Tuesday, December 25, 2007

Pasko, Paksiw, KPK Column



pix mula sa store.shopmanila.com/Merchant2/merchant.mv?Sc...

Pasko, Paksiw

May isang pabigkas na laro, salitan na sinasabi ang “Pasko” at “Paksiw” at ang isasagot ng kalaro ay yaong hindi sinabing kapareha. Kapag sinabing “Pasko,” ang isasagot ay “Paksiw,” at vice-versa. Ang katuwaan sa laro ay ang inaasahang maling pagbigkas ng sagot. Tongue-twister game kumbaga.

Nagkakamali ang bigkas dahil inaasahan niyang magkamali. Pumaloob siya sa larong alam niyang may pagkakamaling magaganap. May banayad na relasyong pangkapangyarihang nagaganap sa laro: mas madalas, ang nagkakamali ay ang sumasagot. Hawak ng naunang nagsasalitan sa dalawang salita ang kapangyarihang pagkamaliin ang kalaro. Ang kalaro ay sunod-sunuran ang pagtugon sa inuhuhudyat ng unang tagabigkas, kaya sunod-sunuran din sa pagkakamali.

Dahil inaasahang sumagot, sumasagot. Dahil inaasahan na magkamali, nagkakamali. Kasi nga ay pumaloob sa laro na may nagtatanong at may sumasagot. May tumpak at angkop na paraan ng pagbigkas, mayroong mali at pagkabulol. Pumaloob din kasi sa rehimentasyon ng diskurso ng wika, na tuwid ang mga salita, na hindi pwedeng mamaluktot ang dila.

Walang direktang relasyon ang dalawang salita maliban sa paghahanda ng bitag ng pagkabulol sa sumasagot. Maaring isipin na sa pasko, kapag may lechon, nagiging paksiw dahil sobra-sobra ang karne at balat (kasama na ang taba) kinabukasan. Ang sarsa ng lechon ay nagiging sabaw sa paksiw na lalo pang pinatingkad ng suka at paminta bilang preserbatibo ng inihaw na karne. Ito ang referens ng dalawang salita. Ang di hayag ngang sinasambit ng relasyon ay ang pagkabitag ng naglalaro, at ang kahandaan ng sumasagot na makipaglaro, mabitag at mabigkas sa bulol na pamamaraan ang mga salita.

Hindi isda ang inaasahang ipaksiw sa kapaskuhan, o iba pang karne. Tanging lechon lamang. Hindi nga ba’t mitolohikal na ang lechon sa mayoryang hapag-kainan? Milyon-milyong kabahayan ang dumadanas na nagugutom, at nagdedeklara ng sarili na sila ay tunay na mahirap. Lechon ang paboritong pagkain ni Sharon Cuneta (at parang di naman tayo nagtataka, di ba?). Lechon ang isa sa “pampabata” na pagkain, tanging di matatandang may hypertension at sakit sa puso ang maaring kumain ng deadly na pagkain na ito.

Nilalaro ang mga naglalaro ng laro. Sa maraming naghihirap, wala na ang kontextual na referens ukol sa lechon. Parang ginawa na lamang silang mga musmos na namamalimos ng Jollibee at McDonalds mula sa kabilang bahagi ng salamin, sa may lansangang makakadungaw sila sa gitnang uring pangarap na araw-araw nilang nakikitang nakakamit nang nakakahigit sa kanila.

Invisible itong salamin, tagusan na natutunghayan ang dalawang mukha ng lipunang Filipino. Isang nagdarahop sa mas malaking labas ng fastfood outlet, at isang nakararanas ng gitnang uring kasiyahan ng buhay, bagamat temporal lang naman, sa mas maliit na espasyo. Natitikis ng kumakain ng Quarter-pounder o Chicken Joy ang mga mukha at karanasang tinatakasan niya kaya nga siya, in the first place, kumakain sa ganitong mamahaling lugar.

Una ay maari siyang magmaan-maangan na parang wala itong kaibang karanasan sinisimbolo ng batang namamalimos. Ikalawa, maari siyang lumipat nang pwesto na kung saan hindi niya mas lubos na matatanaw itong indexical na referens ng kanyang tinatakasan, sa maliit na sulok ng gitnang uring karangyaan. At ikatlo, sa benevolence ng gitnang uri, maari siyang maglabas ng bahaging maipapamahagi sa batang namamalimos, tutal ay pasko naman, maging charitable at tila maririnig pa sa background, “ang pag-ibig ay naghahari.” Naiibsan ang kanyang gitnang uring guilt.

Anuman ang kanyang piliin ay hindi lubos na matatanggal ang kaiba, kaya nga bitbit at sublimated ang guilt ng gitnang uri. Sa pagpasok niya sa fastfood at iba pang establisyimento, sa pag-aaral niya sa kolehiyo at pagmo-malling, pagsakay ng FX o taxi, pinili na niyang maging gitnang uri. At ang lahat na nasa espasyo ng kanyang piniling gitnang uring pook ay ang nagmamarka ng kanyang nais takasan, ibsan, at ang hindi maging kahit pa hindi niya ito malulubos dahil higit na mas malaki at may kapangyarihang hindi rin lubos pang narerealisa ang nasa labas ng kanyang pook.

Kaya naman kapag sinabing “Patalsikin si Gloria” ay hindi maaring mabulol. May aliterasyon din ang pagbigkas, tulad ng sa “Pasko, Paksiw,” pero walang pagmamaliw. Malinaw ang mga kataga, ang indexical na referens, at maging ang kolektibong bumibigkas nito, pati ang kontexto ng pagbigkas, mga mass action. Konsolidado ang bumibigkas hanggang ang koro ng dalawa at higit pa ay marealisa sa waring hindi marerealisang relasyon ng “Pasko, Paksiw” sa nakararaming mamamayan.

Friday, December 21, 2007

Abang Lagay at Pakikibaka, Pasintabi Column

mula sa http://www.globaleducation.edna.edu.au/archives/images/Tip.jpg



Abang Lagay at Pakikibaka

Ayon sa kwento ng pasko, natunghayan ng tatlong matatalinong hari ang sabsabang pinagsilangan ni Hesus sa pamamagitan ng pagsunod sa tala. Ang kolektibong pang-araw-araw na buhay ng maraming mamamayan ay nasa abang lagay.

Kaliwa’t kanan ang pagtaas ng presyo ng gasolina at bilihin; walang sapat na kita, marangal na trabaho; walang sariling bahay o lupang sinasaka; walang paggalang sa karapatang pantao; at walang konsepto ng panlipunang hustisya ang estado.

Ang mga mayamang nangurakot, hina-house arrest sa kanilang rest farm at pinalalaya. Ang mga trapong pinagtatangkaang ligwakin sa posisyon, ipinagtatanggol para muling makakapit na parang tuko. Si Gloria Macapagal Arroyo, di hamak na mas mataas ang akusasyong pangungurakot na US$165 bilyon kaysa sa mas matagal na diktaduryang Marcos na $10 bilyon. Nagbiyahe sa Spain ang buong First Family, kasama ng 37 representatibo na walang maisip ang marami kundi bilang pabuya sa pagkaligtas pa rin sa napakaraming sigalot ng pangulo.

Sa isang saglit, namudmod si Arroyo ng tig-P10,000 sa 1.4 milyong manggagawa ng gobyerno. Nakapanghahalina ang gasgas na Christmas carols sa malls. Pati mga kalsada ay may dekorasyong pampasko. Naging pagkabilanggong pamhabambuhay ang sintensya ng OCW sa Kuwait si Marilou Ranario, hindi na siya bibitayin. Nagpakamatay ang batang taga-Davao para lamang akusahan ang kanyang pamilya na hinalay ito. O sa mas naunang panahon, nagtatag si Arroyo ng Melo Commission para imbistigahan ang politikal na pagpaslang, kahit wala pang naisasakdal at naipapakulong mula sa ulat nito.

