



Dahan-dahan dumating ang sandali pero mabilisan itong umalis. Ano ang alaalang naiiwan ng kagyat na pamamaalam?
Ang winalang pagkabata sa kulturang pambata
Sila ang hinihikayat mag-Jollibee na o MacDonald’s bago pa man sila makapagbasa. Kaya bawat komersyal ng anumang produktong gustong may panghabambuhay na koneksyon at aktwal na pagtangkilik, mayroong bata. Na sa pagtanda ng mga bata, may hinahanap sila sa bawat akto ng pagtangkilik, ang kanilang isinaloob na pagkabata (inner childhood).
Mas sumasarap ang French fries dahil naalaala nila ang ilang beses silang hinayaang magtatakbo sa fastfood outlet, mag-playground sa loob nito, kasama ang nanay, lola o katulong. Ang saya-saya lang! Flashforward sa anxiedad ng kasalukuyang panahon—mas malalaking problema na ang kinahaharap: kailangan nang tumigil sa pag-aaral, maghanapbuhay, pumasok sa kontraktwal na gawain, at magkapamilya. Ano ang tsansang magtagumpay ang ordinaryong mamamayan?
Winala ng estado ang pagkabata. Mayroong 5 hanggang 5.7 milyong bata ang nagtratrabaho na. 2.7 milyong bata ay nagtratrabaho sa peligrosong gawain. Lampas sa kalahati ay nagkakasakit o napipinsala dahil sa di-ligtas na kondisyon ng paggawa. Sitenta porysento ng mamamayan ay namumuhay sa kondisyon ng paghihikahos. May 7.4 milyong bata sa edad pababa ng sampu ang may malnutrisyon. Tinatanyang 50,000 bata ang namumuhay sa kalsada sa Manila, at lampas ng 246,000 sa buong bansa. Mga 36,000 na bata ang nawawalan ng tirahan at nahihinto sa pag-aaral dahil sa giyera sa Mindanao. Makakasama rito ang napipintong pag-atake ng militar sa Basilan, bilang paghiganti sa mga sundalong napaslang. Wala itong pagsasaalang-alang sa libo-libong batang di na makakapasok.
Kung ganito ang dinadanas ng mga sanggol, paslit, musmos at bata, kay bilis nilang pinapatanda ng estado. Kanya-kanyang pagkakaugapay ang kanilang mga magulang, kung di man sila mismo kung paano mabubuhay, saan titira, saan kukuha ng pambili ng bigas o mamumulot ng makakain, pati sa basura. Ang bata sa media ay malulusog, at kung magkakasakit man, may mga magulang na walang problemang bumili ng gamot. Ang bata sa media ay maliliksi, matatalino at may inisyatiba, lalo na kapag ibinili ng supplements, Promil, at kung ano pang produkto.
Totoo naman ang bata sa lansangan ay tumatawa rin. Musmos pa ring naglalaro sa putikan at dumi. Hindi nila pinili ang ganito. Ipinanganak lang sila, tulad ng kanilang gitnang uring katapat. Ang pagkakaiba lang, isinumpa na ang naghihikahos na bata sa mas mahaba pang yugto ng paghihikahos. Winala at winaldas na ang kanilang pagkabata, bago pa man silan isilang dahil ang kanilang mga magulang, tulad ng kanilang magulang, ay isinilang na mahirap.
Ang bata, samakatuwid, ay inilalagay sa kwento ng pagsagip ng mismong pamahalaan at negosyong umaapi sa kanila at kanilang mga magulang. Ang Bantay Bata ay nandiyan para mag-ulat ang kapitbahay at kasambahay sa mapang-abusong kasapi ng pamayanan. Isuplong para iligtas. Pati ang siste sa buong edukasyon, kalusugan, tirahan at pag-unlad ng indibidwal ay nakabatay sa pamimilantropo. Sa negosyo, ito ang peryodikong pagtulong sa gawaing pamayanan, kasama ang paggawa ng bahay o pagtatanim ng puna. Tax deductible naman. Sa estado, ito ang pagtalikod sa mismong gawaing pampubliko para lalo pang mapaigting ang sistemang pamamatronahe ng mamamayan sa politiko.
Idudulog na lamang sa mas may kapangyarihan o kapital kapag hindi kaya ng sariling diskarte. Kung magpakaganito, ipinaubaya na naman ng mamamayan ang isang mahalagang bahagi ng kanyang pagkatao—ang kanyang dangal bilang tao—sa kamay ng estado. Pinapakapit sa patalim, pinapasayaw ng hubad, nakakapagnakaw at nakakapinsala ng kapwa dahil sa kawalan ng pagpipilian sa buhay. Sa ngalan ng mga anak, asawa at pamilyang naghihikahos, handa ang magulang na gawin ang lahat, mairaos lang ang pamilya. Sa ganito historikal na pagkakataon nawawala ang pagkabata.
Ang magulang ay hindi piniling paghirapin ang kanyang anak. Ang bata ay walang kapangyarihang mabuhay nang sarili niya. Ang sistema ang magliligtas sa kanila, kung magiging marangal na naghihikahos sila. Ihanda ang sarili sa katubusan ng sistema. O organisahin ang mga magulang nila?
Orapronobis Introduction
18 July 2007
Ang CONTEND-UP o Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy ay bumabati sa inyo ng isang mapagpalayang hapon. Ang CONTEND-UP ay organisasyon ng progresibong guro sa UP, at ang pelikulang matutunghayan ngayon ay bahagi ng serye ng pagpapalabas ng klasikal at makabuluhang mga pelikula. Sa nakaraan ay ipinalabas na naming ang “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon,” “Aguila,” “Manila After Dark,” “Bayan Ko Kapit sa Patalim,” at ang dokumentaryo nina Malcolm at Botti, pati na ang ni Carlitos Siguion Reyna.
Inanyayahan kayong manood ngayon ng “Orapronobis,” ang pelikula ng National Artist for Film na si Lino Brocka, para tunghayan ang historikal na realidad ng paglapastangan ng human rights sa panahon ng post-Edsa ni Cory Aquino, at aalingawngaw sa kasalukuyang panahon ni Gloria Macapagal Arroyo sa kulang na 900 politikal na pinaslang at 200 na sapilitang dinampot o enforced abduction. Ang pelikula ay testamento sa sabayang pagkilala kay Brocka ng internasyonal na komunidad, lalo na ng Cannes Film Festival na nagpondo nito, at ng patuloy na pagiging makabuluhan ng nilalaman nito maging sa kasalukuyang panahon, lalo na sa edad ng Anti-Terrorism Law na nagtitiyak ng pagsupil sa sinumang pinaghihinalaan at aktwal na kalaban ni Arroyo.
Para sa mga estudyante ng pelikula at mass communication, ang pelikula ay nagpapatingkad ng papel ng media sa pagpapalaganap ng alternatibong kasaysayan ng bansa, mula sa laylayan. Para sa mga estudyante ng panitikan at humanidades, ang relasyon ng pelikula bilang akdang historikal ng problema sa pagsasabansa. Para sa estudyante ng Rizal at Community Development, ang bansang isinaalang-alang ni Rizal matapos ng isang daang taon, ganito pa rin ba tayo? Para sa estudyante ng kasaysayan at araling syensya, ang papel ng military, paramilitary, simbahan at pamahalaan sa pagtataguyod ng kultura at kalakarang pasista sa bansa, at ang alternatibo sa karahasan ng estado. Para sa iba pang estudyante, bahala na kayo sa pagsusuri ng isang mapanuring pelikula.
