walang martsa, rali lang ang ipinunta ng libo-libong tao.
Nagsalampakan sa tuyong pampang ang mga tao. Kakaunti ang matatanaw na mga bato sa pampang dahil sa nagsisiksikang mga tao. Habang inaantay ang simula ay tumugtog ang Okinawan na awit, gamit ang sanshin o tatlong kurdong gitara, ang isang musikerong nahalal sa Diet, ang kongreso ng
Isa sa unang nagsalita ang mayor ng syudad.
Nasa kalagitnaan na ang pagpapalawak ng naval base sa Iwakuni. Kapag matapos ito, ang base ang magiging pinakamalaki ng U.S. sa
Mula tatlong libong sundalo, inaasahan na lalaki hanggang limang libo ang kapasidad ng base. Isa ang
Bahagi rin ng pagpapalawak ng pwersa ng
Nagsalita ang mga politiko mula sa Communist Party, oposisyon ng Diet at gobernador ng Hokaido, isa pang lugar na gustong palawakin ang sakop ng base ng
Mabilis na nag-alisan ang mga nagrali. Naiwan muli ang mga batong nakahiga sa pampang, tulad ng mga ilog sa atin. Nag-drive kami sa labas lang nang base, at tunay na malaki ang lupang pinalalawak mula sa dagat. Galit ang lider ng komunidad na pinagtapyasan ng bundok. Muli sa labi ng lumang templong inilagay sa tuktok ng burol, tanaw naming ang patag na bundok.
Dinaanan namin ang bars sa kagyat na labas ng base, mga pangalan ay
Sa kauna-unahang pagkakataon, sa ilang sandali, tila nasa iisang espasyo ang Iwakuni at ang Pilipinas. Tulad ng dalawang magkakaugmang nakalatag na bato sa pampang ng ilog.
No comments:
Post a Comment