Tila ito ang mga tala na nagpapapursigi sa mga mamamayan—ang posibilidad na makakamit ang layunin, makikita ang isang messiah, at maisasalba ang kanilang indibidwal na bagahe. Hindi ba’t pagkatapos ng kwento ay biglang naglaho ang tatlong hari? Ni wala silang nagawa sa masaker na ipinag-utos ni Haring Herod ng mga musmos na lalake, dalawang taon pababa ang edad. Kundi pa sila ginising nang anghel ay napagkanulo nila ang lokasyon ng bagong silang sa hari.

Para itong mga caterpillar sa isang illustrated na librong hindi ko na matandaan ang titulo: na lahat ay nagmamartsa patungo sa tore ng mga uod, at nang magtanong ang bagong sulpot, walang maisagot kung bakit. Lahat ay tumutungo sa kung saan ang lahat ay tumutungo.

Napagtagumpayan ang pagpapalabas kay Elizabeth Principe, na matapos itong tortyurin nang ilang araw ng militar ay napilitang ihayag ang kanilang custody nito. Nakatakas naman sa kanyang military captors si Raymond Manalo para maging saksi sa pasismo ng estado ni Arroyo, kasama ang paglalahad ng maaring worst scenario hinggil sa nawawalng dalawang estudyante ng U.P. Patuloy ang paggunita ng mga kaanak ng mga politikal na pinaslang at dinampot.

Nagbigay-diin ang Gabriela at League of Filipino Students sa unang anibersaryo ng hatol ng pagkasakdal sa rape kay Lance Corporal Daniel Smith sa mismong U.S. Embassy na may custody sa sundalo. Nakadiretso ang mga maralitang tagalunsod ng Kadamay sa Mendiola, matapos nang mahabang panahong bawal may magrali rito. “Oust Gloria” at “Fight for greater state subsidy” ang mga panawagan ng mga nakahubad sa APO run ngayong taon.

Dito sa Japan ay nakakapanlakas ang mga pagkilos para sa pandaigdigang araw ng karapatang pantao. Mayroon sa Tokyo, Nagoya at Kyoto. Nauna na sa Seoul, Korea at mayroon din sa Hong Kong. Kahit pa nanamlay ang marami, naiwang maningning pa rin ang naging buhay at ambag ng pagyao ng mga guro at manunulat na sina Monico Atienza at Rene Villanueva.

Pinagyayaman tayo nitong mga tala. Ginagabayan ang mamamayan ng ibang talang nagpapaasa sa pahugot ng lakas mula sa sarili at kolektibo. Hanggang sa ang mga uod ay hindi na lamang sunod-sunuran sa kanilang tadhana, magkakaroon ng butterfly effect na ang pagkumpas ng mga pakpak nito ay kayang lumikha ng super-typhoon sa karatig-pook. Hindi na aasa sa natatanging boses ng anghel na magdudulot ng indibidwal na katubusan, kundi sa kolektibong tinig ng pakikibaka ng kilusang masa. Hindi na magiging deboto ng mga superstar na may liga ng masang tagasunod.

Kung aba ang kalagayan, bakit hindi mag-aklas?

Ika nga ng isang manunulat, “Hindi kasamaan, hindi kabutihan, tanging pakikibaka lang.” Maaring idagdag, hindi kalakasan, hindi kahinaan, kundi buhay sa pakikibaka.

Eraserheads sa Kansai, KPK Column

Eraserheads sa Kansai


pix mula sa www.myspace.com/eheads

Isang oras ang biyahe ng tren mula Kyoto patungong downtown Osaka, at isang oras pabalik. Sa unang beses na muli kong pinakinggan ang best-of ng Eraserheads, matapos ng mga isang taon din, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Parang malungkot na masaya, may pangungulila pero walang pagdadalamhati, may napukaw pero hindi ko matukoy.

Sino ba naman ang hindi mangingimi sa mga awit ng Eraserheads? Ilang henerasyon na ng kabataan at kabataang musikero ang umaawit at tumutugtog ng kanilang musika. Sa katunayan, sila ang pinakabatang banda na nagkaroon na ng remake ng kanilang musika ng mga nauna at kasalukuyang musikero. Ito ang isang hudyat na pinakamalaki ang kontribusyon ng Eraserheads sa umusbong na musika ng henerasyon ng kabataan noong dekada 80. Malaki rin ang tulong na matagumpay na nag-disband na ang grupo bago pa man sila pumalaot sa paghihikahos ng pagkalaos, o pagpalit ng lead singer via ng reality television.

Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman. Gaano naman kasi karami ang nagkaroon ng syota na biglang gumanda at nabuklat ang nakatiwangwang na katawan sa isang magazin na may bastos na titulo? O ang makakapanglait sa jologs at sa mismong mga nanlalait ng jologs sa naratibo ng isang wanna-be punk at rockista sa labas ng Club Dredd na muli na ring binubuhay? O ang nagkaroon ng Latinong romansa, mala-tango ang pighati, sa isang perfektong pag-ibig na nauwi lamang sa disgrasya at ang alaala ng pagsasayaw ng el bimbo? O ang paghahanap ng kumpiyansa sa sarili sa mga pare, kaberks, kapips na handang makinig, nang ang pagka-in-love sa isang kolehiyalang hindi nasuklian nang lubos?

Masakit ang lyrics ng Eraserheads. May release na nararamdaman sa mga murang tadtad sa “Pare Ko,” halimbawa. Sino ba naman ang hindi mapapamura sa sama ng loob sa unrequited love? Dagdag pa rito, ang mala-kwentong impetus para sa mga “nakakaburat” na dalamhati, “nakakaburat pero minamahal pa rin” ang hindi marunong tumumbas sa pagmamahal. “Baduy” pero may “pakikiramay.” Hindi nga ba’t tadtad ng self-reflexivity ang lyrics? Alam ng nakikinig na gasgas na ang ganitong sentimiento, pero nagtatagumpay pa rin, ilang henerasyon na nga ang umuusad.

Nasal ang boses ni Eli Buendia, may kapayakan ang musika, maraming aksesoryang musical instruments para mapatingkad ang mga yugto-yugtong emosyonal na pagdalamhati, at higit sa lahat, ang chuwariwap na stilo ng back-up vocals sa refrain—nahihigop ng banda ang emosyon at ang mental at bodily na pakiwari ng nakikinig.

Ang sinasambit ng musika ng Eraserheads, pinakamatagumpay pa rin sa anumang banda matapos nila, ay ang nostalgia. Ito ang nanghihimok ng ideal na pakiwari kahit pa una’y hindi naman talaga ideal ang karanasan sa simula at pagtatapos man. Kung tunay na pumaloob sa karanasan ng unrequited love, halimbawa, after-effect na lamang na masasabi na hindi maganda ito—ilang linggo, buwan at pati taon na pinupulot ang ego sa sahig, mas walang dangal ang pinaggagagawa matapos ang discovery nito kaysa sa infatuation sa simula, at mabaliw-baliw ang indibidwal na pumiling tangkilikin ito.

Pero sa awit ng Eraserheads, masarap at maganda ang pahiwatig ng unrequited love dahil perfekto ito sa “Pare Ko,” “Hey Jay” at “Huling El Bimbo,” pati na rin sa hindi direktang sinasambit, ang pagmamahal sa kolektibo sa “Para sa Masa.” Sa indayog ng lyrics at musika, predetermined ang response para magkaroon ng impetus tungo sa nostalgia—nanghihinayang sa modelong hulmahan ng karanasan. Kaya nga mas magandang hindi nakakamit dahil ang natitira ay ang panghihinayang. Walang panghihinayang kung nakamin ang karanasan sa kabuuan nito.