Sa Lunes ang ikapitong SONA o state of the nation address ni Arroyo. Magrehistro tayo ng ating pagtutol sa pinakasistematikong pandarambong sa edukasyon sa kasaysayan ng bansa, na nakapagtalaga ng pinakamataas na drop-out rate sa kasaysayan ng nanunungkulang pangulo, 3.41 milyong kabataan ang nalaglag sa pag-aaral noong 2006, 82% ang itinaas mula ng manungkulan si Arroyo noong 2001. Pinakamababa rin, sa tunay na halaga, ang budget sa edukasyon sa administrasyon ni Arroyo. Pinakamalawakan rin ang pribatisasyon at marketisasyon ng edukasyon sa kanyang panunungkulan, at dito sa UP ang katumbas nito ay ang 300% pagtaas ng tuition fee ngayong taon, at ang sandamakmak na call centers na itatayo sa Commonwealth side ng campus.
Kung tunay na pinapakipot ni Arroyo ang akses sa edukasyon na sana’y mabibigay ng panlipunang mobilidad kahit sa pinakamahirap na kabataang mamamayan, wala nang aasahan sa kanyang administrasyon. Tulad ng isinasaad ng pelikula, hindi tayo maaring maging saksi na lamang sa karahasan ng panahon, kailangang makibaka at lumaban.
Muli, mapagpalayang hapon sa ating lahat.
Cinemalaya Film Congress
Theme: Harnessing Technology for Artistic Expression
Panel 2: Assessing Tulad ng Dati, Batad and Rotonda
24 July 2007
Bago pa man maaring sipatin ang lokal na digital na pelikula, kailangan, sa aking palagay, ilagay ito sa mas malaking teknolohikal na kontexto. Ang digital cinema o D-cinema ay sinasabing ikatlong pinakamahalagang tampok na pag-unlad sa pelikula, simula nang maimbento ang celluloid, at dumating ang sound. Ito ay penomenong nagsimula noong 1980s, at nang 1999, ang Star Wars: Episode I, The Phantom Menace ang sinasabing unang pelikula ipinalabas gamit ang digital technology. Ang D-cinema ang all-encompassing na kalakaran sa digital filmmaking—sa ibang mas maunlad na bansa, ito ay tumutukoy sa production (digital capture), post-production (editing, audio recording at digitizing o mastering ng buong pelikula), distribution (pagbeam, sa pamamagitan ng digital technology, ng pelikula sa mga digital movie house, o physical media delivery, network delivery, satellite delivery o digital cinema distributors) at exhibition (digital projection). Sa pamamagitan ng digital na technology, ang mga pelikula ay maaring mapanood at mapalaganap sa computer. Kasama rin sa digital cinema ang digital film restoration o pagbabalik sa orihinal na hitsura at tunog, at pagdigitized ng naunang mga pelikulang naturally prone sa deterioration.
Tunay na napakabilis ng pag-unlad ng teknolohiya ng digital. Magastos din ang kabuuang teknolohiya. Nasaan na tayo? Sa isang banda, nasa laylayan pa rin ang bansa dahil nakatuon pa rin ang D-cinema nito sa content-provider phase. Hindi pa malawakan ang distribusyon at exhibisyon sa malawakan na digital na teknolohiya. Sa kabilang banda, sa pagboom ng aktwal na digital filmmaking, ito na ang may kapantay na status na dominant Philippine cinema. Kung titignan ang bilang ng produksyon nito, maging ang mga pelikulang tampok sa award-giving bodies, ang digital films ang namamayagpag. Kung gayon sa mahalagang usapin ng commercial viability at exhibition (na kailangan pang i-blow up sa 35 mm film) ang lumalabas na kahinaan ng digital film sa bansa.
Paano makakalikha ng artistikong mga pelikula kung ang budget lamang ay kalahating milyong grant mula sa Cinemalaya, at kung limitado pa rin ang pagpapalabasan nito kundi sa CCP, Cine Adarna ng UP at ng isang sinehan sa Robinson’s? Dito kailangang linawin kung ang tunguhin ba ng D-cinema sa bansa ay para sa pagiging national dominant nito, at kung gayon ay kakailanganin ng major shifting ng teknolohiya sa distribution at exhibition, at kahit pa magpakaganito ay hindi pa rin makakapantay sa content ng Hollywood cinema; o para sa D-cinema ba sa Philippine national cinema, ibig sabihin, at ito rin naman ang kinakaya sa ngayon, ang paglikha ng mga akdang pelikula na magbibigay-representasyon sa sinasapantahang pagka-Filipino—mga kwentong hindi kakayaning sambitin ng mainstream cinema na bagamat mahina sa bilang ng produksyon ay namamayagpag naman sa puso ng masang manonood.
Kaya may pagka-mala-mala o
Ang digital film ay hindi celluloid. Hindi ang layunin sa digital film ay gawing film, kundi i-harness ang productive potentials ng limitadong akses sa digital technology. Ang mainstream D-cinema ay nangangarap palitan ang celluloid sa diin nitong makatagpo ng teknolohiyang kasing linaw at lutong ng celluloid. Ang quite specific sa medium ng digital ay ang transformasyon ng imahen sa digital para sa iba pang aspekto ng D-cinema. Ibig sabihin, mas napapadali ng imahen ng digital ang production, post-production, distribution at exhibition ng pelikula. Mas mabilis, mas timely, mas relevant, mas purposive samakatuwid ang digital film, o ng inaasahan dito,
Kung gayon, ang digital film ay dumadaloy din sa modernistang interogasyon ng pelikula. May ibang mundo itong gustong tanawin, at kailangang malinaw sa digital filmmakers natin kung ano ito. Marami sa mga stilong ginagamit sa ating digital films ay halaw sa mga modernistang kilusan sa pelikula, maaring direktang ugnay sa mga pelikula ng iba’t ibang henerasyon nito sa iba’t ibang bansa, o sa paghalaw na rin ng dominant at independent Hollywood cinema sa mga ito, maging ng MTV. Ang pananaw na makabago hinggil sa pagbabago, gamit ang teknolohiya ng digital film, ang siyang magbubunsod ng pagiging malikhain.
Hindi naman neutral term ang artistry, ito ay socially constructed. Maging ang paggamit sa digital technology ay socially poised din, kung ano ang available sa atin, na kalimitin siempre ay hindi pa lubos na pagsabay kung ano ang global standard. Ang example nito ay ang klase ng rekognisyon sa international film festivals sa Filipino digital indie film—poverty themed pa rin, tulad ng legacy nina Brocka at Bernal. Ang pagiging belated sa teknolohiya ay nagsisilbing impetus para paigtingin ang kakulangan sa teknolohiya sa pangkalahatang kasalatan sa bansa. Aesthetics of poverty pa rin sa teknolohiyang may pagka-poverty stricken ang kasalukuyang emplacement ng digital film.
Kung ang digital film ay hindi naman talaga indie mode kaagad, ang operative sa pagsala ng gamit sa teknolohiya ay ang estetika—para saan ito ginagamit? Ano-anong artistic choices ang nakabatay sa teknolohiya at historikal na realidad? Isinasaalang-alang, samakatuwid, ng estetika at teknolohiya sa elaborasyon ng “Filipino” “indie” “digital film.” Sa ganitong panuntunan ko tinitignan ang evalwasyon ng mga pelikulang nakatoka sa panel ngayong hapon.
Ano ang pagka-Filipino, ano ang indie spirit na isinasaad, sa paggamit ng digital film? Ano ang naratibong tinatahi ng mga pelikula? Sa pelikulang Batad, ginamit ang digital technology para i-fastpace ang pang-araw-araw na buhay ng mamamayan dito, kasama ng bidang batang lalakeng naghahangad magkasapatos. May dissolve shots imbes na long shot para pabilisin ang buhay sa turistang lugar, Gayundin, sa kwento ng pag-angkat ng mga bulol at sagradong mga bagay ng gurong ibinebenta ang mga ito sa
Sa Rotonda ay gayon din, ang saga ng
Ang artist ang isang figurang tumatampok sa indie digital film. Ang saga ng artist ay kahalintulad ng saga ng indie film maker—may love object na hindi makakamit sa kasalukuyan, nabubuhay sa ideal ng nakaraan. Kadalasan ay talunan ang artist, pero sa Tulad ng Dati, napangibabawan ng artist ang kanyang sariling middle-class artist angst. Teatrikong gumamit ng simbolikong mundo ang pelikula para resolbahin ng tauhang artist ang kanyang nakaraan. Pati ang literal na mundo ay kinakausap niya, nag-o-one for the road sa puntod ng kaibigang napatay. Mula tabularasa, muli niyang isinulat ang nakaaan, at mula sa rekonstitusyon nito, nakapag-move on na siya. Maganda ang premis ng pelikula at malinaw na Filipino ang audience nito na makakagusto sa extended concert scenes. Pero nagtangka ang digital film na maging pelikula, walang matwid na inobasyon sa teknolohiya ng digital film. Kaya nagmukhang maliit na pelikula.
