Cyborg, Mutant at Teknolohiya
Dito tumitingkad ang ating pagiging cyborg. Ang mga mata natin sa pag-check ng mga exam at report ay para nang scanner. Alam na ang hahanapin. Alam na rin kung gaano ka-otentiko ang mga sagot sa mga orihinal na sources. Tila may sariling buhay ang red ballpen sa ating mga kamay. Marunong tumantos ng tama at
Sa sariling pagsasaliksik naman, kaulayaw na natin ang computer. Tila ito visual recipient ng ating sariling processing ng mga data sa ating utak. Naka-hook ang ating mga sariling computer chip sa utak sa monitor.
Walang katapusan ang siklo ng produksyon ng ating sektor. Sa housing complex ko nga sa Hardin ng Rosas, ini-imagine kong bawat isang kwarto rito ay may kanya-kanyang taong naka-hook-up sa computer at iba pang teknolohiya, walang katapusang lumilikha ng publikasyon at mga pangangailan sa klase. Parating may dakilang kaluluwa na nagpupuyat hanggang sa pagliwanag. Parang gestating cell units ng mga bubuyog ang disenyo nito, kung isasapelikula. Di nga ba’t ang
Ang teknolohiya ay nilikha ng tao para magsilbi sa kanya. Sa kalaunan,
Ang mga teknolohiya ay aparato ng mga abstraktong construct na ginawang makabuluhan sa kolektibong buhay. Ang relo ay simbolo nitong pahiwatig ng oras at panahon. By itself, walang sinasabi kapag ala-sais na ng umaga. Pero lahat tayo ay hinahatak sa ating mga
Kamakailan ay ipinalabas ang pelikulang X-Men. Ito ang isa sa biggest hit sa
Sino ang hindi gustong maging si Wolverine? May extra-ordinaryong lakas na’y may regenerative power pa. Kahit bugbog sarado na ay maaring gumaling kaagad. May lumalabas pang metal knives sa kanyang mga knuckles sa kamay, mga appendages ng katawang phallic ni Wolverine.
Nag-tap sa ating kolektibong kamalayan ang fantasya ng mutants sa X-Men. Tinanong ko ang klase kung ano ang gusto nilang superpower, sakaling tunay ngang makapag-mutate tayo. Mayroong gustong ma-freeze ang time sa panahong harassed sila o kaya para mawasto ang mga nakaraang pagkakamali. Mayroong gustong makapagbasa ng utak ng iba.
Tinanong ko rin, in fidelity sa nature ng mutants, kung ano naman ang maaring drawback ng kanilang kapangyarihan. Ang gustong makapagfreeze ng panahon ay tumatanda ng bawat saglit ng kanyang pag-still sa kapaligiran. Yung nakakapasok sa utak ng iba ay nai-internalize rin ang pain at anguish ng mga ito.
Kaya may fasinasyon sa mutants ay dahil sa fantasya ng pag-angkop sa kasalatan ng sarili laban sa kalabisan ng aktwal na kapaligiran. Ibig sabihin nito, kung ano ang nais na maging superpower ay yaong kulang sa indibidwal para lubos na makaangkop sa kanyang opresibong kalagayan. Pero tulad ng nature ng mutant, meron pa ring drawback.
Sa pelikula, ang naging drawback ng mga mutant para sila tunay na hindi maging tao ay ang kanilang nostalgia sa kanilang pagkatao o humanity. Bakit gustong yumakap at makayakap ni Rouge? Bakit si Wolverine ay nagdesisyong pumaloob sa formal na grupo ng X-Men?
Itong pagnanais na manatiling tao, sa aking palagay, ang impetus kung bakit nananatili tayong epektibong cyborg at mutant. Bakit patuloy na ipinaglalaban ng isang profesor sa UP-Los Banos ang kanyang posisyon sa kampus matapos ng 25 taong serbisyo gayong pinatalsik na siya ng kanyang unit at in-affirm na ito ng Board of Regents? Bakit napakadaling mag-hire ng young teachers sa mga tinanggal na mas senior na guro sa UP-San Fernando?
Sa unang usapin, ang bawat kaganapan sa unibersidad ay issue ng human rights, ng dignidad ng tao at ng kanyang pagkatao. Pero ang mismong kapaligiran ng unibersidad ay hindi lubusang umaangkop sa produksyon ng pagkatao, nakaangkop ito sa produksyon ng kaalaman at edukasyon. Lalo pa itong pinapatingkad ng kasalukuyang diin sa academic excellence. Dulot na rin ng kaliitan sa sweldo, kahigpitan ng gobyernong burukrasya, napapatingkad ng mga ito ang pangangailangang maging efficient cyborg para makaugma sa piniling buhay sa unibersidad.
Bilang mga mutant at cyborg na nilalang, ang ating humanity ang nananatiling ating kalakasan at pagbagsak.