Monday, April 30, 2007

Introduksyon, Sipat Kultura (Forthcoming, 2007, Ateneo Press)

Sipat-Kultura: Tungo sa Mapagpalayang Pagbasa, Pag-aaral at Pagtuturo ng Panitikan

Mapagpalayang Paglalakbay sa Panitikan

Naiibigan ko ang salitang mapagpalaya. Pro-active ang salita, may direksyong nais patunguhan na inihahayag ng prefix na “mapag-,” tulad ng mapagbigay, mapagmatiis, mapaglingkod, mapagmahal at iba pa. Ang ugat na salita ay laya, na nasa salitang layas o pag-alis at paglisan—sapilitan man o boluntaryo—sa isang lugar, at samakatuwid, pagpopook o paggawa ng tahanan sa ibang lugar na pagpapadparan, mga lunan na pinili o idinikta ng pwersa na tirhan ng naligaw, politikal o pang-ekonomiyang exile, overseas contract worker, probinsyano sa syudad at iba pa. At katulad ng kwento ng prodigal son, ang naglayas na anak ay parating bumabalik, literal o figuratibo man. Nasa salitang layag din o paglalakbay ito, pagsunod sa elemento ng hangin at tubig at pagpalaot kung saan dadalhin nito. Ang paglalakbay ang pangunahing talinhaga sa pagpipino ng balangkas sa pag-unawa—pagbasa, pag-aaral at pagtuturo—ng panitikan. Maglalakbay--na sa unang biyahe ay hindi nakakatiyak kung saan ipapalaot kahit pa mayroon namang lighthouse na gumigiya sa nabigasyon, na maaring hindi maibigan ang tutunguhin kaya kinakailangang buksan ang pag-iisip at tunghayan ang biyahe, na sa paulit-ulit na pagpalaot ay hindi na mahalaga ang giya dahil marami pang bagong lunan na pwedeng paglayagan sa paglawak ng panorama ng bisyon—ang mambabasa tungo sa mapagpalayang pag-unawa ng panitikan.

Ito ang sisipatin ng libro, ang paraan ng pagkaunawa sa panitikan ay kahalintulad sa pag-unawa sa mas malaking entidad na kinabibilangan nito, ang pag-unawa sa kultura. Hindi abstrakto ang karanasan sa panitikan at kultura. Ito ay aktwal na dinadanas—binabasa, nanonood ng sine o telenovella, nagmo-malling, kumakain sa fastfood, walang makain, nagnanasa ng bagong damit o bagong kotse, nagnanasasa ng mabuting buhay. Ang pagsipat—pagtingin sa lente, tulad ng mga mikrobyo sa microscope—ay pagbibigay-ugnay sa dalawang bagay: una, ang relasyon ng panitikan at kultura, ng maliit na karanasan ng pagbasa sa mas malaking pagdanas ng kultura, ang kolektibong identifikasyon at formasyon ng pagkatao; at ang relasyon ng produksyon at resepsyon ng mga ito—sino ang lumilikha (sa panitikan, ang manunulat-intelektwal sa isang banda, at sa kabilang banda, ang mambabasa-intelektwal sa kanyang produksyon ng kahulugan ukol sa binabasa), paano nalilikha (ano ang mga panitikang kumbensyon na pinaghahalawan ng manunulat at ano ang kultural na background na kinakailangang ihayag ng mambabasa para makabuo ng kumprehensibong kahulugan sa akda), at higit sa lahat, para kanino (sa bansang makakatlong nakadanas ng kolonialismo, integral ang katanungang ito sa paglilinaw ng papel ng panitikan at kultura sa transformasyong historikal at panlipunan).

Ahensya at Kapangyarihan sa Panitikan

Ang posibilidad ng ahensya (agency) ay matutunghayan sa panitikan. May mga indibidwal at kolektibong desisyon ang mga tauhan sa kanilang kinahantungan, kahit pa may nakatutok ng baril o wala. Pinili nilang magkagayon kahit pa malinaw na nailahad na ang kanilang mga suliranin ay panglipunan din. Ang panitikan ay rehersal sa transformasyong panlipunan. Sinasambit nito ang posibilidad at imposibilidad ng mga bagay. At sa kauulit nito sa bawat panitikan, ang pagkilos tungo sa pagwaksi ng diskontento ay nabibigyan-diin din. Tinuturan tayo ng panitikan ng ahensya, ang indibidwal na kapangyarihan para baguhin ang kapaligiran at magbago ng sarili. May ahensya sa panitikan sa ilang antas: sa antas ng pagbasa, sa aktwal na pagharap sa mga akda ay boluntaryo aktibidad, sa maraming pagkakataong hindi ito required, at kahit pa required, may kanya-kanya pa ring napupulot na yaman at basura ang mambabasa mula sa akda; sa antas ng pagsulat kahit pa sabihin ng awtor na sinulat niya ito para sa pinakapersonal na kadahilanan, tulad ng “Mi Ultimo Adios” ni Jose Rizal at maging ng maraming journal, at politikal, tulad ng mga akdang nilikha para makapagmulat, magpakilos at mag-organisa ng masa, ang aktibidad ng pagsulat bagamat at dahil solitaryong gawain ay ginagawa ng manunulat bilang pagtugon sa pangangailangang lampas pa sa kanya; sa intersubjective na antas, sa akto ng pagdadaupampalad ng interpretasyon ng manunulat, mambabasa, kritiko, guro, skolar, afisyonado at iba pang identidad at pagpapatuloy ng makabuluhang pagpapakahulugan sa akda, kasama rin dito ang identifikasyon sa tauhan ng akda at kondisyong kinagagalawan nito.

Ang katatonikong pagtunghay sa panitikan ng bilang entidad ng kawalang kabuluhan maliban sa fetishistikong atraksyon ng guro sa lumang bokabularyo, bararila at ilang obhetibong katanungan at kasagutan sa akda ay kulturang nagluluwal ng passivity o pagkamangmang. Ang mag-aaral—kadalasan ay walang kusang atraksyon sa panitikan—ay nagkakaroon ng intelektwal na pagkamuhi at emosyonal na dependensiya sa gurong nagdadadala ng sukdulang kaalaman. Ayon kay Paolo Freire, ang emotional dependence ng inaapi ay makakapagdulot sa kanila ng necrophilic na pag-uugali—destruksyon ng buhay—sa kanila o sa iba pang kasamahang inaapi.[i] Ang pag-aaral ng panitikan, samakatuwid, ay kinakailangang makatugon sa buhay ng nag-aaral nito. At ito ang historikal na papel ng sinumang nagkaroon ng kontak sa panitikan, kahit pa hindi ito nalulubos sa marami—ang pag-akda ng luma at bagong pagpapakahulugan sa tinutunghayang panitikan bilang pag-eensayo sa pag-unawa at transformasyon ng lipunan. Empowerment ng mambabasa, mag-aaral at manunulat ang nilalayon ng libro sa pagkatuto sa panitikan.

Sa isang banda, ito ay pagpapakita na ang namamayaning kapangyarihan ay porous, matatagos ng mga inaapi. Matutunghayan sa mga akda ang mga ehemplo sa tinatawag ni Freire na “vulverability of the oppressor” para magpaunlad ng “kontraryong kumbiksyon” sa hanay ng mga inaapi.[ii] Unti-unti, malulusaw ang pagkawala ng gana, pagiging matakutin at talunan ng mambabasa sa pamamagitan ng kritikal at mapagpalayang dialog, na nagpre-presuppose sa pagkilos, na isasakatuparan ng guro-facilitator (hindi diktador o romantikong awtorial) sa pagsusulong ng mga yugto ng pagbabasa, pag-uunawa at pagkakatuto ng panitikan at lipunan.[iii] Wika nga ni Freire, “At all stages of their liberation, the oppressed must see themselves as women and men engaged in the ontological and historical vocation of becoming fully human.”[iv] Ang kaganapan ng tao ay hindi romantikong nosyon, ito ay ideal na ipinaglalaban ng mga inaapi, katulong ng guro-facilitator.

Sa kabilang banda, mismong ang mga akda ay nagbibigay-representasyon sa pang-araw-araw at historikal na pagbabalikwas ng lipunan. Narito na mismo ang modelo ng pagbabago, kung paano ito prinoproblema ng manunulat-intelektwal para sa kanyang mambabasa; gayundin, narito ang pagtugon sa mga panlipunang hinanaing—paano makakaagapay o hindi sa mga problemang kinahaharap ng publiko. Kung gayon, ang usapin ay nananatili sa mapagpalayang interpretasyong magbibigay ng historikal at panlipunang ugnay sa mga tila hindi magkakaugnay na tauhan, bagay at kaganapan, sa interpretasyong kumikilala sa ahensya ng inaapi. Mainam isaalang-alang ang babala ni Freire, ang reperspektibasyon ng inaapi: “The truth is, however, that the oppressed are not ‘marginals,’ are not people living ‘outside’ society. They have always been ‘inside’—inside the structure which made them ‘beings’ for others.’ The solution is not to ‘integrate’ them into the structure of oppression, but to transform that structure so that they can become ‘beings for themselves.’”[v]

Etika ng Pagbasa at Pagsuri

Hindi ibig sabihin nito ay bigla na lamang magiging militante ang konserbatibong manunulat at akda nito. Ang isinasaad sa transformasyon ay etikal—para kanino ang paglalatag ng naturang pagbasa? Ang idea ay latagan ng konteksto ng pagbasa at pag-unawa sa mga akda—na kung ito ay konserbatibo, paano rin ito bumabagsak sa sarili nitong pagtatangkang papalautin ang bangkarote nitong Titanic? At kung ito ay nagfrofrontang militanteng akda, paano rin ito nananatiling hindi puro na mayroong sariling kontradiksyon dahil sa pangunahing realidad na hindi pa nga natutuklasan ng lipunan ang realisasyon ng pinapangarap na ideal? Hindi rin sinasambit ang postmodernong pagbasa na naglalahad ng validity ng anumang pagbasa dahil nga sa paglalantad ng ethics sa pagbasa at interpretasyon.

Unang malawalakang ipinakilala ang disiplinang panitikan sa kolonyal na edukasyon sa Amerikanong kolonialismo. Ang kasaysayan ng panitikan ay kasaysayan ng pagkawalay sa ideal ng primitibismo ng katutubo at pagtungo sa kosmopolitanismo na idinidikta ng kolonialismo noon at neokolonialismo sa kasalukuyan. Ang naunang panitikan ay tinutunghayan sa dalawang positibismo—sa historikal na positibismo, bilang may kabuluhan lamang sa komunidad na lumikha nito, walang pagtatangkang umugnay sa kabuuang kolektibo kahit pa ito hindi aktwal na realidad sa panahong inakda ang mga ito; at sa developmental na positibismo, na patuloy ang ilan sa mga porma na matutunghayan at ipinagyayaman sa iba’t ibang panahon, maging sa kasalukuyan. Pumasok pa ang malaking disjuncture ng Amerikanong kolonialismo at ng aparato nito ng kolonyal na edukasyon, tunay na ginawang elitistang venture ang panitikang nangangailangan ng formal na edukasyon para makapagsulat at makapagbasa, kadalasan pa nga ay ipinagbubunyi rin ng transnasyonal na biyahe ng manunulat sa english-speaking o -friendly na bansa.