Kung sisipatin ang mga digital film na nagtagumpay (Maximo Olivares, Kubrador, Foster Child, halimbawa), ito ay ang masinop na representasyon ng lugar sa mundo, ang pananaig ng pagkatao sa di makataong lipunan, ang inobatibong gamit ng digital na teknolohiya sa paggawa ng pelikula, ang preferensiya sa long take at open-ended na resolusyon na ang buhay ang magpapatuloy. At ito ang maganda ring epiphany sa indie digital film, hindi kayang masinop na resolbahin ng naratibo ang bigat ng kapaligiran at kung gayon, na magpapatuloy lamang ang buhay pero hindi lubos na tulad ng dati.
Ang Pinag-aagawang Bata sa Panitikang Pambata: Folklore, Media at Diskurso ng Bata
Sa kasalukuyang panahon, ang mga bata ay tinitignan bilang target market para sa mga produkto at serbisyo ng konsumerismo, kundi man ng mismong larangan ng kasalukuyang kapitalistang karanasan, ng konsumerismo. Kung tutunghayan natin ang advertisements para sa telebisyon, halimbawa, hindi pa man nakakapagbasa ang mga musmos, ay karag-karag na sila sa fastfoods, gamot, . Alam na nila ang branding o ang mga kwentong kaakibat ng karanasan sa produkto. Masaya ang Jollibee, kahit minsanan pa ito; hindi masaya ang walang Jollibee. Malungkot ang may sakit, masaya ang Tempra na magpapawala ng sakit. Nagiging mainggitin ang bata dahil sa murang edad pa lamang, alam na niya ang mga bagay na nagbibigay-diin sa kanyang kakulangan at katumbasan ng sarili. Nararanasan na rin niya na kahit ilan beses pa siyang tumangkilik ng produkto, hindi pa rin ito makakasapat para punan ang kulang o kasalatan. Parating may bagong susulpot bilang bagong pamantayan ng kanyang pagkatao—bagong laruan, bagong pelikula, bagong produkto sa fastfood, bagong laruan mula sa bagong pelikula na isinasama sa kiddie meal sa fastfood.
Ang bata ngayon ay isang kakatwang nilalang. Ang kanyang realidad ay kabahagi ng realidad ng bansa 70 porsyento ay namumuhay sa ilalim ng poverty level. Ito ang argumento ni Robert Coles, “that a nation’s politics becomes a child’s everyday psychology.” At kung magpaganito, paano siya pinalalahok at pinatatampok ng kasalukuyang konsumerismo, kung siya at ang kanyang pamilya mismo ay walang lubos na akses sa karanasang ito? Sa edad ng kamusmusan at kabataan, ang pagiging bata (childhood) ay nawala at iwinala na ng historikal at panlipunang kaayusan. Ang nawawalang pagkabata ay ipinasasambit na lamang sa matatandang may limitadong panggitnang uring lagay, para konsyensyahin ang mga ito, at manakanakang paambutan ang musmos ng mga marker ng pagiging gitnang uri. Samakatuwid, ang kabalintunaan ng pagiging bata at kabataan ay ganito—hindi ito lubos na pinapadanas, wala nang karanasan sa labas ng konsumerismo, at ang limitado nitong pagdanas ay sa pagtanda na lamang, sa pamamagitan ng nostalgiang lilikha sa mahikahos na kamusmusan at kabataan bilang ideal pa rin.
At ganito rin ang kalakaran sa bata sa panitikan ng Pilipinas. Walang bata, maliban sa mga inaakalang inaawitan ng oyayi ng mga magulang. Natatangi ang pambansang bayaning si Jose Rizal at ang mga kuwentong umiinog sa maagang pagkabayani at pagkahenyo nito: mula sa mga kulisap na lumilipad sa lampara habang binabasahan ito ng libro, sa pagkahulog ng isang tsinelas nito habang nakasakay sa bapor at ang desisyong ihulog ring ang isa pang tsinelas nang sa gayon ay kung sakali, mapakinabangan ito ng mangingisda para sa kanyang anak, tungo sa pagiging matatas at makabayan nito sa Ateneo, hanggang sa pagsulat nito ng maikling tula at pagdibuho ng kwento ng matsing at tsongo, ang sinasabing unang kwentong pambata, at iba pa. Bago sa mga kuwentong ito, hindi mahalaga ang bata. Historikal na ang pagkanakaw sa kanyang pagkabata, o dili kaya’y hindi mahalaga ang kalakarang pagpapalaki sa bata kaysa sa pagtulong nito sa pagpapabuti ng pang-ekonomyang lagay ng pamilya at pamayanan.
Kung winala ang pagkabata ng global na kapitalismo at pambansang pamahalaan, saan ilulugar ang panitikang pambata? Una, ang formulasyon ng gitnang uring bata ang pangkalahatang target audience nito. Ito ang ginagabayan ng magulang bumibili ng panitikang pambata para basahin sa kanyang musmos, o himukin ito na magbasa. Ito ang ina-outreach ng story readers/performers at ng reading advocacy groups para mahimok maging ang mga bata sa mababang uri na magkaroon ng karanasan sa panitikang pambata. Kung disenfranchised ang underclass na bata, at sa kabuting palad sa hinaharap ay ito ay magkaroon ng ekomiyang enfranchisement, ang winalang pagkabata sa kanya ay magdudulot malamang ng kumpensasyon sa kanyang sariling anak. Siya na nagbabasa ng panitikang pambata ay nagkakaroon ng pagkakataong ihulma ang kanyang anak sa gitnang uring karanasan ng pagkabata. Lundayan ang panitikang pambata para sa karanasang gitnang uri—literasi sa inaakalang folklore ng bansa, sistema ng pagpapahalaga, pagka-Filipino, liberal at pagkamamamayan. Pero siyang nagbabasa ay siya rin, sa naunang panahon, ay disenfrantisadong bata. Sa kanyang pagbabasa, muli niyang isinasabuhay ang ideal na pagkabatang winala sa kanya.
Jollibee, na kaya nagpapatuloy ang marami sa kanila na tumangkilik sa mga establisyimentong ito at magpaka-infantilize—kumain ng French fries, sundae at burgers—ay dahil sa aktwal at imahinaryong alaala ukol sa nakaraang pagkabata: na dinala sila ng kanilang magulang dito, pinaglaro sa playground sa loob nito, pinainom at pinakain ng kalabisan (labis na asukal, alat, mantika, kolesterol), hiyaang mag-ingay at magtatakbo, at iba pa. Na kahit na nga hindi ito ang aktwal na alaala, muli’t muli itong binubuhay sa bawat pagtungo sa mga establisymentong ito. Fabricated ang alaala, pati ang karanasan sa love object na nag-e-embody ng pagkabata. Kaya rin hindi historikal na aksidente na kasama nina Sharon Cuneta at Aga Muhlach ang kani-kanilang mga anak sa paghimok sa mga mamimili, kasama ang mga musmos na manonood, para mareafirma ang kani-kanilang interes na tangkilikin ang pagkain at serbisyo ng mga fastfood chain. Malaganapang multi-media ang pagpapaalaala dahil baka makalimutan. Kaya pirmes ang advertising at iba pang business advocacy programs—ang MacDonald’s House, ang pangongolekta ng laruan kapag pasko ng Jollibee, at iba pa. Kung gayon, ipinapadaloy pa ring muli sa katawan ng underclass na musmos ang karanasan isinisiwalat sa pagkabata ng mga kapitalistang negosyo at ang kapabayaan ng pamahalaan.
