Thursday, September 27, 2007

On Pinoy Indie Digi Cinema

Long live Pinoy indie digi cinema!


Now on its third year, the boom of what is coming to be called Pinoy indie digi cinema continues. Cinemalaya heralded this cinema sponsoring ten films per year for production. Star Cinema’s Cinema One produced six indie films. Tied with capital sponsored by big business—Conjuangco and Lopez—the impetus for this digi cinema remains curiously a private initiative.

Indie or independent simply refers to the mode of production that deviates from mainstream studio funding. It also refers to the “spirit” or intent in filmmaking, focusing on less mainstream and even subaltern, postmodern multiple identities. These are films that mainstream cinema would never think of producing because of their propensity for art rather than their commercial viability. The films oftentimes use non-studio stars, location settings, more imaginative storytelling and use of technicals. These films have a freer reign on creativity that what mainstream cinema regiments.

Clearly, the forefathers of this movement are Lino Brocka and Ishmael Bernal, and even Mike de Leon, more successful directors who were able to find a middle ground between their art, focusing on an aesthetics of poverty, and the studios. Along side this mainstream movement are the figures of independent cinema poised by conceptual artist Kidlat Tahimik and documentarist Nic deocampo, who introduced alternative Philippine filmmaking to the world art festival market.

The more recent predecessors of Pinoy indie digi filmmaking are composed of stalwarts who find a greater affinity with the development of what would be termed as the Second Golden Age of Philippine cinema, bookended by Brocka’s Maynila sa Kuko ng Liwanag (1975) and Orapronobis (1989). Mario O’Hara’s Ang Babae sa Breakwater, Jeffrey Jeturian’s Tuhog and Pila-Balde, and Mario J. Delos Reyes’ Magnifico are examples of this continuity, advancing their own film styles while drawing from Brocka and Bernal’s paradigm of Philippine national cinema. The alternative precursors of this movement, and still most active in innovation, are filmmakers Lav Diaz and Khavn de la Cruz.

Pinoy indie digi cinema uses digital technology to tell postmodern plural identities of Filipino subalternity. Examples of which are the gay pre-teen belonging to the lumpen class in Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, and young underclass subcontractual workers serially falling in and out of love as their contract ends in Endo. These films can no longer assume to speak about a broad mass of people but on newer and multiple identities of the disenfranchised, as their connection to the traditions of the new Philippine cinema.

Digital technology makes filmmaking more practical to shoot in a squatters’ community or a mall. Innovative directors and cinematographers work on maximizing the digital look, rather than simply enhancing digital to be the poor director’s technological recourse to celluloid. Directors who simply want to tell their story in digital, however, fall into the trap of trying to make a film using a shoestring budget. The effect of which is digital as a small film, looking more like a television melodrama than a digital film as it should be.

Pinoy indie digi films borrow from and innovate on modernist film traditions. From Italian neorealism, it is the slow-pace storytelling, using non-actors or actors plucked out from the film’s actual setting, and favoring long takes and long shots to depict a filmic reality of time passage. From the French new wave, it is the rawness of filming—tracking shots using jittery camera movement, cinema verite—that is intended to envelop the viewing. From Japanese new wave, the perverse overdramatization of sex and violence by lumpen gangs and artists are styled in film. From the Korean new wave, the successful mimicking of Hollywood classical narrative, technologically stylized and innovative, to retell gangster, teenage, underclass, and young adult’s coming-into-being through travails of love and lust. And from the most recent new Thai cinema, it is the postmodern angst of search for identity with no promise of coming into full cohesion in the film’s end.

Interestingly, the tactics-of-choice to herald this movement come in three different forms. The pink cinema of Brocka and deocampo would bear new fruits with the initial salvo offering of Pinoy indie digi cinema. Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros and Masahista reintroduced the art audiences to the recent workings of Philippine cinema. The other tactic uses Kidlat Tahimik and even Bernal’s conceptual

art approach to tackling individual and social realities. Todo, Todo, Teros and Huling Balyan ng Buhi by directors from Ateneo de Manila University, are examples of this legacy. Both tactics, however, fall within the larger paradigm that defines older and newer translations of Philippine cinema—the aesthetics of poverty.

It is not only the audience of the global art film market that demands this of Philippine cinema but even those limited (at this time) of the growing number of local aficionados of Pinoy indie digi cinema also do so. We want our films about the absentee signifier that somehow organizes our collective lives, and this is, of course, the actual poverty experienced by the vast majority of Filipinos. How can it not be the dominant filmic representation of Philippine reality?

Thus, the recent batch of Cinemalaya output, Tribu, about gangsters and social violence in Tondo, and Endo seem to figure out and innovate on this major trope of Philippine cinema. What results are new filmic stunners both on the level of overt style, as in Tribu, and covert ethos, as in Endo. With filmmakers’ fingers dipped correctly into this pool, Pinoy indie digi cinema seems to be even headed for higher heights.

And with this development, with the rise of a new breed of actors both from legitimate theater and film and even from specific social locations, with the community cohering into a solidarity of political, cultural and economic purpose, the audience development is also forthcoming. It is expected that those in the know of this cinema—fellow filmmakers, critics, film and communication students--become the primary audience at this time. With the increasing quality of production, the audience awaits the films that they truly deserve.

On Huling Balyan

Pagkatangi ng Huling Balyan at Ilang Isyu Mula Rito


Mahirap maintindihan ang Huling Balyan sa Buhi (Woven Stories of the Other). Apat ang espasyong di direktang nagtatagpo pero pinaghabi ng lokalisadong tunggalian ng hukbong bayan at militar: ang balyan o manggagamot na ang sariling sugat sa mga kamay (parang stigmata) ay hindi niya magamot; ang grupo ng New People’s Army (NPA) na sa pagitan ng paglilipat ng maysakit na kasama ay unti-unting nangapigtas; ang isang sundalo na napalapit, kung posible man ito, sa baylan; at ang magkapatid na tila diwatang naglalaro sa kagubatan, hinahanap ang ina. Ang lahat ng ito ay nakalunan sa katutubong komunidad ng Matisalog at sa Barangay Naplico sa Arakan Valley, North Cotabato.

Ayon sa synopsis ng pelikula para sa 9th Osians Cinefan Festival Sections:

This is a tale about an inter-tribal war and the threat of extinction hanging over the Buhi tribe. Its over-protective Balyan (tibal shaman/village healer) provides the backdrop for parallel tales, about the changing landscape of southern Philippines. Spoken entirely in Mindanao Bisaya and starring local people, Woven Stories of the Other is a revelatory look at a culture in flux. Manay, a priestess and bearer of stigmata, is at the center of several incidents that touch upon themes of identity, loss, and change. While the Balyan rails against her disappearing Buhi traditions, a group of guerrillas studies Marxism in the forest, and two children go on a search. A haunting score complements rich, tableaux-like images to create a vivid and sometimes conflicting portrait of a people. Beautifully shot and sparsely scored, this film is a masterful first attempt to tackle history of colonialism and imperialism in the director’s country.

Mataas ang pamantayang itinakda ng Huling Balyan para sa sarili. Dalawa ang voice-over narration—sa balyan at sa babaeng lider ng NPA—na may katutubo at metapisikal na diskurso ng buhay at kamatayang binabanghay. Madalas gumamit ng real time at long take, tinatalakay ng pelikula ang pagdanas ng kontradiksyong pang-estado (ang digmaan sa pagitan ng gobyerno at ng kanyang militar, at ng NPA) sa loob at labas ng digmaan-bayan, sa laylayan nito sa komunidad at kabundukan. May diskurso hinggil sa nawawalang tradisyon ng katutubo—hindi pa dahil sa modernisasyon o ang kawalan nito, tulad ng kawalan ng serbisyong publiko tulad ng doktor at kanluraning medisina, kundi dulot pa ng militarisasyon sa komunidad ng katutubo. At may metapisikal na agendang inihahaharap sa figura ng magkapatid na paslit na paratihang naglalaro sa kabundukan, hinahanap at natagpuan sa huling eksena ang nawalay na ina.

Sa bigat ng piniling problemahin ng pelikula, ang rekurso ay indikment ng karahasan—ng marxismo ng NPA na mismong mga mandirigma nito ay hindi nakakakuha ng relief; ng estadong nakapalabas na nakapaloob sa komunidad na walang integrasyong nagaganap, bagkus ng kaisa-isang pagtatangkang manilbihan sa sibilyan, ang pagbuhat sa balyan sa duyan para dalhin sa doktor, ay nauwi pa sa encounter; at ng katutubong kaalaman at praktis na walang laban sa inaakalang karahasan ng digmang-bayan. Kaya ang rekurso ay sa metapisikal na katutubo, ang mapayapang paghimlay sa hukay ng mga bata, ang tinukoy na nawalay na ina. Sa simbolikong romantiko ang literal at figuratibong piniling himlayan ng bigat ng suliranin ng kwentong representasyon ng mas malaking kontradiksyon—ang kolonialismo at imperialismo, ika nga sa sinopsis, ay bumabagabag sa bansa. At sa ating manonood dito, hindi na lamang ito bansa ng direktor kundi nating lahat. May pambansang kolektibidad na angkin ang pelikula kahit pa lokalisado ang pagsaklaw nito.

Kung gayon, sa spektakular na gamit ng deep focus sa cinematography, sa inobasyon sa paraan ng pagkwento na tila hindi pa natin napapanood sa pelikulang Filipino, sa partikular, ang ethnograpikong pamamaraan ng paglalahad ng kontemporaryong katutubong kwento, may kaakibat na inobasyon ang pelikula. May kumbiksyon, kumbaga, at may integridad. Mahirap ang paksa, pero ito ang hamong pinili ng direktor ng pelikula—ang hamon sa sinumang nagnanais magpaka-in sa bagong hip na kultural na kapital ng kabataan—ang indie digi film sa kasalukuyan. Kung mangangahas gumawa ng indie film, gaya ng isinasaad ng Huling Balyan, kailangang ito ay isang paksa na hindi pa natutunghayan di lamang sa pelikula kundi sa popular na kolektibong kamalayan. Ito ang bago na sinisiwalat ng Huling Balyan.

Gayunpaman, ang kailangang i-upgrade ng pelikula at ng iba pang indie film sa hinaharap ay ang konsepto ng pag-historicize o paglapat ng panlipunang pagsusuri sa mga indibidwal na karakter ng pelikula. Malinaw ang kasaysayan at lipunang sinasambit sa Huling Balyan, at dahil dito, kailangan ng mas masinop na pag-aangkop ng karakter bilang panlipunang aktor din. Paano pa maaring pag-ibahin ang institusyonal na karahasan ng pamahalaan sa karahasang naglalayon ng panlipunang hustisya ng NPA? Hindi ba’t may disiplinado at makataong organisasyon ang kilusang andergrawnd na nakakapanghimok ng sosyalistang indibidwalismo, kaya hindi ganoon kadaling manamlay at lumisan, gaya ng isang NPA na bigla na lang bumaba at napasama pa sa karaoke ng militar? O ng lider ng NPA na hindi pa kayang tumambang at magpakagayon ay kinain ang mga sinasambit sa edukasyon, bigla na lamang nagtago at bumalik sa sibilisasyon? Anong sibilisasyon ang kanyang kinahaharap? Mayroon bang nasa labas pa ng kasalukuyang digmang-bayan kung ang isa sa pinakaliblib na lugar ay aktibong sinusubstansyahan ng pang-uring tunggalian na ito? Sa huli rin, tulad ng walang kalaban-laban, walang ahensyang baylan na bitbit-bitbit na lamang ng mga sundalong tinambangan ng NPA, ang katutubo ay pasibong entidad sa lahat ng kaguluhang ito. Hindi ito ang nais sabihin ng pelikula, pero ito ang inihahayag ng kanyang diskurso.

Extra-challenge na ito sa direktor ng kanyang unang mahalagang pelikula. At hindi ko alam kung paano niya ito masusundan. Sa kasalukuyang henerasyon ng indie digi filmmakers, marami nang opsyon. May ibang direktor na maghahanap ng bagong exotikong lokasyon, WOW Philippines/Buhayin ang Maynila mode. Walang spesipikong kinalaman ang malalayong magagandang lugar kundi backdrop ng kwentong maaring mangyari sa iba pang malalayong magagandang lugar. Mayroon naman na titigil na lamang, magtitipon ng metapisikal na pagmumuning walang lubos na metapisikal na sagot, bago pumalaot muli, kung papalaot pang muli. Mayroon, tulad ng mas naunang independent filmmakers, ginawa lamang calling card ang indie film para mag-mainstream. Pero mahirap na itong gawin sa panahong naghihikahos ang mainstream cinema. Mayroong mananatili sa laylayan, patuloy ang paggawa ng kanilang art film, madalas kahit walang lokal na audience na di lamang makakatangkilik nito, magugustuhan pa ang mga ito. Madalas walang funding, at sa art festival market, tila ito sa laylayan ng Cannes, Venice at Toronto; ibig sabihin, tila kabahagi ng naunang panahon ng modernismo sa pelikula. Pero sa huli, ito ang least commercial na opsyon sa digi indie filmmakers—ang makapangahas na makakapagbigkas, bigay-representasyon at ngalan sa mundo at imahen gusto nilang marating, at dalhin tayong manonood.

On La Visa Loca

Review of La Visa Loca


La Visa Loca tells of the saga of Jess Huson for an American visa. Jess, a tourist car driver, has been repeatedly denied in his applications for a U.S. visa. Wanting to go to the U.S. to marry a girlfriend already working there as a nurse, and—like all dreams of overseas contract workers—to better off the family condition in the Philippines, Jess allows himself to be periodically subjected to intense moments of anxiety in his applications. With a diabetic father and the general worsening conditions in the country, Jess sees no future other than migrating to the U.S. In fact, he has already taken a course in care-giving, a boom industry for Filipinos wanting to work overseas.

In an emergency trip to the hospital to bring in his father who was experiencing difficulty in breathing, Jess reunites with a former girlfriend who brought in an asthmatic son. Jess eventually finds out that the child is his, and this complicates further his American dream. He now shuttles Nigel Adams, the international host of Planet Strange, a television series focusing on absurd and odd events worldwide.

Nigel is having difficulty finding leads in the country, as all his leads are soon discovered to be fakes. Jess suggests that they do the show on people getting nailed on the cross on Good Friday. Nigel reworks the suggestion and decides to focus on just one person. Jess is tasked to locate a suitable person in exchange for working papers to support his next visa application. When he does find one, the guy disappears unceremoniously on the date itself, taking with him Nigel’s full payment. Pressed for time, and with all hopes pinned on delivering on his promise, Jess volunteers to be nailed on the cross.

