Ang Pagsulat ay Malikhaing Gawain
Ang imahinasyon ang pangunahing lahok sa pagsulat, lalo na ng panitikan.
Malikhain ang panitikan sa ganitong antas. Tunay na wala nang masasabi hinggil sa engrandeng kaalaman at realisasyon sa buhay. Ang tangi na lamang magagawa ay ilahad ito sa kakaibang paraan, na parang engrande pa rin pero hindi inihahayag na engrande nga ito. Patagong proyekto ng pagtatayo ng monumento. At ito ang extra-challenge sa manunulat. Paano itatago ang monumento habang ginagawa ito?
Madalas sabihin ng nakakatanda, “Gamitin mo ang iyong imahinasyon.” Tila ito ang alamat ng pinya, kaya naparusahan ang babaeng tamad na maging matinik na halaman at prutas, “Gamitin mo ang iyong mata, hindi ang iyong bibig.” Bawal mag-ingay ang babae. Madalas sabihin ng mga nakakatandang manunulat, “show don’t tell.” Kung gayon, ang imahen ng matimtimang babae ang kognitibong mapa ng pagiging malikhain sa pagsulat—tahimik hindi garapal, masunurin hindi nagbabalikwas, internal hindi palabas ang gawi.
Kapag nagsusulat, nagbibigay-ngalan sa karanasan: ang dapat mabatid ng mga Tagalog, ang pagiging babae ay pamumuhay sa panahon ng digma, kung ang
Ang kakatwa rito ay ang perspektiba ng manunulat, sa akto ng pagsulat, ay humahawi rin ng mapa sa paraan ng pagsulat at sa panitikan. Ibig sabihin, ang naisulat na
Malikhain ang pagsulat dahil ito ay lumilikha ng bagong paraan ng kognitibong pagmapa sa karanasang pinapaksa nito. Ang panlaping “ma” sa salitang-ugat na likha ay tumutukoy sa batayang katangian ng pagsulat—masalapi, maalam, matanong, at iba pa. Nililikhang intrinsikong katangian sa paglikha ang pagiging malikhain nito. Arkitekto ang manunulat kung gayon—nagtatayo ng struktura ng panitikan, struktura ng karanasan, at maging struktura ng karanasan sa panitikan. Ang unlaping “in” naman ay tumutukoy sa pagiging definitibo ng katangian ng pagiging aksyon bilang deskripsyon ng likha—ito ay hindi lamang nag-uutos (likhain), kundi nagsasaad ng pagkilos sa pang-uri (malikhain). Kung gayon, paratihang isinasaad ng katangiang “malikhain” na ang proseso ay parating dinamiko, fluido, at patuloy-tuloy sa pagdaloy. Hindi pala naikakahon ang pagiging malikhain.
Naikakahon ito dahil mayroong limitasyon. Ang mismong pagpili ng manunulat na maging manunulat at hindi tubero, tagapastol ng kalabaw o nagtitinda ng droga sa kanto—kahit malamang ay parating may katambal na paggawa sa kahalintulad o suplementaryong trabaho dahil sa pang-ekonomikong kalagayan ng manunulat—ay nagsasaad na ng orihinaryong limitasyong pang-ekonomiko ng manunulat. Hindi pera ang dahilan ng kanyang pagsulat gayong pera ang hinihimok na dagdag sa kanyang kultural na kapital. Kung magtagumpay ang pera, hindi na siya manunulat sa artisanong paraan kundi manunulat na siya sa ilalim ng poder ng kapital. Kung hindi naman, at sa maraming pagkakataon ito ang kalakaran, ang aspirasyong maging dakila ang paratihang nasa likod ng pag-akda at pagiging malikhain. Kung gayon, ang pagiging malikhain ay nakaangkla sa utopia ng pagiging dakila.
Sa bawat akdang naisulat at naitanghal bilang panitikan, dumaraan ang naisulat sa serye ng paglimi ng mga tradisyong makakapagtanghal na ito nga ay dakilang panitikan, at kung magkagayon, na ang manunulat nga ay dakilang pantas. Ang institusyonal na praktis tulad ng pampanitikang kontests, publikasyon, workshops, pagtatanghal, organisasyong pangmanunulat, pag-aaral at kritisismo, at iba pa ay bahagi ng pagtahip na maghihiwalay ng ipa sa bigas. Sasalain pa ito—tulad ng paghihiwalay ng mismong mga daliri sa nakasamang bato at palay sa bigas—ng mas mahabang tradisyong pinanggagalingan ng mga larangang pampanitikan. At ang kolektibong karanasan ng mga ito ang magtatanghal kung ganap nga bang dakila ang akda.
Kung gayon, ang pagiging malikhain ay ang kapasidad ng akda na hindi lamang maitanghal na dakila ng mga higanteng tradisyon sa panitikan kundi ang pananalig na rin sa mismong diwa ng tradisyon bilang hulmahan ng kagalingan. Bagamat ang tradisyon ay may tatanghaling paisa-isang panitikang rebelde, ang mga ito naman ay incorporatable na rebelde na nagbibigay-prestihiyo pa rin sa establisyimento ng tradisyon. Wala ring dinadakila ang tradisyon na xerox lamang nang mga naunang kagalingan. Ang panuntunan ay mayroong ibang garden variety na iniluluwal ang bawat pagsulat.
At ito ang kinahaharap ng manunulat. Paano magiging tunay na malikhain kung mayroon nang parametro nang paglikha, ng likhain at pagiging malikhain? Ano pa ang pwedeng magagawa para maging malikhain? Ang dilemma ko ay kapag may masasabi pa ako, nagawa na ito, at kung gayon, naging bahagi na ng tradisyon.
Kung gayon na naman, ang maaring pag-isipan ay ang tradisyon. Mayroon bang nasa labas nito? May posisyong ng pagsulat ba na nasa labas ng pagiging dakila at pagkita sa panulatan? Kung mayroon, pagbati dahil mayroon naman palang ibang landas na maaring tahakin patungo sa nais mapuntahan.
2 comments:
salamat po at nakapagsulat kayo ng katulad nito, dahil dito, may napulot akong aral at magagamit ko itong 'reference' para sa aming report... salamat po.
thanks po for writing this topic,, this helps a lot.. really need it badly.. thanks again
Post a Comment