Sistemang Pagbabangko at Pagkabangkarote

Ang nalikha ay pagkawalay, na tulad ng maraming katutubo at modernong akda ay nag-aambisyon, kundi man lumilikha ng nostalgia ng pagbabalik kahit pa hindi na nga makakabalik kung hindi dahil sa hindi na nga makakabalik. Nawala na ang orihinaryong pagbabalikan. Maging ang panitikan ay hindi malinaw sa kanyang pinagmulan at malamang sa patutunguhan. Ang lahat ng pag-uugnay ay tentatibo bagamat hindi relatibo. Tentatibo ito dahil may malaking bahagdan na nakadepende sa paghuhula sa posibilidad; hindi ito relatibo dahil may sistema ng pag-unawa sa posibilidad ng ugnayan at disjuncture. Ang pangunahing katangian ng sistemang edukasyon na kung saan primal na pinanggagalingan ng karanasan sa pagbasa ng nakararami (maliban na lamang kung mayroong ‘library’ ang pamilya, isang bookshelf o mga shelves ng libro na maaring pangunahan ang formal na karanasan) ay nakabatay sa tinatawag ni Freire na “banking system” kung saan naman “Education becomes an act of depositing, in which the students are the depositories and the teacher is the depositor…. In the banking concept of education, knowledge is considered a gift bestowed by those who consider themselves knowledgeable upon those whom they cosndier to know nothing.”[vi] Pinaghihiwalay ng guro rito ang tao sa mundo, “a person is merely in the world, not with the world or with others; the individual is spectator, not re-creator.”[vii] Kaya itong banking system sa edukasyon ay tinatagurian bilang necrophilic na inaruga “sa pagmamahal sa kamatayan, hindi sa buhay.”[viii]

Ang mapagpalayang edukasyon ay akto ng kognisyon, pagkilala sa mga object bilang “cognitive actors” o natuto sa isa’t isa at may dialogical na relasyon—sa pagtunghay sa kahalintulad na pamamaraan ng pag-unawa sa mundo. Binabago ang relasyong guro-mga mag-aaral sa mga guro-mga mag-aaral, na walang may iisang may hawak ng awtoridad—“authority must be on the side of freedom not against it.”[ix] Inilulubog ang kamalayan sa banking system samantalang ito ay pina-uusbong at nagtutungo sa direksyon ng kritikal na interbensyon sa realidad.[x] Ang mapagpalayang edukasyon, kasama rito ang pagbasa, interpretasyon at pag-unawa ng panitikan, ay pratis ng kalayaan, ginagawang konkreto ang ideal tungo sa posibilidad ng karanasan. Ang inaasahan ay ma-empower ang mag-aaral para matuto ito ng pag-unawa ng panitikan at kultura nang sa gayon ay ipagpatuloy ang praxis ng pagbasa bilang praktis ng kalayaan, at sa kakambal nitong praxis ng panlipunang transformasyon. Sa huli, ang idea ay hindi palitan ang kamalayan ng inaapi, kundi palitan ang kondisyon ng kanyang kaapihan tungo sa kanyang paglaya.

Nagbabasa Ako at Binabasa Ako

Nagbabasa ako at ang binabasa ko ay dalawang bagay—ang kaganapan sa buhay ng tauhan at ang kaganapan na ito bilang kahalintulad na kaganapan sa buhay ko. Susuriin ko ngayon, may kabuluhan ba ang ugnayang ito? Naisasaad ba ang limitasyon ng may kapangyarihan at ang kawalan nito, at nailatag pa ang posibilidad para sa pagbabago? Magagawa ito sa pag-uugnay ng akda sa aktwal na lipunan at kasaysayan. Kakayanin ba ang ganitong paglalahad ng limitasyon ng kapangyarihan at posibilidad ng pagbabago sa aktwal na lipunan—na bagamat naresolba ito sa akda ay kailangang suriin muli bilang isang plano ng pagbabagong historikal at panlipunan. Ang isa pang isinasaad ng akda ay ang self-reflexive na produksyon nito ng manifesto hinggil sa panitikan—ano ang sinasabi ng kwento hinggil sa pagbuo, gamit at kabuluhan ng kwento, halimbawa? Dito naman matutunghayan ang puwang ng kultura at gamit-kultural, tulad ng panitikan, sa paglalahad ng posibilidad ng panitikan at kultura sa mismong pagbabago ng kasalukuyang kondisyong ginagalawan, kundi man, ng paglalatag nito.

May tatlong tema na isasaalang-alang sa pag-unawa ng panitikan at kultura—kasaysayan, lipunan at modernidad. May kasaysayan ang panitikan at lipunan. Ang isinasaad nitong importanteng detalye ay ang dobleng pagbasa sa panitikan, sa kasaysayan ng pagkasulat nito at sa kasaysayan ng pagkabasa nito (ang kasalukuyang sandali). Kasama sa kasaysayan ng pagkasulat nito ang mga stilong pampanitikan na umuunlad sa pana-panahon ng panitikan at mismong kasaysayan. Ang tradisyonal na pagkakahati ng kasaysayan ay ang mga sumusunod na yugto—katutubo, Kastilang kolonialismo, Amerikanong kolonialismo, Hapong kolonialismo, post-independence, at kontemporaryong pagsasabansa. Pangunahin sa pagsusuri ng kasaysayan ay ang pag-aaral ng moda ng ekonomiyang pinapaiiral sa bawat panahon—komunal, alipin at Islamikong lipunan sa katutubo, feudalismo sa Kastilang kolonialismo, introduksyon ng kapitalismo sa Amerikanong kolonialismo, neokolonialismo sa panahon ng Hapon, malakolonyal at malapyudal sa post-independence na yugto maging hanggang sa kasalukuyan.

Ang pangunahing katangian ng ekonomiyang produksyon ay ang pagbibigay ng mapa ng pagkaunawa sa produksyon at resepsyon ng panitikan. Sa komunal na yugto, halimbawa, ang diin ay ang kolektibong pag-aari ng kapaligiran at panitikan. Ang mga talinhaga ay galling sa kapaligiran sa komunidad, at ang paglikha ng panitikan ay insidental sa praktikal na gamit sa pang-araw-araw na buhay—tulad ng pormang oyayi sa pagpapatulog ng sanggol—gayong integral sa paghihinuha ng kosmolohikal na kaayusan—ano ang pinaniniwalaang parallel na mundo at kaisipan sa mga akda. Ang feudalismo sa Kastilang kolonialismo, ang pag-aari ng lupain ng mga prayle, Kastilang opisyal at ilang lokal na katiwala, ay nagdulot ng tatlong subpanahon sa panitikan—ang relihiyosong panitikan ng mga prayle—na siya ring nagmamay-ari ng imprenta—at ilang lokal na trabahador ng simbahan na nagbigay diin sa supremacy ng Katolikong kaisipan at Kastilang gawi; ang panitikang sekular sa unang yugto nito at ang paghahanap ng idioma ng kolektibidad ng lokal na manunulat sa mga pormang awit at korido halimbawa, sa paglulunan ng kondisyong lokal sa mga malalayong kaharian; at panitikang himagsikan, ang ikalawang yugto ng panitikang sekular, na naghayag ng politikal na substansasyon sa kolektibong layunin.

Paglayag ng Panitikan

Nagsimula nang lumayag ang panitikan na hiwalay sa pang-araw-araw na realidad, tumungo sa spesipikong misyon ng panitikan para sa kumbersyon sa katolisismo at Kastilang kolonialismo, pabalik sa kakaibang gamit ng panitikan, tungo sa pagpapalaya at transformasyon ng kolonya. Ang impetus ng pagkaunlad ng panitikan sa Amerikanong kolonialismo ay ang introduksyon ng kapitalismo (pangangailangan ng experto sa iba’t ibang disiplinang tatao sa kolonyal na burukrasya) at liberal na demokrasya (ang kamulatang dulot ng edukasyon para sa pagtanggap ng mga bagong kaayusan). Matutunghayan ang mga panitikang nagbibigay-lehitimasyon sa mga karanasang tinataguriang hindi nababagay sa konserbatismong katolisismo, tulad ng pagsusugal, pambabae, pagkakaroon ng affair ng babae at iba pa. Dagdag pa rito, ang bagong karanasan sa paggawa at pag-aklas ay tinatalakay din ng panitikang sa panahong ito. Sa kolonialismong Hapon, ang panitikan ay ibinalik sa pambansang wika gayong ito ay dumanas ng matinding sensura mula sa militar. Pangunahing militaristiko ang layunin ng pananakop ng mga Hapon na hindi nagkaroon ng mahabang panahong magkaroon ng pang-ekonomiyang transformasyon sa bansa.

Sa post-independence na panahon hanggang sa kasalukuyang panahon, tunay na “mala-mala” ang sistemang pang-ekonomiya—ito ay malakolonyal o tumitingin pa rin sa dayuhan para sa pang-ekonomikong kasagipan ng bansa; at mala-feudal, ang malawakang pagkatali pa rin ng bansa sa problemang agrikultural. Kasama rito ang panlipunang relasyon ng dayuhan (na nagmamay-ari ng mga negosyo sa bansa), kumprador (ang negosyanteng nagpapasok ng dayong kapital at naglalabas ng kita pabalik sa parent company nito), burukrata kapitalista (ang mga politiko at opisyales na ginagamit ang posisyon para sa personal na pagpapayaman) at feudalismo (mga may-ari ng lupa, visible man o invisible sa mga nagsasaka, at ang kultura ng patron, lalo na sa politika). Ang karanasan sa kolonialismo noon at neokolonialismo sa kasalukuyan ang siyang nagdudulot sa mamamayan ng pamantayang kosmopolitan—kung ano ang katanggap-tanggap sa panitikan at kultura sa namamayaning kaayusan. Itong karanasan—na dinanas sa serialidad—ay siya ring nagtatakda ng mababa at mataas na antas ng panitikan at kultura. Ang panitikang may relihiyosong turo, halimbawa, ang pamantayan sa unang yugto ng Kastilang kolonialismo, na nagbago sa panitikang politikal sa huli nitong yugto. Ang panitikang aral at edukado ang siya namang pamantayan ng kagalingan sa panahon ng Amerikanong kolonialismo na higit pang idinidiin sa sinumang naghahangad maging manunulat sa kasalukuyan, sa proliferasyon ng mga undergraduate at graduate na programa sa malikhaing pagsulat sa mga pangunahing unibersidad.

Hindi economic determinism—o ang sistemang pang-ekonomiya ang determining factor sa una’t huling usapin—ang paraan ng pag-unawa sa panitikan at kultura. Ito ay ang paglalatag ng ekonomiyang kalagayan na siyang nagbibigay-buhay sa mga politikal at kultural na larangan sa indibidwal at kolektibong pagkatao at pagkabansa. Ang pinag-uusapan ay dalawang aspekto ng representasyon: una, kung paano tinatangkang salaminin ng akda ang mga historikal na kaganapan at pangangailan, kung paano ito nagtatagumpay; at ikalawa, kung paano bumabagsak ang pagtatangka dahil sa pagkabalaho sa mga sektoral na konsern, tulad halimbawa ng papel ng tradisyon sa proyekto ng moderno, ng katutubo sa proyekto ng kolonialismo, ng kababaihan sa proyekto ng makalalaking panitikan. Samakatuwid, ang pag-uusapan ay ang pagtatangka ng panitikan o akda nito na sipatin ang ofisyal na proyekto ng namamayaning kaayusan, at ang kontraryong daloy ng kaisipan mula sa alternatibong konsern.