La Visa Loca traces the saga of some eight million Filipinos working as overseas contract workers (OCWs)—the extent they would go through to get their Filipino dream realized. As the primordial story is patterned on the passion and death of Christ, the most familiar narrative in a predominantly Catholic nation, Jess’ saga, like all quests of OCWs, begins with a desire to better the living conditions of family members in the country by acting as sacrificial lambs. The saga begins with this domestic desire, and the getting of the visa becomes the most important symbol of this access to a transnational social mobility.

The visa, after all, in Filipino translation is bisa, meaning potency and efficacy. The film is rich in recurring quests for symbols of everyday potency—anting-anting (amulets) and mediums of the Virgin Mary and Santo NiƱo (Child Jesus) in Nigel’s quest for authentic local oddities, viagra in Jess’ father’s attempt to deal with the waning of sex drive in diabetis, education in Jess’ child’s desire to belong with his peers, radio talk shows mediating between hosts and phone-in callers, nailing of people on the cross interceding the individual’s need with the higher being, and even the iconic star power of Robin Padilla playing an average guy, among others. What the title suggests is that the quest for the visa and its imbibed potency has reached the status of chaotic madness, as all desire is materialized through potent symbols of everyday life and of achieving the Filipino dream.

However, the film is not signifying the ordinary dream. In the film’s end, Jess gets his visa but chooses not to leave his father and his newly found family. This means that Jess has achieved a luxurious position which the majority of the great mass of OCW bodies does not have—a choice to leave or not. Jess has imbibed the middle class consciousness, choosing domestic unity in the end, even as the transnational overseas dream has already reworked and retransformed the Filipino family in various ways. After all, Jess could already afford the high cost of medication for his father’s diabetis, or spend stolen quality time with his newly found family. He can opt not to leave, which remains a luxury for the great tide of movement among the rests of OCWs imagined to have Jess’ familiar story.

La Visa Loca is a story that only resonates of the vast majority’s story. It is then recasts in Jess’ own story, or the middle class own saga. The unraveling of Jess’ class position is told without apologies in the film, creating, like the realization of Jess’ own choice, a nostalgia for the Filipino family in the age of diaspora. This nostalgia resurfaces amidst the constant movement of people, as those that chose to move and move on, reconstitute the nostalgia in other ways: the balikbayan o gigantic boxes of goodies, phone cards and cell phones, internet, even letters, and of course, the $12 billion dollar remittances annually.

The film is well made, the story stark, and the cinematography and editing brisk with lush continuing symbols of hope and aspiration. It is a creative pursuit that has consolidated into a provocative film of the Filipino class’ bifurcated dreams of transnational mobility: to move on for the underclass, and to have a choice for the middle class. The seriousness of this issue is sanctioned by the light comic treatment in the script. In one scene, which is part of the fantasy of revenge of Filipinos, the Filipino consul officer parodies the counterpart in the U.S. embassy, feverishly denying all the foreigner’s applications.

La Visa Loca provides the necessary pause and illumination of the heightened Filipino diasporic time.

Pagpapakilala kay Adam David

Sampung Puntos sa Pagpapakilala sa Akda ni Adam David.

Una ay disclaimer—I do not know Adam from Adam. Ito ang una kong akda na nabasa sa kanya at ito ring workshop ang una kong pagkakataon na nakausap siya.

Ikalawa ay komentaryo sa porma ng CNF—nasa extreme na dulo ng sanaysay—hypertext of sorts—walang chronology, simultaneity of text at experience, pwedeng pumili lang ang mambabasa gaya ng ginawang pagpiling ikumpisal at ipostura ng manunulat. Sa unang bahagi ng akda, mga flash cards para sa inclined maging manunulat; sa ikalawang bahagi ng akda, tila blog entries na may randomness of thoughts batay sa profile ng manunulat.

Ikatlo ay ang persona ng akda-- na estudyante ng malikhaing pagsulat na dumaan na sa workshop circuit (tulad ng marami sa mga fellows) at mahilig sa hypertexts o hindi lang postmodernong laman ng akda, mismong ang porma ng akda ay postmoderno na rin (na nagpapatangi sa manunulat). Isang pusong o trickster na underdog at may pangarap na mas egalitaryong kaayusan sa panitikan at kanyang espasyo rito.

Ikaapat at ikalima ay ang pagtitulo sa dalawang seksyon ng akda bilang paraan ng pagbasa sa akda. Sa unang bahagi, “Brief Exercises in Youthful Blasphemy,” pambubuska sa mga ikonikong tao, karanasan, kalakaran at kaayusang pampanitikan. Maiikli itong pandadaot bilang instructional material sa mga may inklinasyong mapabilang sa mundo ng panitikan—pagbabala, pagmarka ng yellow line—at ang excuse ay dahil kabataang manunulat lang naman ang nandadaot na ito, pwedeng hindi pansinin at seryosohin. Sa isang banda, batu-bato sa langit, tamaan ay huwag magalit. Sa kabilang banda, dahil ang mga ito ay ehersisyo lang naman, mambabasa na ang huhusga kung ito ay exercise in futility.

Sa ikalawang section, “Twelve Chapters from Oblique Strategies” na mas masalimuot pa sa Kennon Road ang daan tungo sa Baguio City. Mga kabanata sa hindi pa nabubuo at hindi naman magpapabuong direksyon tungo sa kung saan man. Di magkakapantay pero pawang mga estratehiya. Estratehiya para saan? Ng pagkatao o subjectivity na sinasambulat ng persona ng akda. Na sa mga natunghayan na natin sa workshop na ito, parating in-progress at hindi mahuhulma sa iisang dimension o direksyon lamang.

Ikaanim, ang libidinal economy ng hypertext. Engagement ito ng mambabasa at ng manunulat. May ipinapakita ang manunulat at may nais matunghayan ang mambabasa. At maging ito ay mas parating hindi naaayon na arrangement. Malinaw na may publiko ang manunulat at handa ito sa uri ng exhibitionism, maging ang mambabasa sa voyeurism para sa narcissitikong layon. Sa akto ng pagsulat ng kung ano-anong zigzag na pagmapa sa pagkatao ng manunulat, may napipick-up ang mambabasa para tunghayan ang sarili nitong subjectivity.

Ikapito, solo o companion pieces ba ang dalawang bahagi? Maging ito ay ipinapaubaya na ng may-akda sa mambabasa. Wish niya lang, mabasa pa rin ang mga ito.

Ikawalo, tulad sa hypertext ng blogs sa internet at zines sa print, may cataloging na nagaganap—mga librong nabasa, quotes na nais maalaala, sandamakmak na listahan, at iba pa. Kalakhan ay driven ng information age, ang reliance nating lahat sa informasyon na nagiging trivia na kahit magpakagayon ay mahalaga, kahit padaplis lang, na humuhulma at nagsusubstansya sa subjectivity ng persona.

Ikasiyam, kung ang mantra sa unang bahagi ay “assume the right to make others think” ay ang lisensya kung bakit naisulat ang nakasulat, ito na rin ang mantra sa hypertext.

Ikasampu, sa komento ni Vim Nadera ng ICW tungkol sa persona ng akda, “Ano ba nangyari sa yo? Guwapo ka naman, e, kung payat ka nga lang?” ay maari ring pansinin bilang paraan ng paghusga sa akda: hindi ito perfekto dahil mayroon tayong hinahanap na alam nating hindi maibibigay ng akda nang lubos.

Pahabol na puntos, paalaala na ang anumang komentaryo natin ay maaring magamit na materyales sa susunod na hypertext ng manunulat na katabi ko o ang manunulat na nasa harapan natin.

Japan Memory 5

Pahayag sa Peace Concert


Narito tayo ngayon para ipahayag ang ating pakikiisa para sa kapayapaan ng Pilipinas at ng mundo. Apektado tayo sa kampanya laban sa terorismo ng U.S. President George W. Bush. Kasama rito ang giyera sa Afghanistan, ang susunod na giyera laban sa Iraq, at ang paggamit sa Pilipinas bilang base militar para sa mga giyera nito. Apektabo tayo sa pagiging sunod-sunuran ni Gloria Macapagal-Arroyo sa mga polisiya ni Bush.

Pinayagan niya, kahit labag sa ating konstitusyon, na pumasok ang may 3,000 sundalong Amerikano sa war games sa Basilan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang war games ay naganap sa isang hostile area. Tutulungan daw tayo para kubkubin ang Abu Sayyaf. Matapos ng anim na buwan, sa awa ng Diyos, gumagala pa rin ang Abu Sayyaf sa Basilan.

Lalo lamang lumakas ang kaguluhan sa bansa natin—pagbomba sa sinehan at bus, pagdami ng insidente ng mga paglabag sa karapatang pantao ng militar, maging ng Amerikanong sundalo, pag-alis ng gobyerno sa peace talks sa National Democratic Front, pagbansag na terorista si Jose Maria Sison, mga eskandalo tungkol sa illegal na kita ng Meralco, bribery sa kabinete ni Macapagal-Arroyo.

Samantala, lalong naghihirap ang nakararami sa bansa. Lalong umiigting ang krisis sa bansa. Marami pa rin ang walang trabaho at napipilitang umalis sa bansa para maging overseas contract worker. Alam natin ang hirap ng pagiging OCW at migrante sa ibang bansa. Kaya may responsibilidad tayong umalam at makialam sa nagaganap sa Pilipinas.

Sa araw ng pagdiriwang ng kapayapaan, iparinig natin ang ating nagkakaisang tinig—NO TO WAR, YES TO PEACE!

Sa pamamagitan ng ating musika at awit, alalahanin natin ang ating bansa, lalo na sa darating na kapaskuhan, ang dakilang araw ng kapayapaan. Iparating natin sa muling pagdalaw ni Macapagal-Arroyo ang sentimento natin para sa kapayapaan, para sa bayan—NO TO WAR, YES TO PEACE!

Maalab at kapayapaang hapon po sa ating lahat!

Japan Memory 4

Ang Paglalakbay Natin at sa Santacruzan


Ang Santacruzan ay idinadaos taon-taon, tuwing Mayo. At maging dito sa Nagoya, ipinagpapatuloy natin ang tradisyon. Mahalaga ang pagdaraos ng tradisyon dahil ipinapaalaala sa atin kung ano tayo, kung sino tayo, at kung bakit tayo naririto imbes na nadoon.

Ang Santacruzan ay popular dahil nilalaman nito ang kwento ng paglalakbay natin. Hindi nga ba’t ang Santacruzan ay kwento rin ng paglalakbay? Nilalaman nito ang kwento ng paghahanap ni Reyna Elena, ang kanyang anak na konsorte at iba pang personahe para sa krus ni Hesukristo. Naglalakbay siya sa teritoryong hindi familiar sa kanya. Siya ay babaeng matapang na namumuno nitong paghahanap.

Tayo man ay naglakbay, tulad ni Reyna Elena at ang kanyang kalipunan. Ito ang kwento ng pitong milyong migranteng manggagawa. Sampung porsyento ng total na populasyon ng bansa ay nasa labas ng bansa, naglalakbay. Tayo ay naglakbay para sa paghahanap ng kahulugan sa buhay o ang paghahanap-buhay.

Pangunahin sa paghahanap-buhay ay nakabalot sa ekonomiya. Finansyal ang mga kadahilanan kung bakit tayo naririto at hindi nanatili sa loob ng bansa. Tulad ni Reyna Elena na nagpapakamartir sa paglalakbay, handang dumanas ang maraming migrante para sa pangakong finansyal na dulot nitong paghahanap. Ang pangunahin nating hinahanap ay yaong wala sa atin, ito ay kwarta.

Handa tayong magsakrifisyo, maglaan ng malungkot at matinding buhay natin para sa katubusan ng marami sa ating kapamilya at kaibigan na naghihikahos sa bansa natin. At dito nakapaloob ang isa pang dimensyon ng paghahanap-buhay—hindi lamang ito purong kuwarta, purong sakrifisyo rin ito. Sino ba ang gusto rito sa malungkot at malayong lugar? Kaibang lugar na di lamang di pantay ang tingin sa atin, minamaliit pa tayo dahil tayo nga ay kulang, dahil tayo ay dumayo pa rito.

Iba ang wika, iba ang kalakaran. Iba ang ugali, iba ang pakikitungo. At handa tayong mag-iba para sa ating mga mahal sa Pilipinas. Tulad ni Reyna Elena, ang inilalaan natin dito ay hindi para sa atin gayong tayo ang nagpapakahirap. Hindi ito para sa atin gayong tayo ang nagsasakrifisyo, at handa naman tayo, hindi ba? Ang pagtulong sa mga mahal, sa kapwa o ang pakikipagkapwa-tao ay batayang ugaling Filipino.

Hindi nag-iisa si Reyna Elena o tayo. Tayo ay kalipunan kahit hindi natin kakilala ang isa’t isa. Magkahalintulad ang ating hinahanap, ang paghahanap-buhay. Pero ang paghanap-buhay ay hindi simpleng pagtratrabaho at paghahanapbuhay. Hindi rito matatagpuan ang kahulugan ng buhay.

Ang paghahanap ng buhay ay paghahanap sa ating sarili bilang Filipino. Natatangi tayo dahil tayo ay migranteng Filipino. Dala natin ang problema ng bansa, isipin man natin o hindi. Kung bakit tayo naririto ngayon ay dahil galing tayo sa bansang mahirap at naghihirap. Kung paano tayo magsakrifisyo para sa ating mga mahal ay gayundin para sa ating bansa.

Hindi ba’t ang bansa ang nakikinabang sa $8 bilyong U.S. na nireremita ng pitung milyong Filipino? Kalahati ito ng pambansang budget. Ang regular nating padala ang siyang nagtitiyak na kahit papaano ay nakakalutang ang bansa sa pang-ekonomiyang kalagayan pinagdadalhan sa atin ng mga politikong may personal na interes.

Kailangang ipaloob sa ating paghahanap ng buhay ang pamumuhay? Paano ba tayo namumuhay? Ayon nga sa Katolikong pag-aaral, hindi tayo nabubuhay para sa sarili lamang. Tayo ay nabubuhay para sa mga mahal natin, at para sa bayan natin.