Ang lyrics ay staging ng ideal na panghihinayang ng karanasan sa pag-ibig. At sa mga hindi pa dumanas ng ganitong karanasan, ang ginagawa ng musika ay i-stage ang panghihinayang na makaka-identify ang mga nakikinig at makikinig kahit pa hindi sila lubos na kaisa sa sinasambit na karanasan. Ang nangyayari ay vicarious existence o umaasa sa karanasan ng iba—perfektong ideal nga ito—para mapunan ang sariling karanasan o madanas ang ideal sa poder ng isang ligtas na posisyon. Hindi naman ako ang politikal na pinaslang, inabduct, dinemolish ng bahay sa riles, ang driver na direktang naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasoline.

Kaya nagtatagumpay ang mga palabas sa telebisyon. Si Marimar ay inaapi at nakaka-identify ang manonood dito dahil sila man ay may antas nang kaapihan. Pero ayaw ng manonood na literal na danasin muli ang pang-aapi sa kanila kaya pinapalaot ang impetus na ito sa bidang babaeng magtatagumpay sa huli. Kaya itong himukin—ang pag-tap into sa kamalayang di lamang may kulang kundi dinadaot pa ng estado—ng pelikula, telebisyon at musika.

Ang mga mall ay gayon din—ligtas ang pagtangkilik sa pagdanas ng inaasam na ideal na karanasan sa pagiging First World. Si Gloria Macapagal Arroyo ay sinasambulat din ang proyekto ng nostalgia sa pagpili sa pangalawa sa pinakamapait kaysa sa aktwal na pinakamapait na karanasan ng pagkamamamayan: ang batang namumuhay sa paghihikahos o ang pagpapatiwakal nito? ang sentensyang kamatayan sa OFW na si Marilou Ranorio sa Kuwait o life-sentence na lamang? O ang P10,000 performance bonus sa 1.4 milyong empleyado ng gobyerno at ang paghihikahos na karanasan matapos ng saglit na ito?

Isang saglit ng ginhawa ang naramdaman ko sa pakikinig sa Eraserheads sa tren. Hindi ko sinasabing kabahagi sila ng panunupil ni GMA, pero may hibla na ang kanilang pagsesentimiento ay kabahagi ng sentimientong hinahabi ng at nagbibihis sa estado, ilang henerasyon na ng kabataan ang nakakaraan at dadaan pa. Mahalaga pa rin ang saglit na iyon, muling nagkaroon ng sandali na tila familiar at para akong nasa Pilipinas kahit hindi, at malamang kaya ako nakatulog nang mahimbing ng gabing iyon.

Ecard mula sa Kalikasan Peoples Network for the Environment

Pahayag ng UPWidem Ukol sa Hearing sa UP Charter sa Senado

PAHAYAG NG UP WIDE DEMOCRATIZATION MOVEMENT 3 (UP WIDEM 3) SA MGA KAGANAPAN SA SENADO DISYEMBRE 18, 2007 KAUGNAY NG TALAKAYAN SA UP CHARTER

Hangad ng karamihan ngayong paparating na Sentenaryo ng UP ang isang bagong UP Charter. Pero hindi pwede ang basta kahit anong Charter na lamang. Kailangan ng UP ng isang Charter ng ika-21ng siglo na magtataguyod ng hangarin para sa higit na demokratikong pamantasan at magtatanggol dito laban sa panganib ng ganap na komersyalisasyon.

Upang makamit ito, naging aktibo at walang kapaguran ang partisipasyon ng malawak na alyansang multisektoral na UPWIDEM 3 sa pagtataguyod ng bisyon ng bagong UP Charter na napanday sa pamamagitan ng masinsinang demokratikong proseso ng konsultasyon sa buong komunidad. Sumali ang UPWIDEM 3 sa maraming deliberasyon sa Senado at Kongreso upang maihapag ang posisyon ng mga mag-aaral, guro, kawani at REPS at makapagpalaganap ng mga position paper na naglalaman ng mga konkretong alternatibo sa pinapaboran ng administrasyong bersyon ng UP Charter ni Sen. Francis Pangilinan.

Nitong nakaraang Lunes (ika-17 ng Disyembre) ay biglang naging bahagi ng agenda ng Senado ang pag-apruba ng UP Charter. Dahil hindi napagsabihan nang mas maaga ay hindi nabasa ng mga senador ang Committee Report hinggil sa Charter. Sanhi nito'y sinabi ni Sen. Jamby Madrigal na hindi matatalakay nang maayos ang UP Charter na hindi pa nababasa ng mga senador ang ulat ng komite. Dahil sa interbensyong ito ay pumayag si Sen. Pangilinan na hintayin hanggang sa susunod na araw ang mga amyenda ni Sen. Madrigal para malaman kung ano ang maaaring maipaloob sa pinal na rebisyon.

Pagdating ng sumunod na araw ng Martes, Disyembre 18, ay napag-alaman na matindi ang pagtutol nina nina Pres. Roman hinggil sa pagkakaroon ng isang consultative assembly bilang bahagi ng demokratisasyon ng pamamahala sa Unibersidad. Kinausap ni Sen. Madrigal si Senate President Manny Villar kaugnay ng naturang amyenda. Sinabi ni Sen. Villar na lapitan ni Senator Madrigal si President Roman para matingnan kung ano ang maaaring mapagkaisahan.

Nang nilapitan ni Sen. Madrigal si Pres. Roman kasama ng dating Student Regent Marco delos Reyes, na nasa staff niya ngayon, para imungkahi kay Pres. Roman ang usapin ng posibleng pagsasama ng demokratikong istruktura ng Consultative Assembly sa pinal na bersyon ng Bill ay agad na lamang tinaasan ng boses ni Pres. Roman si delos Reyes at pinaratangan pa siyang traydor sa UP (“You are doing a disservice to UP”) kasama ng pagmumwestra ng kanyang daliri.

Sinabi rin ni Pres. Roman ni kinakatawan lamang ni delos Reyes ang minoryang opinyon sa Unibersidad. Nasabi ng kapitapitagang presidente ng UP ang lahat nito bago pa man nabuksan ni delos Reyes ang kanyang bibig. Dahil sa ganitong asta ni Pres. Roman sa miyembro ng kanyang staff ay pinuna ni Sen. Madrigal ang napansin niyang "arogansya" nina Pres. Roman at iba pang opisyales ng UP na ayaw makinig sa kabilang panig at ipinipilit ang kanilang posisyon sa Senado. Kinuwestiyon niya ang pag-ako nina Pres. Roman at ng kanyang mga opisyal ng eksklusibong karapatan na katawanin ang sentimyento ng komunidad ng UP. Sa bahaging ito ay nakapalibot na kina Roman ang mga naroroong mag-aaral, guro, kawani at REPS ng UP at malakas na pinalakpakan si Sen. Madrigal.

Ano ang batayan ng mga agam-agam ni Sen. Madrigal?
Ano ang batayan ng pagtutol ng UPWIDEM 3 sa bersyon ng UP Charter ni Sen. Pangilinan at ng administrasyon ni Roman?
Unang-una, nakakabahala ang pagtanggi ng administrasyon ng UP ng anumang simpleng hakbang tungo sa demokratisasyon ng pamamahala tulad ng pagbubuo ng mga "Consultative Assembly." Ikalawa'y nakakabahala rin ang kawalan ng sapat na mga probisyon sa naturang Bill ni Sen. Pangilinan upang maproteksyunan ang UP sa sagadsarang komersyalisasyon. Ngayong may pagkakataon upang bigyan ng higit na demokratikong katangian ang pamamahala ng UP. Ngayong may pagkakataong igiit at panindigan ang katangian ng UP bilang isang State University na may layuning magsilbi sa pangangailangan ng nakararami para sa edukasyon.

