Kultura ng Pandaraya
Ang retiradong heneral at tumatakbo rin sa sariling party-list ang pinagbabantay ng muling pagdaraos ng eleksyon sa Lanao. Umalagwa ang mga bumoto sa party-list sa Lanao, Sulo at Maguindanao, lampas-lampasan sa 30 porsyentong pagtaas ng mga bumoto sa buong bansa. Sa Basilan, nangunguna ang party-list ng kamag-anak ng komisyoner sa Comelec, isang partido ng mga tricycle driver sa Nueva Ecija.
Maitatanim pa ang petchay sa Senado? O si ‘Tol o ang may record ng pinakamaraming bill na nai-file sa mababang kamara? Si Chavit Singson nga ay nangunguna sa Maguindanao, sa di mawaring dahilan. Kung ang eleksyon ay kolektibong tinig ng mamamayan, bakit ito dinudusta?
Malawakan na nga ang pagpapadaloy ng salapi para bumili ng boto, ikampanya ang administrasyon. Nangunguna nga ang adiministrasyon sa lokal na pagkapanalo. May mga angkang natalo, tulad ng Jopson ng Nueva Ecija at Espinosa ng
Nagaganap ang pandaraya sa laylayan ng naunang masibong pandaraya noong 2004. Sariwa pa ang alaala ng mga di pagbukas ng election returns sa Kongreso, si “Mr. Noted,” at siempre, ang magulang ng lahat ng pandaraya, ang Hello, Garci recordings. Garapalan ang pandaraya pero hindi garapalan ang ginawang paraan para pagtakpan ito. Ang nangyari lang, namuhay ang mga nanunungkulan na para bagang walang pandarayang naganap na nagdudulot ng malaking katanungan tungkol sa usapin ng lehitimong pamumuno.
Nanalo sa sariling makinarya, naiproklama ng sariling makinarya, nanunungkulan na gamit ang sariling makinarya. Bakit pa babaguhin ang sistemang sila ang nagtatamasa ng biyaya ng kapangyarihan? Hindi lang naman nagaganap sa eleksyon ang paggamit ng makinaryang magpapanatili sa nasa poder sa poder. Pati ang patakarang edukasyon, poverty alleviation, overseas contract work, employment at underemployment at globalisasyon ay pinapanatili sa ganitong masibong antas para makamtan ng estado ang katas ng salapi mula sa katawan ng mamamayan.
Bakit iaangat ang buhay ni Juan at Maria kung mas makukuha mo silang gumawa ng trabaho sa napakababang halaga? Bakit hindi mo gawing exklusibo ang Unibersidad ng Pilipinas na para na lamang sa may kapasidad na makapagbayad ng 300 porsyentong pagtaas ng matrikula? Bakit mo pipigilan si Andreang tapos ng masscom sa
Dahil dapat ay nakatago ang pandaraya, bawal magbunyag ng dokumentasyong magsisiwalat ng sikreto. “Dinaya ako,” wika ng mga Pilipino kapag natatalo sa anumang kontest daw. “Pikon talo,” patutsada naman sa mga natalo. “Sa eleksyon, dalawa lang ang uri ng tao—ang nanalo at ang dinaya.” Bagamat alam naman na may antas ng pandaraya—kasama ng karahasan at pagbili ng boto—sa bawat eleksyon, tila pinapalaki ang lawak nito sa bawat kasalukuyang eleksyon.
Kaya hindi na napapansin ang maliliit na pandaraya—ang kawalan ng mga pangalan sa listahan ng botante, halimbawa. Dahil nga buo-buong probinsya ay pwede nang palitan ang resulta ng eleksyon, ang maliit ay hindi na binabatikos. Napapalampas na ang pandaraya dahil sa isip ng mga nandaraya, lahat naman tayo ay lumalahok sa eleksyon, at sa eleksyon naman ay talagang may dayaan.
Makunan man ng kamera ang pag-snowflake sa resulta ng halalan, pati ang pagtutok ng baril sa mga gurong pinapapuno ng administrasyong kandidato ang mga balota, pati na rin ang guro at iba pang sinunog sa klasrum sa Batangas, wala pa rin nakukumbinsi na malawakan ang pandarayang naganap. Sa katunayan, kapag kulang sa 200 ang napatay sa eleksyon, sinasabi ng pangunahing ahensya ng polisya na “mapayapa ang eleksyon.”
Higit pang bantayan ang kaganapan. O mapangiti na lamang sa realisasyon na naging bahagi na ng politikal na buhay ang pandaraya.
1 comment:
Sir, link po kita sa blog ko. Thanks!
Post a Comment