Ang Pinag-aagawang Bata sa Panitikang Pambata: Folklore, Media at Diskurso ng Bata
Sa kasalukuyang panahon, ang mga bata ay tinitignan bilang target market para sa mga produkto at serbisyo ng konsumerismo, kundi man ng mismong larangan ng kasalukuyang kapitalistang karanasan, ng konsumerismo. Kung tutunghayan natin ang advertisements para sa telebisyon, halimbawa, hindi pa man nakakapagbasa ang mga musmos, ay karag-karag na sila sa fastfoods, gamot, . Alam na nila ang branding o ang mga kwentong kaakibat ng karanasan sa produkto. Masaya ang Jollibee, kahit minsanan pa ito; hindi masaya ang walang Jollibee. Malungkot ang may sakit, masaya ang Tempra na magpapawala ng sakit. Nagiging mainggitin ang bata dahil sa murang edad pa lamang, alam na niya ang mga bagay na nagbibigay-diin sa kanyang kakulangan at katumbasan ng sarili. Nararanasan na rin niya na kahit ilan beses pa siyang tumangkilik ng produkto, hindi pa rin ito makakasapat para punan ang kulang o kasalatan. Parating may bagong susulpot bilang bagong pamantayan ng kanyang pagkatao—bagong laruan, bagong pelikula, bagong produkto sa fastfood, bagong laruan mula sa bagong pelikula na isinasama sa kiddie meal sa fastfood.
Ang bata ngayon ay isang kakatwang nilalang. Ang kanyang realidad ay kabahagi ng realidad ng bansa 70 porsyento ay namumuhay sa ilalim ng poverty level. Ito ang argumento ni Robert Coles, “that a nation’s politics becomes a child’s everyday psychology.” At kung magpaganito, paano siya pinalalahok at pinatatampok ng kasalukuyang konsumerismo, kung siya at ang kanyang pamilya mismo ay walang lubos na akses sa karanasang ito? Sa edad ng kamusmusan at kabataan, ang pagiging bata (childhood) ay nawala at iwinala na ng historikal at panlipunang kaayusan. Ang nawawalang pagkabata ay ipinasasambit na lamang sa matatandang may limitadong panggitnang uring lagay, para konsyensyahin ang mga ito, at manakanakang paambutan ang musmos ng mga marker ng pagiging gitnang uri. Samakatuwid, ang kabalintunaan ng pagiging bata at kabataan ay ganito—hindi ito lubos na pinapadanas, wala nang karanasan sa labas ng konsumerismo, at ang limitado nitong pagdanas ay sa pagtanda na lamang, sa pamamagitan ng nostalgiang lilikha sa mahikahos na kamusmusan at kabataan bilang ideal pa rin.
At ganito rin ang kalakaran sa bata sa panitikan ng Pilipinas. Walang bata, maliban sa mga inaakalang inaawitan ng oyayi ng mga magulang. Natatangi ang pambansang bayaning si Jose Rizal at ang mga kuwentong umiinog sa maagang pagkabayani at pagkahenyo nito: mula sa mga kulisap na lumilipad sa lampara habang binabasahan ito ng libro, sa pagkahulog ng isang tsinelas nito habang nakasakay sa bapor at ang desisyong ihulog ring ang isa pang tsinelas nang sa gayon ay kung sakali, mapakinabangan ito ng mangingisda para sa kanyang anak, tungo sa pagiging matatas at makabayan nito sa Ateneo, hanggang sa pagsulat nito ng maikling tula at pagdibuho ng kwento ng matsing at tsongo, ang sinasabing unang kwentong pambata, at iba pa. Bago sa mga kuwentong ito, hindi mahalaga ang bata. Historikal na ang pagkanakaw sa kanyang pagkabata, o dili kaya’y hindi mahalaga ang kalakarang pagpapalaki sa bata kaysa sa pagtulong nito sa pagpapabuti ng pang-ekonomyang lagay ng pamilya at pamayanan.
Kung winala ang pagkabata ng global na kapitalismo at pambansang pamahalaan, saan ilulugar ang panitikang pambata? Una, ang formulasyon ng gitnang uring bata ang pangkalahatang target audience nito. Ito ang ginagabayan ng magulang bumibili ng panitikang pambata para basahin sa kanyang musmos, o himukin ito na magbasa. Ito ang ina-outreach ng story readers/performers at ng reading advocacy groups para mahimok maging ang mga bata sa mababang uri na magkaroon ng karanasan sa panitikang pambata. Kung disenfranchised ang underclass na bata, at sa kabuting palad sa hinaharap ay ito ay magkaroon ng ekomiyang enfranchisement, ang winalang pagkabata sa kanya ay magdudulot malamang ng kumpensasyon sa kanyang sariling anak. Siya na nagbabasa ng panitikang pambata ay nagkakaroon ng pagkakataong ihulma ang kanyang anak sa gitnang uring karanasan ng pagkabata. Lundayan ang panitikang pambata para sa karanasang gitnang uri—literasi sa inaakalang folklore ng bansa, sistema ng pagpapahalaga, pagka-Filipino, liberal at pagkamamamayan. Pero siyang nagbabasa ay siya rin, sa naunang panahon, ay disenfrantisadong bata. Sa kanyang pagbabasa, muli niyang isinasabuhay ang ideal na pagkabatang winala sa kanya.