Malaking sangay ng panitikang pambata ay gumagamit ng folklore (
Kung sa naunang folklore, tulad ng kwentong pusong at pilandok, ay subersyon ng namamayaning kaayusan ang namamayagpag sa pamamagitan ng pagbalikwas sa masinop na kaayusan panlipunan, ang kasalukuyang awiting pambata ay hindi lubos na matwid ang paglalahad ng mga kategorya ng binabalikwas. Ibig sabihin, mas mabulaklakin, pa-otso-otso ang kalakaran ng pagbabalikwas: mahalay ba o inosente, may iba pa bang kahulugan o wala, tungkol ba ito sa mga pribadong bahagi ng babae at sex—pero bakit popular? Bakit pagiling-giling at patuwad na pumping ang katernong pagkilos nito? Ang kasinupan ng pagbabalikwas sa naunang folklore ay matutunghayan sa kwentong pambata na gumagamit ng folklore. Narito ang usual na balangkas ng pagbabalikwas sa kwentong pusong at pilandok. Ang kanang hanay ng termino ang paukol sa naghaharing sistema ng kapangyarihan at ang kaliwang hanay ay paukol sa subersyon nitong sistema nito.
Naghaharing Sistema Subersyon ng Sistema
Tauhan hari, prinsipe pusong[i], pilandok
Katangian
Tingin sa lipunan mataas mababa
Uri mayaman mahirap
Ugali mapagmataas hangad ay kabutihang lagay
Kapamaraanan dekorum bulgar
tusong ambisyon ordinaryong ambisyon
paghahangad ng labis pagkilos para sa labis
extensyon ng order inbersyon ng order
Resolusyon tatanga-tanga talino
naisahan nakaisa
pinagtawanan hinangaan
objek suheto
Mayroong antagonismo batay sa uri sa kwentong bayan. Naghahangad at nagtagumpay makaisa ang personahe ng mababang uri sa personahe ng mataas na uri. Ang temporal na pagtatagumpay ng mababang uri ay nagaganap lamang sa akto ng pagkukwento. Pero dahil mayroong reproduksyon ng kwento, ang paglipat-dila nito sa iba pang tao, may prolongation ng subersyon. Ang pang-espasyong pagpapalawak sa subersyon naman ang nagaganap. Kung paniniwalaan natin ang mga psychoanalysts, ang subersyon sa panitikan ay may layong maging malaganap at lamunin ang sistema para makapagtatag ng bago dahil ito ay nakaugnay sa oral phase—ang preliminaryong pagkaunlad ng musmos tungo sa angkop na sosyalisasyong panlipunan. Hindi ba namumutiktik ng oral phase ang konseptwalisasyon ng panitikang bayan, tulad ng oralidad, palipat-dila, panitikan, at iba pa? Sa yugto ng oral phase, nilalamon ng musmos ang lahat ng nasa labas nito. Dahil nagsisimula na ang pagkalito sa kung ano ba ang sarili at iba, nagsisimula na rin ang paglahok ng musmos sa naturang ayos ng makapangyarihang sistema ng otoridad, kasama ang wika. Gustong pagsanibin ng musmos ang loob sa natutuklasan niyang labas. At kung angkop ang kanyang paglabas sa yugtong ito, ang kanyang pagtungo sa anal phase naman ang maglalayon ng implementasyon at rigidisasyon ng order. Ang susunod na yugto ang magsasaad ng kaibahan ng loob sa labas, ang pag-angkop ng loob sa mas makapangyarihang labas.
Ang panitikang bayan sa panahon ng kolonialismo ay naisantabi para paboran ang mga ipinakikilalang folk na may Kristianisadong laman at popular na panitikan. Sa panahon ng Kastila, ipinalaganap ng simbahan, sa misa at parokyanong eskwelahan ang mga buhay ng santo, kwento at
Hindi kaya may kinalaman din ang panitikang pambatang nakalibro at ipinagbibili sa uri ng diskurso hinggil sa bata na isinisiwalat ng estado sa pangkalahatan, at ng negosyo at pamahalaan sa partikular? Ang ibig kong pag-isipan ay sa klase ng antas panlipunan ng bata, bakit ang tuon ng panitikang pambata ay hinggil sa formasyon ng values na mas umaagapay kaysa umaalagwa sa sistema ng pagpapahalaga ng estado? Tunghayan ang mga datos hinggil sa bata sa bansa:
70% ng 76.9 milyong Filipino ay namumuhay na naghihikahos
50,000 bata ang nakatira sa kalsada ng
ang giyera sa
ang child labor sa bansa ay umaabot ng 2.7 milyon; mga kalahati rito ay nakaranas ng sakit at disabilidad dahil sa di-ligtas na kondisyon ng paggawa;mismong DOLE ay nagtataya sa limang milyon bilang ng child labor sa bansa
7.4 milyong bata sa edad na mababa sa sampung taon ay nakararanas ng malnutrisyon
Kung ganito ang realidad ng nakararaming bata sa bansa, ano ang papel ng panitikang pambata? Bakit di tulad ng nakakatandang panitikan—at hindi lamang dahil mas nauna itong umunlad—na maaring maging palaban ang laman at porma ng sektoral at rehiyonal na panitikan, ang panitikang pambata ay masyadong “wholesome” o ang komentaryong panlipunan at historikal ay limitado sa personal na antas?
Hindi kaya appropriated na diskurso na ang panitikang pambata sa bansa? Malaking cottage industry na ang publikasyon nito, sa mas malaking industriya ng telebisyong pambata (kasama na rito ang anime, cartoons, cartoon channels, art shows na pambata, comedy shows at talent searches na pambata)? Hindi kaya ito hiwalay sa klase rin ng formasyon ng diskurso ng bata at pagkabata ng mga business advocacy? Kung titignan natin ang Bantay Bata at ang diin nito ng pag-uulat ng kapitbahay na lumalapastangan at umaabuso sa mga bata, mauunawaan na ang kalakaran ay tungo sa pagligtas ng bata, at kung kakayanin, nang anumang natitira niyang pagkabata. Ang pagligtas ay gawain ng estado na piniling pasanin ng negosyo. Hindi dapat maging saksi sa batang inaabuso, dapat itong iulat sa Bantay Bata na siya namang magpapadala ng team, madalas ay kasama ang television crew, para idokumenta ang insidente. Maari rin magbigay ng sobrang barya sa mga lata ng Bantay Bata, mga lata na may nakapaskel ng mga nangangailangang mukha at katawan ng underclass na bata. Kung ganito, lumalabas na charity work naman ang causa ng bata—barya-barya, na tulad ng Piso para sa
Kung ang insidente ng pang-aabuso sa bata ay isa nang spectacle na initinago, bakit binubuyanyang muli, ginagawang spectacle ang paraan ng pagresolba nito? Maari pang ma-televised ang insidente sa mismong estasyong pantelebisyon, ang mukha ng bata ay hindi ipapakita, pero ang inulat na umaapi sa kanya ay ite-televise. Ihihahayag para muling mabuyanyang ang bata. Ang spektakularisasyon ng batang inaabuso ay pumupukaw sa marami na ngang ninakawan at winalan ng kanilang pagkabata. Ang mga ito ay makaka-relate, makaka-identify, tutulong, magiging saksi laban sa kapitbahay na nang-aabuso, at magkakaroon ng moment na mate-televise pa rin bilang ehemplong dapat sundan ng iba pang mamamayan sa pamayanang may nang-aabuso. Insidental ang bata dahil kundi pa siya aabusuhin, hindi siya papansinin, paglalaanan ng telebiswal na panahon.