Sa mga ganitong pagkakataon, kailangang ipaloob ang kalagayan ng bansa. Hindi ito Santacruzan na isang fashion show lamang ng mga magagastos na damit at mamahaling porma. Ito ay Santacruzan ng paglalakbay natin bilang mamamayan sa labas ng bansa, at bilang bansa na rin.

Naglalakbay tayo, isang kalipunan, at kailangang magtulungan tayo. Kailangan pa ring ipaloob ang makabansang pag-iisip lalo na nandito tayo sa Japan. Ito lamang ang susi kung paano natin mauunawaan ang ating kalagayan. Lampas sa atin kung bakit tayo naririto. Pinili natin dahil wala tayong pagpipilian. Kung mayroon, kung kasing yaman ng Pilipinas ang Japan, sino sa atin ang mananatili rito?

Ang pagdaos ng tradisyong ito sa Nagoya ay isang paglalakbay. Naglakbay tayo sa Nagoya, pati rin itong Santacruzan. Bahagi ito ng pamamaraan natin para buuin ang ating mga sarili, o ang ating mga anak bilang Filipino. Tayo ay isang pamayanang Filipino, isang komunidad na nagsisikap mapabuti ang ating kalagayan, pati ang ating bansa.

Lahat ng bagay na tinatamasa natin ay resulta ng ating paglalakbay, pakikipagsapalaran at paghahanap ng buhay. Walang libre rito, walang kusang nagbigay sa atin. Ito ay ipinaglaban natin, at ang ating pang-araw-araw na buhay ay kalagayan ng pakikibaka para sa kabutihan ng buhay, ng pamumuhay ng disente at may dignidad. Gunitain natin ito sa Santacruzan at sa iba pang okasyon ng ating buhay.

Mabuhay tayong migranteng Filipino!

Makibaka para sa disente at may dignidad na pamumuhay!

Makibaka para sa tunay na malaya at demokratikong Pilipinas!

Isang Tula ng Pag-ibig, dedikasyon

Isang Tula ng Pag-ibig

sa gabi ng kasal nina Silay at Vencer


Para na rin akong umibig, minsa’y nahila ako para sumama, isang mainit na gabi. Matapos ng hapunang curry at putanesca, ilang sunod-sunod na basong red wine, pati ako ay nakumbinsi na ang pag-ibig ay matanda na kahit hindi halata sa kanilang murang edad.

Sabi ng makatang Chileano, si Pablo Neruda, para makatula ng pag-ibig, kailangang makatula tungkol sa rebolusyon. At para makatula ng rebolusyonaryo, kailangang marunong tumula ng pag-ibig.

Habang hinihigop ko ang huling patak ng red wine, narinig ko ang koro ng mga anghel, kasabay ng martsa ng rally, natanaw ang imahen ng sabayang taas-kamao, palitan ng pilak na singsing, at pagtatakipsilim at pagbubukang-liwayway na puno ng pag-asa at pagsusumamo.

At narito sa gabing yaon at ngayon, sa maalingsangan na gabing tulad nito, ang uri ng tula ng pag-ibig at rebolusyon, tulad ng paghahalaman ng mababango’t makukulay na bulaklak sa lupang pinagyayaman ng pawis at dugo, na pinakahahanap at pinakakaingatan ni Neruda.

Pasaporte sa Pangarap na Bituin, Shimbun column

Pasaporte sa Pangarap na Bituin

Malapit nang maging machine readable ang pasaporte ng Pilipinas. Ibig sabihin, hindi na manwal naie-encode pa ito ng mga immigration officer, o gagamitin ang mga visang nakapakat sa pahina para matunghayan ang manlalakbay. Iska-scan na lamang ang unang pahina nito at malalaman na ang detalye ng manlalakbay, pati na ang kanyang status.

Tila umuunlad na ang berdeng pasaporte. Pero mapipigilan pa rin kaya nito ang mga insidenteng tunay na nagpapahina sa paglalakbay—ang pag-ismid ng immigration officer sa pag-abot pa lamang ng pasaporte ng manlalakbay, ang mas mahabang interogasyon dahil sa bansang pinanggalingan ng pasaporte, ang kawalan ng tiwala ng officer at kumpiyansa ng manlalakbay?

May isang historian na nagsabi ang pasaporte ay ang bagong birth certificate para sa mga Filipino. Kinakailangan ito, tulad ng birth certificate, para maisakatuparan ang panlipunang mobilidad: makahanap ng trabaho, makapaglakbay, makapagtrabaho, makauwi, at muling makapagtrabaho. Ito ang nagmamarka ng pagkatao ng Filipinong overseas contract worker (OCW).

Dati ay mayayamang Filipino lamang ang nakakapaglakbay para magbakasyon at makipagnegosyo. Ang nagawa ng uri ng pag-unlad ng bansa, sa pangangailangan nitong makalikom ng higit na kita mula sa export, ay in-export nito ang sarili nitong paggawa. Sa nakaraang survey, ang Filipino na ang number one na exporter ng paggawa! Nalampasan na nito ang mas populadong mga bansa ng China at Mexico.

Nang minsang humingi ako ng tulong sa aking tatay na magpahanap ng katiwala sa bahay, ang ulat nito matapos ng paghahanap sa Camarines Norte ay lubhang napakahirap nang makakita ng katulong dahil una, may sweldo na rin doon na hindi na rin kaliitin kung ikukumpara sa sweldo sa Maynila, at kung magpakaganito ay mas nanaisin pang doon na lamang magtrabaho; at ikalawa, at ito ang mas mabigat na dahilan, kung lilisan lang din sa probinsya, mas nanaisin nang sa ibang bansa maging katulong.

Ang sasabihin ng gobyerno, nademokratisa na ang paglalakbay. Maging si Manang Maria na katiwala sa Singapore ay nakakapaglakbay na. Ipinauso na rin ang three-day holiday o ang paglilipat ng holiday sa Lunes para magkaroon ng tatlong araw na bakasyon. At ang rason ng gobyerno ay para mapayaman pa ang lokal na turismo at the very least. Sa fantasya nito, dahil na rin sa pagpasok ng napakaraming value airline, daragsa na rin palabas ang Filipino. Sa katunayan, may nakapagsabi sa akin na ang turistang Filipino sa Singapore ay umaabot na ng 2.5 milyon, na tila ito rin ang turista sa Pilipinas kada taon!

Ang pasaporte ang tila sinasambit na mahikang bagay, isang agimat, na makapagbigay sa ordinaryong nilalang ng superpower: makapagbiyahe nang mabilisan at sa iba’t ibang lugar, kumita nang higit sa kikitain niya sa pangkaraniwang pagkakataon, mailigtas sa kapahamakan ang kanyang mahal sa buhay. Ang ganda-ganda lang, di ba?

Kalakhan ng agimat sa tradisyonal at lokal na akda ay biyaya ng mas nakakataas na nilalang, at nilulunok o tinutunghayan. Ang kay Darna ay isang bato, ang kay Pedro Penduko ay isang patak mula sa puso ng saging. Ipinapaloob ang kapangyarihang external sa mismong indibidwal. Maging si Lastikman ay nagiging superhero dahil nakapaloob na ito sa kanyang sistema. Ang agimat na barbell ni Captain Barbell ay tinutunghayan, binubuhat bago bigkasin ang pangalan na makapagpalit ng anyo at substansya.

Ano ang sa OCW? Ito ang berdeng pasaporte. Pero hindi lubos ang powers nito. Sa loob ng bansa, parang kakaibang nilalang ang migranteng manggagawa kahit hindi pa nga nito nalulubos ang pagpapalit-anyo. May potensyal pa lamang at keri na ito sa maraming nakakatunghay ng kanyang agimat. Sa labas ng isang bansa, walang lubos na reli (relevance) ang pasaporte dahil pwedeng dustain, laitin, yurakan, apak-apakan ang pagkatao kahit nagpalit-anyo na ang OCW! Dahil mababa ang tingin sa OCW sa uri at kalidad ng gawain ng mga Filipino sa labas ng bansa.

Ang kaibahan ng pasaporte sa agimat ay dapat kasing hindi nalalaman kung sino ang may hawak ng agimat. Hindi natin bistado si Narda na siya pala si Darna, hindi ba? Pero dahil napakarami nang bilang ng mamamayan ang pwedeng maging “bagong bayani” da superhero, tila kahit anong gawin ng mga ito ay mabibisto pa rin dahil sa pampublikong resolba (mga tatlong libong ang lumilipad palabas ng bansa araw-araw) ng pribadong pangangailangang mapabuti ang lagay ng pamilya at mahal sa buhay.

Kaya ang pasaporte ng OCW ay nananatiling aginaldo ng estado. Ito ang sinasaad na bagong agimat para sa indibidwal na antas ay maresolba ang pangangailangan pang-ekonomiko ng pamilyang Filipino. Hindi ba kung may choice ka naman, kung mataas lang ang sweldo sa loob ng bansa, ay hindi ka naman magtratrabaho sa loob ng bansa? Dito pumapasok ang baluktot na rason nang ibang kritiko na nagsasabing tunay na may nunal ang mga Filipino, mahilig maglakbay. Pero kung kikitain mo ang sweldo mo sa loob ng bansa, mangingibang-bayan ka nga ba?

Hinihimok sa malawakang antas ng estado na mag-OCW ang kanyang mamamayan para sa dalawang pang-ekonomikong bagay: una, para hindi na ito ang lilikha ng kondisyong makakapagtrabaho ang milyon-milyong manggagawa sa loob ng bansa; at ikalawa, kikita pa rin ito, at sigurado ang kita dahil alangan namang hindi magpadala si Aling Josie o si Mang Kandor kapag pasukan sa klase, pasko at birthday? Dumadagsa pa rin ang remittance dahil buhay ang ugnay ng OCW sa kanyang mahal sa bansa.

Sa mga makabagong Darna at Captain Barbell, sa mga nagplaplanong maging da superhero, ialay ang sarili nang buong-buo at buong tapang sa dambana ng estadong magbibigay ng pasaporte. Kailangan na muling mag-appearance para makapirma at ma-thumb print, para makumpirma ang nais bigyan ng estado ng pasaporte. Pumila nang maaga dahil lubhang napakarami ang inaasahang pipila sa araw-araw. Happy trip!

Japan Memory 3, 2004

Two Years In Retrospect

On April 1, 2004, I am leaving Osaka University of Foreign Studies to resume my teaching post at the University of the Philippines. I would have completed my two year visiting professorship at Osaka Gaidai by then. It has been an overwhelming experience. And trite as it may seem, I will be forever changed by my experience in Osaka Gaidai in particular and Japan in general.

I came here about two years ago to work. I am part of the more recent migration phenomenon in the Philippines, overseas contract work. There are seven million Filipino overseas contract workers all over the world.

What distinguishes me a bit from some 150,000 mostly Filipinas in Japan is that I do intellectual work. Overseas contract work has become a new social stratum in the Philippines, creating an intermittent middle class who can transpose, to some extent, markers of middle-class life. Backed by an intellectual background, I joined this rank.

I am no different from the Filipinas who mad dash to electronic stores to purchase portable appliances not just for use in Japan but also to bring back to the homeland. I also hoard Japanese potteries and crafts to showcase, as gold jewelry is to Middle East male workers or stuffed toys and fancy clothes to East Asian female workers, our diasporic working experience.

But I have not only worked in Japan. I have not only labored mentally and physically against the new academic environment. I have also labored psychically—why I am here instead of there, why I have learned to tolerate my position and placement in the larger schema of things.

As an intellectual overseas contract worker in Japan, I have learned to appreciate the virtues of patience, inner strength and self control. Japan is truly a land of rules and systems, so stark a contrast to the kind of seemingly chaotic environment of the Philippines I am more familiar with. It means continuous adjustments to the conditions socially intrinsic in the hostland.

And just when familiarity is about to breed a form of contempt, it is perfect timing, as it was when I accepted this post two years ago, that I move on. I will return to the familiar post in the familiar building of the familiar college of the most familiar university to me. Initially, I thought that I was just doing a full circle, a completion of a cycle, having to return to a familiar point of origin.

But in retrospect, I am not returning to the same point of origin. I have learned recently that it is not the same originary point. It has changed and so have I. And when we meet again, it will be a different form of engagement. I am more committed to my work, my teaching and research. I have learned that learning does not stop, in life outside and inside the university.

In retrospect, I moved on and will continuously do so. On and on.

Japan Memory 2

The world is yours!

The world is getting smaller. In the heart of Japan, students are learning Philippine studies in new and exciting ways. In fact, I am guessing that innovations are being made, inflecting a Japanese way to the understanding Philippine studies.

What is this Philippine studies that has become a cornerstone of Osaka University of Foreign Studies? Why study far-flung areas, using methods adapted to the conditions that make distinct the Philippine experience?

Philippine studies is unique, exemplary of global and local tensions, national and transnational disjunctures, and colonial and postcolonial conditions. Necessarily, Japan is involved in the shaping of the Philippine experience.

In the 17th century, the Philippines provided a refuge to Japanese Catholic exiles escaping persecution for their religious beliefs. Then near the turn of the twentieth century, Japanese workers migrated in Davao and Benguet, establishing the network of infrastructures still visible to this day. But Japan’s spearheading of World War II in Asia foregrounded the economic domination of national economies today. With some 100,000 Filipino nationals working in Japan and 5,000 annual marriages of Filipinas with Japanese men, the lives of these two nations continue to evolve.

Yet for the most part, the Philippines remains invisible to most Japanese. As students of Philippine studies, it is your task to generate visibility, interest and criticality of your program area to the Japanese public.

You will not only be studying language, dances, festivals, history and culture. You will study the politics of culture of two nations. Such culture is not only celebrated in terms of integration but also in terms of difference, especially calling into fore areas of pain and suffering, struggle and survival. Why Filipinos and Filipinas are in Japan, why Japan is in the Philippines, Southeast Asia and the world?

You will need not only to open your eyes but also your minds. There is a call by young people that “the world is yours.” Moreso true for Japanese students studying various languages and cultures not your own. It is rightful for you to claim your share of the world. But it is righteous for you to understand what you claim as yours.

Cheers and welcome to Gaidai.

Japan Memory 1, 2003

Pambungad na Pananalita, Culture Day, 7 Nobyembre 2003

Mga kaguro at Ginoong Tsuda, Oue at Miyahara-senseis, mga mag-aaral at kaibigan,

Magandang hapon sa inyo at mabuhay kayo sa pagdalo sa Culture Day ng mga mag-aaral ng Araling Filipino. Matutunghayan ninyo ngayon hapon ang ilan sa mga kontexto ng pag-aaral ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mga sayaw, awit at tula, matutunghayan ninyo ang yaman ng kulturang Filipino. At mula rito, harinawa ay magpasalamat kung bakit kayo nag-aaral sa inyong larangan.