Jollibee, na kaya nagpapatuloy ang marami sa kanila na tumangkilik sa mga establisyimentong ito at magpaka-infantilize—kumain ng French fries, sundae at burgers—ay dahil sa aktwal at imahinaryong alaala ukol sa nakaraang pagkabata: na dinala sila ng kanilang magulang dito, pinaglaro sa playground sa loob nito, pinainom at pinakain ng kalabisan (labis na asukal, alat, mantika, kolesterol), hiyaang mag-ingay at magtatakbo, at iba pa. Na kahit na nga hindi ito ang aktwal na alaala, muli’t muli itong binubuhay sa bawat pagtungo sa mga establisymentong ito. Fabricated ang alaala, pati ang karanasan sa love object na nag-e-embody ng pagkabata. Kaya rin hindi historikal na aksidente na kasama nina Sharon Cuneta at Aga Muhlach ang kani-kanilang mga anak sa paghimok sa mga mamimili, kasama ang mga musmos na manonood, para mareafirma ang kani-kanilang interes na tangkilikin ang pagkain at serbisyo ng mga fastfood chain. Malaganapang multi-media ang pagpapaalaala dahil baka makalimutan. Kaya pirmes ang advertising at iba pang business advocacy programs—ang MacDonald’s House, ang pangongolekta ng laruan kapag pasko ng Jollibee, at iba pa. Kung gayon, ipinapadaloy pa ring muli sa katawan ng underclass na musmos ang karanasan isinisiwalat sa pagkabata ng mga kapitalistang negosyo at ang kapabayaan ng pamahalaan.
Malaking sangay ng panitikang pambata ay gumagamit ng folklore (
Kung sa naunang folklore, tulad ng kwentong pusong at pilandok, ay subersyon ng namamayaning kaayusan ang namamayagpag sa pamamagitan ng pagbalikwas sa masinop na kaayusan panlipunan, ang kasalukuyang awiting pambata ay hindi lubos na matwid ang paglalahad ng mga kategorya ng binabalikwas. Ibig sabihin, mas mabulaklakin, pa-otso-otso ang kalakaran ng pagbabalikwas: mahalay ba o inosente, may iba pa bang kahulugan o wala, tungkol ba ito sa mga pribadong bahagi ng babae at sex—pero bakit popular? Bakit pagiling-giling at patuwad na pumping ang katernong pagkilos nito? Ang kasinupan ng pagbabalikwas sa naunang folklore ay matutunghayan sa kwentong pambata na gumagamit ng folklore. Narito ang usual na balangkas ng pagbabalikwas sa kwentong pusong at pilandok. Ang kanang hanay ng termino ang paukol sa naghaharing sistema ng kapangyarihan at ang kaliwang hanay ay paukol sa subersyon nitong sistema nito.
Naghaharing Sistema Subersyon ng Sistema
Tauhan hari, prinsipe pusong[i], pilandok
Katangian
Tingin sa lipunan mataas mababa
Uri mayaman mahirap
Ugali mapagmataas hangad ay kabutihang lagay
Kapamaraanan dekorum bulgar
tusong ambisyon ordinaryong ambisyon
paghahangad ng labis pagkilos para sa labis
extensyon ng order inbersyon ng order
Resolusyon tatanga-tanga talino
naisahan nakaisa
pinagtawanan hinangaan
objek suheto
Mayroong antagonismo batay sa uri sa kwentong bayan. Naghahangad at nagtagumpay makaisa ang personahe ng mababang uri sa personahe ng mataas na uri. Ang temporal na pagtatagumpay ng mababang uri ay nagaganap lamang sa akto ng pagkukwento. Pero dahil mayroong reproduksyon ng kwento, ang paglipat-dila nito sa iba pang tao, may prolongation ng subersyon. Ang pang-espasyong pagpapalawak sa subersyon naman ang nagaganap. Kung paniniwalaan natin ang mga psychoanalysts, ang subersyon sa panitikan ay may layong maging malaganap at lamunin ang sistema para makapagtatag ng bago dahil ito ay nakaugnay sa oral phase—ang preliminaryong pagkaunlad ng musmos tungo sa angkop na sosyalisasyong panlipunan. Hindi ba namumutiktik ng oral phase ang konseptwalisasyon ng panitikang bayan, tulad ng oralidad, palipat-dila, panitikan, at iba pa? Sa yugto ng oral phase, nilalamon ng musmos ang lahat ng nasa labas nito. Dahil nagsisimula na ang pagkalito sa kung ano ba ang sarili at iba, nagsisimula na rin ang paglahok ng musmos sa naturang ayos ng makapangyarihang sistema ng otoridad, kasama ang wika. Gustong pagsanibin ng musmos ang loob sa natutuklasan niyang labas. At kung angkop ang kanyang paglabas sa yugtong ito, ang kanyang pagtungo sa anal phase naman ang maglalayon ng implementasyon at rigidisasyon ng order. Ang susunod na yugto ang magsasaad ng kaibahan ng loob sa labas, ang pag-angkop ng loob sa mas makapangyarihang labas.