Ang lahat ng tumututol sa mga hakbangin ng administrasyon nina Roman tungo sa ganap na komersyalisasyon at pribatisasyon ng Unibersidad ay binabansagan nilang kaaway ng pag-unlad at inaakusahang kaaway ng Unibersidad mismo.

Pero naninindigan ang UP Wide Democratization Movement na binubuo ng Student Regent, ng STAND-UP, ng All UP Workers Union, ng All UP Academic Employees Union, ng Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-UP) at iba pang mga indibidwal na ipagpapatuloy nito ang paglaban para sa
isang UP Charter na higit na kumakatawan sa diwa at kaluluwang demokratiko at makamasa ng isang tunay na Unibersidad ng sambayanang Pilipino.
Isulong ang pakikipaglaban para sa isang demokratikong UP charter!
Tutulan ang patinding komersyalisasyon ng UP!

Statement of Former Student Council Chair, Marco M. Delos Reyes on Roman's Arrogance

Open Statement on the Arrogance of UP President Roman
Last night, December 18, 2007, someone, obviously with connections to the UP Administration, sent this text message around: “PERR and VP Leonen had heated argument wd Jamby Madrigal who brought group of union members and students 2 pres roman and insisted that she debate wd them on charter. Then got on mic and insulted perr and all univ officials as arrogant n vs. transparency. D session was adjourned after kiko pangilinan put on record that he disagreed. Pls. pas.”
I was in the Senate Session Hall yesterday and was with Sen Madrigal when the incident referred to by the text message happened. What I have seen were actions hardly fit for a University President, much more when that president comes from my beloved UP.
For the whole day of 18 December 2007, my colleagues and I from the Office of Senator Jamby Madrigal were busy drafting amendments to the UP Charter Bill based on the submissions of the UP Wide Democratization Movement (UP WIDEM) to promote democratic governance and accountability, and to strengthen state support to the University of the Philippines through its charter amendments. At the same time, we were discussing these matters with the staff of Sen. Pangilinan to hopefully reach a compromise.
My principal discussed these proposals, too, with Sen. Pangilinan and Senate President Villar , who advised us to discuss the same with UP Pres. Roman and her group. Sen. Madrigal took the initiative to approach them at their seats in the gallery, with myself by her side.
We expected a congenial discussion, but what we got were verbal abuses and insults to my self.
I was yet to say my greetings to UP Pres. Roman when she started pointing her finger at me, saying loudly that I was doing a “disservice to the University” repeatedly just because I have a different position with her as regards the UP Charter. Her manner of speaking was bereft of respect for a former colleague in the UP administration. She knows this: I was a member of the Board of Regents which elected her as UP President. I voted for her on the basis of a principled stand at that time. I differ with her and her administration now on the specific provisions of the UP Charter that they are supporting. Again, it is a principled stand.
Does Pres. Roman see me as just a “former student regent”? Not even an ordinary student is entitled to such disrespect, much more right in the halls of the Senate. Her arrogance is unacceptable by any standards. I will not cower. I demand an apology from her for the insults she hurled to me in public in the Senate Plenary Hall yesterday.
I have served the University of the Philippines well and will continue to do so.
MARCO M. DELOS REYES
Office of Senator Madrigal
UP Student Regent (2004)
UP Diliman USC Chairperson (AY 2005-2006)

Monday, December 17, 2007

Sa wakas, lumabas na rin....


Ang Dagling Tagalog 1903-1936
Co-edited with Aris Atienza, Ateneo de Manila University Press

Tuesday, December 11, 2007

Pagpupugay kay Monico, CONTEND

mula sa Arkibong Bayan




Monico Atienza: Dakilang Pantas ng Kilusang Pambansa-Demokratiko

(Binasa sa unang gabi ng pagpaparangal kay Ka Nic ika-6 Disyembre, 2007)


Ipinapaabot ng Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND) ang aming taos-pusong pakikiramay sa pagpanaw ni Prop. Monico M. Atienza. Ikinalulungkot namin na sanhi ng kanyang malubhang karamdaman ay napaikli ang buhay ni Ka Nic na marami pa sanang nagawa kung hindi lamang dahil dito. Ngunit masasabing maraming nabuhay at nabubuhay nang higit na mahaba na di man lang nakagawa ng kapiraso ng kanyang naiambag sa pakikibaka ng sambayanan para sa tunay na kalayaan at demokrasya.

Nagniningning ang mga taon ng kanyang pagkilos bilang mapangahas na lider aktibista at ang kanyang naging napakahalagang papel sa pagpapalakas at pagpapalawak ng kilusang kabataan at mag-aaral sa Pilipinas. Nagniningning ang kanyang mga taon sa andergrwand at ang kanyang matagumpay na pag-igpaw sa mga pinagdaanan niyang matinding pagpapahirap sa kamay ng mga pasistang militar. Nagniningning ang kanyang mga taong iginugol bilang masigasig na aktibistang guro sa loob at labas ng Unibersidad ng Pilipinas at sa loob at labas ng kanyang mga itinuturong sabjek sa wika at Araling Pilipino.

Isa sa mga paborito niyang ibahagi sa kanyang mga mag-aaral ang isang kwentong bayan mula sa Tsina hinggil sa matandang hangal na hindi nawalan ng loob kaharap ng halos imposibleng gawain ng pagpapatag ng gahiganteng mga bundok. Tulad ng ibang nakakilala sa kanya, marahil ay nakita ni Ka Nic ang kanyang sarili sa "matandang hangal" na hindi kailanman bumitiw sa prinsipyo at walang tinag na pinanghawakan ang paninindigan sa kabila ng hindi masukat na pagsubok at hirap. Sa kwentong ito ay may tauhan ding tinaguriang "dakilang pantas" na hindi makaunawa sa katigasan ng ulo ng matandang hangal. Naniwala ang pantas na ito na ang pinaka-realistiko at pinaka-pragmatikong hakbang ay talikdan na ang kabaliwan ng matandang hangal at gawin na lamang ang rasonable at posible. Sa makitid at limitadong pag-iisip ng tinaguriang dakilang pantas ay makikita kung sino talaga sa dalawa ang maituturing na dakilang pantas.

Para sa lahat ng aktibistang nakasalamuha si Ka Nic, kinatawan niya kapwa ang isang "matandang hangal" at ang isang tunay na "dakilang pantas." Magkasanib sa kanya ang matatag na paninindigan at matalas na pagsusuri, pananatili at pagbabago, kabaitan at katapangan.
Hindi kailanman malilimot ang kanyang pinanghawakang mga prinsipyo at ang kanyang katatagan sa pagtataguyod ng mga ito. Hindi kailanman malilimot ang kanyang itinurong mga aral. Mananatiling buhay siya lagi sa aming mga utak, puso at kamao.

Si Monico Atienza ang isa sa mga dakilang pantas ng kilusang pambansa-demokratik o.