Ayon nga sa Hapong makata, si Basho, “Silence/into the rocks seep the voices of cicada” o “Katahimikan/sa ilalim ng mga bato ang bahid ng mga tinig ng kuliglig.” Kailangang magnilay at nang malamlam ang yaman at ganda ng kulturang inyong pinapag-aaralan.

At paratihan, sa inyong pag-aaral, ang kulturang Filipino ay kinakailangang ihalintulad at ikumpara sa kulturang Hapon. Mahaba at masalimuot ang kasaysayan ng pagkikisalumuha at migrasyon ng Filipino at Hapones. Kung kaya nandito ang aking mga maraming kababayan at wala sa bansa, kung bakit nandito kayo at wala sa ibang larangan.

Kailangang pagyamanin pa ang inyong apresiasyon ng kulturang Filipino nang sa gayon ay magpagyaman ninyo ang inyong apresiasyon sa kulturang Hapones. At gaya nga ng kasabihan sa Filipino, “Walang naitatago sa sikat ng araw.” Walang katotohanan ang hindi mabubunyag sa tamang panahon. Ito ang inyong panahon, pati ang hapong ito.

Mabuhay ang kulturang Filipino. Mabuhay ang kulturang Hapon.

Hukumang Bayan Working Script

HUKUMANG BAYAN

(working script ng forum ng CONTEND, Recto Hall, Faculty Center, 30 Nobyembre 2004)

Tagubilin sa gaganap: Ang script ay kinakailangang dagdagan ng sariling spiel ng mga tauhan, binabanggit ito sa mga partikular na seksyon ng script. Inaasahan din ng karakterisasyon ng tauhan di lamang bilang hukom at tagapagsalita, kundi pati na rin sa personang popular na madaling matukoy ng manonood. Halimbawa, maaring kunin ang persona—manerismo, pananalita, pagkatao—nina Miriam Defensor-Santiago, Kris Aquino, FPJ at kung sino-sino pang sikat na personahe).

Mga Tauhan:

Pangunahing Hukom
Testigo 1: ukol sa isyu ng komersyalisasyon sa edukasyon

Hukom 1: tagalitis ng komersyalisasyon

Testigo 2: ukol sa isyu ng SABAK

Hukom 2: tagalitis ng SABAK

Testigo 3: ukol sa isyu ng repormang agraryo

Hukom 3: tagalitis ng repormang agraryo

Testigo 4: ukol sa isyu ng digmaan laban sa terorismo

Hukom 4: tagalitis ng digmaan labas sa terorismo

Siyam mula sa audience

Pangunahing Hukom:

Magsimula tayo sa isang maikling-maikling kwento, isang kwento ng kahirapang historikal at panlipunan na lalong pinapatingkad ng higitan pang pambubusabos sa mamamayang Filipino sa ilalim ni Gloria Macapagal Arroyo.

Sisid at Pagpag”

Lima silang magbabarkada, ni hindi lalampas sa mesang kaninan ang kanilang laki. Matapos ng kanilang eskwela, pag hapon, matapos kumain ng hapunan, kapag madilim na, tutungo sila sa bukana ng imburnal. Susuong sa maliit na butas para mangapa’t manisid ng mga barya sa loob ng madilim na bituka ng imburnal. Apat na oras silang mangangapa sa burak. Ay! walang kasing itim at lapot ang likido. Madalas silang nahihiwa ng kung anong kalawanging bakal o latang naaanod, o matusok ng karayom mula sa iniksyong itinapon ng mga klinika’t ospiral. Hindi naman nakikita ang kulay ng dugo sa itim na likido ng imburnal. Hindi na nila inaantala ang amoy ng kung ano-anong katabing lumulutang, nakalubog, naaanod at nababalaho, o kung ano-anong nasasalat ng paa’t katawan. Sila man ay inaanod lamang ng imburnal.

Kailangang maging sensitibo ang tamapkan, magkamata ang mga tuhod at hita, magkaroon ng x-ray vision ang mga siko’t palad sa mga baryang naligaw sa imburnal, o maari rin naming kusang inihulog ng kung sinong nagmimithi ng kung anong pangarap. Dito sa imburnal ang alkansya ng bayan.

Aba ginoong barya, napupuno ka ng grasya…

Lima silang magbabarkadang sa kabuuan ng gabi ay makakaipon ng tatlong daang pisong halaga ng nanlilimahid na barya. Lulubluban nila ang mga barya, pati na rin ang kanilang mga katawan, tutungo sila sa pasaradong fastfood store. Tamang-tama na inilalabas ng crew ang mga itim na supot ng inaakalang basura. Bibili sila ng pagpag, mga pagkaing tira o ni hini man lamang tinikman ng mga nagtakaw-matang bumili. Papagpagin nila ang mga tiring pagkain mula sa supot ng basura. Kakainin nila ang pagpag, aanurin sa kanilang mga bituka. Hindi inaantala ang mga sugat at natutuyong dugo’t putik. Hindi inaantala ang matsa ng ketsup, upos ng sigarilyo, naliligo sa softdrinks na pagkain. Iuuwi ang matitira. Mamaya din, gagawing baon ang natitirang barya.

Sarap ng Pilipino mula sa Jolibee!

Tunay na bee happy!

Ang panginoong diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa sangkatauhang lahat...

Ngayon ay formal na binubuksan na natin ang paglilitis sa nasasakdal gayong siya naman ang nagsakdal sa sambayanang Filipino, kay Gloria Macapagal Arroyo. Binigyan ng ikalawang pagkakataon para makapaglingkod, ngunit ngayon pa lamang—sa fiscal crisis, ipo-ipong pagtaas ng presyo ng gasolina at bilihin, serye ng kawalan ng pag-asa at pagtalon ng naghihikahos sa mga billboard at skywalk, serye ng pagkaltas sa budget sa edukasyon at pagkiling sa militar, sampu ng korupsyon at pagdarambong sa karapatang pantao—mga animal kayo!—na ang pinakahuling kasalanan ay ang masaker ng labing-apat na magsasaka ng Hacienda Luisita. Tita Cory, madadala pa kaya ng dasal? Noynoy, bakit di mabuksan ng malapad ngunit ampaw mong noo ang kawalan-katarungan? Kris, anong tsismis ang nais mong ipantabon sa krimeng ito? May bago ka bang nakuhang STD mula sa absentee-fathers mong mangingibig na ikaw mismo ang nais magkumpisal sa dambana ng aming mga telebisyon sa sala! Mahabaging Mulawin, iadya mo po kami sa masasama!

Nakalulunos ang kalagayan ng sambayanan sa rehimeng GMA. Mga tirang pagkain mula sa Jollibee at McDo, tinitipon, pinipirito at ginagawang ulam. Maraming kabataan ang hindi na maipagpatuloy ang edukasyon. Sa atin rito sa UP, kay raming AWOL! Mga kabataang nangarap masalba ang kanilang abang kalagayan sa pamamagitan ng pag-aartista—Star Search, Star Struck, Ultimate Diva—ginagawang Cinderellang modelo para sa higit na nakararaming naghihikahos. Kinahinatnan? GRO sa Pegasus, dancer sa Adonis, magsasayaw ng tinikling nang nakabikini sa kalagitnaan ng winter sa Japan? Kapuso at kapamilya, halinang makinig, maging saksi sa paglilitis kay Mareng GMA.

Ganito ang proseso ng paglilitis: may apat na pangunahing saksi na representante ng apat na pangunahing isyu sa ilalim ng rehimeng GMA; sa bawat pagtatapos ng pangunahing saksi, magbibigay ng paghuhusga ang ating inimbitahang kagagalang-galang na mga hukom, mga pantas na pinanday ng karanasan sa pakikibaka, para magbigay ng paninindigang-bayan; sa huli, kayong mga tagapanood at tagapakinig, mga saksi at biktima ng pandarambong nitong rehimeng GMA ang siyang magbibigay ng husga. Payag ba kayo? Kayong mga na-require na tunghayan itong paglilitis na ito? Itong hukuman ng bayan, katarungan para sa sambayanan!

Unang saksi, para sa pagtalakay ng karunos-runos na lagay ng sistemang edukasyong lalo pang kinatatampukan ng higit na komersyalisasyon, narito si _________, (IPAKILALA). G/Bb, maari ka nang magsimula. Magsabi ka lang kung kailangan mo ng tissue.

PANAYAM NG TESTIGO 1

PANGUNAHING HUKOM:

O hindi, hindi! Bakit nagkaganito? Wala na ba tayong magagawa? Sino ang maysala? Ano ang masasabi ng ating unang hukom, ___________, (IPAKILALA).

HUKOM 1 (Tagalitis ng komersyalisasyon):

Maraming salamat, gurong hukom.

Magsimula rin ako sa isang maikling-maikling kwento:

Komersyalisayon ng Edukasyon”

Sino ang makakapagsabi na pantas pala itong si Cariňo, dating Secretary ng Edukasyon sa panahon ni Aquino? Promotion job pala ito sa pagiging president ng University of the East, kung saan natransforma niya ang harapan ng campus, sa may Recto, na maging mall. Kumpleto sa sinehan, mula sa dating university theater, fastfood outlets at tindahan ng damit at fashion accessory. At ito pa rin ang main entrance sa campus. Tila nagkru-krus muna ang mga estudyante sa mga santo ng komersyalismo (sa mascot ng Jollibee) at konsumerismo (sa arko ng McDonald’s) bago tumuloy sa dambana ng kaalaman at pag-aaral.

Mga tatlumpung taon matapos gawin ang kanyang inobasyon, nagsusunuran ang mga unibersidad para makakuha ng dagdag na kita mula sa taunang binabawasan budget. May taniman ng saging ang Don Mariano Marcos University, ginagawang banana chips. May nabibiling basi at paso ng herbal sa tindahan sa loob ng campus. Ang U.P. Film Center ay nagpapaupa ng kanyang facilidad para sa buwanang pagtitipon ng grupong born-again. Ang University Theater ay naging venue na ng graduation mula sa iba’t ibang high school at computer school, Gawad Urian, Ginoong Filipinas at iba pang contest. Dini-develop ng Ayala Corporation ang techno park sa isang bahagi ng campus. At may blue print na para sa mas malakihang bersyon nito sa mga di ginagamit na lote ng kampus.

At kung matutupad ang plano ng mga namumuno, magiging mall ang shopping center. Magkakaroon ng mega-dorm sa gitna ng pool at College of Law. Privatized na ang hotel ng AIT. At ang mga klasrum sa bagong bawat itatayo at aayusing building ay may plake sa bawat pinto, kinikilala ang nag-donate ng facilidad.

Kung sukdulan talaga ang komersyalisasyon, magiging kasing taas na ng Ateneo at La Salle ang matrikula sa U.P. Ipapaokupa na sa iba’t iba pang negosyo ang mga bahagi ng kampus. May proposal kang kikita rin ang U.P., idulog sa administrasyon. Pwede pang kayanin ang apat na Jollibee at McDonald’s sa iba’t ibang bahagi ng kampus. O ilan pang gasolinahan at bangko. Ipaparenta, makikihati sa tubo. Sa kalaunan, baka kumita pa nga ang U.P. Bargain price dahil nasa loob ng Salary Standardization Law ang sweldo ng kawani at guro nito. Bonus lamang ang makukuha, hindi obligadong itaas ang sweldo.

Kung tunay na komersyalisado ang edukasyon sa U.P., mag-iisue ito ng ID card na may black strip na maglalaman ng lahat ng datos ng estudyante—mga grado, mga kurso, transcript, binayaran na supplies, mga librong hiniram sa library, health record at iba pa. Makakabili na rin ng mga makinang makakakilala sa strip, aalarma kapag ang status ng mag-aaral ay hindi pa nakakabayad ng tuition. Kung tunay na komersyalida ang edukasyon sa U.P., tataniman na rin ng saging ang sunken garden para magawang banana chips. Paglulutuin ng atsara at red wine ang taga-Home Economics. Pagagawin ng komersyal ang taga-Broadcast. Iaalok ang serbisyo ng estudyante sa Fine Arts para sa paggawa ng mural ng bagong pelikula. Magiging SM City Annex B ang Philcoa.

O dakilang pantas na Cariňo brutal, napakasaklap ng hantungan ng inyong experimentong ginawang natural at kumbensyonal para sa lahat. Walang ipinagkaiba ang U.P. sa U.E. Ang U.P. pa nga ang humahawi ng ikalawang landas ng komersyalisayong sinimulan ng U.E. O Santo Oblation, ikaw na simbolo ng pagkatao sa anino ng kaalaman, iadya mo po kami sa lahat ng masasama. Siya nawa, siya nawa.

(SPIEL O REAKSYON SA TAGAPAGSALITA UKOL SA KOMERSYALISASYON NG EDUKASYON, AT INDICTMENT SA REHIMENG AQUINO.)

Tinimbang ka, GMA pero nakitang ikaw ay nagkukulang!

PANGUNAHING HUKOM:

Tinimbang pero dahil kinurakot, hangin na lamang ang natira para sa masang Filipino. Paano maninimbang ng pangulong hindi naman naninimbang ng interes ng kanyang mamamayan, na ang pinapangunahang interes ay ang interes lamang ng iilang may kaya na nga sa lipunan, at nang kanyang tunay na among George Bush. O hail can you see…. Paano sisikaping maging tunay na Filipino sa isip, sa salita at sa gawa kung kinakanduli naman ng dolyar na nabahiran ng dugo?

Ang ikalawang testigo para sa usapin ng SABAK, hindi ito ang bagong gay bar sa Timog. SABAK—sahod, trabaho, karapatan—na syeyring ni kasamang ____________ (IPAKILALA).

PANAYAM NG TESTIGO 2

PANGUNAHING HUKOM:

Ang gumagawa ng gusali, walang matirahan. Ang nagtatanim, walang makain. Ang naglilinis ng ospital, hindi kayang bumili ng aspilet para sa anak na maysakit. Ang nagwawalis ng kalsada, walang pamasahe. Ang nagtratrabaho sa imprenta, walang pambili ng libro ng anak. Ang gurong ina, lilipad sa Singapore para alagaan ang anak ng iba.