HSA at Pula
Pula ang mga langgam, na ang kwento’y walang patid na nagsisikap sa panahon ng tag-init nang may makain ang puluton sa tag-ulan. Pula ang bandila’y wumawagayway sa martsa ng kilusang masa. Pula ang atas sa mga aktibista, mapanganib sa estado kaya pinapaslang o sapilitang winawala. Pula ang dugong umaagos sa mga utak na pinasabog, bumubulwak na parang fountain sa bagong taon hanggang sa paisa-isang patak ang mamumuo sa natungap na ulo at lupa. Pula ang kulay ng dugo at ng bagong bukangliwayway, ng nagkakaisang hanay ng kilusang masa, kung bakit masasabing mas malapot ang dugo kaysa sa tubig na siyang nagbibigkis sa ating lahat. Pula ang kulay ng rebolusyon—masindak, nag-aalab, naghuhumiyaw sa gabing mapanglaw na nagtatago ng eksena ng malawakang paghihikahos at pandarambong. Pula ang pag-ibig kaya nananatiling nagkakaisa kahit na dinarambong, pinapaslang at dinudukot sa kalagitnaan ng gabi o sa tanghaling tapat. Minamarkahan ang pula dahil ang pula ay nananatili, lumalawak, lumalalim. Isang bagong kamaong bakal ang siyang layon ng Human Security Law para durugin ang pula. Paano dudurugin ang kalat-kalat na nagsisikap na langgam, matutukoy kaya ang mga repositoryo ng kanilang pagsisikap? Paano dudurugin ang pulang aktibista nang hindi ito napaparami sa bawat bigwas at panunupil? Pula ang kulay ng pag-ibig, at ang pag-ibig sa bayan, pati na ang pag-aalay ng buhay para sa kanyang adhikain, ay kailanman, hindi mayayanig sa mga gabing mapanglaw o sa tanghaling tapat. Ito ang kabawasan na hindi makakapigil sa pula, na makakapagparami sa pula. Na ang pula ay hindi lamang isang kulay, hayop o tao, kundi lampas-lampas pa. Walang bakal na kamao ang makakadurog. Pula ang puso, pula ang pag-ibig, pula ang rebolusyon, pula ang nagkakaisang hanay.
Ilang sona pa?
Ang SONA ay acrnomyn para sa “State of the Nation Address,” ang taunang pananalumpati ng pangulo sa harap ng bicameral assembly, na nag-uulat sa bayan sa lagay ng bansa. Kasama rito ang mga spektakular na nagawa at ginagawa, at ang ipinapangakong gagawin sa susunod na taon.
Kumpetisyon ang SONA dahil mayroong alternatibong isinisiwalat ang kilusang masa sa lansangang patungong Batasan Pambansa. Sa loob ng lehislatura, ang pomp at pageantry ng naka-Filipinianang asembleya tila de-susing papalapak at magsta-standing ovation, paramihan taon-taon na iniuulat kinabukasan. Sa labas nito, ang pag-uulat ng iba’t ibang sektor ukol sa tunay na lagay ng bayan. Matapos, ang pagsusunog sa magarang effigy ni Arroyo.
Sona rin ang tawag sa pag-surveillance sa mga lugar na tinatagurian ng militar at pulis na pugad ng mga kriminal at subersibo. Kaya sinosona, o pinalalabas ang lahat ng kalalakihan sa isang lugar para inspeksyunin ang mga katawan para sa tattoo at ano pa mang maghuhudyat na ito ay hindi legal na katawan. Maramihan ang ikukural pabalik ng presinto para i-interrogate pa, o damputin para isalvage. Sa pagtira ng maralitang tagalunsod sa sonang pook, tila may lisensya ang militar at pulis na paratihang tanungin at ipwesto bilang kahinahinala ang abang mamamayan.
Sonang gerilya naman ang lugar na kinikilusan ng mga armadong mandirigma. Isinasabuhay ng mga gerilya ang pagkilos tungo sa transformasyon ng lugar sa isang responsibo sa pangangailangan ng mamamayan. Kumpara sa pagsosona at flushing-out operation ng militar, hindi gamit ang salita para tukuyin ang kahalintulad na operasyon ng mga gerilya. Namumuhay kaisa ng mamamayan ang gerilya, hindi hiwalay at naghahasik ng pasismo, tulad ng militar.
Sa isang banda, kumpetisyon ang pagbibigay-ngalan at karanasan sa SONA. Pero sa kabilang banda, tila inako na ang salita ng kilusang masa para tukuyin ang direktang karanasan sa pamdarambong ng pambansang pamahalaan sa mismong mamamayan nito. Tuwing ikatlong Lunes ng Hulyo, tumutungo ang nakikibakang mamamayan sa Batasan para sa ritwal ng pagtuligsa sa opisyal na bersyon ng pamamahalaan. Bahagi na ito ng required attendance ng mga aktibista, tulad ng Araw ng Kababaihan, Mayo Uno, Araw ng Karapatang Pantao, at iba pang okasyong nagbubuklod sa pakikibaka.
“Pupunta ka ba sa SONA?” Sa hanay ng mga aktibista, hindi ibig sabihin nito ang pagdalo sa SONA ni Arroyo sa Batasan Pambansa. Pupunta ka ba sa alternatibo sa opisyal na kwentong panggagaga? Ibig sabihin, sa SONA sa lansangan, hindi sa mismong Batasan. Inako na ang SONA ng kilusang masa, kaya sa kanilang pananaw, ito na ang tunay na SONA.
Nagpapanggap lamang ang SONA ni Arroyo. Papalakpakan siya ng mga kapartidong tinulungan niyang manalo sa nakaraang eleksyon, bibigyan ng ilang standing ovation na tila ito ang pinakamagandang kwentong narinig nila, at magsisiuwi at iinom ng alak na may ngiti sa tagumpay ng kanilang trapong pamamahala.
Isipin na lang kung may tugma ang sinasambit na panggagaga ni Arroyo sa sariling buhay. Bumuti ba ang iyong buhay, o ng iyong pamilya? Mas maligaya ka ba ngayon? Mas may tiwala ka ba sa mga opisyal ng pamahalaan? May natitira ka pa bang pag-asa at kumpiyansa sa hinaharap? Kung “oo” ang iyong tugon dito, mapalad ka. Kung hindi, at sa nakararaming mamamayan ay ito ang sasabihin, bakit kaiba ang personal nating kwento sa sinasambit na kolektibong kwento ng pag-unlad ni Arroyo? Alin ang katotohanan, ang tunay? At kung gayon, sino ang nagsisinungaling?
Sa tunay na SONA, ang kilusang masa ay hindi binabadya ang init at ulan, naninindigan para sa malalimang paghihirap at malawakang kawalan ng katarungan, at uuwing napagtibay ang nagpapatuloy na pakikibaka.
Ano ang kwento mo sa nakaraang SONA? At ilang SONA pa kaya ang kakailanganin para tunay na makaranas ng pambansang pagbabago? Kita-kita tayo sa susunod na SONA.
Ang Kawalan-Halaga ng Edukasyon
Saan na nga bang visa ang naidudulot ng pasaporte ng edukasyon? Saang bansa o profesyon ito magpapahantong? Gintong minimina ang tingin sa edukasyon kaya iginagapang. At kapag nakamit, tila ito sagradong papel na ipinapa-laminate o ipinapa-frame, at dinidisplay sa sala para matunghayan ng lahat ng bibisita sa pamilya.
May panggitnang uring pangako ang edukasyon—ang posibilidad na makaangat sa kasalukuyang kinasasadlakan. Ito ay posibilidad lamang dahil walang katiyakan ang pangako. Tanging isinasaad ng pagpupursigi sa edukasyon ay para sa pangako ng posibilidad, hindi ang pangako ng mismong panlipunang pag-angat.