Ang panitikang bayan sa panahon ng kolonialismo ay naisantabi para paboran ang mga ipinakikilalang folk na may Kristianisadong laman at popular na panitikan. Sa panahon ng Kastila, ipinalaganap ng simbahan, sa misa at parokyanong eskwelahan ang mga buhay ng santo, kwento at
Hindi kaya may kinalaman din ang panitikang pambatang nakalibro at ipinagbibili sa uri ng diskurso hinggil sa bata na isinisiwalat ng estado sa pangkalahatan, at ng negosyo at pamahalaan sa partikular? Ang ibig kong pag-isipan ay sa klase ng antas panlipunan ng bata, bakit ang tuon ng panitikang pambata ay hinggil sa formasyon ng values na mas umaagapay kaysa umaalagwa sa sistema ng pagpapahalaga ng estado? Tunghayan ang mga datos hinggil sa bata sa bansa:
70% ng 76.9 milyong Filipino ay namumuhay na naghihikahos
50,000 bata ang nakatira sa kalsada ng
ang giyera sa
ang child labor sa bansa ay umaabot ng 2.7 milyon; mga kalahati rito ay nakaranas ng sakit at disabilidad dahil sa di-ligtas na kondisyon ng paggawa;mismong DOLE ay nagtataya sa limang milyon bilang ng child labor sa bansa
7.4 milyong bata sa edad na mababa sa sampung taon ay nakararanas ng malnutrisyon
Kung ganito ang realidad ng nakararaming bata sa bansa, ano ang papel ng panitikang pambata? Bakit di tulad ng nakakatandang panitikan—at hindi lamang dahil mas nauna itong umunlad—na maaring maging palaban ang laman at porma ng sektoral at rehiyonal na panitikan, ang panitikang pambata ay masyadong “wholesome” o ang komentaryong panlipunan at historikal ay limitado sa personal na antas?
Hindi kaya appropriated na diskurso na ang panitikang pambata sa bansa? Malaking cottage industry na ang publikasyon nito, sa mas malaking industriya ng telebisyong pambata (kasama na rito ang anime, cartoons, cartoon channels, art shows na pambata, comedy shows at talent searches na pambata)? Hindi kaya ito hiwalay sa klase rin ng formasyon ng diskurso ng bata at pagkabata ng mga business advocacy? Kung titignan natin ang Bantay Bata at ang diin nito ng pag-uulat ng kapitbahay na lumalapastangan at umaabuso sa mga bata, mauunawaan na ang kalakaran ay tungo sa pagligtas ng bata, at kung kakayanin, nang anumang natitira niyang pagkabata. Ang pagligtas ay gawain ng estado na piniling pasanin ng negosyo. Hindi dapat maging saksi sa batang inaabuso, dapat itong iulat sa Bantay Bata na siya namang magpapadala ng team, madalas ay kasama ang television crew, para idokumenta ang insidente. Maari rin magbigay ng sobrang barya sa mga lata ng Bantay Bata, mga lata na may nakapaskel ng mga nangangailangang mukha at katawan ng underclass na bata. Kung ganito, lumalabas na charity work naman ang causa ng bata—barya-barya, na tulad ng Piso para sa
Kung ang insidente ng pang-aabuso sa bata ay isa nang spectacle na initinago, bakit binubuyanyang muli, ginagawang spectacle ang paraan ng pagresolba nito? Maari pang ma-televised ang insidente sa mismong estasyong pantelebisyon, ang mukha ng bata ay hindi ipapakita, pero ang inulat na umaapi sa kanya ay ite-televise. Ihihahayag para muling mabuyanyang ang bata. Ang spektakularisasyon ng batang inaabuso ay pumupukaw sa marami na ngang ninakawan at winalan ng kanilang pagkabata. Ang mga ito ay makaka-relate, makaka-identify, tutulong, magiging saksi laban sa kapitbahay na nang-aabuso, at magkakaroon ng moment na mate-televise pa rin bilang ehemplong dapat sundan ng iba pang mamamayan sa pamayanang may nang-aabuso. Insidental ang bata dahil kundi pa siya aabusuhin, hindi siya papansinin, paglalaanan ng telebiswal na panahon.
No comments:
Post a Comment