Kailangang hindi magsayang ng panahon. Ano ang husga ng ating ikalawang hukom, si ________________ (IPAKILALA).

HUKOM 2:

Maraming salamat, kasamang hukom.

Ang kahirapan ng sambayanang Filipino ay lalong tumitingkad dahil sa malawakang pangungurakot ng mga opisyal na dapat ay naglilingkod sa kanila.

Magsisimula ako sa maikling-maikling kwento:

Komparatibong Korupsyon”

Kapag nandehado ka sa kapwa, pumanig sa interes ng kaaway, ikaw ay taksil. Kapag marami kang nilamangan, ikaw ay tuso. Kapag sarili mo lang ang niloloko, ikaw ay hibang.

Kapag nakakamkam ka ng maliit na halaga, masuwerte ka. Kapag nakakamkam ka ng malaking halaga, mandarambog ka. Kapag nahuli ka. Kapag hindi, mas masuwerte ka.

Kapag sistematiko ang pangangamkam mo at nahuli ka, ikaw ay mambubusabos. Kapag sistematiko ang pangangamkam mo at hindi ka nahuli, ikaw ay presidente ng Pilipinas, o kaibigan o kapamilya nito.

Sa Japan, kapag nahuli kang nangungurakot, ikaw ay inaaresto at pinababalik ang halagang nakamkam mo. Sa Pilipinas, ipro-promote ka o bibigyan ng mas mataas na posisyon. O tatakbo ka sa kongreso at makakapiling ang iba pang nabiyayaan ng pagkamkam.

Sa U.S., kapag nangamngam ka, pupunta ka sa kulungan. Sa Pilipinas, kapag nahuli ka o hindi man na nangangamkam, pupunta ka sa Amerika.

(SPIEL O REAKSYON SA TAGAPAGSALITA UKOL SA SABAK AT INDICTMENT NG REHIMENG GMA).

Kasamang hukom, walang titimbangin dahil walang naidulot na biyaya ang Gloria Macapagal Arroyo sa manggagawa at sambayanang Filipino!

PANGUNAHING HUKOM:

Wala na nga? Wala?

Binababoy tayo ni GMA. Ayoko ng pambababoy. Ayoko ng baboy, este piglet lang pala. Ayoko, ayoko!

Kung ayaw nyo, ayaw ko na rin. Walang katarungan sa baboy kural. Walang katarungan sa mundo ng matadero at manininda ng laman ng manggagawang Filipino. Hindi karneng baboy ang yaman at talino ng manggagawang Filipino.

Anong klaseng pamahalaan ang gumagawa nito?

Anong klaseng mamamayan tayong pinapahintulutan ang ganitong pamahalaan?

Kahanay ng pamdudustos sa manggagawa ay ang sustenidong pagyuyurak sa karapatan ng pinakamalaking pwersa sa lipunang Filipino, ang uring magsasaka at ang bogus na repormang agraryong ipinatupad sa panahon ni Pangulong Corazon Aquino. Narito ang ikatlong testigo, si ____________ (IPAKILALA).

PANAYAM NG TESTIGO 3

PANGUNAHING HUKOM:

Silang nagpapakain ng bansa, hindi sapat ang kinikita para makabili ng pagkain. Silang nagtatanim, nagtatanim pangunahin para sa among haciendero. Silang nagtratrabaho sa ilalim ng sikat ng araw, tanging pawis at natutong na putik ang iuuwi sa kanyang pamilya sa bawat gabi. Silang nagtatanim, walang aanihin. Silang nagtatanim sa lupa, hindi kanila ang lupa.

Husgahan siya, kagalanggalang na hukom, sa isyu ng repormang agraryo, Hukom ___________ (IPAKILALA).

HUKOM 3:

Walang lupa sa kapanganakan, walang lupa maging sa paglilibingan. Ano ang hustisya nito?

Ilan daang taon ang kasaysayan ng pagkakatali ng magsasaka sa lipunan ng haciendero at ng sistemang hacienda. Ang nangyaring masaker sa Hacienda Luisita ay patuloy na hindi pa rin nareresolba ang problemang agraryo sa bansa. At hanggang hindi nareresolba ang problema ng kawalan ng lupa ng pinakamaraming Filipino, walang kapayapaang magaganap dahil walang katarungang mananaig.

Ang kwento ng magsasaka ay kwento nating lahat dahil lahat tayo ay ibinabaon sa utang ng ating mismong pamahalaan. Ito ang isinasaad ng dagli:

Huli”

Ikatlong bahagi hanggang 40% ng pambansang budget ay pumupunta sa pagbabayad-utang. Noong 1999, ito ay P200 bilyon. Isa sa bawat tatlong pisong kinikita ng pamahalaan ay hindi napupunta sa serbisyong pampubliko. Ito ay binabayad sa Paris Club, Chase Manhattan, mga bangko sa Japan, at kung saan-saan pa.

Noong Pebrero 2002, ang utang panlabas ng bansa ay P2.437 trilyon. Aabot pa nga ito ng P3 trilyon sa 2003. Kung tayo ay 70 milyong katao, ang utang ng bawat isa ay P34,814.29. Saang kamay ng diyos natin kukuhanin ang pambayad nito? Ilang henerasyon bago ito mabayaran?

Tayong lahat ay mga anak ni Huli, ginawang pambayad-utang.

(SPIEL O REAKSYON SA TAGAPAGSALITA HINGGIL SA REPORMANG AGRARYO AT INDICTMENT NG REHIMENG GMA).

Tinimbang si GMA at natagpuang siya pa ang may utang sa sambayanang Filipino.

PANGUNAHING HUKOM:

Ang tawag rito ay trahedya! Silang naghihikahos ay lalong dinarambong. Silang walang kapangyarihan ay lalong pinagsasamantalahan. Silang walang kakayanan ay lalong pinagmumukha pang mangmang. Sila ay tayo rin, hindi sila nasa labas nitong hukuman, sila ay nasa loob. Tayo na nasa loob ay siya rin namang silang nasa labas.

Ang huling testigo ay si ___________________ para sa isyu ng digmaan sa terorismo.

PANAYAM NG TESTIGO 4

PANGUNAHING HUKOM:

Mapangahas! Silang dapat nagpapatupad ng batas ang una pang lumalabag rito! Diyata’t malinaw ang nasa likod ni GMA, ang tunay na humahawak ng kapangyarihan sa bansang ito! Hindi bushilak si Bush, hindi!

Ano ang masasabi ng ating huling hukom? Si ___________ (IPAKILALA) para magbigay-husga kay GMA sa krimeng digmaan sa terorismo.

HUKOM 4:

Maraming salamat, makatang hukom.

Hindi puso ang nagdidikta ng galaw ng Amerika. Sarili nitong interes. At si GMA ay kinakailangan ang Amerika para sa makahiram sa dayuhang bangko, mapondohan ang modernisasyon ng military, makapagpadala ng marami pang manggagawa sa bansang numero unong nagreremit ng dolyar sa Pilipinas.

Ito ang praktikal na Amerika, ang motibasyon ay sa higit pang kita—kaya ang digmaan nito sa terorismo ay inaako na ring digmaan ni GMA, lampas na sa terorismo, kundi laban sa mismong mamamayan nito.

Hayaan ninyo akong magbasa ng dagli:

9/11/01”

May nagtext sa akin, buksan ko raw ang cable. Sa CNN, live ang coverage ng eroplanong tumagis sa World Trade Center. Hanggang mangyari ang di inaasahan ng lahat. Gumuho ang dalawang tore. Parang sa pelikula lamang nina Schwazenager o Stallone maaring mangyari ito. Naganap ang pagguho ng simbolo ng kapitalismong Amerikano.

Nilusob ng pwersang Amerikano ang Afghanistan. Pinulbos ang mga kwebang maaring pagtaguan ni Osama bin Laden, ang tinarget na lider ng terorismo ng mga Amerikano. Natlo ang mga Taliban, pero hindi pa rin nakikita si bin Laden.

Sa San Francisco, mawawalan ng trabaho ang 1,200 na Filipinong imigranteng nagtratrabaho sa airport. Batay sa ipinasang U.S. Aviation Security Law, ipinagbabawal ang pagtratrabaho ng imigrante bilang airport screeners. Ang ganitong trabaho, sinubcontract sa pribadong ahensiya, ay dating nakalaan sa imigranteng handing tumanggap ng mabigat na trabaho sa mababang pasahod.

Titingala si Johnny, isang Filipinong imigrante, sa himpapawid, at pati pala ito ay pag-aari na rin ng mga Amerikano. At bakit hindi? Matagal na itong sa kanila. Tumingala rin sa parehong himpapawid ang kanyang amain noong 1969, sa Apollo 11 landing sa buwan. Live via satellite habang inaako ni Neil Armstrong ang buwan para sa Amerika.

(SPIEL O REAKSYON SA TAGAPAGSALITA SA LABAN SA DIGMAANG TERORISMO AT INDICTMENT KAY GMA).

Tinimbang si GMA, at ang nagtamasa ng pasakit ay ang mamamayang Filipino.

PANGUNAHING HUKOM:

Kulang, may utang pa, ano ang husga sa ating nasasakdal? (Tatanungin paulit-ulit at aantayin hanggang maging masigasig ang tugon ng manonood).

Hindi malayo ang rebolusyon sa paglala ng sitwasyon ng sambayanang Filipino.

Rebolusyon”

(PUMILI NG SIYAM MULA SA AUDIENCE, BIGYAN NG KOPYA NITO PARA BASAHIN NG MALAKAS).

AUDIENCE 1:

Sa Philcoa, nakatanghod ang mga batang namamalimos sa bintanang salamin ng McDonald’s, kumakatok sa kumakain kapag hindi nakatingin ang gwardiya. Lilipat lang ng tingin ang ngumunguya ng Big Mac. Magkukunwang walang nakikita.

AUDIENCE 2:

Sa eskinita, nagbebenta ng pirated CD. Murang-mura lang na kopya ng inyong paboritong banda. Sino ang bibili ng tunay sa P450 kung may mabibili ng peke ng P30? Sino ang walang pirated CD sa kanyang koleksyon?

AUDIENCE 3:

Sa bukana, nagtitinda si Manang ng mansanas at kahel. Mas mabili ito kaysa sa lanzones, chiko o singkamas kahit paminsan ay nagtitinda rin ito. Mas mura ang piraso ng mansanas at kahel, sa hindi niya mawaring dahilan. Dati ay sa pasko niya lamang ito naaanigan, ngayon ay buong taon ang lasa nito. Pahiran lang ng formalin, nagmumukha pa ring malutong at makinang ang balat.

AUDIENCE 4:

Sa canteen sa itaas, umaangal ang estudyante sa maling order. Nagtataas na ito ng boses, kanina pa raw siya gutom at nag-aantay ng pagkain. Kahit anong sorry ng nagsilbi ay ayaw paawat ng kostumer. Mabilis na nag-init ng corned beef ang kusinero habang naririnig niyang pinagagalitan ng bisor ang waitress. Huminga ang cook sa lalamunan at inilabas ang nakaipit na plema sa sisig, sabay bigay ng thumbs up sa maiiyak na waitress. Isisilbi niya ang sisig rice sa kostumer nang may bahagyang ngiti.

AUDIENCE 5:

Sa flyover, huminto ang jeep. Namimilipit na ang driver pero wala siyang oras umihi. Hindi siya makaihi sa harap ng tao, kaya hindi siya makatanghod sa gulong, tulad ng ginagawa ng iba. Doon na lamang sa may talahiban. Isa’t kalahating oras na niyang pinipigil. Namumuo na ang bato sa pantog at kidney sa paratihan niyang ginagawang pagpigil, nanganganak nang mas marami pa. Araw-araw ay ganito sa pagdelihensya ng kita.

AUDIENCE 6:

Sa itaas, sa beauty parlor, nagpapagupit ang matrona sa bading. Kinukwentuhan siya ng bagong tsismis sa showbiz—kung sino ang sister, kung sino ang buntis, kung sino ang kabit nino, kung kanino ibinenta ng ama ang starlet na anak. Natatawa lamang ang matrona, inaantay maging blonde ang kanyang uneven cut. Tamang-tama para sa kanyang ballroom dancing mamaya.

AUDIENCE 7:

Sa ibaba, tila ahas na nag-aalumpihit ang pila sa jeep papuntang unibersidad. Naglulundagan ang mga tao sa putik para hindi madumihan ang bagong sapatos. Dinaan na naman sa araw-araw na order ng kanin at kalahating ulam sa siyam na buwan para lamang mabili ang sapatos. Pero nagkamali, nalubog ang paa sa putik. Madilim na kasi. Nagalit pa nga ang mga katabi mong naputikan din ang mga pantalon at hita. Lalo na ang limang taon na barker ng sasakyan.

AUDIENCE 8:

Sa housing, inaasahang pumunta ng middle-age na babae ang kanyang lalakeng bisita, di hamak na mas bata sa kanya. Aalukin niya ito ng maiinom, pakakainin ng masagang hapunan, mula sopas hanggang mochi ice cream na dessert. Aalukin ang sarili pagkatapos. Para saan pa ang paghihirap nang paghahanda? Hindi makakatanggi ang lalake, kahit may girlfriend na siya. Alam kaya ng middle-age na babae na fling lang ito? isip ng lalake.

AUDIENCE 9:

Humuhuni ang kuliglig habang pinapa-start ang jeep, bibiyahe na. Ang tindera ay busy pa rin sa mga bumibili ng mansanas. Nahihilo na sa gutom ang batang namamalimos. Dumating na ang girlfriend ng tinapatan ng bata. Nauna na siyang kumain. Oorder na lamang siya ulit. Pinupunasan ng panyo ng lalake ang kanyang bagong sapatos. Tinatanaw ng matrona ang kanyang buhok habang hawak ng bading ang salamin sa likod, iniisip ang kanyang tip. Nagtatawa ang waitress at cook habang papaalis ang estudyante, mamimili pa ng CD sa ibaba.

SABAY-SABAY AUDIENCE 1-9:

Humuhuni ang kuliglig, humaharurot na ang tambutso at makina ng jeep, masaganang bumubuhos na ang ihi ng driver sa talahiban. Hindi pa gabi, hindi na araw. Pero sa isang saglit, nakatanaw na pumula ang silangan.