Sa isang banda, overvalued o sobrahan ang tingin sa edukasyon. Walang magiging panibagong Lucio Tan o Henry Sy ng kasalukuyang henerasyon. Ang pagpapanatili nila sa poder ay nagtitiyak ng lalong pagkipot ng nagnanais mapabilang sa kanilang manipis na bilang. Kahit pa gradweyt ka ng UP, Ateneo at La Salle, ang tatlong pangunahing tertyaryong eskwelahan, kung walang negosyong mapapalawak ang sariling pamilya, walang katiyakang maging Cinderella at Cinderello ng kasalukuyang henerasyon.
Sa kabilang banda, kung tanging posibilidad ang pangako ng edukasyon, bakit pa nag-aaral? May mas mabuti pang gagawin kaysa mag-aral sa kulang-kulang na bilang ng klasrum, maupo sa sobrahang bilang ng mag-aaral, matuto sa titser na hikahos rin sa kita, at umuwing kakalam-kalam ang sikmura, dagdag pa ang pagkakagastusang assignment na kailangang maisubmite? Bagamat kinikilala ang karapatan sa edukasyon ng Konstitusyon, hindi pa rin ito libre.
Bumababa ang kalidad ng edukasyon tulad ng pangkalahatang pagbaba ng kalidad ng buhay. Tanging ang nakakalutang sa pabigat na pasanin ng pang-araw-araw na buhay ay ang mga nakakadiskarteng pang-indibidwal: kundi mag-OCW doon ay mag-call center dito. Sa kabuuan, walang malawakang platapormang pangkabuhayan, lalo na ang isyung kalidad ng buhay, ang pamahalaan. Pinapapasan imbis na pagaanin ang buhay ng mamamayan sa kalidad ng pamunuan, pagkuntsaba nito sa malalaki at dayuhang negosyo, pati na ang endorsong patalikod nito sa politikal na pagpaslang at sapilitang padukot ng daan-daang aktibista.
Parang sinasabi, kanya-kanyang paghahanap ng agimat—pag-abang ng Biernes Santo sa puso ng puno ng saging. Kanya-kanyang paghahalawan ng lakas para ipagpatuloy ang buhay.
Ang nakakaligtaan na paraan sa pagtaas ng kalidad ng buhay ay ang buhay sa pakikibaka. Ang pagiging aktibista ay may kaakibat rin na edukasyong makabuluhan at nakaugnay sa buhay ng mamamayan. Hindi indibidwalistiko ang diin kundi kolektibong transformasyon. Ang buhay sa pakikibaka ay pagbibigay-diin sa politikal o ang kakayanang pagbabago para sa nakararaming naghihikahos.
Ang dulot ng kasalukuyang edukasyon ay ang transformasyon higit sa apolitikal na buhay, na ang tanging isinasaalang-alang ay ang kagyat na kapakanan ng indibidwal at ng kanyang pamilya. Pribado ang diplomang nakasabit sa dingding. Hindi makikinabang ang nasa labas ng tahanang ito. Maliban na lamang kung magsisilbi sa mamamayan.
Ilan ang pwedeng maging doctor to the barrios? O higit na mas mabigat na mediko ng mamamayan? At kundi man maging doktor, pari at materyales OCW, maari namang maging organisador at propagandista sa hanay ng magsasaka, maralitang tagalunsod, manggagawa at kababaihan? Isipin na lamang kung mas maagang namulat ang naunang mga henerasyong mas binigyan-diin ang edukasyong politikal kaysa edukasyong panggitnang uri, di sana ay mas maraming henerasyong aktibista?
Bagamat maari namang pagkambalin ang dalawang uri ng edukasyon, sa huli, ang mas mabigat na atas ng kasaysayan ay ang pagiging mulat sa politikal na posibilidad. Nakalalamon din ang impetus ng finansyang ganansya para sa sariling pamilya. Mas matimbang daw ang dugo kaysa sa tubig. Pero lahat ng dugo ay binubuo ng likido ng tubig. Mas may kaisahan ang politikal na edukasyon. Halinang mag-aral ng lipunan. Sabi nga ng nauna, huwag mong hayaang ang edukasyon mo ay malimitahan ng pag-aaral sa klasrum.
Kultura ng Pandaraya
Ang retiradong heneral at tumatakbo rin sa sariling party-list ang pinagbabantay ng muling pagdaraos ng eleksyon sa Lanao. Umalagwa ang mga bumoto sa party-list sa Lanao, Sulo at Maguindanao, lampas-lampasan sa 30 porsyentong pagtaas ng mga bumoto sa buong bansa. Sa Basilan, nangunguna ang party-list ng kamag-anak ng komisyoner sa Comelec, isang partido ng mga tricycle driver sa Nueva Ecija.
Maitatanim pa ang petchay sa Senado? O si ‘Tol o ang may record ng pinakamaraming bill na nai-file sa mababang kamara? Si Chavit Singson nga ay nangunguna sa Maguindanao, sa di mawaring dahilan. Kung ang eleksyon ay kolektibong tinig ng mamamayan, bakit ito dinudusta?
Malawakan na nga ang pagpapadaloy ng salapi para bumili ng boto, ikampanya ang administrasyon. Nangunguna nga ang adiministrasyon sa lokal na pagkapanalo. May mga angkang natalo, tulad ng Jopson ng Nueva Ecija at Espinosa ng
Nagaganap ang pandaraya sa laylayan ng naunang masibong pandaraya noong 2004. Sariwa pa ang alaala ng mga di pagbukas ng election returns sa Kongreso, si “Mr. Noted,” at siempre, ang magulang ng lahat ng pandaraya, ang Hello, Garci recordings. Garapalan ang pandaraya pero hindi garapalan ang ginawang paraan para pagtakpan ito. Ang nangyari lang, namuhay ang mga nanunungkulan na para bagang walang pandarayang naganap na nagdudulot ng malaking katanungan tungkol sa usapin ng lehitimong pamumuno.
Nanalo sa sariling makinarya, naiproklama ng sariling makinarya, nanunungkulan na gamit ang sariling makinarya. Bakit pa babaguhin ang sistemang sila ang nagtatamasa ng biyaya ng kapangyarihan? Hindi lang naman nagaganap sa eleksyon ang paggamit ng makinaryang magpapanatili sa nasa poder sa poder. Pati ang patakarang edukasyon, poverty alleviation, overseas contract work, employment at underemployment at globalisasyon ay pinapanatili sa ganitong masibong antas para makamtan ng estado ang katas ng salapi mula sa katawan ng mamamayan.
Bakit iaangat ang buhay ni Juan at Maria kung mas makukuha mo silang gumawa ng trabaho sa napakababang halaga? Bakit hindi mo gawing exklusibo ang Unibersidad ng Pilipinas na para na lamang sa may kapasidad na makapagbayad ng 300 porsyentong pagtaas ng matrikula? Bakit mo pipigilan si Andreang tapos ng masscom sa
Dahil dapat ay nakatago ang pandaraya, bawal magbunyag ng dokumentasyong magsisiwalat ng sikreto. “Dinaya ako,” wika ng mga Pilipino kapag natatalo sa anumang kontest daw. “Pikon talo,” patutsada naman sa mga natalo. “Sa eleksyon, dalawa lang ang uri ng tao—ang nanalo at ang dinaya.” Bagamat alam naman na may antas ng pandaraya—kasama ng karahasan at pagbili ng boto—sa bawat eleksyon, tila pinapalaki ang lawak nito sa bawat kasalukuyang eleksyon.
Kaya hindi na napapansin ang maliliit na pandaraya—ang kawalan ng mga pangalan sa listahan ng botante, halimbawa. Dahil nga buo-buong probinsya ay pwede nang palitan ang resulta ng eleksyon, ang maliit ay hindi na binabatikos. Napapalampas na ang pandaraya dahil sa isip ng mga nandaraya, lahat naman tayo ay lumalahok sa eleksyon, at sa eleksyon naman ay talagang may dayaan.
