Pangingibang-bayan sa Kulturang Filipino
Mataas ang tingin sa Filipino na nangingibayang-bayan. Parang hindi na ito masasalat ng mga kababayang naiwan. Steyt-side na, dati, dahil ang
Nakakaangat ang OCW dahil hindi lahat ay nakakapangibang-bayan kahit pa isa sa sampung mga Filipino ay nasa labas na ng bansa. Hindi pa rin ito para sa lahat. Tanging sa may pangahas at tapang lamang ito. May malasakit sa pamilya at sa mga mahal sa buhay. Sino ba ang gustong mawalay sa kapamilya’t kaibigan para mamuhay, kadalasan ay mag-isa, sa mapang-abusong kondisyon ng paggawa? Sino ang gustong maging martir, handa sa sakripisyo at pasakit, para ang mga naiwang mahal sa buhay ay mabuhay nang may pag-asa, kundi man may dangal?
Nakakaangat ang OCW dahil may ekonomiyang kapangyarihan ito, lampas sa tunay na halagang ipapasweldo kung ginawa niya ito sa Pilipinas. Sa ibang bansa, ang mababang gawain na ayaw nang gawin ng mamamayan ng mga bansang iyon ay tinatapatan ng mas mataas na sweldo, kung ang pamantayan ay ang kikitain sa loob ng Pilipinas. Sa mga bansang pinapasukan, mas mababa ang sweldong inaalok, mas mahaba ang oras ng gawain, at mas di familiar ang kapaligiran ng paggawa. Kahit pa sa mas maunlad na bansa, tulad ng U.S., sa Europa at Japan, ay maiisip na pantay ang ipapasweldo sa kanilang mamamayan at dayuhang manggagawa, ang katotohanan ay mayroong pa rin, sa minimum, mga tagong pagkakaiba ng kita at kondisyon ng paggawa.
Nakakaangat ang OCW dahil regular itong nakakapagpadala ng balikbayan box, ang simbolo ng pagkaangat kahit na sa kawalan. Ipinapaalaala ng balikbayan box ang regular na presensya dahil nga wala ang nagpapadala nito sa bansa. Binubuhay ang guni-guni, kasama ng
Nakakaangat ang OCW dahil para siyang Superman o Wonder Woman na kayang supalpalin ang lahat ng mga bala at kanyon. Kaya ng OCW, sa hayag, na patalsikin ang kalungkutan at pighati para magtrabaho at mamuhay sa ibang bansa. Ano ba kasi ang kanyang dilema? Malungkot na nasa ibang bansa pero malaki ang kita, o masaya sa loob ng bansa pero maliit ang kita? Sino ang ayaw kumita? Hindi nga ba’t kaya parating mahaba ang pila sa lotto, lalo na sa gabi ng bola ay para sa pag-asang makatama nang malaki? O gabi-gabi ay mahaba ang pila sa tayaan sa karera o araw-araw sa jueteng, dahil nga umaasa ring makatsamba sa mga inaalagaang kabayo at numero? Malungkot pero may pera, at kung gayon ay may dangal. Masaya pero walang pera, at kung gayon,wala ring dangal.
Nakakaangat ang OCW dahil sa paglisan sa mahal na sariling bayan, ay nililikha niya ito sa ibang bayan. Siya ay parang diplomat na nag-uugnay sa di opisyal at pang-araw-araw na antas ng mga pwersa ng dalawang kultura. Hindi niya balak lusawin ang isa, o idambana ang kaiba. Wala naman siyang magagawa kundi makibagay. Nakikitungo siya sa bagong mga tao, kultura at kapaligiran. Bagong sistema gayong nauna naman ito bago pa man din siya dumating doon. Ang pinanggagalingan niyang kultura ang kanyang pasaporte para makapagtrabaho at makapamuhay sa
Mabuhay ang OCW hindi dahil kayo ang bagong bayani, kundi dahil kayo ang pumapasan ng kakulangan ng sariling pamahalaan, at kalabisan ng sariling estado kaya kayo ay nariyan, at wala rito sa sariling bayan. Mabuhay dahil sa pagnanasang makapagpatuloy ng sariling buhay diyan at ng inyong mga mahal sa bayan nang may pag-asa at dangal.
No comments:
Post a Comment