Monday, December 10, 2007

Pahayag ng CONTEND sa pagyao ng kasaping manunulat at guro, Rene Villanueva

litrato mula sa ICW Workshop, 2006


Rene O. Villanueva: Manunulat para sa Bayan
"Bawat ungol ng makina ay halakhak ng salarin
Ng estadong kumukutya sa konsensiyang tumututol
Sa kawalang katarungan, kalayaang isinangla.
Itong bayan ay walang habas, walang awa kung gahisin!"
--mula sa "Tagulaylay ng Republika (Sa SONA 2006) ni Rene O. Villanueva
"Pauupuin mo lang ako't makakasulat na ako!" Iyan ang palaging biro ni Rene sa kanyang mga kaibigan. Paano, mapakurap lang ang kausap niya'y siguradong may iaabot na siyang sangkaterbang mga bagong libro, o kaya naman ay nagkukuwento tungkol sa kanyang mga pinakahuling proyekto. Kailangang bigyang-diin ang salitang "mga," dahil talaga namang tila di mauubusan ng maisusulat ang taong ito.
At hindi dapat ipagkamali ang ganitong klase ng sigasig sa pagiging simpleng madaldal lamang, na para bang nagsusulat nang walang direksyon basta makasulat lang. Sa bawat malikhaing akdang iniluwal ni Rene'y nakapaloob ang intensyong manggulat, ang umiba sa mga nakasanayan at tanggap na ng mga mambabasa. Ipinakilala niya ang sanlaksang mga kakaibang tauhan—ang machong stunt double na mahilig sa Little Mermaid; ang batang papel na gustong maging tunay na tao; ang unang baboy na dahil sa hindi nagpakababoy ay naging unang baboy sa langit; ang prinsesa at reynang hindi tumupad sa pangako at ang mahiwagang palakang iniluto sa hurno, na ang taglay na kulugo ang pinagmulan daw ng paborito nating atis. Ang mga tauhan at mundong binuo ng kasamang manunulat, guro, at kaibigang si Rene'y nasa linya ng tradisyong pakikipagtunggali, na siya namang naging mahalagang layunin at papel ng ating panitikan sa ating kasaysayan.
Bilang pagpapatotoo sa ganitong oryentasyon ni Rene, pormal siyang sumapi sa CONTEND-UP noong 2003 at naging bahagi ng mga pulong at proyekto nito. At sa gitna ng kanyang napakaraming mga dula, sanaysay, pananaliksik, kuwentong pambatang, at iba ang mga proyektong isinusulat, sa pagitan ng kanyang mga gawain sa loob at labas ng unibersidad, naglaan siya ng espasyo sa kanyang panulat upang magsulat tungkol at para sa bayan. Malaki ang malasakit ni Rene hindi lamang sa pagsusulat kundi maging sa pag-akda ng kanyang bayan.
Maraming salamat, Rene. Kasama ang CONTEND-UP sa iyong mga mahal sa buhay na nagbibigay-pugay sa oras ng pagdadalamhati— mga kaibigan, kapamilya, katrabaho, kakilala, kapwa manunulat, guro at artistang kasingdami (at marahil singkakaiba) ng iyong mga obrang nailathala.
Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND)
Unibersidad ng PIlipinas- Diliman

Kansai Action Center on Philippine Human Rights Issues, Bisperas ng HR Day, Sanju Subway Station Entrance, Kyoto


Unang pagkilos, pamumudmod ng situationer/statement hinggil sa politikal na pagpaslang sa bukana ng subway sa downtown Kyoto.





Kahit na malamig at marami ay mas abala sa huling gabi ng weekend, kalahating oras na nanguna sa pagkilos ang solidarity group sa Kyoto.

Heto ang kanilang sulat kay GMA:

President Gloria Macapagal Arroyo
Malacanang Palace Compound
New Executive Building
J.P. Laurel Street
San Miguel 1005
Manila , Philippines

Cc:
Director General Oscar Calderon
Philippine National Police Chief

Lt. General Hermogenes C. Esperon Jr.
Chief of Staff, Armed Forces of The
Philippines

Raul Gonzales
Secretary of Justice,

Dear Ms. President,

Dec 9, 2007

Claiming for Justice for the Victims of Extra-judicial
Killings and Enforced Disappearances in the Philippines

We are Japanese NGO and citizen groups tackle the issues
regarding Philippines and human rights. We, the
undersigned, have expressed grave concerns over sharply
increasing extrajudicial killings that many left
activists, members of legal political party religionists
or journalists are killed suspiciously under the Arroyo
administration since2001.

we announced joint statements on the occasion of ASEAN
Summit or President Arroyo's visit to JAPAN, In addition
that we have claimed the Philippine government to stop the
extrajudicial killings and the enforced disappearance
immediately and complete investigation.

We welcome the fact that the following progress have been
made.

*Investigative report has been issued by the Melo
Commission that revealed
the involvement of soldiers.
*The Philippine government has accepted the visit of
Philip Alston, A United Nations
special rapporteur. Furthermore, he issued a report that
acknowledges military involvement and then, he met with
governmental officials.
* After receiving the report by the Melo Commission,
President Arroyo ordered the setting up of a special
tribunal to try cases of extrajudicial killings and
disappearances, the reinforcement of the witness
protection program, and the conduct of joint investigation
by the Department of Justice, Armed Force of the
Philippines and Commission of Human Rights.
*The special investigation team formed by the national
police (Task Force Usig) announced that perpetrators in
about 80 cases have been prosecuted.
*The Supreme Court held a Summit inviting not only
government parties but also NGO affiliates in order to
seek resolution of problems including extrajudicial
killings.

The Supreme Court also established the redress system
which can order victims' protection, victims'
investigation, and disclosure of information. This system
has actually helped to release some victims, which gave
some hope to other victims.

However, political killings and enforced disappearances
still continue.

According to the Philippine human rights NGO, KARAPATAN,
68 victims of extrajudicial killings and 26 enforced
disappearances have been reported since January to October, 2007.

The Armed Force of the Philippines as an organization has
never accepted its responsibility in spite of the fact
that the national police have prosecuted military
personnel who were pointed out in the report of Philip
Alston, the Special Rapporteur.

The investigation by the national police has been only a
small portion of the cases that have been happening, and
among the prosecuted cases, those that have been submitted
for decision were very few. Also, prosecution of crimes
has not been carried out properly. In fact, we interviewed
witnesses and relatives in 15 extrajudicial killing cases
and 3 enforced disappearance cases, and none of those cases has
been solved. Furthermore, neither compensation nor official apology for
victims of extrajudicial killings and enforced
disappearances has been made.

Since the Philippine government has an obligation to
protect human rights within its jurisdiction, the
government is obliged to prevent occurrence of the grave
human rights violation such as extrajudicial killings and
enforced disappearances, and once it happens, to
investigate the human rights violation, identify
responsible persons, and prosecute them. As governmental
organs are involved in the human rights violations, the
Philippine government should also compensate victims and
give official apology.

On the occasion of Human Rights Day on December 10th, we
demands effective measures to prevent extrajudicial
killings and enforced disappearances; investigations
against elements from the military and police hierarchy
who failed to supervise perpetrators, or worse,
participated in the actual commission of human rights
violations; and apologies and compensation for the victims
from the Philippine government.

Furthermore, we again calls on the Japanese government,
who enjoys friendly relations with the Philippine
government being its biggest donor of development aid,
to continue conversations with the Philippine government
on human rights issues, monitor the process of the
restoration of human rights such as investigation,
prosecution, apologies and compensation in order to ensure
accountability and justice.

Finally,   we demand that any new yen loan should not be
carried out until the improvement of human rights
situation and accountability mechanism are clearly
recognized.

Yours truly,

Amnesty International Japan
Tokyo & Yokohama People's Network against the Political
Killings in the Philippines

Philippines Watch Japan
WAYAWAYA

Kansai Action Center on Philippine Human Rights Issues, Bisperas ng HR Day, Riverbank, Sanju, Kyoto


Ikalawang pagkilos--candlelighting bilang protesta sa may ilog. Sa isang postmodernong sandali, habang sinisindihan namin ang mga kandila, nagpatugtog ng Jingle Bells ang isa ring nakikigamit ng espasyo ng pampang ng ilog, isang banda ng mga kabataang lalake.