Usaping Lipunan at Panglipunan

At ito ang pagsusuri ng kasaysayan ay matutunghayan sa pangunahing inihahayag ng panitikan—ang usaping lipunan at panlipunan. Ang pagsulat at pagbasa ay publikong aktibidad dahil ang isinisiwalat ng nasa loob ng panitikan ay mga publikong konsern. Si Urbana o Ibarra, Julio Madiaga o “Ang Babaeng Namumuhay Mag-isa” ay hindi lamang mga personal na karakter ng manunulat, sila ay mga panlipunang tauhan na nauunawaan natin dahil sa panlipunang dimensyon ng kanilang mga konsern bilang karakter o persona sa mga akda. Kung wala ang lipunan, walang three-dimensional aspect ang panitikan. Wala itong foreground, middleground at background para maunawaan natin kung bakit ganoon na lamang ang pinili ng tauhan o persona para resolbahin ang kanyang problema. Hindi sila purong kathang isip dahil mismong ang kathang isip ay isang panlipunang konstrak at likhang panlipunan. Kung ano ang imahinatibo at malikhain ay idinidikta ng namamayani sa lipunan—mga guro at kritiko, halimbawa. At ang imahinasyon ay hindi lamang sa utak nagaganap, kailangan nito ng material na pagkakapitan at paghahapitang porma. Ang panitikan ay isang hulmahan ng imahinasyon gayong nababago at napapagyaman din ng indibidwal na imahinasyon ang panlipunang konstrak nito.

Ang lipunan ay ang espasyo ng imahinasyon ng manunulat at mambabasa. Bilang manunulat at mambabasa, ang imahinasyon nila ay diniditermina ng kanilang afinidad at distansya sa mga nagtutunggaling pwersa ng bawat kultural na kategorya—maykaya o wala sa uri; babae at lalake sa kasarian; heterosexualidad, bisexualidad, homosexualidad o asexualidad sa isyu ng sexualidad; adult o kabataan at kamusmusan sa henerasyon; katoliko o iba pa sa relihiyon; pamantayang maka-dating kolonyal na mananakop sa dating kolonyal na nasakop sa lahi; mestizo at Tagalog o iba pa sa etnisidad, halimbawa. Bawat indibidwal na pagkatao ay hindi kakaiba, natatangi lamang ito batay sa kanyang loyalty sa mga kategoryang piniling maging mahalaga sa kanyang pagkatao. Sa huli, ang indibidwal na pagkatao ay sasalain sa kapasidad nitong pumasa sa naayong kolektibong pagkatao.

Alegorya sa Pagbasa at Pagdanas

Alegorikal ang papel ng bawat akda dahil minimimiko nito ang aktwal na lipunan, maging ang mga kontradiksyong dinaranas nito. Ang papel ng pag-unawa sa lipunan ay hindi maglantad ng simplifikasyon ng mga bagay, kundi ang maghayag ng kumplikasyon ng mga kaganapan sa lipunan. Mahirap ka, at alam mong hindi ka yayaman, pero gusto mo pa ring manalo sa lotto; babae o bakla ka na may rape fantasy; lalake ka na nagwo-wonder kung paano ba makipag-sex sa baklang nagproprosisyon sa iyo; maitim ka pero nagpapaputi; pango ka pero nag-iisip magpa-“corrective” surgery. Paano nangyari ito na ang itinakda para sa atin ay hindi nagiging lubos na katanggap-tanggap, na kahit sa isip natin ay sumasagi ang pagdaloy sa ibang kategoryang inaakala natin bilang lampas-lampasan sa atin? Ang alegorikal ay ginagamit para masipat ang isang daluyan ng pag-unawa—ang maliit tungo sa mas malalaking usapin; pero mayroong kontraryong pagbasa na dapat ring isaalang-alang, kung paano nagtre-trespassing ang mga kultural na kategorya mula sa iba’t ibang hanay nito (babaeng breadwinner o househusband, halimbawa) at maging sa iba’t ibang kultural na kategorya (babaeng breadwinner na nakabase sa Hong Kong, kung saan siya naman ay katulong ng lalakeng breadwinner na Tsino)—intra at extra-movements ang isa pa ring usapin.

Ang tinutunghayan sa panitikan ay ang kasaysayan ng lipunan bilang pagtatakda ng kolektibong kultural na panuntunan. Ang indibidwal na sinisipat ay ang paglapat ng tauhan sa hulmahan ng ideal na pagkatao. Ang pagkataong ito ay karaniwang pumapalaot sa iba’t ibang uri ng karanasan sa kosmopolitanismo—ang paglimot sa katutubong gawi at pagpaloob sa Katolikong gawi sa Kastilang kolonialismo, ang pagnanasang makapantay sa ideal ng nakararaming nagpursigi at nagtagumpay sa mito ng edukasyon sa Amerikanong kolonialismo, ang pang-ekonomiyang pag-unlad ng bansa na mayroon pa ring konserbatibong Katoliko at reaksyonaryong pagpapahalaga sa kasalukuyan. OK lang na nagpa-party-party sa Libis at Malate sa gabi sa lahat ng araw ng linggo, pero sa dakilang araw ng Panginoon, dapat ay nasa loob naman ng simbahan nanunuluyan, na siya namang ginagawa ng nakararami. At kung hindi kaya ng indibidwal na magparty sa mga naturang hip na lugar, kailangan lamang marehistro nito sa kanyang sarili at sa iba pang kahalintulad niya ang kalagayan na kakailanganing madanas ito sa tanang buhay bago masabing “in” ang isang talagang “out” naman.

Moderninad, Edukasyon at Panitikan

At ito ang karanasan sa modernidad na swak na binibigyan-ehemplo ng Amerikanong kolonialismo—ang pagkakaroon ng edukasyong magiging pasaporte sa mga larangan ng lipunan. Ang edukasyon dito ay formal (two-year college experience para sa maraming ordinaryong gawain, tulad ng waitering, pagtrabaho sa fastfood at malls, pagiging gwardya, at iba pa; at informal, maalam ka sa mga bagay, lalo na ang uso. Ang karanasan sa modernidad ay karanasan sa uso. Sa maykaya nito, ang pagbili at paggamit ng uso bilang isang narsisistikong adventura. Isusuot mo ang uso, pupunta ka sa usong lugar, iko-cover ito sa socialite pages, babasahin ng kaibigan mong nakikiuso rin. Sa walang kaya, ang uso ay nirerehistro lamang. Patlang-patlang na pagdaan ng uso ay dapat na nakiiuso rin naman. At may opening din para maging demokratiko ang akses sa uso. Uso ang cellphones at makikiuso rin ang maraming kabataan.

Kailangang pag-ugnayin ang in at out, inihaharap at itinatalikod ng modernidad sa dalawang panahon at espasyo—ang kasaysayan ng panahon ng pagkalikha at pagbasa ng panitikan, at ang lipunan noon at ngayon. Ano ang continuities at discontinuities ng mga panahon at espasyo? Dito naman maangkat ang diskurso—ang relasyon ng bagay sa magkaiba at magkatulad na kasaysayan at lipunan noon at ngayon. Ang entidad ng modernidad ay ang pagkatao—paano ito sinusubstansyahan sa iba’t ibang panahon at espasyo? Paano ito nagtatakda ng ideal na pagkatao at nagsasantabi ng maraming mababang uri ng pagkatao? Ang modernidad ang pangunahing paggagayak sa penomena ng pagkaetsapwera ng katutubo at paghahanap ng idioma ng kosmopolitanismo sa karanasan ng kolonialismo noon at neokolonialismo sa kasalukuyan.

Paano si Maria Clara, halimbawa, ay tipifikasyon ng maykayang babae sa huling yugto ng Kastilang kolonialismo—nakapag-aral pero hindi ganap na nakamit ang kamulatang magpapahintulot sa kanya na danasin ang emosyonal na karahasan sa buhay? Paano rin ang limitasyon ng edukasyon ay maaninag maging sa pinaka-hip na VJ ng MTV? Na kahit hindi nakakasapat, para sa nakararami, ay modelo pa rin ng pagkakamit ng pagiging (becoming), ang ilusoryo ng naging (being). Na kahalintulad ng impetus ng pangangarap ng maraming may hitsurang babae at lalake para mag-showbiz—mag-artista, mag-VJ, at magmodelo--kundi man, mag-GRO (may oxymoron na titulong guest relations officer) at kung hindi pa rin, pumaloob sa mas mababang antas ng sex industry. Nagpapatuloy ang American dream—ang posibilidad ng pag-angat batay sa indibidwal na pagsisikap--maging sa pinakanaghihikahos sa pinakagula-gulanit na barong-barong. Kung wala itong pangarap, bakit pa nabubuhay? Ito ang trahedya ng nabubuhay sa modernismo at postmodernismo—bakit pa natin pinipiling mabuhay, kumilos sa pagpapalaya ng lipunan kahit pa ito ay sa matagal at malayong hinaharap? Kung wala rin itong pangarap ng panlipunan at historikal na pagbabago, bakit pa tayo nabubuhay? Anong pangarap ang mas matimbang sa mas mabigat na pagdidiin ng pangarap nang mayroon nang kaya—ang pangarap na higit pang pagkamkam. Kung wala nang makakamkam pa mula sa huling nagbabasura sa Payatas o katutubong nahukot sa pagtanda ng mabigat na trabaho, bakit pa nabubuhay ang negosyanteng komprador? Pati sa pangangarap ay tunggaliang kakakitaan ng digmaang pang-uri.

Mapagpalayang Pagbasa at Transformasyong Panlipunan

Ang mapagpalayang pag-unawa ng panitikan ay naglalatag ng kondisyon para sa kultural na pagbabago na siyang susing kawing sa anumang panlipunang pagbabago. Ang mapagpalayang pag-aaral, pagtuturo at pagbasa ng panitikan ay pag-eensayo sa pagpapalaya ng lipunan. Tungo saan sa panitikan? May mga naunang nang pagtitipon ng ideal ng kolektibo sa panitikan—panitikan ng Pilipinas, panitikang Filipino, pambansang panitikan, makabayang panitikan at pambaansang demokratikong panitikan.[xi] Ang panitikan ng Pilipinas ay nakabatay sa heograpiya. Ito ang totalidad ng mga akda sa teritorya ng Pilipinas, kabilang dito ang panitikang rehiyunal. Ang problema sa definisyon ng kategorya ay ang hindi pagsaklaw sa panitikang diaspora o yaong mga akdang likha ng mamamayang Filipino sa labas ng bansa. Gayundin, ang in-mixing ng mga rehiyon at kaibahan sa rehiyon ay hindi rin sinasaklaw—ang karanasang Bikol, halimbawa, na may linguinstika at kultural na distinksyon ang Daet, Legaspi at Naga Bikolano, samakatuwid, pati ang panitikan; o ang pagdaloy ng Bisaya at Waray sa Sorsogon at vice-versa. Ang panitikang Filipino naman ay nakabatay nasyonalidad, sa awtorship na kahilingang Filipino ang manunulat. Ang kahinaan naman ng kategoryang ito ay ang hindi pagsaklaw sa etnisidad na Filipino sa ibang bansa, tulad ng Filipino American, Filipino Australian at Filipina Japanese.