Makunan man ng kamera ang pag-snowflake sa resulta ng halalan, pati ang pagtutok ng baril sa mga gurong pinapapuno ng administrasyong kandidato ang mga balota, pati na rin ang guro at iba pang sinunog sa klasrum sa Batangas, wala pa rin nakukumbinsi na malawakan ang pandarayang naganap. Sa katunayan, kapag kulang sa 200 ang napatay sa eleksyon, sinasabi ng pangunahing ahensya ng polisya na “mapayapa ang eleksyon.”
Higit pang bantayan ang kaganapan. O mapangiti na lamang sa realisasyon na naging bahagi na ng politikal na buhay ang pandaraya.
Lupa hindi bala, hindi mall
Kahit pa sa edad ng globalisasyon, kapag ang magsasaka hindi nagtanim, walang kakainin ang bansa. Ito ang paulit-ulit na isinisigaw ng emcee sa rali ng mga magsasaka sa Bustillos. Sa globalisasyon, malls, bulaklak na mums, pinyang idedelata at Cavendish na saging, ang nangingibabaw kaysa sa food security. Sa isang bansang pinaliligiran ng dagat at tubig, kay mahal ng isda, hipon at iba pang lamang-dagat.
Wala raw sariling kakayahan ang bansa para sa bigas, ang pangunahing kinakailangang produktong agrikultural. Kaya mas mura itong angkatin sa ibang bansa, tulad ng
Tunay na reporma sa lupa ang usapin para matugunan ang batayang problema hinggil sa pagkain, kalayaan at kaunlaran. Hindi ito natugunan ng papatapos na implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na nagdulot ng korporatisasyon bilang opsyon sa mga panginoong maylupa. Ang Hacienda Luisita ang pinakamatingkad na halimbawa ng pandaraot sa buhay at karapatan ng magsasaka at ng kanyang pamilya, pamayanan at kauri sa pinakahuling pambansang alaala.
Marhinal ang tingin sa magsasaka, ang pinakamaraming bilang na pinanggagalingan ng mga Filipino. Sa telebisyon, halimbawa, walang bidang magsasaka, maging anakpawis. Ang ginagawa pa nga sa TV ay gawing sityo ng invisibilidad ang paggawa. Tanging katulong o goons ang may trabaho sa uring anakpawis: katulong na comic relief, goons na bayarang lumpen, handang pumatay at mapatay.
Ang mga bida ay managers at may-ari, kundi man inilalarawan bilang anakpawis pero insidental lamang. Sila ay nagtratrabaho bilang dispatsadora at katulong, kalimitang babae, para matagpuan ang kanilang tunay na pag-ibig. Kung gayon, mahalaga lamang ang kanilang mababang pinaggalingan para matunghayan ang pagiging karapat-dapat o hindi na moral at materyal na maiangat ng tulong ng mataas na uri.
Dahil wala sila sa popular na imahinasyon, ang substansyal na kontribusyon ng magsasaka at anakpawis ay hindi nakikilala. Bagkus, binubura pa nga ito para lusawin ang radikal na posibilidad ng transformasyon: silang pinaghihirap ng ilang siglo para makatamasa ang iilang may lupa ay hindi kinikilala para hindi magkaroon ng muwang sa politikal na potensyal.
Kaya, sila ay inaakalang mob lamang na kailangang disiplinahin, kundi man gamitin ng lehitimong karahasan ng estado. O ang piling pinakamabuti at pinakamasikap sa kanila, bilang exemplaryong iaangat ng estado at alta-sosyedad para mapabilang sa mas malapit na laylayan ng kapangyarihan. Malapit pero hindi nakapaloob. Hindi pinapahintulutan ng estado na sila ay maging lehitimong kabahagi dahil exklusibong historikal na pagmamay-ari ng lupa ang rekisito ng pagiging miyembro ng alta-sosyedad.
Sila ay magiging exemplaryo ng janitor na naging real estate broker, na anak ng manininda na sa pagsisikap ay naging senador, o child star na naging dramatic movie queen, mayor ng Lipa at ngayong gobernador ng Batangas. Takasan man nila ang uring pinagmulan ay hindi lamang sila hindi matatanggap nang lubos ng mas matagal na nakakaangat sa kanila, hindi rin nila lubos na maitatatwa ang naunang uri. Markado na sila, at may tagong ligaya pa rin di lamang sa pagkakamay sa pagkain ng tuyo at kamatis, pati na rin sa pakikiisang usapin ng trabaho at panlipunang katarungan.
Pero maging ang hanay ng anakpawis ay naapektuhan na rin ng popular na media. Binubura na rin ang afiliasyon sa sariling uri. Pinapanaginip ng Jollibee, cell phone at cartoons, pati ng balita tungkol sa eleksyon at suliranin ng bidang magsing-irog sa mga telenobela. Na kahit na nagugutom ay busog naman ang kaluluwa ng pagiging kampanteng mamamayan. Kahit pa ang nakararami ay walang akses, at mas malinaw ang posibilidad ng rebolusyon kaysa animation at malling nang walang pera.
Sa mga biktima ng daan taong paghihikahos at panunupil, sa napakaraming bilang ng politikal na pagpaslang at desaparasidos, sa uring magsasaka, hanggang sa paglaya at tunay na reporma sa lupa, pagpupugay!
Paano naman ang terorismo ng estado?
Ipapatupad na ngayong linggo ang Anti-Terrorist Law na may pagpapatanggap na katawagang “Human Security Act.” Pagbaluktot ang katawagan sa diskurso ng United Nations na gamit ito para sa peace conflict resolution, o paghahanap ng kapayapaan lahok ang civil society. Bagkus, ang katawagan ay direktang halaw sa Patriots Act ng U.S., na pareho rin ang abbreviations—HSA o Homeland Security Act.
Ipapatupad na ang pagyurak sa mga karapatan, tulad ng walang definitibong panahon ng detensyon o pagkahuli nang walang warrant of arrest (batay lamang sa suspisyon, pwede nang damputin sa kalye), karapatang maglakbay; kasama na kapag na-house arrest, di ka pwedeng gumamit ng cell phone, internet at sumagot sa telepono.
Ipapatupad na ang anti-terrorist law na napakalabo at napakalawak ng definisyon ng terorismo. Lahat ng gumagamit raw ng malawakang panic at kaguluhan para mapilit ang estado na sumang-ayon sa iligal na panukala ay terorismo. Malamang, kung nanaisin ng gobyerno, pati ang nagrarali, nagwewelga o gumamamit ng kanilang lehitimong mga karapatan para mag-assembly at mag-aklas laban sa mapanupil na kalakaran sa pabrika at estado ay mapapasama sa aktibidad para sa terorismo.
Pati ang asosiasyon sa mga grupong binansagan ng U.S. (at kung gayon, pati na rin ang chuwariwap na pamahalaan ng Pilipinas) na terorismo, ang CPP at NPA, ay tatawagin na ring terorista at masasakop nitong batas. Kung gayon, batay sa sapantaha nina GMA at ng kanyang alipores, sina Ermita at ang kambal na Gonzalez, pati ang mga legal na organisasyong masa na kanilang pilit na idinadawit sa dalawang organisasyon ay terorista na rin.
Malaking pagkakamali ang batas na ito na tunay na may ngiping makakapagpigil sa anumang pagtutol kay GMA. Kakatwa rin na ipinapatupad ito sa panahong matindi pa rin ang pagdududa sa lehitimasyon ni GMA bilang tunay na halal na pangulo? Panahon ng martial law nang hindi man lang ipinapataw ang batas militar. Anong kumbinyenteng pamamaraan para usigin ni GMA ang kanyang mga kaaway, o ang mga tumututol, at mapanatili ang kanyang bangkaroteng pagkapangulo?