PANGUNAHING HUKOM:

Iisa ang maaring kulay ng ating paglaya. At hindi na kailangang tumanaw sa Sierra Madre para matunghayan ang pagtingkad ng kulay na ito. Binabalot tayo ng kondisyong sumusupil at nagpapahimagsik sa atin para sa minimithing:

Kalayaan”

Ang kakayahang lumipad sa ere nang hindi nahuhulog; ang kakayahang pumili na mahulog kapag ninais; ang kakayahang manatili sa ere, paglipad pa rin ba ito kung nakalutang ka lang sa ere? ang kakayahang maging nasa pagitan, hindi itaas, hindi ibaba; ang kakayahang lumipad sa dagat kapag pinili, paglipad pa rin kahit na sa dagat; ang kakayahang bumagsak kapag pinili; ang kakayahang tumungo sa nais patunguhan, saan nga ba ang direksyon ng paglutang nang hindi sumusunod sa direksyon ng hangin? ang kakayahang sumabay sa paglipad ng iba, pag-indayog sa ere; ang kakayahang lumipad mag-isa sa pagitan ng asul na langit at madilim na bughaw na dagat; ang kakayahang magtakda ng bilis o bagal ng paglipad, kung nakalutang nga sa ere, ano ang bilis nito, kumakampay ka pero hindi ka umuurong, hindi rin naman sumusulong; ang kakayahang manatili sa isang lugar, hindi doon, dito; ang kakayahang mangibang lugar, hindi rito, roon; ang kakayahang maging ibon o tao o babae o bata o labahita sa paglipad; ang kakayahan, kung ibon, na maging albatross, seagull, maya, tikling o agila, kung pipiliin; ang kakayahang mawalan ng kakayahan; ang kakayahang makaya ang nais mangyari at sa nangyayari; ang kakayahang magkaroon ng kakayahan. Kung nais.

At sa paglayang ito ng kolektibo at indibidwal, lalaya ang sambayanan. Makibaka para sa tunay na kalayaan ng sambayanan! Ang kalayaan, ipinaglalaban, hindi ito ibinibigay, hindi ito ipinapataw.

Sa okasyon ito ng hukumang-bayan, sa desisyong natagpuang maysala ang nasasakdal, kailangang sumumpa tayo at manindigan bilang iskolar ng bayan, na ipaglaban ang karapatan, igiit sa pinapakitid na espasyo at pandarambong ni GMA sa sambayanang Filipino. Sabay-sabay nating awitin ng may paninindigang maglingkod sa sambayanang nagpapaaral at tumutustos sa atin sa Unibersidad, ang “UP Naming Mahal.”


Balagtasan 2005 ni Joi Barrios

BALAGTASAN 2005

PAKSA: IGINAGALANG BA NG ATING GOBYERNO

ANG KARAPATANG PANTAO SA PANAHONG ITO?

PPO: (Music up and under: Bayan Ko)

LAKANDIWA (Vim Nadera)

Balagtasan, Balagtasan, o, tradisyong nalimutan

Na pagtatalo sa tula na duplo ang pinagmulan.

Sa Iloko ang tradisyo’y binansagang “Bukanegan,”

Sa Pampango ay tradisyong nakilala na “Crissotan.”

Ang paksa ng pagtatalo ay usapin na pambayan,

Akong si Vim Nadera po, Lakandiwang naatasan.

Ang makatang babalagtas, mga makatang premyado

At ang paksang hihimayin, Karapatan na Pantao.

Sa panahong ito ngayon, ‘ginagalang bang totoo

Gayong ating karapatan, kung minsan ay nadehado.

Kaya, bunying Lakan-Ilaw, tanglawan ang pagtatalo,

Bunying makatang Joi Barrios, itong sulo’y itanglaw mo.

(Uupo ang Lakandiwa at tatayo si Lakan-Ilaw.)

LAKAN-ILAW (Joi Barrios)

Bilang Lakan-Ilaw nitong Balagtasan,

Paksang hihimayin, dapat malinawan.

Sa ating pantaong mga karapatan,

Ang ating gobyerno’y mayro’n bang paggalang?

Dalawang makata ang magtatagisan

At ang lilinawi’y panig ng katwiran.

(Babalik sa upuan. Tatayong muli ang Lakandiwa.)

LAKANDIWA

Ang unang titindig, si Michael Coroza,

Wala raw paggalang gobyerno talaga

Sa ‘ting karapatang pantasya’t hustisya;

Palakpakan natin sa pagtindig niya.

UNANG TINDIG: PANIG NA HINDI IGINAGALANG (Michael M. Coroza)

Hindi man mayama’y sarap ding mabuhay

Kung di namamanhid sa gutom ang tiyan,

Kung may pananggalang sa init o ginaw,

Kung mayroong ligtas na tinatahanan,

Kung may layang kamtin, mithing kaganapan

At makipamuhay nang may karangalan.

Subalit sa ngayo’y ano’ng nagaganap?

Lalong dumarami ang nangaghihirap!

Batayang serbisyo ng gobyerno’y salat,

Pobreng taumbaya’y lalong naging hamak.

Karapatan baga ng taong masadlak

Sa lagay na dusta’t wala ni pangarap?

Ang lalong mahirap tanggaping totoo,

Dami sa gobyernong mas sahol sa tsonggo,

Sa kapangyariha’y ibig maimpatso,

Ibig na maghari’t sambahin ng mundo,

Karapatan nating mga Filipino,

Ayaw kilalani’t di nirerespeto!

LAKANDIWA

Ang tutugon naman ng kanyang katwiran,

Si Teo Antonio na naninindigan:

Ang ating gobyerno’y mayroong paggalang

Sa ating pantaong mga karapatan.

Sa kanyang pagtugon ating palakpakan.

UNANG TINDIG: PANIG NG IGINAGALANG (Teo T. Antonio)

Madaling magsabi na walang respeto

Bawat karapatan nating mga tao.

Parang sinasabi, ang ating gobyerno

Ay walang nagawa na lutasin ito.

Subalit maraming nilitis na kaso,

“malalaking isda” itong kondenado.

May General Garcia, ngayo’y nakabimbin

Sa kasong korups’yon sa militar natin;

May ibang heneral na kasangkot mandin,

At may Dennis Roldan, may kasong kidnaping.

Sa Bureau of Customs nasiyasat na rin,

Mga tagong yaman ng opisyal natin.

Ang Pangulong Erap, sa kasong impeachment,

Ngayo’y nililitis itong kasong plunder.

Hirap sa katalo’y nais na lahatin,

Para bang sinabing gobyerno’y inutil.

Ating karapatan ay tanglaw sa dilim,

Apoy na marapat nating pag-alabin.

IKALAWANG TINDIG: PANIG NA HINDI IGINAGALANG (Michael M. Coroza)

Hindi nakikita ng aking katalo

Ang pinakaubog nitong ating isyu.

Karapatan natin bilang Filipino

Ang pagkakaroon ng isang gobyerno

Na masasandigan pagkat makatao,

Patas at panlahat, handog na serbisyo.

Presyo ng bilihi’y palaging pataas

Ngunit sa suweldo’y walang nadaragdag,

Pataw pa nang pataw ng samutsaring tax,

Tila ibig yatang dukha ay mag-suicide!

Sa mga banyaga’t mayama’y maluwag,

Kung empleyado lang, daming kinakaltas.

Ang lalong malala’t isusumpang krimen,

Kung gobyerno mismo yaong sumusupil

Sa pagkilos upang katarunga’y kamtin.

Doon sa Hacienda Luisita’y baril

Ang ipinantugon sa mga humiling

Na sakadang sahod nawa’y pataasin.

Nangyaring masaker doon sa Hacienda

Luisita’y tunay na nagpapakitang

Sa gobyernong ito ay walang halaga,

Karapatan niyong mga magsasaka.

Karapatan lamang ng mga maykaya’t

May kapangyarihan ang kinikilala!

Ang mga mahirap, hayop kung ituring,

Kapag nagreklamo, dapat paamuin:

Dal’wang kilong bigas, dal’wang instant noodle,

De-latang sardinas, lamang-tiyan na rin.

Ngunit kung maggiit, katarunga’y kamtin,

Hagisan ng tear gas at pagbabarilin!

IKALAWANG TINDIG: PANIG NA IGINAGALANG (Teo T. Antonio)

Ang aking katalo, daming inilahad

Na maraming krimeng ngayo’y nagaganap.

Totoong ang kaso ay sinisiyasat

Upang katarungan sadyang mailapat.

Diyan sa Hacienda Luisitang tahas,

Ang puno at dulo’y sadyang inuugat.

Huwag mong sabihin, mahal na katalo,

Di iginagalang hustisyang totoo

At ang karapatan na sadyang pantao,

Mayroong hukuman ang ating gobyerno.

Pagtaas ng buwis mayroong Konggreso,

Sinasala nila kung panig sa tao.

May Korte Supremo, batas ang sandigan,

Mayroong Komisyon sa Human Rights naman.

Department of Justice ay tanging hukuman

Sa anumang kaso’y dumidinig naman.

Regional Trial Court bawat lalawigan

Ay maisasampa kasong isasakdal.

Tayo’y isang bansa na may demokrasya,

Mahirap, mayaman, pantay ang hustisya.

Kung walang paggalang tayong nakikita,

Ang ating hukuman ay walang halaga.

Kinakailanga’y mga ebidens’ya

Upang katarungan ilapat talaga.

Ibig mo ba naman ang ating hukuman

Ay maging katulad nitong si Spiderman.
Parang instant coffee, hustisya ay instant,

Mainit na tubig, madaling timplahan.

Mayroong proseso sa nasang katwiran

Na sumisiyasat tungong katarungan.

LAKANDIWA (Vim Nadera)

Pansumandali pong aking inaawat

Ang pangangatwirang umalab na ningas.

Ang ibubuhos ko’y tubig na pang-ampat,

Tubig ng unawang sa puso’y nagbuhat.

Makatang Coroza, Makatang Antonio,

Sa panghuling tindig, linawing totoo,

Mga karapatan natin na pantao,

Uso pa ba ngayon sa ating gobyerno.

Sa panghuling tindig ng dal’wang makata,

Palakpakan natin paghagkis ng tula.

IKATLONG TINDIG: Salitan ang Magkabilang Panig

Panig ng Hindi Iginagalang (Michael M. Coroza)

Dukha at mayaman, kaylan naging patas

Sa gobyerno nating timbangan ay tikwas?

Mga institusyong iyong tinatawag

Sa tingin mo’y sino ang nagpapalakad?

Karapatan nilang mga naghihirap

Gumawa’y kilanlin, iyan ang marapat!

Panig ng Iginagalang (Teo T. Antonio)

Itong katalo ko’y pusang nabanlian,

Malamig mang tubig ay iniiwasan,

Hindi gumagalang sa ating hukuman,

Tubig ng unawa itong katarungan.

Kung gusto mo’y batas nitong kagubatan,

Hanapin sa dilim, lantay na katwiran.

Panig ng Hindi Iginagalang (Michael M. Coroza)

Batas nga ng gubat, umiiral ngayon,

Mga dukha’y daga, ang gobyerno’y leon!

Sa dilim, oo nga, doon po hahantong

Ang mga gahaman oras na maghukom,

Katwirang nadusta’t pusang naparool

Pagkat karapatang pantao’y binaboy!

Panig ng Iginagalang (Teo T. Antonio)

Hirap sa katalo’y madaling magsiklab

At nagiging pikon, paghanap ng batas.

Kahit na ang kahoy sa tubig ay babad,

Pagsalang sa apoy, kusang magliliyab.

Itong katarungan, ibaon mang ganap,

Mangingibabaw din taglay na liwanag.

Panig ng Hindi Iginagalang (Michael M. Coroza)

Ano pang liwanag itong hahanapin

Kung ang mga welga’y bulkang pinipigil

Lagi pong negosyo ang nagiging kiling

Sa pamamalakad ng gobyerno natin

Pag lumago itong salapi ng sakim.

Asaha’t may dukhang nagdidildil-asin.

Panig ng Iginagalang (Teo T. Antonio)

Hindi naman ganyan, gusto ng gobyerno

Pinipigil lamang iyang nanggugulo

Itong patakarang nais ng estado

May kapayapaan sa bawat negosyo

Anong mangyayari pag may terorismo

Di pa tungkulin lang na sugpuin ito?

Panig ng Hindi Iginagalang (Michael M. Coroza)

Mataas ang buwis para sa ahirap

Habang ayayanan ay nangungulimbat

Pook-maralita’y durog sa sangkisap

Dahil po sa batas na butas at hungkag.

Presyo ng bilihin ay parang may pakpak

Mabilis lumipad wala pa mang E-VAT.

Panig ng Iginagalang (Teo T. Antonio)

Ay talagang ganyan, nasang kaunlaran

Merong sakripisyong isaalang-alang.

Presyo ng bilihin kung tumataas man

Ay upang magdagdag sa kaban ng bayan

Upang ang proyekto ng pamahalaan

Ibalik sa tao itong pakinabang.

Panig ng Hindi Iginagalang (Michael M. Coroza)

Halaga ng krudo, kuryente, at tubig

Ano’t tilang sky-is-the-limit?

Imbes na iukol sa dukha ang buwis

Sa IMF-World Bank laging nirereit

Kung ang ating bayan sakali’t magipit

Kahit walang armas, dapat maghimagsik!

Panig ng Iginagalang (Teo T. Antonio)

Huwag mong ilagay ang apoy sa utak

Ibig o ba namang gobyerno’y ibagsak?

Itong ekonomiya’y may krisis na ganap

Hindi agad-agad itong malulutas

Pa’no mararating hangad na pag-unlad

Kung ang ating bansan, mithi’y watak-watak?

LAKANDIWA (Vim Nadera)

Sandali po lamang, aawating ganap

Itong nagtatalong apoy na umalab.

Bunying Lakan-Ilaw, samahang maampat,

Dalawang makatang ningas na lumiyab.

(Papasok si Lakan-Ilaw. Itataas nina Lakan-Ilaw at Lakandiwa ang kamay ng dalawang makata.)

Makatang Coroza, Makatang Antonio,

Nilinaw sa atin ay pambansang isyu.

Itong karapatan natin na pantao

Manatiling hiyas nitong pagkatao.

Kung naduruhagi’y taong karaniwan,

Karapatan nila’y dapat ipaglaban.

Sa harap ng batas, mahirap, mayaman,

Pantay ang paglapat nitong katarungan.

Hatulan po ninyo pag-uwi sa bahay,

Dalawang makata na nagbalagtasan.

(Sabay-sabay na yuyukod sa madla.)