Ang pambansang panitikan naman ay politikal na kategorya dahil may kahilingan ito sa pag-interrogate at pagbuo ng bansa, kadalasan sa labas ng opisyal na proyekto ng nation-building. Ang konserbatibong panig nito, kaya madalas hindi binabanggit ang termino (halimbawa, sa panitikang nakasulat sa ingles) at kung mabanggit ay sa ganitong formulasyon, ay bilang multilingual na saklaw gayong walang multikultural na dimensyon dahil sa kawalan ng pisikal na heograpiya ng pagkabilang sa bansa. Ano ang rehiyon ng panitikang ingles? Sa kabilang banda naman, at ito ang afinidad sa makabayang panitikan (nationalist literature), ito ang panitikang may proyekto ng politikal na transformasyong panlipunan at historikal. Sa pagsusuma ni Elmer Ordonez, “…the trajectory of nationalist literature from the social realist mode of Rizal to the Katipunero writers, the proletarian trend among writers involved in the labor and mass movbement, the patriotic and anti-American sentiments of writers in Spanish and English, including the socially committed literature of the Commonwealth era, the protest and radical writings of the national democratic movement, and the underground poems and narratives of guerrillas,” matutunghayan na nakakawing ang proyekto ng makabayang panitikan sa pagsuporta ng pagbabagong panlipunan—at ito ang “realisasyon ng sovereign at makatarungang lipunan.[xii]

Ang kategorya ng makabayang panitikan ay may dalawang panig din—sa unang panig, ang burgis na manunulat na umaangkop sa wika at stilo ng namamayaning kaayusan para sa paghahangad ng reforma sa lipunan; sa kabilang panig, ang organikong manunulat—“mula sa masa, tungo sa masa”—na naglalayon ng himagsikan bilang sandata sa pagbabagong historikal. Kung ganito, walang pinagkaiba ang pambansang panitikan sa makabayang panitikan. Kailangang linawin ang uri ng interogasyon sa pagkabansa sa pambansang panitikan nang matunghayan ang kakaibang kalidad nito. Ayon nga kay Ramon Guillermo, “May panitikang pambansa ng mga naghaharing uri at may panitikang pambansa rin ang sambayanang may sariling mga ipinapaglabang mithiin.”[xiii]

Pambansang Panitikan at Kolektibong Aspirasyon

Kung gayon, ang pambansang panitikan ay hindi lamang pagkakaroon ng aspirasyon at pagkilos sa tunguhin ng bansa, kailangang linawin din kung ano itong tunguhin ng bansang susuportahan ng mga nag-aaral ng panitikan. Malinaw na hindi ito ang opisyal na konseptualisasyon ng pagkabansa, na sumusunod sa ritmo ng Bagong Lipunan hanggang Malakas na Republika, halimbawa. Mas egalitaryo ang layunin ng tunguhin—ang pagpapalaya ng sambayanan. Kung tunay na malaya na ang sambayanan at bansa, bakit kailangan pa ng napakabatayang kritikal na paraan ng pag-unawa sa panitikan—ang mapagpalayang pagbasa ng panitikan? Hindi aksidente ang teleskopya ng paninipat. May materyal na batayan ito—na sampung porsyento ang humahawak ng 90 percent ng yaman ng bansa, samantalang ang 60 percent ay nananatiling nakalubog sa poverty line at ang mas maliit na segment ng middle-class ay hindi tunay na gitnang uri nakakadanas ng global na kosmopolitanismo dahil paratihan pa ring nababagabag ng pang-ekonomiyang kakulangan.

Ideal ng Pambansang Panitikan at Pagkabansa

Samakatuwid, ang ideal ng pambansang panitikan ay tungo sa pagpapalaya ng nakararaming naghihikahos, kapantayan, karapatan, trabaho, katarungan para sa lahat. Dito na rin nararapat na ipakilala ang huling kategorya ng panitikan, ang pambansang demokratikong panitikan mula sa kilusang masa may linyang pambansang demokratiko—pambansa dahil ang bansa ay hindi ganap na malaya, demokratiko dahil walang tunay na demokrasya sa bansa. Ito ang isang panig ng makabayang panitikang tinahak ni Ordonez, at kasama sa definisyon at sakop ni Bienvenido Lumbera ng pambansang panitikan. Gayunpaman, kung iisipin, kung ang panitikang pambansa ay tunay na naghahangad ng paglaya ng nakararami, hindi ba ito ang sukdulang tunguhin ng panitikan? Socially purposive ang panitikang pambansa—hindi lamang show window kung ano na ang naabot na estetikang kalidad ng panitikan ng bansa. Mismong ang panitikan ay arena rin ng tunggalian ng class war.

Mapagpalayang pag-unawa para sa mapagpalayang pambansang panitikan. Magbabasa ako at wala akong makikita. Magbabasa ako at makikita ko ang hari at reyna, ang naghahari-harian at ang maraming pinaghaharian. Magbabasa ako at makikita ko si Marcos, o si Cory Aquino at GMA (Gloria Macapagal Arroyo), at iba pang papalit na presidensya. Magbabasa ako at makikita ko ang masang mamamayan. Magbabasa ako at makikita ko ang sarili ko. At magbabasa pa akong muli. O iiwan ko ang pagbabasa dahil hindi ko gusto ang aking nababasa. Iba na ang aking nababasa at nakikita sa pahina. Hindi na lamang ito kwento nina Simoun at Sisa, Florante at Flerida, Tandang Basyong Macunat, Urbana at Feliza, Impeng Negro at Tata Selo. Naging ibang kwento na ito at natatanging kwento. Sa huli, ang mapagpalayang pag-unawa ng panitikan ay hindi naman talaga nagpapalaya sa mismong panitikan—paano mo palalayain ang libro sa iyong shelf, hindi ba? Ang pinapalaya ay ang mambabasa, ang kanyang sarili, komunidad at kolektibo.



[i] Hango kay Eric Fromm ni Paolo Freire, “Pedagogy of the Oppressed,” The Paolo Freire Reader (New York: Continuum, 1998), 63. Bagamat ang referensiya ni Freire ay ang masang inaapi, ang aking kinokonseptualisa ay para sa mambabasa-intelektwal, sa pagtunghay sa pagbabasa bilang intelektwal na aktibidad ng pag-unawa ng indibidwal sa kanyang sarili, kolektibo, lipunan at kasaysayang ginagalawan. Sa mayoryang pagkakataon, ito ay petty burgis na intelektwal at ito ang afinidad sa inaapi ni Freire, na ang kanyang ekonomikong kalagayan ay sumasaklaw din sa kahirapan ng nakararami gayong may potensyal siyang unawain at pag-isipan ang kanyang ginagawa—ang pagbabasa bilang subsersibong aktibidad—bilang makabuluhang pagpapakahulugan sa akda at lipunan at makaimpluwensya sa nakararaming hanay na mas dahop ang kondisyon kaysa sa kanya.

[ii] Ibid, 62.

[iii] Halaw pa rin ang mga idea kay Freire, 62-63.

[iv] Ibid, 63.

[v] Ibid, 69-70,

[vi] Ibid, 67-68.

[vii] Ibid, 70.

[viii] Ibid, 72.

[ix] Ibid, 74.

[x] Ibid, 75.

[xi] Malaki ang kredit sa pagsinsin ng kasaysayang pampantikan kay Bienvenido Lumbera. Ang kanyang mga sanaysay na may partikular na halaga sa pag-aaral na ito ay “Harnessing Regional Literature for National Literature” (153-156), “Ang ‘Pambansa’ at ang ‘Pampanitikan’ sa Pambansang Panitikan” (157-161), “Panitikang Panrehiyon, Panitikang Pambansa: Magkabukod at Magkarugtong” (162-165), “Ang Pag-usbong ng Bago at ang Paglalatag ng Bagong Pamantayan” (166-170), “Ang Bago sa Pagbabago: Paano Kinikilala ang Bago sa Panitikan, Kritisismo at Pagtuturo?” (171-175) sa Writing the Nation/Pag-akda ng Bansa (Quezon City: University of the Philippines Press, 2000).

Para sa pagsusuma ng mga tema ni Lumbera, tignan ang kay Ramon Guillermo, “Pagsusuri sa Konsepto ng Pambansang Panitikan sa Ilang Sanaysay ni Bienvenido Lumbera,” papel sa Ph.D., di pa nalalathala, 25 Mar 02.

[xii] Elmer A. Ordonez, “Nationalist Literature,” Emergent Literature: Essays on Philippine Writing (Quezon City: University of the Philippines Press, 2001), 71 at 59.

[xiii] Guillermo, ibid.

Friday, April 20, 2007

Facism Embodied

Romeo 2 Rosete's Art Piece

UP University Council Resolution Reiterating Call to End Militarization and Political Repression

Adopted at the 99th Meeting of the University Council of the University of the Philippines Diliman held at the Benitez Theater, College of Education on April 18, 2007

The University Council condemns measures by the Arroyo administration to curtail civil liberties.

Armed Forces of the Philippines soldiers are in 27 barangays in Metro Manila in spite of the statement of the Chair of the Commission on Human Rights that “military presence in urban poor communities is tantamount to violation of certain civil and political rights of the residents.”

The passage of and soon-to-be implemented Human Security Law (Anti-Terrorism Law) further threatens to constrict the remaining democratic space. The law is characterized by loose and excessively broad definitions of terrorism, terrorist acts and terrorist individuals and organizations. Measures such as wire-tapping, warrantless arrest, expanded detention and interrogation periods are built-into the law. These could readily be subject to misuse and abuse, given the state of rising militarism in the country. Provisions of the law violate the Bill of Rights of the 1987 Constitution.

Closer to home, retired faculty and former chair of the Journalism Department Bobbie Malay experienced state brutality first-hand as her home was ransacked by the police, bearing a photocopy of a search warrant with the wrong address. She remained at the side of her husband Representative Satur Ocampo during his arrest and detention on charges obviously meant to harass him and hamper the campaign of his party. Former UP President Francisco “Dodong” Nemenzo still has a pending rebellion case hanging over his head. Students Karen Empeno and Sherlyn Cadapan have been missing for 10 months.

The University Council remains steadfast in its commitment to civil liberties and the pursuit of justice for all. It calls for the permanent withdrawal of military troops in the urban communities in Metro Manila, and an end to political killings, abductions and political repression.

UP University Council Resolution for a Clean and Honest May 2007 Elections

Adopted at the 99th Meeting of the University Council of the University of the Philippines Diliman held at the Benitez Theater, College of Education on April 18, 2007

Elections for local and congressional leaders will be held this May.

However, recent experiences have shown that our electoral process suffers from legal and moral infirmities. The “Garci” Tape scandal; the disbursement of public funds to promote the candidacy of select persons; the use of guns and goons; rising political dynasties; and the disinformation sown during campaigns are signs that there are those who do not respect the electoral process.

Assassination and arrest of candidates, the deployment of armed personnel and other forms of intimidation are resorted to ensure their stay in positions of power. There are those who fear that their votes will not be counted. This is not only a strike against the democratic process but a big blow to our basic freedoms.

The University advocates clean and honest elections – an election that truly reflects the peoples’ will.

The UC desires elections that reflect the will of the people.
We call on people in power to respect this will.
We call on the COMELEC to perform its duty.
We call on citizens to be vigilant in the exercise of their electoral rights.
We call for fundamental electoral reforms.

Kasiya-siyang Pasismo (Pasintabi column)

Kasiya-siyang Pasismo

Pasismo ang tawag sa paggamit ng dahas para mapasunod ang kolektibo tungo sa hangarin ng estadong kapangyarihan. Dati, sa formulasyon ng marxistang Antonio Gramsci, kailangan ang pasismo ay tineternuhan ng paghimok. Hindi pwedeng sukdulang pwersa o lampas-lampasang paghimok. Combo meal kung baga, kumbinasyunan hanggang tayo ay napapaayon na sa nais ipamulat sa atin ng may kaban ng kapangyarihan.

Kapag bata tayo, ang paraan para mapakain tayo ng ampalaya at iba pang gulay ay kumbinasyon ng panghihimok (makakatikim ng Coke, may panghimagas, dadalhin sa parke at mall) at pwersa (palo, panatiling nakaupo hanggat hindi nauubos ang gulay, hindi palalabasin ng bahay). Ganito rin ang paraan kung paano tayo sinosoyalisa sa lipunan ng pamahalaan at negosyo. Bakit numinipis ang dumarating sa rali?