Sa isang banda, ang batas ay lehitimasyon ng karahasan ng estado, ang legal na pagtataguyod ng pasistang katangian nito. Sa kabilang banda, ito rin ang hugas-kamay ng estado sa kanyang dugo, sa mga 800 politikal na pinaslang at aabot na sa 200 sapilitang dinukot sa ilalim ng rehimeng GMA. Hindi pa kasama rito ang pandaraot ni GMA sa ekonomiyang karapatan—ang patuloy na pagtaas ng bilihin at hindi na pagsabay ng sweldo, ang neoliberalismong lalong nagpipindeho sa mga manggagawa at lokal na negosyante, ang budget na napupunta ang bulto sa pagbabayad-utang.
Hindi naman bago ang pagbabansag sa mga tumataliwas sa mapanupil na pamahalaan na “erehe,” “filibustero,” “subersibo,” “tagabundok,” at “komunista.” At ngayon naman ay “terorista.” May pwersang politikal ang pagbansag sa mamamayan at organisasyon na terorista dahil global ang digmaan, pangunahing lunsad ng mabilis na pagbabang popularidad ng mga polisiya ni Bush. Kasama sa Anti-Terrorism Law ang pagbibigay sa tinaguriang terorista sa ibang bansa para ito ang magsiyasat at lumitis sa indibidwal. Malamang ay matagpuan natin ang unang Filipino, hindi sa buwan, kundi sa Guantanamo military base ng U.S.
Kapag estado ang gumamit ng dahas, ito ay tinataguriang lehitimo. Kapag mamamayan ang gumamit nito, ito ay terorismo. Ang hindi pagsang-ayon ay dinadambana sa liberal na demokrasya. Kaya ang hindi pagkilala sa karapatang tumutol ay pagkilala na hindi demokratiko ang rehimeng GMA. At sa panahong naghahanap ito ng kanyang pamana o legacy sa pagkapangulo, maihahanay ang rekord ni GMA sa pinakamasahol na naging pangulo ng bansa—si Marcos.
Nalampasan ng mamamayan ang diktadurya ni Marcos, maging ang “sword of war” na inilunsad ni Aquino, at ang mga bersyon ng pagsupil ng kilusang mamamayan nina Ramos at Estrada. Paano naman ang terorismo ng estado? Kasaysayan ang huhusga, nagkakaisang mamamayan ang aakda.
Responsaryo: Bayan muna, bago ang sarili.
Para sa 20 porsyento ng pambansang budget na napupunta sa korapsyon, sa 30 porsyento sa pagbabayad ng interes sa utang panlabas, ano pa ang natitira para kay Pedro, Maria, Juan at Jose? May barya pa ba sa inyong mga bulsa?
Responsaryo
Para kay Kris at sa kanyang nawalang show, kay Hope at kay James, sa kuwarto sa klinika ni Vicky Bello, ang giyera at kapayapaang patani, ang napakatamis na Goldilocks cake, paano tayo napapakaisa sa mga buhay at dramang ganito?
Responsaryo
Para sa 15 milyong Filipinong kumikita ng kulang sa P50 bawat araw, sa tatlong milyong pamilyang nakararanas ng pagkagutom, at sa 60 porsyento ng populasyong naghihikahos, ano ang kinabukasang nag-aantay sa kawalan? May ulam ba sa hapunan sa inyong mga hapag?
Responsaryo
Para sa katubusang dulot ng Super Twins, ng mahikang pagpapagandang dulot ng Hiram na Mukha, ng pagtatagumpay ng pag-ibig sa Maging Sino ka Man, ng pagnanasang maging mabuting tao sa Lupin, mabuting pamayanan sa Rounin, bakit pakiramdam natin ay tayo ang kanilang inililigtas?
Responsaryo
Para sa kalsada ng Ripada na magpapaubaya sa Highway C-5, at sa daan-daang pamilya at tahanang ididimolisa, ano ang bukas sa kalakarang MMDA at UP na walang konsultasyon bigla na lang, sa isang iglap, may pirma at papel na nag-uutos? Hanggang kailan may mauuwiang tahanan?
Responsaryo
Para sa kasiyahan dulot ng panonood ng pagsunod kay at paglibak ni Big Brother, napapasayaw sa akmang musika, napapagawa ng mga bagay na hindi iisiping magagawa, napapasabing makasasaksak ng kapwa, mapapaahit ng isang kilay, at ok lang, bakit tayo naaaliw sa karahasang maging sunodsunuran?
Responsaryo
Para sa eleksyong nagpapatanim ng pichay, ginagawang tol ang hindi naman kaputol ng buhay, dinadaan kay Sarah Geronimo at Juday ang paglilikom ng boto, tunay bang may pagbabagong magaganap sa mga kandidatong ito? Sino ang iboboto natin sa Lunes?
Responsaryo
Para sa pagdambana kay Manny Pacquiao at sa kanyang kamao ng bansa, iadya tayo sa lahat ng masasama, iknockout ang lahat ng umaapi, ipagtagumpay ang ating pagiging talunan sa tunay na buhay, bakit inaasa sa iba ang dapat ay sa sarili?
Responsaryo
Para sa may 800 na pinaslang dahil sa aktibong nakilahok sa tunay na pagbabago, tinortyur, binaril sa tanghaling tapat, sa loob ng kani-kanilang mga tahanan, may patutunguhan ba ang mga buhay na nawalay? Para saan sila nabuhay, nagpursigi at namatay?
Responsaryo
Para sa ating kabutihan, sa kabutihan ng ating mga anak, at ng ating kinabukasan, ang ang isasaalang-alang natin sa Lunes?
Responsaryo
Sino ang iboboto natin sa Lunes?
Responsaryo
Ano ang isasaalang-alang natin sa habampanahon, lampas pa sa eleksyon? Ano ang panata natin?
Responsaryo
Bayan muna, bago ang sarili.
Mabuhay tayong lahat. Mabuhay ang Bayan Muna.
Asintado Intro
9 Sept 06
Ang panonoorin natin ngayon ay documentary films. Ang kakatwa rito, hindi tulad ng regular na sineng pinapanood natin sa mall, ay may indexical reference ang dokumentaryo. Ibig sabihin, kapag may ipinakitang binaril sa pelikula, may tunay na tao na tinamaan ng bala, bumulantang sa lupa at namatay. Hindi tulad ng sine, may pekeng baril na may pekeng bala na may pekeng putok na magdudulot ng pekeng dugo.
Ang dokumentaryo ay galing sa salitang kanluran, ibig sabihin ay magturo. Pedagogical ang layunin ng mga dokumentaryo—upang turuan tayo ng mga bagay na hindi pa natin lubos na nalalaman, tulad ng pinakamasibo at sistematikong karanasan sa karahasan sa pagkapangulo ni Gloria Macapagal Arroyo.
Kaiba rin ang karamihan sa mga dokumentaryong mapapanood natin dahil ginawa ito ng tinatawag na documentary film collectives, mga maliliit na grupong pamproduksyon na kinabibilangan ng mga kabataang aktibista. Mas malaya itong nakakagawa at nakakapagpalabas ng mga dokumentaryo kaysa sa mga balita at news magazine shows ng television channels. Marami nang documentary film collectives ngayon, tulad ng Sine Patriyotiko ng Metro Manila, ST Exposure ng Southern Tagalog, Kodao; mayroon din sa Ilokos, Bikol, Visayas at Mindanao.
Sa kasaysayan ng pelikulang Filipino, sabay na sumulpot ang documentary film collectives at digital feature film bilang dalawang mahahalagang daluyan ng independent filmmaking scene sa Pilipinas.
Bakit kayo inimbitahan ngayong Sabado sa Asintado?
Para panoorin, matuto at makipagdiskusyon sa mga bagay na hindi natin natutunghayan sa komersyal na media o sa media at politika na hawak ng kasalukuyang pamahalaan. Para maglahad ng kontra-diskurso sa namamayaning diskurso ng karahasang pang-estado nina Palparan, Ermita, ng Kongreso at ni GMA, mga kontrang-katotohanan sa pinapalaganap na tunay na karanasan sa daan-daang pinapatay at dinadampot dahil sa politikal na paninindigan. At sa panonood, maaring dumating ang pagbabago.
Maligayang panonood sa katotohanan.