Buti pa ang kalendaryo, may date, yung ibang tao, wala…
Buti pa ang Hershey’s, may kisses, yung ibang tao, wala…
Buti pa ang sugat, iniingata’t inaalagaan, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang unan, katabi’t inaakap sa gabi, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang kilusan, nag-aalab, yung ibang tao, hindi….
Buti pa ang baso, dinadampian ng labi, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang lesson, inuunawa, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang kamalian, pinapansin, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang sinehan, pinpipilahan,yung ibang tao, hindi…
Buti pa yung masa, nag-iinit, yung ibang tao, hindi….
Buti pa ang bubong, tinitingala, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang tindera sa palengke, nagpapatawad, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang panyo, iniiyakan, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang awit at tugtog, magkasama, yung ibang tao, hindi…
Buti pa yung E.D., kinasasabikan, yung ibang tao, hindi….
Buti pa assignment, inuuwi, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang lungs, malapit sa puso, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang typewriter, nata-type-an, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang kotse, mahal, yung ibang tao, hindi…
Buti pa yung C.S.C., nagtatapat, yung ibang tao, hindi….
Buti pa ang pangit, hinahanap, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang probabilities, may chance, yung ibang tao, wala…
Buti pa ang patay, dinadalaw, yung ibang tao, hindi…
Buti pa yung aksidente, pinagkakaguluhan, yung ibang tao, hindi…
Buti pa yung mass leader, pinapakinggan, yung ibang tao, hindi….
Buti pa ang AIDS, nababalita, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang hiniga, hinahabol, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang film, nade-develop, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang problema, laging iniisip, yung ibang tao, hindi…
Buti pa yung petisyon, sinasang-ayunan, yung ibang tao, hindi….
Buti pa ang nagkakasala, pinapatawad, yung ibang tao, hindi
Buti pa ang TV, natu-turn-on, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang artista, napapansin, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang utang, naaalaala, yung ibang tao, hindi…
Buti pa yung welga, ipinaglalaban, yung ibang tao, hindi….
Buti pa yung pera, may halaga, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang radyo, pinakikinggan, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang hotcake, mainit, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang telepono, kinakausap, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang rali, nagkakaisang-hanay, yung ibang tao, hindi….
Buti pa ang maysakit, kinakaawaan, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang pangarap, gusto, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang takot, sinasamahan, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang jacket, hinahanap kapag malamig, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang aktibista, hindi natatakot, yung ibang tao, hindi….
Buti pa ang ice cream sweet, yung ibang tao, hindi…
Buti pa ang sapatos, may kapares, yung ibang tao, wala…
Buti pa ang rebolusyon, isinusulong, yung ibang tao, hindi….
Buti pa ang sosyalismo, may kinabukasan, yung ibang tao, wala….
Di ba?
(Halaw sa “Enjoy Itich!”, padala ni Tony Balmeo sa email, inakses noong 13 Nobyembre 2003.)
No comments:
Post a Comment