Hindi na kasi ito kasing hip ng politikang sangkot sa shopping, fastfood, paggimik at malling. Bukod pa rito, ang paratihang ginagawa ng pamahalaan na walang rali na lubos na nakakalampas sa tulay ng Mendiola. Marahas ang dispersal, at madalas, nakukunan pa ito ng mga imaheng inuulat sa dyaryo at telebisyon.

Sa kasalukuyan, mayroong pasismo na nainternalisa na sa atin dulot di lamang ng lantarang paggamit ng dahas (tulad ng daan-daang politikal na pagpaslang at forced disappearance) kundi na rin sa pagtatanya ng negosyong sangkapan ang pasismo ng kasiyahan. Hindi na lamang latay ang naalaala natin sa hagupit ng yantok sa dispersal ng anti-riot police o ng sinturon ng tatay. Sa kasalukuyang kulturang popular, nagiging kasiya-siya na ang pasismo.

Tunghayan ang palabas sa telebisyon na Big Brother. Sa isang episode pa lamang ay pinagsasayaw ni Kuya ang “housemates” kapag nakarinig ng samba music, at kapag ibang tugtog naman ay ibang gawain ang isasakatuparan. Naging pet na aso si Nel, pinahawak ng palaka ang mga kababaihan. At sa huli, buong paggalang pa rin pino-po si Kuya. Hindi ba’t ang titulo ay hango sa karakter ng antip-pasistang nobela ni George Orwell na “1984”? Paano nagbago ang direksyon ng ihip ng hangin?

Ito ang edad ng reality television—ang pagtunghay sa buhay ng mga nilalang na kontestant na pumapahintulot na mailagay ang kanilang sarili sa peligrosong sitwasyong pangbuhay. Sa isang banda, alam nilang may kamera at sila ay nagtatanghal para sa kamera. Nagiging bitch, bading, queer, macho, at iba pang hulmahang makikilala ng manonood. Para rin itong reaksyon kapag tinutukan ka ng kamera at sabihan na “candid shot” pero magpopostura ka pa ring guwapo kahit hindi naman dapat.

Sa kabilang banda, vicarious ang posisyon ng manonood. Pinapanood natin ang ating worst fears sa pamamagitan ng kontestants—pagkain ng blinender na patay na daga sa “Fear Factor” o “Extra-Challenge,” pagkampi sa Pinoy at Pinay na kontestant sa “American Idol,” pagkuha ng back story ng mga kontestants sa “Deal or No Deal”–kahit pa nasa ligtas tayong posisyon, sa harap ng telebisyon. Hindi tayo ito, mayroon palang mas miserable at hayok na nilalang kaysa manonood.

Pero tayo rin ito, ang kontestants ay kinondisyon ng media at negosyo, tulad ng pagkondisyon sa ating pagtunghay sa mga kontestant. Tinutunghayan natin ang pasismo sa kanila—pwersahang pagdala sa liblib na isla at makipagtunggali sa kabilang tribu, o pagkondisyon ng ilang pribihileyadong housemates sa “Big Brother” para hindi ito ang ma-vote out. At sa ating pagtunghay, nagiging kasiya-siya—hindi pisikal na malupit—ang pasismo. Nilalamlam natin, sinusubaybayan natin, tinatangkilik natin ang pasismo ng negosyo para saan?

Para tanggapin natin ito bilang pagtunghay sa aktwal na pasismo ng pamahalaan. Hindi ito magkahiwalay, itong dalawa ang bumubuo ng pasismo ng estado. Nahimok na ang ating pag-iisip at pagkatao para tunghayang spektakular at kasiya-siya ang pasismo. Parang fireworks, sinusubaybayan ng lahat sa iba’t ibang posisyon. Parang watusi, ang ligaya ay kung saan ito pupunta habang isinusuga ng sariling mitsa. Popular na demokrasya para sa popular na madla.

Tuesday, March 20, 2007

Lani Misalucha and Judy Garland

Arnold A and Sarah R, Jan 2007

Miong Rosete's painting

Ang Alamat ni Ka Satur (Pasintabi column)

Ang mga alamat daw ang mga kwento ng taong namatay at muling nabuhay nang walang hanggan—tulad nina Eman Lacaba, Ninoy Aquino, Hesus, at Jose Rizal. O sila yaong nabuhay nang tila mas malaki at maningning kaysa ordinaryong mamamayan—tulad nina FPJ, Monico Atienza, Jose Ma. Sison, at marami sa mga namatay na bayani.

Hindi alamat ang ordinaryong politiko, lalo na ang trapo, o yaong may hawak nang politikal at pang-ekonomiyang kapangyarihan. Ang alituntunin sa alamat ay hindi lamang ginamit sa kabutihan nang nakararami, ipinaglaban pa ang interes ng nakararami. Kaya sina Marcos at GMA ay mga pomposong lider, si Henry Sy at ang may-ari ng Jollibee ay mga ikonikong figura lamang.

Kasama rito sina Kuya Germs, Sharon Cuneta, Kris Aquino, at iba pang bida sa media, maging ang may hawak ng media (Regal, ABS-CBN, Starstruck), at ang politikang nagpapalaganap sa mga negosyong ito (Marcos, Cory, Ramos, Erap at GMA). Ikoniko dahil may makinasyon ng negosyo at estado.

Hindi sila alamat dahil bahagi ng kwento ng alamat ay hindi lamang pagbibigay-ngalan sa bagong karanasan at bagay—ang pinagmulan ng pinya, bakit Maynila ang tawag sa naturang lugar, ang unang kababayang nagkampeon sa pandaigdigang boxing, at malling at texting bilang kasalukuyang bago—kundi pagpapausad ng kolektibong kabutihan.

Kapag nilulon ni Narda ang bato at isinigaw ang alter-ego nito, natratransforma siya para itransforma ang kapaligirang magpapatagumpay sa kabutihan laban sa kasamaan. Pero siya lamang ang pisikal, metapisikal at penomelohikal na natransforma. Kung wala siya—o ang kanyang agimat na isang aguinaldo mula sa kosmos ng kabutihan—walang pagbabago.

At ganito ang ipinapalaganap na uri ng kontraryong alamat ng media. Sa Mulawin, halimbawa, ay nagpaangat sa ikonikong status ng mga bida nito (Angel Locsin at Richard Guttierez) at nagpasanib ng kwentong pakikibaka sa loob ng telefantaserye at ng pagnanasa ng dalawang kabataang heterosexual na makipagsapalaran at matamo ang katanyagan. Tayo na manonood ay pinapatunghay sa kwento ng ikoniko bilang kwento natin.

Magpaganito rin sa kwento ng brands. Ang Bench underwear, halimbawa, ay tinatangkilik dahil una itong nagtanghal ng feeling sensual at sexy na OK na pakiramdam dahil nakatago naman ito. Ang Jollibee ay all-time Filipino na sandali, tulad ng komersyal ng Selecta ice cream sa kasalukuyan, na nagpapahiwatig ng well-deserved leisure break na nagpapa-bonding sa lahat ng miyembro ng pamilya, mula kay lolo hanggang sa apo. Ipinapalaganap ang kolektibong kwento para patuloy na tangkilikin ang brand na produkto.

Kaya rin hindi ito aakyat sa status ng alamat. Tao ang sentro sa alamat, at ito ang taong pinaparusahan (tulad ni Pina na ginamit ang bibig at hindi ang mga mata) para magluwal ng bagay, lunan at karanasan bilang marka ng kalabisan at kakulangan. Hindi lahat ay magiging pinya pero ang lahat ay, malamang, napagsabihan na ng kaalaman dulot ng alamat: matutong mag-inisyatiba, maging matulungin at sensitibo, makiisa at huwag mang-isa.

Gaya ng isinasaad ng salitang ugat, ang alamat ay hindi lamang pagbibigay ng bagong pangalan sa lumang karanasan, kundi pagbibigay ng mismong bagong kaalaman. Maalam ang alamat, mahilig rin makialam. Pero ang alamat ay may lamat din, may bigwas ng pagiging hindi solidong nilalang. Ito ay may lantad na kahinaan, at ang lamat na ito ang motibasyon para magpursigi na lampas sa indibidwal na layon.

Hindi lahat ng estudyante, magsasaka, gitnang uri at manggagawa ay magiging aktibista. Hindi lahat ng aktibista ay magiging rebolusyonaryo. Hindi lahat ng rebolusyonaryo ay magiging estudyante, magsasaka, gitnang uri at manggagawa ng bayan. Kahit lahat tayo ay maaring maging.

At ito ang alamat ni Ka Satur na nagpakita at patuloy na nagpapakita kung ano ang pwede nating maging para sa bayan.

Bilog ang mundo sa terorismo (Pasintabi column)

Kapag estado ang gumamit ng dahas, ito ay lehitimo. Sa labas ng estado, hindi ito maari. Maari ka pa ngang ikulong, ideteyn nang lampas sa karaniwang panahon, hindi payagang makalabas sa bayang pinagdakipan o i-house arrest, tulad ng napipintong pag-aproba sa Anti-Terrorism Bill.

Binabansagang ‘terorista’ ang sinumang indibidwal, grupo at kilusan na gumagamit ng dahas para sa kani-kanilang isinusulong na interes. Mula sa mga kidnapping at drug gangs, hanggang sa mapagpalayang kilusang masa, ang idea ng terorismo at ang figura ng terorista ay itinatakda batay sa relasyunal na posisyon sa estado. Ibig sabihin, kahit anong grupo na inaakalang lumalaban sa gobyerno na nagpapatakbo ng estado ay maari nang bansagang terorista.

Napakasimple ng buhay, di po ba? Bilog lang talaga ang mundo.

Kahit pa kung sa huling pagsusuri, ang pinakamalaking terorista ay ang mismong estado. Sa ‘real world politics’, ang interes ng estado ay ipinapalaganap ng gobyerno bilang nangungurakot na makinarya na nagbibigay ng ganansya sa malalaking negosyo at tradisyonal na politiko (trapo). Na sa malalim na usapin din naman ay nagtataguyod ng global na interest ng dayuhang negosyo at pamahalaan.

At sa kasalukuyang kaayusang pangkapangyarihan, ang pinakamalakas na estado, at kung gayon ang pangunahing terorista, ay ang imperialistang U.S. Nakakapagdikta ito pati kung sinong mga mapagpalayang kilusan sa buong mundo ang tataguriang terorista, at kung gayon, ay tatanggalan ng mga kaakibat na karapatan at itinatakda pa para supilin.

Bilog ang piniling imahen ng Ginebra San Miguel, hindi kwatro kantos. Bilog dahil mas mabili ito. At sa komersyal nito, ang katawan ay nagsasakripisyo at nagbabagong hulma para makapaglingkod sa ligaya ng iba (ng babaeng naghahanap ng dagdag na alak at pulutan). Dati ay inumin ang gin ng mga mababang uri. Dahil sa kagipitan ng buhay, nariimbento ang gin mula sa pagiging gin bulag (straight na inumin), tungo sa pagiging gin pomelo, gin pineapple, gin orange, at kung ano-ano pang pinaghalo-halo ng gitnang uri na powdered na juice.

Tuloy ang ligaya sa pribadong antas ng mga nag-iinumang naghihikahos na gitnang uri. Pati nga ang bars ay nag-aalok na rin ng pitsel-pitsel na gin drinks. Na kahit naghihikahos ang pambansang lagay ay tuloy pa rin ang gimik, sa abot ng makakaya.