PPO (Music Up and Under, Bayan Ko)

(Performers exit graciously.)

Wednesday, September 05, 2007

Orihinalidad at Reprodyusabilidad ng Sining at Kulturang Popular (Powerpoint Presentation)

Orihinalidad at Reprodyusabilidad ng Sining at Kulturang Popular
Panayam
Obra Maestra Mamera Series
UP CMC Auditorium



I. Habang naghahandang matulog, isang text joke




II. Mga iniisip bago matulog


1. Mga preso sa Cebu na nag-eehersisyo sa musika ng “Thriller” sa Youtube




2. Tsinelas, rubber slippers, Havaianas



3. Search for the Bench Underwear Models






4. Sex-scandals na na-video at ipinalaganap sa cellphone



5. Litrato ni Sherilyn na parating nakatapat sa dibdib ng kanyang Nanay Linda kapag nasa publiko

Orihinalidad at Reprodyusabilidad ng Sining at Kulturang Popular (draft, not for citation)

Orihinalidad at Reprodyusabilidad ng Sining at Kulturang Popular

(papel na binasa sa “Obra Maestra Mamera Series” ng Lopez Memorial Museum at UP College of Mass Communications, CMC Auditorium, 25 Agosto 2007. Burador, hindi para ireferensiya nang walang permiso ng awtor.)

Ako ay hindi kritiko ng sining kundi skolar ng media at kulturang popular. Sa presentasyong ito, nais kong ilahad ang ilan, maaring di magkakalapat, na idea ukol sa orihinalidad at reprodyusabilidad ng sining at kulturang popular bilang paraan ng pag-iisip din ng mas malakihang isyu kung paano itinatanghal at itinuturo ang bago at orihinal sa mas malawak na usapin ng politika, ekonomya at kultura. May orihinal ba talaga? Bakit nirereprodyus ang kumikitang orihinal? At paano, sa mismong reproduksyon, ay tumitingkad ang orihinalidad ng bagay sa sining at kultura? Sa aking palagay, mahalaga ang talakayan ng orihinalidad at reprodyusabilidad dahil inilalarawan nito kung paano inoorganisa ang karanasan sa sining at kultura, ginagawang interesante para tangkilikin at painugin pa lalo sa daloy ng kapital. Ang proseso ng organisasyon at reorganisasyon ng seduksyon at pagnanasa (desire) ay hindi lamang insitutsyonal na isinisiwalat, ito ay nirereprodyus sa indibidwal na antas para mas maging katanggaptanggap ang orihinaryo o ang primordial na lokasyon ng karanasan sa bagay. Ang sumusunod ay mga preliminaryong idea sa daloy ng kamalayan, inisip bago matulog, na tila angkop naman sa pag-iisip bago pumalaot sa pagtulog at sa dreamwork, nakakapagmuni-muni muna tungkol sa kung ang iniisip nga ba ay orihinal o reproduksyon lamang ng realidad—kung ang mulat na pag-iisip ay reproduksyon ng di-kamalayan (unconscious) bilang orihinal, o ang di-kamalayan ay reproduksyon ng mga agam-agam sa mulat na realidad.

1. Habang naghahandang matulog, isang text joke

May isa akong text na natanggap noong nakaraang linggo. Na-delete ko na kaya ikukuwento ko na lang sa inyo: Nasa eroplano ang mag-anak ni Gloria Macapagal Arroyo. Sinabi ng pangulo, “Ano kaya kung magtapon ako ng isang tseke para sa isang milyon. May isang mamamayan na matutuwa.” Tugon ng First Gentleman, “Bakit hindi mo hatiin ang isang milyon sa tig-kalahating milyon nang may dalawang mamamayang matuwa.” Wika naman ng wanna-be na artistang anak, si Mikey Arroyo, “Bakit hindi mo hatiin sa sampung tig-wa-one hundred thousand nang sampung mamamayan ang matuwa?” Ang nag-iisang apo ang huling tumugon, “Bakit hindi si lola ang tumalon nang milyon-milyon ang matuwa?”

Maraming antas ng orihinal at kopya ang isinasaad ng text joke. Una, ang primordial na halaga ng orihinal na ligaya—isang milyon para sa isang tao, o ang reprodyusabilidad nitong ligaya sa dalawa, sampu at milyon-milyong katao. Sino ang nagdidikta kung ano ang halagang tumbas ng primordial na ligaya, sa paanong paraan, at kaninong interes ang isinisiwalat? Ano ang katumbas ng primordial na ligaya? Ano ang halaga ng orihinal na sining ng mga pambansang alagad ng sining? O ng maaring ibenta ang puri kapalit ng phone cards, gaya ng ginagawa ng mga batang sex worker sa Pasig City? Sa edad ng maigting na yugto ng kapitalismo, ano ang matatanggap mong halaga para maging maligaya, matupad ang pangarap, makaahon sa hirap, makatunghay ng sining na makakaantig sa iyong damdamin nang walang katulad? Sa kasalukuyang kapitalistang sistema, ang mga pangarap ay parating nasa ere, hindi maabot kaya paratihang nangangarap nang gising. Ipinaghehele ng kumpiyansa sa posibilidad na maaring matupad ang pangarap batay sa limitado o labis na kapital. At ito lamang ang pangako ng kapitalismo sa ating lahat: iprenepresenta ang mga sining at kulturang popular, at ang mismong karanasan sa mga ito bilang posibilidad na maaring makamit, hindi pa ang pangakong makakamit nga ang mga ito. Kaya ang kalakaran ay ang pag-agapay sa panuntunang itinakda. Dito papasok ang reprodyusabilidad ng bagay ng sining at kulturang popular—ang karanasang makatunghay pa rin sa karanasang orihinal. Ibig sabihin, pirated imbis na orihinal na DVD at softwares, downloaded imbis na bumibili ng orihinal na CDs, fake na branded imbis na orihinal na branded, ukay-ukay imbis na bagong orihinal, xerox imbis na orihinal na libro, at iba pa. Ang mga ito o tinging orihinal—sache economics na magpapapasa load sa halagang piso, electronic e-load na P15, pantanggal ng balakubak na P3.50 bawat pakete, gel na P4.50, pagbili ng softdrinks bilang climax na yugto sa karanasan ng malling, pagpag na chicken joy, at iba pa. Tila lahat ay binibigyan ng akses sa primordial na karanasan ng orihinal.

Ikalawa, ang simulation ng Unang Pamilya, ang kapasidad ng mamamayang i-reproduce ang mag-anak sa ibang paralel na sityo na may di katugmang kaangkupan ng kapangyarihan—pribadong eroplano para sa pinakamakapangyarihang pamilya pero may tinig ng di-pagsang-ayon at pakikitunggali sa musmos na figura, at kung gayon, ang pagtuya sa presidensyal na kapangyarihan. Ito at hindi ito ang Unang Pamilya. Hindi magkakaroon ng fantasya ng Unang Pamilya na maaring pagtawanan kung walang indexical na referensiya sa tunay at historikal na Unang Pamilya. Ang sityo ng joke ay ang pamilya at ang eroplano. Ang pamilya ang minamapa bilang familiar at familial na entidad ng sosyalisasyon sa biro, karanasan sa kapangyarihan at pagbalikwas. Kung ito ay biro, ito ay postponement sa mismong orihinaryong kahulugan. Ibig sabihin, ang minamapa ay ang di familiar at di familial. Ang mga nakakabasa ng text ay hindi familiar sa tunay na operasyon ng pambansang kapangyarihan, pati na rin ang familial na dynamics ng Unang Pamilya. Ang pinopostpone ay ang orihinaryong sinasambit ng punchline. Dito papasok ang nosyon ng difference ni Jacques Derrida. Dine-defer ang kahulugan hanggang sa ang kabuuan ay matunghayan. Parang hindi mo malalaman ang puno ay nasa gubat kapag pinagmasdan lamang ang isang puno. Dini-differ din ang kahulugan dahil ang paghulog ng tseke ay kaiba na sa paghulog sa pangulo. Magkaiba pero paralel ang isinasaad sa sityo ng karanasan. Mahalaga ang maliit na disjuncture ng dalawang paralel na referensiya dahil dito papasok ang irony sa punchline—ang di magkapantay na pagsaad sa dalawang ipinapantay na siyang magtatahi sa kabuuan, kung bakit katawa-tawa ang biro, kung bakit may politikal na komentaryo ang birong nagsasaad na mag-self-sacrifice ang pangulo nang sa gayon ay milyon-milyon ang matuwa, magkaroon ng primordial na kaligayahan sa akto ng self-effacement bilang panibagong irony sa panahong naghahanap siya ng kanyang legacy sa natitirang panahon ng kanyang panunungkulan. Kung gayon, hindi pala kaiga-igaya ang paningin ng milyon-milyon sa pangulo, at itong reprodyusable na sinasambit ay nakaangkla sa primordial na pagnanasa ng milyon-milyon na matanggal siya sa panunungkulan, kundi man, magboluntaryong mawala sa poder ng kapangyarihan. Isa laban sa milyon-milyon na tila isinasaad na ang eroplano, ang isa pang sityo ng karanasan, ay di parating inaantay para dumating sa kanyang destinasyon. Mahalaga rin ang nagaganap sa proseso ng paglisan at pagdating. Ang liminalidad ng ere, ang mas mahabang panahon kaysa sa paglisan at pagdating, ay nagsasaad na ang gitnang posisyon sa magkadulong binaryong oposisyon ay pinaghahalawan ng kahulugan ng karanasan. Sa liminalidad, matutunghayan ang kontraryong posisyon ng intimate na kahulugan ng signifier (eroplano, Unang Pamilya) para hindi ito lubos na makarating sa kanyang destinasyon (awtoridad, kapangyarihan). Sa tiered diffusion ng kapangyarihan—mula Pangulo, tungo sa First Gentleman, anak at apo—dine-defer ang awtorial na kahulugan para ang pinakamahinang koneksyon sa kapangyarihan ang magsiwalat ng subversyon.

Ikatlo, ang reprodyusabilidad ay hatid ng teknolohiya ng media. Ang orihinalidad sa sining ay gumagamit ng hardline na media. Tanging ang amalgamasyon ng strokes sa pintura at kanvas na ang kaisa-isang akda ng sining ay nasisiwalat na ito ay natatangi. Hindi ito mass reproduced na entidad. Kaya lalabas rin na mas mahal dahil namumukod-tangi sa pag-iisa. Kaya nakakaangat ang gawa ng isang pintor sa kanyang exhibit kaysa sa tinatawag na “Mabini art” o gawang “Peck Pinon” dahil ang mga huli ay malawakan ang reproduksyon ng mga bagay ng sining. Kapag pumasok at pumaloob ang orihinal sa mass media, natitiyak ang reprodyusabilidad nito. Ang narereprodyus ay hindi ang orihinal kundi ang maramihang kopya. Sa pamamagitan ng ilang characters na sinend sa maramihang kaibigan, ang kopya ng biro ay nadi-disseminate sa maramihan. Manganganak pa ito hanggang sa mawalan na ng interes ang publiko (ang kasapian ng familiar at familial na komunidad ng nag-text) kahit pa manaka-naka naman kahit regular na sumusulpot ang politikal na biro. Ang digital na teknolohiya ang kaibahan ng orihinaryong sining (biswal, sayaw at tanghal, musika, at iba pa), na kahit pa ito photograph, prints at digital art na maramihan ang kopya, ang bawat isa ay inaakala at iniisip na natatanging gawa ng artist. Sa pagpasok ng mass media, ibig sabihin rin ang pag-igting ng komersyo sa sining, ang sining naman ay nagkaroon ng propensidad nang mas malawakan kaysa sa orihinal na diseminasyon. Ang patron sa renaissance ay tumatangkilik ng mga batang musikero at pintor hindi para makalikom ng sandamakmak na orihinal na gawa ng mga artista kundi para mareprodyus ang natatanging artista sa maraming orihinal na gawa. Ang artista ang primaryong orihinaryong bagay ng sining, hindi ng mga akda. Dito papasok ang fetishismo sa orihinal, na ang layon ay hindi para sa pagdambana sa orihinal na mga gawa ng sining kundi para idambana ang natatanging talento ng artista. Hindi magiging national artist sina Leandro Locsin, Virgilio Almario, Bienvenido Lumbera o Fernando Amorsolo kung iisa lang ang gawa mga nito. Naghahanap tayo ng orihinal gayong patay na ang orihinaryong bagay ng sining—ang artista. Ang kanyang mga akda ay mga tagni-tagning labi ng kabuuan na lamang ng kanyang orihinaryong posisyon, kung maabot man niya ang status ng pagiging artista sa kanyang tanang buhay o sa after-life—na ang ibig sabihin ay kung nabigyan na siya ng seal of approval ng kanyang tukayo, ng mga institusyon ng sining at kultura, ng mga patron ng kanyang akda, at ng mismong estado. Buhay man o patay, ang artista ay isa na lamang bakas (trace) ng orihinaryong bagay—ng kasiningan, kapangyarihang politikal, kultural o ekonomiya. Sa pamamagitan ng pagtunghay sa sining o sa aktwal na pagbili nito, ang orihinaryo ay namamasid pero hindi nang kabuuan nito kundi ng imahinaryo ng kabuuan—nandiyan sa harap ang orihinal na Van Gogh, halimbawa, pero ano naman ang orihinal at orihinaryong isinasaad nito, walang lubos na makakapagpaliwanag. Tanging sa pamamagitan ng teknolohiya na ang orihinaryo (artista, GMA) ay reprodyusable at malaon, nagiging kauna-unawa (discernable). Sa orkestrasyon ng politika at ekonomiya ng kapitalismo, sa naratibo ng pambansang pag-unlad, ang orihinaryo ay natutunghayan sa pamamagitan ng aktwal na reprodusibilad nito. Ibig sabihin, at ito ang paradox ng orihinalidad at reprodyusibilidad ng sining, kailangang magka-formula ang paulit-ulit na exekusyon ng artista sa kanyang mga akda—para gunitain (in retrospect parati) na may orihinal itong kontribusyon, at kung magpakagayon, sa reprodusibilidad ng orihinaryo matutunghayan ang orihinalidad.

