Abang Lagay at Pakikibaka
Ayon sa kwento ng pasko, natunghayan ng tatlong matatalinong hari ang sabsabang pinagsilangan ni Hesus sa pamamagitan ng pagsunod sa tala. Ang kolektibong pang-araw-araw na buhay ng maraming mamamayan ay nasa abang lagay.
Kaliwa’t kanan ang pagtaas ng presyo ng gasolina at bilihin; walang sapat na kita, marangal na trabaho; walang sariling bahay o lupang sinasaka; walang paggalang sa karapatang pantao; at walang konsepto ng panlipunang hustisya ang estado.
Ang mga mayamang nangurakot, hina-house arrest sa kanilang rest farm at pinalalaya. Ang mga trapong pinagtatangkaang ligwakin sa posisyon, ipinagtatanggol para muling makakapit na parang tuko. Si Gloria Macapagal Arroyo, di hamak na mas mataas ang akusasyong pangungurakot na US$165 bilyon kaysa sa mas matagal na diktaduryang Marcos na $10 bilyon. Nagbiyahe sa
Sa isang saglit, namudmod si Arroyo ng tig-P10,000 sa 1.4 milyong manggagawa ng gobyerno. Nakapanghahalina ang gasgas na Christmas carols sa malls. Pati mga kalsada ay may dekorasyong pampasko. Naging pagkabilanggong pamhabambuhay ang sintensya ng OCW sa
Tila ito ang mga tala na nagpapapursigi sa mga mamamayan—ang posibilidad na makakamit ang layunin, makikita ang isang messiah, at maisasalba ang kanilang indibidwal na bagahe. Hindi ba’t pagkatapos ng kwento ay biglang naglaho ang tatlong hari? Ni wala silang nagawa sa masaker na ipinag-utos ni Haring Herod ng mga musmos na lalake, dalawang taon pababa ang edad. Kundi pa sila ginising nang anghel ay napagkanulo nila ang lokasyon ng bagong silang sa hari.
Napagtagumpayan ang pagpapalabas kay Elizabeth Principe, na matapos itong tortyurin nang ilang araw ng militar ay napilitang ihayag ang kanilang custody nito. Nakatakas naman sa kanyang military captors si Raymond Manalo para maging saksi sa pasismo ng estado ni Arroyo, kasama ang paglalahad ng maaring worst scenario hinggil sa nawawalng dalawang estudyante ng U.P. Patuloy ang paggunita ng mga kaanak ng mga politikal na pinaslang at dinampot.
Nagbigay-diin ang Gabriela at League of Filipino Students sa unang anibersaryo ng hatol ng pagkasakdal sa rape kay Lance Corporal Daniel Smith sa mismong U.S. Embassy na may custody sa sundalo. Nakadiretso ang mga maralitang tagalunsod ng Kadamay sa Mendiola, matapos nang mahabang panahong bawal may magrali rito. “Oust Gloria” at “Fight for greater state subsidy” ang mga panawagan ng mga nakahubad sa
Dito sa Japan ay nakakapanlakas ang mga pagkilos para sa pandaigdigang araw ng karapatang pantao. Mayroon sa
Pinagyayaman tayo nitong mga tala. Ginagabayan ang mamamayan ng ibang talang nagpapaasa sa pahugot ng lakas mula sa sarili at kolektibo. Hanggang sa ang mga uod ay hindi na lamang sunod-sunuran sa kanilang tadhana, magkakaroon ng butterfly effect na ang pagkumpas ng mga pakpak nito ay kayang lumikha ng super-typhoon sa karatig-pook. Hindi na aasa sa natatanging boses ng anghel na magdudulot ng indibidwal na katubusan, kundi sa kolektibong tinig ng pakikibaka ng kilusang masa. Hindi na magiging deboto ng mga superstar na may liga ng masang tagasunod.
Kung aba ang kalagayan, bakit hindi mag-aklas?
Ika nga ng isang manunulat, “Hindi kasamaan, hindi kabutihan, tanging pakikibaka lang.” Maaring idagdag, hindi kalakasan, hindi kahinaan, kundi buhay sa pakikibaka.
No comments:
Post a Comment