Bakit nga aalalahanin ang implikasyon ng anti-terrorism bill, maging ng kahirapan, kahit pa harap-harapan at malaganapan ang politikal na pagpaslang, pangungurakot, pandaraot sa partylist sa mga kasong kriminal, pagtataguyod ng pekeng pangulo, pandaraya sa eleksyon? Ang nais alalahanin ng nakararami, bilang bahagi ng kanilang fantasy-production o paglikha ng mga alaala bilang pamamaraan ng pagharap sa anxiedad ng kasalukuyang kasaysayan, ay ang karanasan sa kasiyahan.

Masaya ang mundo dahil bilog ito. Nililinyahan ang kabilugan ng puwang ng paghinga, tinatadtad ng rekurso sa gimik. Sistematiko ang pagpapahirap sa atin, at sa kanya-kanya natin ang rekurso para makalikha ng lugar na makakahinga at makakagimik tayo. Bilog ang mundo dahil sa ating mga balikat ipinapapasan ang sabayang paghihirap at kasiyahang maari pang makamit mula rito.

Dahil kung pagagaanin ang pasanin, mayroon pa tayong magagawang iba. Kung lampas-lampasan ang pasahod sa manggagawa, mayroon pa itong mabibili bukod sa kasalukuyang subsistence lamang na antas para sa kanyang pamilya. Kung gagawing makabuluhan ang publikong serbisyo, makakapag-aral, makakapamuhay ng may dangal, mamumulat ang mga tao. Kaya hindi ito ginagawa.

Ang ginagawa ay patuloy na pag-igting ng pandarambong, pagpaslang, pagpapahirap nang sa gayon, hindi na lamang umimik ang dapat umimik—ang nakakaraming masang mamamayan. Kaya marahil sa kalasingan lamang nagiging malakas ang mga tinig ng kalalakihan, habang nambubuska ng kapwa. At ang stereotipikong pagbubunganga ng kanilang mga asawa—kung hindi naman tatahimik na lamang ang pagdamha sa pagpapakasakit—dahil wala nang ibang puwang sa kabilugan ng mundo.

Ang lipunan ay tatsulok. Iilan ang nasa tuktok, nakatuntong sa higit na pagpapahirap sa nakararami. Sa pwersa ng nagkakaisang inaapi, mababalikwas ang tatsulok. Mapapalitan nang mas makatarungang hugis, laman at substansya. Hindi pala bilog at tatsulok lamang ang mundo.

Troika: Kris-James-Hope (Pasintabi column)

Binulabog ng kontrobersya ang bansa. Hindi na napansin ang People Power Anniversary na ipinagdiwang ni Gloria Macapagal Arroyo. Nasalansan sa ilalim ng kolektibong kamalayan ang pangangampanya sa eleksyon. O kahit anong usapan, tila lahat ay bumabalik sa singaw na binuksan ng kontrobersya.

Bakit hindi? Para itong telenovella na sa tuwing binubuksan ang telebisyon ay bigla na lamang may bagong twist-and-turn, bagong cliffhanger na aabangan. Mula sa magkasabayang nagpainterview na mag-asawang Kris at James, hanggang sa paglantag ni Hope, pag-alis ni Kris sa tahanan nila ni James at pagkakaospital muli ni Kris.

Higanteng negosyo si Kris. Siya na may dalawang game shows tuwing Lunes hanggang Sabado, at showbiz talk show tuwing Linggo, sino ang hindi makakakilala sa kanya? Kasama pa rito ang kanyang pedigree—ikonikong mag-asawang politico—at dagdag pa rito, ang kasaysayan ng pamamanginoong maylupa ng mga Conjuangco.

Nang nagsisimula pa ito, akala ng lahat ay ang matagumpay sa boxoffice na pelikulang katambal ng komedyanteng Rene Requiestas at ang pagkoko-host sa show ni Kuya Germs tuwing Linggo ang highlight ng kanyang career. At nang mamatay si Rene at tumiklop ang palabas ni Kuya Germs, nakayanan ni Kris na muling umusad sa telebisyon at manaka-nakang pelikula.

Nagkaroon ito ng talk show sa umaga, bago nagging reyna ng game shows. Tula dni Willie Revillame, nagmimistulang sila ang namumudmod ng premyo sa hanay ng masang kontestant. Sila ang makabagong Rosa Rosal at Kapwa Ko, Mahal Ko, handang tumulong sa pinaka-deserving na mamamayan mula sa malawak na bultong pumila nang siyam-siyam at dumaan sa metikulosong screening.

Mula rito, naging isang pangunahing product endorser si Kris. Nagpaseksi kaya nakasama sa billboard ng Bench, at pati na rin mismo ang makinaryang nagpaseksi sa kanya, ng Vicky Belo Medical Group. Nagtatag ito ng sariling magazine, flower shop, at ngayon raw, pati PR (public relations) agency. Palaki nang palaki ang cottage industry na Kris Aquino.

Lumalaki si Kris dahil naiigpawan niya ang pinakamalalaking kontrobersya sa kanyang buhay. Itong kontrobersya ay umiikot lang naman sa usaping pag-ibig at relasyon: ang pakikipag-live-in at pagkakaroon ng anak kay Phillip Salvador, ang paglalantad ng baho sa relasyon kay Joey Marquez, at ang pinakahuling yugto, ang paglalantad ni Hope na may relasyon sila ni James Yap. Sa kanyang mga kontrobersya, si Kris ang lumalabas na biktima, at kung gayon ang may moral righteousness na madaling nakakampihan ng maraming tumutunghay dito.

Bahagi ito ng kulturang uzi (usisero). Mahilig tayong tumunghay sa anumang kontrobersya, lalo na yung spectacular, tulad ng coup d etat na kinamatayan ng maraming nanood, mga aksidente sa high way na ikinaka-traffic dahil bumabagal ang sasakyan para silipin ang naganap, pagtunghay sa mga baliw sa kalsada. Gusto nating makakita nang mga tao at insidenteng mas miserable ang lagay kaysa sa atin. At sa kaso ni Kris, ng isang matayog na tao na tao rin naman pala. Nagiging mas malapit na figura si Kris, mas nagiging taong abot-kamay, hindi na lamang abot-tanaw ng manonood.

Sa huli, matayog ang posisyon ni Kris. Hindi siya ang cheapaz (may kababawang uri) na nagseseks habang nagpapa-facial sa makikitid na cubicle ng Belo clinic. Hindi siya ang defensibong asawa na nagsabing stalker ang babaeng kumakabit, a la fatal attraction kumbaga. Hindi rin siya ang lumantad para sabihing siya si “Hopia”, ang lalake si “Big Bird” at ang asawa ay si “Kumander.”

Dahil sa wala namang ipagbubunyi si Kris, hindi lubos na artista at politiko, maliban sa sariling interes na prinoprotektahan, ang kanyang pangalan ay integral sa pagpapalago ng negosyo ng sarili. Kahit pa inipupwesto ang kanyang hindi napapanganak na sanggol bilang walang kamuwang-muwang na biktima ng lahat ng kontrobersya, si Kris ay ang kontrobersyang kinakailangan ng peryodikong kontrobersya. Pinakamatagumpay na franchise ng magulang na politiko, siya ang nagrereynang napipintong politikong bituin ng ating panahon.

Babaeng bituin na papasok sa politiko sa malapit na hinaharap, at kung gayon, kailangang laging malinis at morally righteous. Sa kontrobersyal na troika, siya pa rin ang nasa tuktok. Sambayanang Filipino, game pa rin ba tayo?

Wednesday, March 07, 2007

Mga Magigiting na Ina ng Desaparasidos ng UP

GMA Thief!

The Rise and Fall of a Politician Star: Joseph Estrada, Philippine Politics and Cinema (draft conference essay)

The Rise and Fall of a Politician Star: Joseph Estrada, Philippine Politics and Cinema

Politician stars are on the rise in the Philippines. Politics and show business, after all, are symbiotically related. Politics borrow from show business. Political aspirants learn to sing and dance, are packaged in production numbers, guests stars in campaign rallies. Ferdinand and Imelda Marcos would sing duets, dance the waltz, guest famous stars to draw in and sustain crowds. Show business also wants to please politics of the status quo. Political personalities become guests of honor in official show business functions.

Stars and politicians utilize their bodies as spectacle. Filmic and political narratives are centered on the main protagonists. In the mode of production of studio system in stars and traditional politics in politicians, the main protagonists dictate the process of production. Stars would be highlighted in film stories, cinematography, editing and direction. Politicians, most especially the president, would reinvent legacies through particular nation-building thrusts: Marcos’ New Society that sought a modern nation steeped in traditional moral values or Fidel Ramos’ Philippines 2000 that sought to propel the nation to middle-phased developed status. With constant visibility and centered-ness, stars and politicians reach an iconic status, corresponding to branded stories or commodities that tell specific stories.

Politician stars, therefore, twice embody the spectacle—being able to use their bodies as central to two spheres of reality. For stars, the transformation begins with show businesses being honed for political purposes. For politicians, it is to rise above the rest and become the star politician, but nonetheless remaining primarily in the political field. Star politicians reinvent their star qualities for political gain. As stars, they already sway control over fantasies of image and representation and thus the shift to politics seem convenient through a retrofitting of the workings of the image on a similar mass-base. After all, audiences, while watching film narratives about middle-class positioning, are also being conditioned as citizens to aspire for middle-class recognition.

The masses’ relationship with politicians and stars presents a complex bind. On the one hand, if they choose the kind of politicians and stars, then they are to a large extent, swayed to do so because of the power of media and the political machinery. On the other hand, they are also discriminating in their popular choices made—not every film earns box-office returns or politicians win. For a time, the audience of film, mostly belonging to the middle to lower-income groups, were also the bulk of the voting public. In the case of the Philippines, the masses chose actor Joseph Estrada as the president in 1998 by the largest margin in presidential election history, in a kind of class-revenge on the ruling economic elites and middle-class. However, middle-class opinions and actions coalesced to depose him in 2001. Another actor and an Estrada friend, Fernando Poe, Jr. almost won the presidential elections in 2004. The masses, therefore, are not a homogenized lot but one steeped especially in class issues and struggle.

Since the 1950s, the Philippines has been electing movie stars to national positions. Matinee idol turned serious actor Rogelio de la Rosa, a dramatic star of romantic movies was the first movie star to be elected to the Philippine Senate in 1957. Prior to this victory, de la Rosa was already visible as a staunch supporter of President Ramon Magsaysay, helping “launch[…] various government projects to benefit he poor and the needy.”[1] He was supposedly urged by Magsaysay to run for public office to “giv[e] something back to the people who made him (de la Rosa).”[2] De la Rosa would later run for the presidency, only to withdraw to give way to a fellow Kapampangan politician, Diosdado Macapagal. From 1965 to 1983, he would become ambassador to Cambodia, Netherlands, Poland, and Bulgaria.

With Ferdinand Marcos’ declaration of martial rule in 1972, the bicameral system was replaced with a rubberstamp parliamentary system. This meant that aspirants had to compete at the local level, an unappetizing prospect for movie stars of national prominence. Marcos chose to mobilize stars for political means—to attract crowds during campaigns and to publicize edifice projects. Politicians, like stars, were attracted to the Marcos couple as the opposition was disenfranchised during the dictatorship. Marcos would support the film industry, creating the Film Academy of the Philippines, comprised of the various artisan guilds, the Experimental Cinema of the Philippines that provided for production incentives to worthy film projects, and appointed the head to the powerful censorship board. No other president in the history of the country was involved in the development of the local film industry, creating agencies and incentives, than Marcos.