Sa isa namang sandali, naisip ko ang mga mukha nina Karen at Sherlyn sa mga poster.



Binuo ang mga salita sa kandilang nasa loob ng paper cup, bahagyang nilagyan ng tubig para hindi masunog.

Saturday, December 08, 2007

Pahayag sa Human Rights Day, Dec 10 '07, CONTEND

Mariing kinokondena ng Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-UP) ang tumitindi at lumalalang kondisyon ng karapatang pantao sa bansa!
Disyembre 10, 2007 ang ika-59 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR) at itinakdang Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao o International Human Rights Day. Ngunit kaalinsabay ng komemorasyong ito, tumatambad sa atin ang isang parada: ang parada ng mga iba’t-ibang mukha ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng berdugong rehimeng US-Arroyo.
Simula sa pag-upo ni GMA noong 2001 hanggang sa kasalukuyan ay kabi-kabila ang tahasang paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan. Walang itong pinipila – bata, matanda, ama, ina, estudyante, propesyunal, taong-simbahan. Sa katunayan, ang grupong Karapatan ay nakapagtala na ng 866 biktima ng pampulitikang pamamaslang, 179 kaso ng sapilitang pagkawala o enforced disappearance, at mahigit isang libong kaso ng karahasan sa buong bansa, lalo na sa kanayunan.
Ang mga martir na walang habas na pinaslang ng rehimen ay ang mga guro ng bayan na sina Napoleon Pornasdoro, Victoria Samonte, Jose Cui, Milagros Belga at Leima Fortu. Ang mga estudyante ng UP na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno na nananaliksik ukol sa kalagayan ng mga magsasaka sa Bulacan ay kinidnap noong Hulyo 2006. Hanggang ngayon ay hindi pa sila nakikita. Si Jonas Burgos, isang aktibista-agriculturalist na pinaniniwalaang dinukot ng mga militar. Sina Luisito Bustamante, Edwin Malapote, ang mag-asawang Primo at Edwinalyn Reduta at ang kanilang dalawang buwang taong sanggol, at si Elizabeth Principe. Ilan lamang sila sa mga naging biktima sa ilalim ng pamumuno ni GMA.
Sa lumalalang kalagayan ng bansa ay inirehistro na ng lokal at internasyunal na mga organisasyon, ahensya, media at dayuhang gobyerno ang kanilang pagkabahala at pagtuligsa sa patuloy na paglabag sa karapatang pantao ng pamahalaang ito. Mismong ang United Nations (UN) at World Council of Churches (WCC) na ang nagdidiin sa rehimeng ito sa mga pampulitikang pamamaslang ng mga aktibista at mamamahayag. Sa dahilang ito ay napilitan ang gobyernong itayo ang huwad na Task Force Usig at Melo Commission na tututok at lulutas sa mga pampulitikang pagpaslang at sapilitang pagkawala. Matapos ang pagtatayo ng mga special courts para sa extra-judicial killings at enforced disappearances ay patuloy lamang na tumataas ang bilang ng mga biktima sa ilalim ni Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa loob ng ilang taong pamamalagi ng pasistang rehimeng US-Arroyo sa poder ay sunod-sunod ang kinasangkutan niya at ng kanyang pamilya na iba’t-ibang mga anomalya. Ang Hello Garci, Fertilizer Scam, Jose Pidal Scandal, ZTE Deal ay ilan lamang sa mga ito. Ngunit sa kabila ng mga ito ay patuloy pa rin ang pagmamatigas ni GMA na manatili sa bangko ng kapangyarihan. Malakas na ang panawagan ng taong bayan na magbitiw na siya sa pwesto ngunit ang sagot lamang ni Gloria ay ang patuloy na pamamaslang at pandurukot sa mga organisador at sibilyang mamamayan. Lalo ring pinatitindi ang pananakot sa mamamayan sa pamamagitan ng all-out war sa kanayunan at ang gyera sa Mindanao na pinamumunuan ng AFP at mga tropang Amerikano. Patuloy rin ang panggigipit sa mga lider ng legal na organisasyon.
Walang ginagawang hakbang ang gobyernong Arroyo upang lutasin ang tumitinding problema sa karapatang pantao. Bagkus ay ipinagtatanggol at pinupuri pa ang mga berdugo’t kriminal na sina Jovito Palparan, Hermogenes Esperon, Eduardo Ermita, Norberto Gonzalez at Raul Gonzalez.
Bilang mga guro ng bayan, panahon na upang tapusin natin ang paradang sinimulan ni Gloria Macapagal-Arroyo. Ihayag natin ang ating mariing pagtutol sa pananatili niya sa pwesto. Gunitain natin ang daan-daang naging biktima ng Rehimeng ito kasama na ang ating mga kapwa gurong sina Leima Fortu, Jose Cui, Napoleon Pornasdoro at Victoria Samonte na pinaslang. Pagparangalan natin ang bawat mamamayang nag-alay ng buhay at naging biktima ng paglabag sa karapatang pantao.
Ngayong Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao tumugon tayo sa ating responsibilidad bilang mga guro na magmulat at magpakilos. Tugunan natin ang hamong labanan ang mali, ang mapaniil at mapagsamantala. Lumabas tayo sa ating mga klasrum at magklase sa tunay na paaralan, ang paaralan ng lansangan. Maglunsad tayo ng isang bagong parada na tunay na magtataguyod sa lipunan.
MABUHAY ANG MGA MARTIR NG SAMBAYANAN! HUSTISYA PARA SA MGA BIKTIMA NG PAMPULITIKANG PAMAMASLANG! ILITAW ANG MGA BIKTIMA NG SAPILITANG PAGKAWALA! PATALSIKIN ANG REHIMENG US-ARROYO!
SUMAMA SA MALAKING PAGKILOS NG SAMBAYANAN SA PANDAIGDIGANG ARAW NG KARAPATANG PANTAO SA DISYEMBRE 10 SA PLAZA MIRANDA! ANG GURO NG BAYAN NGAYON AY LUMALABAN!

Friday, December 07, 2007

Pagluluksa (KPK column)

litrato mula sa Arkibong Bayan



Pagluluksa

Nagluluksa tayo dahil may yumaong mahal sa buhay. Mahal, ibig sabihin, may halaga dahil nagkaroon na tayo ng emotional investment sa taong sumakabilang-buhay na: nakausap, nakainuman, nakasama sa rali, sa meeting, nakipagbatbatan, nagkaisa ng opinyon, nakatawanan, at iba pa.

Ganito ang pakiramdam ko, at malamang, ng marami nang mabalitaan back-to-back na pumanaw ang dalawang guro sa Departamento ng Filipino sa U.P. Tortured victim sa panahon ng diktaduryang Marcos, si Monico Atienza ay mag-iisang taon nang comatose pero malakas pa rin ang pangangatawan (ang biro ng kaibigan kong si Sarah ay dahil nag-macrobiotic diet kasi, kaya ayaw bumigay). Ang hudyat na tila “namamaalam” na ito ay nang pati ang osterized na pagkain ay isinuka na rin.

Ang mandudula at head writer ng Batibot, si Rene Villanueva, survivor ng tama ng baril, heart attack at iba pang karamdaman, ay ilang oras na naunang namaalam kay Monico. Pareho silang kilalang guro, maraming henerasyon ng mag-aaral sa loob at labas ng U.P. ang kanilang namulat sa sabayang kagandahan at pighati ng lipunang Filipino.