Marcos knew the power of the medium of film. Earlier on, Marcos produced a film biography using the most popular stars for his first presidential campaign. He ran against Macapagal who also came up with a film biography to boost his reelection bid. Marcos would also use another film Iginuhit ng Tadhana (Written by Destiny, 1965) to campaign for a second term. The two Marcos film bios would be the only successful political films—commercial and election wise—as other film biographies in the post-Marcos period by senatorial and presidential aspirants would prove dismal, unhelpful for election bids. The post-Marcos period liberalized the political and economic scene. It conventionalized and intensified the election of movie and sports stars, and even television news hosts to national politics. Television stations were sequestered by the government, the largest of which, however, was returned to its pre-martial law owners. ABS-CBN would become the leading television station until after 2000, allowing two of its news anchors to become senators.

Joseph Estrada would play the election game of Marcos. He would hone his political skills by becoming a long-serving mayor of 17 years of a Manila suburb town allied to the Marcos administration, and in the post-Marcos period, becoming a senator for six years and whose fame rose because of his nationalist ideals, then vice-president for another six years more, with the biggest winning margin in Philippine electoral history until that time, and eventually president in 1998. Estrada represented the formula for movie actors entering the political field—middle-aged male heterosexual, and iconic in films dealing with being the hero of the masses. What later stars would innovate on, differing from Estrada’s trajectory, is the immediate targeting for national positions. It is only Loren Legarda, ABS-CBN news anchor, that would be the only female star to bridge show business and politics.

In the more recent time, it is only another action hero, Lito Lapid that played the local politics card, becoming governor of Pampanga, a province north of Manila, first before being voted as senator. Even Ramon Revilla, Sr., an iconic star of “Robin Hood” films would serve in the post-Marcos Senate for three terms, the maximum term load as stipulated in the Philippine Constitution. Cage star Robert Jaworski, known for his aggressive basketball play, serving as both lead player and coach to a prominent basketball team, and whose longevity is of mythical status, also geared for and won a senatorial post. Jaworski, like other stars basketball, billiard, bowling and boxing, games where Filipinos excelled, landed leading roles in one or two films during the height of their sports success.

Marcos and his cronies owned and controlled the various media during his administration. In the post-Marcos period, Manila’s preeminent position as the center of a liberalized and proliferating media was solidified. With 85 percent of Filipinos owning television, it replaced radio as the number one media form.[3] News anchors became household names as news shifted linguistically from English to Filipino-language reporting. Entertainment shows replaced news formatted shows, and news formatted shows highlighted showbiz content. The two major television stations developed into media conglomerates—allowing its own stable of stars to enter into music recording, magazines, film, television, cable through its various allied business involvement. For a new generation of young people—children and adolescent—show business became a legitimate social aspiration. The 2000s would shift the show business orientation of aspirants as reality television becomes the dominant television fare—singers, beauty contestants, models, actors, and even ordinary people—in ubiquitously titled shows, such as Pinoy Big Brother, Dream Academy, Star Quest and Philippine Idol.

The show business dream machine allowed models for social mobility, legitimizing the nature of stars, the workings of the industry, its magical transformative qualities, and its close affinity with politics. However, the present crop of showbiz politicians started and became most popular during the Marcos period. This retro-look of showbiz politicians indicates a kind of maturity requirement prior to entry, especially in national politics. The higher the national position, the more senior the status of the star. For the 2001 election, there were some 50 stars who ran for various positions. Here is a reported partial list of stars:

singer Imelda Papin, for congresswoman of Camarines Sur; singer Victor Wood, for congressman of Rizal; action star Gary Estrada, for congressman in Quezon province; comedian Roderick Paulate, for governor of Albay; action star Rudy Fernandez, for Quezon City mayor; actor-singer Tirso Cruz III, for mayor of Las Pinas City; actress Elizabeth Oropesa, for mayor of Guinobatan, Albay; singer and former bold star Cristina ‘Kring-kring’ Gonzalez, for mayor of Tacloban, Leyte; Lani Mercado, actress and wife of Cavite governor and [action star] Bong Revilla, for mayor of Bacoor, Cavite; actor Phillip Salvador, for vice-mayor of Mandaluyong City; actor Aga Muhlach, for vice-mayor of Muntinlupa; comedian and rapper Andrew E, for councilor of Las Pinas City; actress Aiko Melendrez, for councilor of the second district of Quezon City; actor Jestoni Alarcon, for councilor o the fourth district of Antipolo City; comedian Arnedl Iganio, for councilor of the fourth district of Quezon City; actor Diether Ocampo, for councilor of Bacoor, Cavite; and singer Kuh Ledesma, for councilor of Manila.[4]

The list does not include actors and celebrities seeking reelection:

[dramatic icon] Vilma Santos, mayor of Lipa City; [comedian and former basketball] player Joey Marquez, mayor of Paranque City; [action star] Rey Malonzo, mayor of Kalookan City; Lito Lapid, governor of Pampanga; Bong Revilla, governor of Cavite; and Manila councilors [actors] Cita Astals, Isko Moreno, Robert Ortega, and Lou Veloso[….][5]

With elections happening every three years in the Philippines—presidential and local elections every six years, half of the Senate being replaced every three years—there is an increasing interest in stars being flushed into politics. Just like the bombardment of films and media texts on audiences, so too are they periodically bombarded with political elections and choices.

Joseph Estrada, an action hero for four decades, was elected thirteenth president of the Philippines in 1998. He won with the biggest margin in presidential election history, garnering 39.9 percent of the votes cast in a field of 11 candidates. He cornered 38 percent of the 71 percent available votes from class D.[6] Estrada won big, by using the masses (masa) as a cornerstone of his presidential campaign and governance. Despite his affluent background, he succeeded, owing to his star system, to project himself as one of the masses. Estrada comes out of the local action film genre, the aksyon film or the bakbakan, “films that focuses mainly on physical conflict.”[7] His action films depicted characters in solidarity with and providing leadership for the masses. So successful is his filmic career that his double excess, more than the usual excess attributed to aspiring politicians (being a gambler, womanizer and alcoholic), were pardonable, even as the foibles of other candidates and politicians were not.[8] His campaign slogan “Erap para sa Mahirap” (Erap for the Poor; Erap, being his pet name) was not so much based on genuine pro-masses politics, but was just a mnemonically and rhetorically effective device mobilized in his campaign. That a “defender of the masses” (in film) used a pro-masses slogan through a political party called the Laban ng Makabayang Masang Pilipino (Fight of the Nationalist Filipino Masses) spelled some redundant certainty of victory.[9]



[1] Alejandro Camiling with Teresita Zuniga Camiling, “Rogelio de la Rosa” in Biographies of Famous Kapampangan, http://www-ref.usc.edu/-camiling/bio/rdelarosa.htm (accessed 30 Jan 2007).

[2] Ibid.

[3] Marites Danguilan Vitug, “Showdown and Showtime in Manila,” Asahi Shimbun Asia Network, http://www.asahi.com/english/asianet/column/eng_040126.htm (accessed 30 Jan 2007).

[4] Marion Salamanca, “Entertainment and Politics: Pinoy style, Showbiz personalities want top billing in public office,” http://www.philpost.com/0301pages/politics0301.html (accessed 30 Jan 2007).

[5] Ibid.

[6] From the Social Weather Stations exit poll, quoted in Isabelo T. Crisostomo, President Joseph Ejercito Estrada: From Stardom to History (Quezon City: J. Kriz Publishing, 1999), 314.

[7] Joel David and Lynn Pareja, “Aksyon,” CCP Encyclopedia of Philippine Art: Volume VIII Philippine Film (Manila: CCP, 1994), 82-83. The local aksyon genre developed as a reaction to big-budgeted Hollywood films.

[8] Estrada’s film background is not discussed without a feature of his political career. See Emmie Velarde, “Joseph Estrada,” All Star Cast (Manila: Cine Gang Publications, 1981), 30-39; Quijano de Manila, “Erap in a New Role,” Joseph Estrada and Other Sketches (Manila: National Bookstore, 1977), 1-43; and Ricky Lo, “ Joseph Estrada, Era ni Erap,” Star-Studded (Makati: Virtusio Books, Inc., 1995), 68-73.

[9] The literal use of masa is perpetuated up to Estrada’s first year of office with “Ulat sa Masa” (Report to the Masses) and “Parada ng Masa Laban sa Kahirapan” (Parade of the Masses Against Poverty). The socio-economic implications of Estrada’s first year is succinctly elaborated by Antonio Tujan Jr., “Sizing Up Erap,” Perspectives 1:13 (19 Jul 1999), 4-9. For a historical development of masa, see Corazon L. Santos, “Ang Politisasyon ng Masa at ang nobelang Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes,” unpublished manuscript, 1999.

Paano magbigay ng masamang balita? (Dagli sa Krisis column)

Paano magbigay ng masamang balita?

Ganito magbigay ng masamang balita:
Kumiriring ang telepono nang madaling araw....

"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."
"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?
"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot."
"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?
"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."
"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"
"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."
"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"
"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."
"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"
"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"
"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."
"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"
"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."
"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan 'yung kandila?"
"Para sa burol po."
"Ano? Kaninong burol?
"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."

O

“Hello, Ma’am”

“Hello, Garci? OK na ba ang mga boto ko?”

“Me problema, Ma’am. Wala pong mga sundalong mangha-harass sa mga gurong nagbibilang sa munisipyo.”

“Ha, bakit, saan nagpunta ang mga sundalo?”

“Yung iba po, private army ng mga politiko. Yung iba naman po, nangungurakot ho sa illegal logging. Yung karamihan po, nasa operations.”

“Anong operations?”

“Yung Oplan Bantay Laya 2 ninyo po. Dinamihan ninyo kasi po ang target na papaslangin.”

“Pero pinapa-low profile ko na iyan. Ang daming naiirita na—ang Amnesty International, Finland at UN special rapperteur, pati ang Melo Commission.”

“Yan na nga po ang problema, Ma’am.”

“Bakit naman?”

“Wala na pong kumakampi sa inyo.”

“Akala ko ba ay 95 percent ng lokal na pamahalaan ay kontrolado natin?”

“Eh kulang na raw pampadulas ninyo.”

“Eh di mangutang sa IMF.”

“Ang laki na raw po ng utang ninyo. Sa katunayan, pinakamalaki raw kayong administrasyon na umuutang.”

“Garci, mahalaga itong eleksyon. Hindi ako pwedeng matalo.”

“Paano ho kayo matatalo pa eh talo naman po talaga kayo?”

“Kaya nga nandiyan ka eh!”

“Pero kapag gipitan naman po eh pinawawalang bula ninyo na lang ako.”

“Hindi ba sinusuportahan ka naman sa iyong pagtakbo?”

“Eh sino pa ho ang maloloko ko?”

Aba, tignan mo ako, ang dami ko pa ring naloloko!”

(Ang unang bahagi ay mula sa email na ipinadala ni Junjun Sta.ana, 3 Marso 2007.)

Dalawang Buwan Matapos ang Reming, Albay (Dagli sa Krisis column)

Dalawang Buwan Matapos ang Reming, Albay

Naglalakad si Bobet, wala naman talagang pinatutunguhan, umaasang may makikitang bagay na may halaga. Tinakpan ng buhangin at higanteng bato ang baranggay Busay. Kalahati nito, binaon sa limot, kasama ng 49 mamamayan. Isang daan at apatnaput siyam ay nawawala pa rin, buhat-buhat ang toneladang bigat ng masaganang buhangin at bato.

Dalawang buwan lamang ang nakaraan, may bagyong nagparagasa ng naipong putik na naipon sa halos araw-araw na pagputok ng bulkang Mayon. Mailap ang Mayon, pinakaperfektong apa na bulkan sa buong mundo. Madalang matunghayan ang kanyang buong kariktan. Kahit maaraw ay natatakpan ng ulap ang paligid nito.