Kapag yumao ang mga dakilang guro, manunulat at skolar tulad nila, may kabawasan nararamdaman ang mga naiwan. Nagluluksa, nakikiramay, nakikiisa sa pamilya, kaibigan at kasama ng pumanaw.

Ang nakakaligtaang banggitin sa pagluluksa ay ito ay hindi tungkol sa nakaburol at sa ililibing. Binabasa ko ang mga blog entry ng mga taong nakilala sila, mga naging estudyante at kahenerasyong manunulat at aktibista, at marami sa nakasaad ay patungkol pa sa nagsulat—hindi kita makakalimutan, mami-miss ka namin, mahal ka namin, isa kang dakilang….

Ito ang melancholia, ang estado ng pag-iisip na hindi mailibing ang patay nang mga naiwan nito. At ito, bagamat isinasaalang-alang ang katawan ng yumao (parating binibigkas ang estado ng sarili sa relasyon nito sa namatay), ay pumapatungkol, higit sa lahat, sa nagdadalamhati kaysa sa yumao.

“Nagluluksa ako para sa mahal kong pumanaw” na siya ring katumbas na pagsabing “Nagluluksa ako para sa aking sarili.” Natutunghayan ng nagluluksa ang sarili niyang mortalidad, na pumapatungkol sa temporal na estado ng kanyang pagkatao. Na tulad ng yumao, naging makabuluhan kaya nga pinanghihinayangan?

Sa indibidwal na antas, ang tunay na pinanghihinayangan ay ang kakulangan ng sarili—na dumaan na ang isang mahalagang palatandaang-bato (landmark) sa kolektibong buhay ng naiwan, at sa imahinaryong paglulugar sa karanasan ng kolektibo: ang halaga ng yumao sa panitikan, aktibismo, humanidad, pakikibaka at pagsasabansa. Kulang ang sarili dahil hindi pa natutuldukan ang sariling buhay.

At ito rin ang potensyal ng mga naiwang indibidwal na “palayain” ang sarili. Una, wala na ang pag-aninag ng indibidwal sa kanyang pagiging subject sa tunay na kapangyarihang pang-estado na humuhulma sa kanya. Siya ay nagkakaroon ng kagyat na sariling pagkatao hindi na dahil siya ay nasa anino ng U.P., DECS at CHED, DOLE at militar ni Esperon, at Malacanang ni Arroyo, halimbawa, kundi dahil siya ay naanigan ng (mahalagang) pagkatao ng yumao.

Ikalawa, dahil manlilimi ang indibidwal ukol sa mga nagawa at di nagawa ng yumao bilang screen sa pag-unawa sa sariling nagawa at di nagawa, ipagpapatuloy ng naiwan ang pagluluksa hanggang may pagkawala—hindi lubos dahil magaganap lamang ito kapag materyal na nabalikwas na ang estado, kundi relief--sa kapangyarihang pang-estado o muling pagtanggap sa regularisasyon ng estado (kasama ang malling, panonood ng Marimar, konsumerismo ng Pasko, muwang at di-muwang na pagtakda ng sariling break sa Pasko sa issue ng paglabag sa karapatang pantao) sa pagkatao ng indibidwal.

Paalam, Nick. Paalam, Rene. Kahit hindi naman lubos ang pamamaalam. Parating may labi (trace) na nagsasaad na hindi naman lubos ang naging pag-igpaw ng inyong kamatayan sa mga pwersang inyong kinatunggali, bilang paraan ng pagsabi sa aming naiwan na mayroon pang natitirang pagbubuo sa pinapangarap na susunod na yugto nito. Na sa inyong naging buhay (at kamatayan) ay tutulong makabuo ng melancholia ng naiwan ay parating magpapaalaala sa inyong nakamit, sa mga hindi nakamit, at kung magkagayon, sa amin pang kailangang makamit.

Paalam, Nick. Paalam, Rene. Sa aking perspektiba, (ipinagluluksa at) gunigunita ko kayo dahil sa inyong kontribusyon sa rebolusyon. Sa iyong ambag sa pagtatayo ng Kabataang Makabayan at rebolusyonaryong kilusan, sa iyong pagiging aktibistang gurong natutuwa sa aking pasalubong na ballpen at lapis mula sa Japan, Nick. Sa iyong pagsulat ng matatalas na akdang may panlipunang komentaryo, tulad ng dulang “Isang Daang Panaginip” na kay tapang na bumatikos sa diktaduryang Marcos, sa iyong pagsapi ng CONTEND, at sa maanghang mong pananalita sa mga bagay at taong hindi katanggap-tanggap, Rene. Hindi ko kayo makakalimutan. Gaya nang sabi ng Brazilianong nobelista Jorge Amado sa kanyang obra, hindi naming kayo malilimutan “because the revolution is a homeland and a family.”

Tuesday, December 04, 2007

Guilty Poster--Philippine Human Rights (LFS post)

Unlaping "Super" (KPK column)

Unlaping “Super”

Kapag ginamit ang unlapi (prefix) na “super,” ipinapahiwatig nito ang labis, sobra, lampas sa ordinaryo: superman, supermarket, superpower, superstar, at sa panahon ni Gloria Macapagal Arroyo (GMA)—supermaid at super-typhoon.

Ang kakatwa sa pagpasok ng anumang penomenong may “super” ay ipinaparating ito bilang biglaan, kagyat at tila nanggaling sa wala. Dagdag pa, emblematiko ang super ng moderno at kontemporaryo, hindi luma at pinaglumaan.

Pumasok si Superman sa popular na imahinasyon sa panahong lumalakas ang U.S. bago pa man dumating ang Ikalawang Pandaigdigang Digmaan. At mula rito, peryodiko ang revival kay Superman, parating may sinasahog na tila bago: bagong costume, artista, superpower, special effect at kung ano-ano pa. Sa Greenhills ang unang supermarket na naalaala ko, at talaga namang napakalaki nito. Parang pinaghalong department store at grocery. Mga 1970 ito nagbukas, matapos ideklara ang martial law. Ngayon naman, ang panibagong unlapi na ipinangangalandakan sa retail shopping ay “hyper,” tulad sa hypermart.

Si Nora Aunor ang tatanghaling “Superstar” dahil sa kanyang mala-Cinderella na kwento ng pagpupunyagi at pagtatagumpay. Natatangi sa iba pang star, si “Ate Guy” ay sabayang ordinaryong kayumanggi at maliit na mamamayan, at extra-ordinaryong artista at sub-industriyang nakabatay sa sariling katawan bilang kapital.

Ang kakatwa sa unlaping super ay tila konektado ito sa kolektibong kamalayang pumaimbalot sa diktaduryang Marcos: ang unang modernong pelikulang Superman ay ipinalabas noong 1978, si Nora ay sumikat sa kasagsagan ng martial law, ang unang supermarket at mall ay naitayo sa mga suburban na sityo ng Greenhills at Cubao sa parehong panahon, at maging ang superpowers (U.S. at U.S.S.R.) ay kinasangkapan ng mga Marcos para sa lehitimasyon ng kanilang kapangyarihan.

Saan ilulugar ang mga panibagong gamit ng super kay GMA? Supermaid ang panukala nitong programa sa mas sistematikong pagtuturo at retraining sa prospektibong Filipina domestic helper sa ibang bayan. Literal na binabatikos ang kanyang panunungkulan ng mga super-typhoon. Milenyo at Mina ang huling mga super-typhoon na naminsala sa bansa.

Ang penomenon ng super ay kaakibat sa lumalawak na pambansang politikal at panlipunang krisis. Ginagamit ang inobasyong moderno para ihayag ang kalabisan ng karanasang bago na nakaangkla naman sa lehitimasyon ng kalabisan sa kapangyarihan. Ipinantatapat ang labis na paghayag sa modernong karanasang exemplaryo ng makabagong pagkabansa sa nais itagong krisis pampolitika.