Sabi ng isang gumagawa ng outlet ng Jollibee sa Albay, sanay na ang mga tao sa pagputok ng Mayon. Ipinagpapatuloy ang pagkain, paglalakad, pag-inom. Kapag lumindol o nakarinig ng pagputok, isang patlang na sandali lamang ng agam-agam, matapos ay mapupuno ng tawanan ang mga tao at babalik sa kanilang ginagawa.

Sa susunod na buwan pa magsisimula ang pagbabalik sa ayos ng Busay. Sa Padang, sa kalahati pa ng taon. Walumput tatlo ang nawawala o namatay sa Padang, ayon sa sensus nitong buwan. Marami na ang lumipat dahil kalahati ng baranggay ang tinabunan ng pag-agos ng putik at bato.

Dalawang beses lamang ang rasyon ng relief. Nagsisiksikan ang 17 pamilya sa loob ng isang klasrum sa mababang paaralan na ginawang evacuation center. Binabantayan ang mga tao ng 9th Infantry Division ng Philippine Army. Wika ng isang sundalo, “We are working here to secure the safety and the properties of the people.” Ano pa bang ari-arian ang natitira!

Sa araw, ginagamit na klasrum ang tinutuluyan ng evacuees. Lumilipat sa likod ng gusali ng klasrum ang evacuees pero hirap, lalo na kapag umuulan. Habang sila ay nababasa, umiiyak ang mga supling. Tumitingala sila sa langit—ito o ang pagragasa?

Nananaginip si Bobet gabi-gabi ng pagbukas niya sa bintana at rumaragasa ang putik at bato. Maitim ang ilog sa bukana ng bahay. Tinatangay ang sumasalungat na tao, manok, baboy at kalabaw. Naghuhimiyaw ang mga ito pero hindi kaya ng dambuhalang tunog ng pagragasa. At araw-araw ay gumigising si Bobet para maglakad, wala namang pinatutunguhan, pero umaasang may matutunghayang mahalagang bagay.

(Batay sa ulat ni James P. Lopez, “More than a month after typhoon Reming: Slow Recovery for Albay Residents,” Bulatlat VI:50 (Jan. 21-26, 2007), http://www.bulatlat.com/news/6-50/6-50-albay.htm.)

Ang Tunay na Terorista (Dagli sa Krisis column)

Ang Tunay na Terorista

Pukpukin ang mga kahoy na sahig, dingding at kisame.

Ang tunay na terorista, pumapatay ng aktibista.

Tanghaling tapat, sa loob ng mismong buhay o sa bukana nito—ang eksena ng krimen. Walang takip ang mukha, maliban sa itim na bonnet sa ulo. Naka-leather jacket, na kahit namamawis, iniisip na kamukha niya si Robin Padilla.

Bubunot ng baril, itututok sa walang kamuwang-muwang na babae habang papaalis nang bahay para pumasok sa opisina, o habang iniwan ang trabaho sa kusina para sagutin ang katok sa pinto. “Isang bala ka lang,” muni nito sa sarili habang nagpaputok ng unang bugso. At nang makitang gumagalaw pa ang babaeng nagsimula nang maligo sa sarili nitong dugo, humihinga at nakadilat pa, pauulanan nang natitirang bala.

Gusto sana niyang kumaway sa nagkukumpulang tao, ngumiti at magpasalamat sa pagtangkilik sa eksenang aksyon. Pero hindi. In-character pa rin ito, halos nakasimangot. Walang bida sa aksyong pelikula ang nakangiti habang nakikipagbakbakan o nakikipagbarilan. Sasakay ito muli sa motor at kakaripas ng takbo. Tinitiyak na nag-iiwan ng ulap ng usok at alikabok sa nagkakagulong komunidad.

Sa murang halaga ay kinuha niya ang kontrata. Hindi importante ang salapi o ang tsansang sumikat. Hindi maaring maging hayag ang kontratistang mamamatay-tao. Ang ligaya ay ang akto ng pagpaslang, ang realisasyon ng kapangyarihang bawian ng buhay ang may karapatang mamuhay.

Ang tunay na terorista, nagkukulong sa aktibista.

Lumilikha ng batas para tangkaing lupilin ang mga aktibista. Lumilikha ng konsehong kinabibilangan ng mga anti-komunistang opisyal. Humuhusga kung sino ang kaaway at kaibigan.

Bumibili ng kongresista. Bumibili ng boto. Bumibili ng mamamatay-tao.

Habang nagkakape sa mga air-con na opisina, nananabako, nag-uusap kung paano ang inakusahan ay hindi dapat makaalis sa lugar na pinagdakipan sa kanya. Kundi man, dapat ay nakakulong sa sarili nitong tahanan.

Ang tunay na terorista, nakakapandaya sa eleksyon. Nanunungkulan bilang presidente habang sa pagkaligalig sa gabi, tanging cognac ang kapiling.

O tulad ng reynang-anay, nangingitlog ng teroristang sundalo, drones at aliping anay. Handang manilbihan sa interes ng kolonya, ngumangatngat sa lalo nang nabubulok na emperyo.

Balita nang Nakaraang Linggo (Dagli sa Krisis column)

Habang nakikipagpulong ang special United Nations rapparteur on extra-judicial killings, arbitrary and summary executions at na si Phillip Halston, kasama ng mga executive ng National Security Commission, si Farly Alcantara, 22, isang estudyanteng aktibista ng League of Filipino Students at Camarines Norte State Colleges sa Daet, Camarines Norte, ay binaril sa harapan ng kanyang eskuwelahan.

Pormal na nagbukas ang Balikatan exercises sa Jolo, Sulo, kasama ang mga Amerikano at Filipinong sundalo. Dinaan na din sa media blitz ng U.S. ang mga nirehabilitate na bagong boulevard sa Jolo, mga bagong eskuwelahang pang-Muslim, at iba pang kawanggawang sibikong proyekto. Ayon kay Carol Araullo, tagapangulo ng Bayan, “The nation is in dire need of patriotic leaders who will defend the nation's sovereignty and integrity especially at this time when the leaders of the land commit acts of treason." Sabay pakita ng litrato ng tiyan ng babaeng tinamaan ng shrapnel ng M203 sa nakaraang exercise noong 2006.

Kahit pa mayroong siyam na screw sa kanyang kaliwang paa at tatlo sa kanyang spinal column, ginugunita ni Carmelita Lagata, isang domestic helper sa Kuwait, kung paano niya tiniis ang aksidente para lamang makatakas sa kanyang malupit na empleyado. Kararating pa lamang sa Kuwait ay ipinatanggap sa kanya ng ahensya ang bagong kontrata—mas maliit na sweldo at mas mabigat na trabaho. Tumakas si Carmelita sa kanyang unang amo, pumunta sa embahada at pinagpasapasahan ng mga ahensyang hindi siya binabayaran. Masahol ang kanyang ikalawang amo, kung tratuhin siya ay parang hayop kapag may sumpong. Sa isang amo naman, binabayaran lamang siya ng 45KWD kada buwan at minsanan lang siya makakakain, tuwing alas-nuwebe ng gabi. Binubuksan niya ang pinto sa kanyang kuwarto para marinig ang musmos na kanyang inaalagaan sa kabilang kuwarto. Minsan ay nakita niya ang kanyang among lalake na nasa may pinto at nakatitig sa kanya. Madaling-araw na lamang siya kung matulog. Dahil sarado ang lahat ng pinto, tumalon siya sa balkonahe. Nabali ang kanyang kaliwang paa at likod.

Si Rayvi ay nag-aaral ng law sa Melbourne, Australia. Si Charo ay guro na nagdesisyong magtrabaho sa Hong Kong. Ang lalake ay aktibo sa solidarity group para sa Pilipinas, at si Charo naman ay nagsusulat para sa Filipinong komunidad sa pahayagan. Kinakapanayam ni Charo ang mga magulang ni Rayvi para sa pahayagan. At nang mapunta si Rayvi sa Hong Kong, kinapanayam din siya ni Charo. Nagkaigihan sila at nagpagpakasal. Lumipat sila sa Melbourne. Tungkol sa kanilang pag-aasawa, ang pagsusuma nila ay, “Dumaan kami sa butas ng karayom.”

Ang pamilya ni Zaynab Ampatuan, deputy secretary-general ng Suara Bangsamoro, isang party-list group ng progresibong Moro, ay ilang ulit nang lumilikas ng tirahan dahil sa all-out war ng iba’t ibang pamahalaan. Nang ideklara ni Estrada ang all-out war noong 2000, lumikas ang kanyang pamilya mula sa kanilang tirahan. Nang ulitin ang deklarasyon ni Arroyo noong 2003, natagpuan niya, kasama ng kanyang mga magulang at walong magkakapatid, ang kanilang bagong tirahan sa isang relocation site sa Carmen, North Cotabato. Taga-Carmen naman talaga ang kanyang pamilya, pero lumikas rin sila noong 1970s nang terorisahin ang lugar ng vigilanteng Ilonggo, kasama ang pagkasunog ng kanilang tirahan.

Hindi matutugunan ng kapapasa pa lamang na Biofuels Act ang problema ng tumataas na presyo ng langis na kontrolado ng monopolyo ng higanteng negosyo ng langis. Tanging ang mga malalaking panginoong maylupa at burgis-kumprador tulad ni Congressman Juan Miguel Zubiri, pangunahing awtor ng batas, ang makikinabang dito.

Ayon kay Fernando Bagyan, isang mananaliksik ng Alyansa ti Pesante iti Taeng Kordilyera (Apit Tako or Alliance of Peasants in the Cordillera Homeland), malaking problema sa unfair trade ang kinahaharap ng mga magsasaka sa Benguet dahil sa kakulangan ng post-harvest na mekanismong tulong mula sa pamahalaan. Ito ay bilang pagtugon sa anunsyo ni Secretary Arthur Yap ng Departamento ng Agrikultura na magdaragdag ng 134 na bagong bagsakan ng gulay mula sa Benguet. Dagdag pa rito, dapat matuto raw ang mga magsasaka ng Baguio at Benguet na lumaban sa kompetisyon, o makipagkompetisyon.

Etsetera, etsetera, etsetera.

Araw-araw ang balita tulad ng potensyal para sa pang-aabuso ng bagong aprobang Anti-Terrorism Bill, isang imbitasyong mananghalian na nauwi sa tangkang pagpaslang sa buhay ng secretary-general ng Southern Mindanao ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, at aktibong pangangampanya sa Davao at Mindanao ng party-list na Anakpawis at Gabriela. Hindi nauubusan ng isyu ang bansang ito. Malalim ang balon ng pandarahas at pandarambong. Mabuti na lamang at mayroong gising—nangangampanya, tumututol, nagsasalaysay, gumugunita at nag-aaklas—habang ang marami ay natutulog na, o ipinaghehele ng mga jingle at indayog na “Bumtarat-tarat” at “Itaktak Mo,” nagmo-malling na parang zombie (gising at nakakalakad pero patay na ang utak), ng mga pangako ng politiko habang ang mga ito ay nangungurakot at nagbebenta ng prinsipyo ng publikong interes, ng presidenteng may monotonong tinig na nagbabalita ng fantasya ng pag-igwas ng pambansang ekonomiya, ng imperyalistang Amerika na nangangamkam ng likas-yaman ng ibang bansa.

(Halaw ang mga balita mula sa Bulatlat VII:3 (18-24 Pebrero 2007), http://www.bulatlat.com/)