Hindi ba’t sa rurok ng pamamahala ng disaster sa bansa, ang kahandaan laban sa anumang super-typhoon, sa banta pa lamang o aktwal nitong napinsala, ay ang pangulo ng bansa? Hindi ba’t tulad ng pagragasa ng bagyo—marahas at malaki ang pamiminsala—ay ang katangian ng politikal na kapangyarihan ay temporaryo at spatial na nakakaligtaan? Nawawalan ng kagyat na halaga ang patuloy na bilang ng politikal na pagpaslang at sapilitang dinadampot. Nagkakaroon ng amnesia sa suhulan at korapsyon sa Malacanang.

Tulad ng super-typhoon, walang kasaysayang na sinasambulat na pinagdaanan—kung bakit parating hindi handa ang pamahalaan kahit pa alam naman ang peryodikong pagragasa ng papalakas pang mga bagyo taon-taon? Na hindi napapag-ugnay ang super-typhoon sa global warming dulot ng lokal na illegal logging, polusyon sa hangin, liberal na pagtaas ng presyo ng gasolina, kawalan ng sapat na dami at ayos ng kalsada at parke, at iba pa?

Kaya kapag sinabing “super” ang isang karanasan, sinasabi ring super-amnesia, super-krisis, super-paghihikahos, at super-pagbabalikwas.

Monday, December 03, 2007

Ang Layo ng Iwakuni sa Pilipinas (Pasintabi column)

Ang Layo ng Iwakuni sa Pilipinas

Nitong nakaraang Sabado ay nagpunta ako sa Iwakuni City, lampas ng Hiroshima kung galing ng Kyoto. May anti-U.S. bases rally at inaasahang 10,000 katao ang dadalo. Sumama ako kay Yuki-san, isang Haponesang profesor at organisador ng Asia Wide Campaign. Matatag ang bullet train, pero mabilis at biyahe, at nakarating din kami matapos makapananghalian.

Mahirap makipag-usap sa mga Hapon dahil hirap sila sa ingles, at ako naman sa Nihonggo. Kalahati ng pag-uusap naming ni Yuki ay nauuwi sa drawing sa likod ng mga materyales para sa rali. Pero plantsado na ang lahat pagdating, kasama ng mabilis na excursion sa Kintai Bridge, limang beses na nakaarkong kahoy na tulay, ang pinakaatraksyon ng turista sa Iwakuni City.

Itinanong ko kay Yuki kung ang mga bus na nakapara sa pampang ay mga turista o raliyista. Maging siya ay hindi alam ang sagot. Dinaanan naming sa community restaurant ang isa pa niyang kasamahang profesor at ang estudyante nito, na dating city council member.

Nang bumalik kami sa pampang ay tila reunion para kay Yuki at ang kanyang mga kasamahan. Maraming bumati kay at binati si Yuki. Ipinakilala niya ako sa iba pang kasapi ng AWC-Japan, kasama ng dalawang second-generation na biktima ng atomic bomb. Pisikal ang deformidad pero ang komitment sa rali at sa AWC ay hindi matatawaran.

Sa pampang ng ilog, tanaw ang ilog, tulay at ang kastilyo sa tuktok ng namumulang mga puno dahil sa pagdating ng taglamig, ang programa. Tulad sa atin, isang flatbed na trak ang gamit. Bandilang patayo, hindi pahalang nang tulad sa atin, ang bitbit ng mga tao. Walang martsa, rali lang ang ipinunta ng libo-libong tao.

Nagsalampakan sa tuyong pampang ang mga tao. Kakaunti ang matatanaw na mga bato sa pampang dahil sa nagsisiksikang mga tao. Habang inaantay ang simula ay tumugtog ang Okinawan na awit, gamit ang sanshin o tatlong kurdong gitara, ang isang musikerong nahalal sa Diet, ang kongreso ng Japan.

Isa sa unang nagsalita ang mayor ng syudad. Para talagang politiko ang kanyang tinig—baritone na boses, kalkulado ang mga diin ng pananalita. Sa pagtatapos ng pananalita, tinanggal ng mayor ang kanyang cap. Ang ikinamangha ng marami, bagamat nasabihan na rin ako, ay nagpakalbo ang mayor bilang protesta sa pagpapalawak ng base ng U.S.

Nasa kalagitnaan na ang pagpapalawak ng naval base sa Iwakuni. Kapag matapos ito, ang base ang magiging pinakamalaki ng U.S. sa Asia. Nag-reclaim ng dagat para halos madoble ang laki ng kasalukuyang base, lalagyan ng malaking naval airport. Tinapyas ang mga bundok sa Mt. Itago para itambak sa dagat. Pinapatag ang bundok para rin pagtayuan ng housing ng mga marino.

Mula tatlong libong sundalo, inaasahan na lalaki hanggang limang libo ang kapasidad ng base. Isa ang Iwakuni City na tumututol sa implementasyon ng realignment of forces ng U.S. sa Japan. May mga kaso na rin ng gang rape at iba pang karahasan sa kababaihang nagtratrabaho sa bars sa labas ng base.

Bahagi rin ng pagpapalawak ng pwersa ng U.S. ang iba pang direksyon tungo sa muling militarisasyon ng Japan. Dinedemonyo ang imahen ng North Korea para muling maglatag ng planong militar ang Japan, kasama ang pagtanggal ng Article 9 ng Konstitusyon na nagbabawal ng muling paggamit ng militari para hindi na muling makasakop ng ibang bansa ang Japan.

Nagsalita ang mga politiko mula sa Communist Party, oposisyon ng Diet at gobernador ng Hokaido, isa pang lugar na gustong palawakin ang sakop ng base ng U.S. May interpreter pa para sa bingi ang buong programa. Natapos ang rali sa isang kolektibong pag-awit, pampalakas ng loob daw, sabi ni Yuki.

Mabilis na nag-alisan ang mga nagrali. Naiwan muli ang mga batong nakahiga sa pampang, tulad ng mga ilog sa atin. Nag-drive kami sa labas lang nang base, at tunay na malaki ang lupang pinalalawak mula sa dagat. Galit ang lider ng komunidad na pinagtapyasan ng bundok. Muli sa labi ng lumang templong inilagay sa tuktok ng burol, tanaw naming ang patag na bundok.

Dinaanan namin ang bars sa kagyat na labas ng base, mga pangalan ay Las Vegas at iba pang pamilyar sa marinong Amerikano. May mga Filipina raw na nagtratrabaho rito, ayon kay Yuki. Dumaan din kami sa ginagawang City Hall, katabi ng luma, na biglang pinagkaitan ng pondo ng national government nang tumuligsa ang mamamayan nito sa plebisitong nagsasaad ng pagtutol sa pagpapalawak ng base ng U.S. Mula konserbatibong tagasuporta ng Liberal Party, naging oposisyonista ang Iwakuni.

Sa kauna-unahang pagkakataon, sa ilang sandali, tila nasa iisang espasyo ang Iwakuni at ang Pilipinas. Tulad ng dalawang magkakaugmang nakalatag na bato sa pampang ng ilog.

Rally at Iwakuni Riverbank, 1 Dec 07

Seating on riverbank, 11,000 Japanese express anti-expansion of U.S. base in Iwakuni City.


Among rallyists were members of AWC-Japan, including second-generation atomic bomb victims.


Mayor of Iwakuni, shaved head to protest US base expansion, speaking at rally, with interpreter for hearing-impaired.



"Angry" in Katakana, raised in rally as collective expression of sentiment.

To Iwakuni with Yuki-san