Ikaapat, ang teknolohiya ng media ang nagsisiwalat ng paraan ng indibidwal sa kolektibong imahinasyon. Kung sa text joke, ang biglaang pag-aninag na nandiyan pala ang presidente ng bansa ay sa pamamagitan ng digital teknolohiya ng nagpapasa ng binabayarang impormasyon para matunghayan ang kakaibang spelling, kakaibang deferment ng punchline kabuuang kahulugan sa scrolling function ng cellphone, kakaibang aksyon (pagpapasa muli sa kinauukulang virtual na komunidad sa address book) o tugon (text back ng “hehehe” o smiley face, o delete). Kung may teknolohiya lang din na pwedeng i-delete ang mismong presidente kaysa abangang magpakahulog sa eroplano…. Pero wala pa. Ang text ang siyang media kung saan muling nabubuo ang trinatratong di magkakatugma, at kung gayon ay di magkakaugnay na mga bagay, ay integral sa karanasan ng sandali. Sa aktong sandali ng pagtanggap ng text, ang mga planetang politika, kultura, teknolohiya at ekonomiya ay biglang nagkakaroon ng temporal at paralel na realignment para mabuo ang kahulugan ng orihinaryo—temporal dahil bigla ang rekognisyon na tayo nga pala ay mamamayan ng Pilipinas, na mayroong presidenteng pinagdududahan ang kanyang pagkapangulo, na ang panunungkulan ay ibig sabihin ay self-sacrifice; at paralel dahil tayo ng konsyumer ng cellphone ay mamamayan na may komunidad at pamayanan, o may publikong inaadres. Sa panahon ng pagpapatalsik kay dating Pangulo Joseph Estrada, may comfort na ang cellphone ang nakakapanghimok sa maraming mamamayan, lalo na ang kabataan, hindi lamang para mag-ayaya na mag-EDSA, kundi para ireafirma, sa pamamagitan ng Erap jokes, na may moral na batayan ang paglahok—ang mga biro sa pagkakaroon ng maraming asawa, sobrang makainom, at sobrang walang alam ay nagsasaad ng moral na bankruptcy. Kakatwa rin na sa pagkalulok pa lamang ni Arroyo sa pagkapangulong pumalit kay Estrada na naglipana na naman ang serye ng text jokes tungkol sa kanya. Hindi na nag-antay para pagtawanan ang kanyang taas (o kakulangan nito), monotonong boses at postura, at ang tendensiya ng First Gentleman sa bagong masibong pangungurakot din. Kaya sa simula pa lang ay may pag-aatubili na sa pagkapangulo niya. Kahalintulad ito ng kung paano nagkakakumpyansa sa orihinalidad via reprodusibilidad ng orihinaryong figura. Sa pamamagitan ng reprodyusabilidad ng kumpiyansa at komersyo sa mga akda na ang sining ay nagiging masining, na ang pintor ay nagiging artista, na ang artista ay nagiging National Artist. Ibig sabihin, bawat artista ay nagpoposturang cottage industry para magtagumpay. Artisano itong nakakapaghanda ng sariling materyales na lilimiin at aakdain sa mga gawang-sining, pero kailangang may pakat ng komersyo para literal at figuratibong bumenta sa antas na sining. Ang hardline na media na kanyang pinili ay mangangailangan rin ng reprodyusibilidad sa iba pang media: maiimprenta kung ito ay panitikan, magiging cover ng libro kung ito ay sining biswal o peryodikong masasama sa retrospectives, theme song sa isang art film, at iba pa. Kung gayon, kailangang ang orihinal ay reprodyusable na sa simula pa lang. Maari rin, mula sa latak ay angkatin ito sa status ng sining, tulad ng pagpili ng kulturang popular para gawin indie digi film, o ang “Pamela-mela One” at “Otso-otso” ay awitin ng Madrigal Singers sa Main Theater ng CCP, o ang kakaning nilupak ay gawing Asian fusion cuisine ng Mandarin Hotel, at iba pa. Ang putik ay nagiging burnay na nagiging di na lamang anthropological object, kundi isang art objek na rin na kakailanganin ng sertipiko bago matanggal sa Baranggay Burnay sa Ilokos Sur. Nandadaya rin ang orihinaryo dahil ipinopostura ang pinaka-di-orihinal bilang orihinal. Ang pinakareprodyusable na bagay—kung ano ang hip sa kulturang popular—ay biglang nadidispley sa museo. Gumugunaw na ba ang mundo? Hindi naman, mahirap lang paratihang maging orihinal. Sa pamamagitan ng teknolohiya, ang imahinaryo—ang ideal na isinisiwalat ng indibidwal at kolektibo—ay napapadami at napapalawak. Ang kakatwa sa imahinaryo ay ang kawalan ng orihinalidad. Walang bagong fantasya, tanging mga bagong paraan lang ng pagpapatagos ng fantasya—kanino pang espasyo ito mapapadanas? Ang isinasaad ng teknoloniya ay ang kapasidad nitong dalhin tayo paratihan sa makabagong konfigurasyon ng mga espasyo at kaunay na paralel na mga mundo. Kung bago ang perspektiba, lokasyon, sityo, kanto, lunan at lugar na napapatagos ng lumang karanasan, nagiging tila bago na rin ito. “Tila” dahil, gaya nga ng idinidiin, wala naman talagang tunay na bago at orihinal; lahat pa ay tila nagiging orihinal at bago dahil sa reprodyusabilidad nito.

2. Mga iniisip bago matulog.

2.1 Mga preso sa Cebu na nag-eehersisyo sa musika ng “Thriller” sa Youtube.

Mula sa MTV ni Michael Jackson, ang orihinaryong figura ng musika at sayaw, isinasaad ang kasiyahan sa pag-terorize ng babaeng sinusuyo ng karakter ni Jackson. High school nostalgia ang espasyo, biglang matratransforma si Jackson bilang lider ng mga zombie at kolektibo nilang tatakutin ang babae. Sa huli, ang mangmang na babae ay iisiping masamang gunita lamang ang nangyaring pananakot habang yakap siya ni Jackson na nanlisik ang mga mata, pangitain na ang gunita ay may batayang katotohanan. Sa Youtube video, ang mga daan-daang preso sa Cebu ay kolektibong nag-eehersisyo sa musika ng “Thriller.” Ano ang ineensayo at ineehersisyo: ang kanilang kawalan ng kapangyarihan, ang di nakikitang may hawak ng kapangyarihan, o na kailangan pang daan-daan silang kolektibong mga markadong katawan—ang reproduksyon ng terorismo ng karakter ni Jackson sa inaakala ng estado bilang terror na sabjek, at kung gayon, tine-terrorize naman nito para sinkronisadong mapasayaw ng “Thriller”—bago magkaroon ng MTV moment, sa pamamagitan ng demokratikong akses na ipinapahintulot ng Youtube. Sa isang banda, ang zombie na katawan ni Jackson ay reprodyusable sa daan-daang katawan ng preso, mga katawang nakondena sa pagkaagnas at kawalan ng sariling disposisyon? Kung ang zombie ay ang orihinaryong figura ng indibidwal na pagkatao na nabitag sa buhay na patay na katawan, ang daan-daang preso, kung gayon, ay reproduksyon ng reproduksyon: kopya ng kopya ng orihinaryong indibidwal na pagkatao, na tulad ng high school nostalgia, ay kailanman hindi maibabalik. Sa milyon-milyong malayang tumunghay sa Youtube video, ang tinutunghayan nila ay ang kanilang kolektibong indibidwalidad na nawala sa panonood at nanumbalik sa pagtatapos—na pasasalamat na sila ay nasa labas na tumutunghay sa loob, na ang loob naman, sa Youtube, ay paratihan na lamang nakakulong bilang digital na impormasyon sa internet. Silang mga preso ay patuloy pa rin ang submisyon sa pwersa ng liberal na demokrasyang nagtataguyod ng indibidwal na kalayaan. Sila ay nakakulong at pinapanood na may fasinasyon dahil sa idea na may ginawa silang aspekto ng terorismo laban sa estado—terorismo na sa definisyon ng Human Security Act ng 2007 ay di na lamang sa pagbomba at koersibong taktika para mapasang-ayon ang gobyerno kundi mismong pag-iisip at pagpapaplano pa lamang ng mga bagay ay maari na ngang i-surveillance, i-wiretap, i-freeze ang bank account, i-warrantless arrest at i-extended detensyon—at heto sila, nagtatanghal ng kanilang di-kalayaan para sa inaakalang manonood na nakakapag-ehersisyo ng kalayaan. Sa batayan ng hinala pa lamang, terorista na ang pinagsususpetsahan, na tulad ng kumpesyonal sa Judeo-Kristianong tradisyon, ay nagkasala ka na kung inisip mong halayin ang iyong katabi, mamatay ang iyong kaaway, o mabuti nga sa kanilang sinapit ang gayong abang kalagayan dahil sila ay nagkasala sa lipunan. Walang nagkasala kung walang pinagkakasalaan, kahit pa sa guni-guni lamang ay may rekurso sa katarungan o pagtutumbas man lamang. Walang terorista kung walang pinagteterorisan. Walang estado kung walang mamamayang sinisikil. Walang daan-daan preso kung walang Michael Jackson na sa magkahiwalay ngunit paralel na universo ay sabay rin namang sumasayaw sa musika ng “Thriller.”

2. 2 Tsinelas, rubber slippers, Havaianas

Sa Japan, may tsinelas sa bawat kwarto. Tsinelas na tela sa pagpasok ng bahay at pagtanggal ng sapatos na gamit sa labas. Tsinelas na rubber para sa banyo. Ibang tsinelas na tela para sa nanay na nagluluto sa kusina. Lokasyon ang afinidad ng pagpapakahulugan sa tsinelas: pambahay ito, sa domestikong antas, at kung sa gayon, mas mababang uri kaysa sa de-balat na sumisimbolo sa white-collar jobs. Sa malls sa bansa, dati ay hindi ka papasukin kung nakasando at nakatsinelas ka. Sa pagpasok ng isang libong pisong tsinelas, ang Havaianas, tila hindi na sinusunod ang ganitong mall dress code. Kinailangan pang bigyan-lehitimasyon ng imported na tsinelas ang lokal na praktis ng pagtsitsinelas. Mahihiya nang sitahin ka ng security guard dahil mas mahal pa ang saplot mo sa paa kaysa sa kanyang de-balat. May kaantasan ang saplot sa paa: duhagi ka kung wala kang saplot sa paa, mahirap ka kung nakatsinelas ka lang, maaring taga-probinsya pa nga, at sosyal ka kung naka-high heels o de-balat ka. Wala nang gumagamit ng bakya dahil ayaw mapabilang sa luma, mumurahin at pedestriyanong saplot sa paa. Maliban sa mga pamilihan sa probinsya, wala nang iba pang mapapagbilhan ng bakya, ang representasyon ng lokal na inisyatibang tinibag ng dayuhang industriya ng sapatos, modernismo at kosmopolitanismo. Sa Pilipinas, tsinitsinelas ang mga batang di sumusunod sa magulang. Ang saplot-pampaa ay saplot-pandisiplina. Ang talampakan ay sinasabing pinakamarumi at pinakahindi disenteng bahagi ng nakikitang bahagi ng katawan, pangmababang gawain at kaya kapag tsininelas ka, para kang sinupalpal ng simbolo ng pedestrianong kabulgaran. Ang tsinelas sa mahirap, hindi itinatapon hanggang hindi napupudpod, at kung mapigtas, maari pang gupitin ang magagamit na bahagi, itagni-tagni at gawing door mat. Sa pang-uring katangian ng tsinelas, tulad ng sinasabi tungkol sa kawayan at puno ng buko, lahat ay pinapakinabangan, walang pag-aaksaya, nakakahanap ng bagong gamit sa luma. Tsinelas ang gamit sa larong tumbang preso. Hindi pwede ang bakya, hindi rin pwede ang sapatos. Kaya siguro hindi na nilalaro ang tumbang preso ay dahil sa publikong spero ng paaralan, hindi hinihikayat magtsinelas. Paano maglalaro ng tumbang preso kung walang tsinelas? Paano ang laro kung ang kagamitan ay di lapat? Nang mangyari ang Mendiola Massacre noong 1997 na kinamatayan ng mga magsasaka at ilang demonstrador, ang naiwang eksena matapos malikas ang mga patay ay mga nagkalat na tsinelas sa kapaligiran. Na ang kilos-protesta ay kinabilangan ng maraming magsasakang naghahangad ng tunay na agraryo sa lupa na lumuwas, at kung gayon ay nagtsinelas, at nagmartsa sa Mendiola para yanigin ng bala ng baril ng military habang kumaripas ng takbong papalayo, at sa pagkandakumahog ay nangaiwan ang di na magkakapares na tsinelas ay pumapatungkol sa kalidad ng pagtrato sa inaaping sektor, ang pinakamalaking bilang ng mamamayan sa bansa. Walang opisyal na pagtanggap kahit pa sila ang nagpapakain sa bansa. Di makataong pagtanggap sa silang lumuwas nang nakatsinelas at umuwing nakayapak. Kung gayon, ang tsinelas bilang representasyon ng domestikong spero, mababang uri, naunsyaming kamusmusan at pambansang industrialisasyon, biktimasisasyon ng karahasang pang-estado, at bulgaridad ay binabagabag sa intimasyon ng pagpapakahulugan sa pagpasok ng Havaianas, o hindi nga ba? Sa isang banda, hindi ba’t ang orihinaryong bagay (tsinelas) ay dumulas na ang kahulugan dahil sa pagpasok nang mas mahal at inaakalang mas matibay na Havaianas? O mas nagiging reprodyusabol ba ang orihinaryong bagay dahil sa paulit-ulit na pagpapaugnay nito sa multinasyonal na tsinelas ng mundo? Sa kabilang banda, hindi ba’t ang Havaianas ay reifikasyon ng tsinelas sa edad ng multinasyonalismo? Nailabas sa domestikong spero ang tsinelas, naging lehitimong pampublikong saplot-paa na maari di gamiting pantsinelas ng mga sutil na bata dahil baka masira ang mamahaling tsinelas. Nailabas pero muling naipaloob sa reprodyusabilidad ng Havaianas ang tsinelas. Pinapatingkad nito ang distinksyon sa kung sino lamang ang makakagawang publiko ang pribadong entidad, at sa gayon ay makakadanas ng pang-iistorbo sa autoritarinismong kahulugan. Sino ang pinapalaya, sino ang ikinukulong? Sino ang may kapangyarihang manawid sa dalawang spero ng realidad, makapagdanas ng asersyon ng indibidwalidad sa publikong spero ng pagbibigay-kahulugan, ngalan at substansya sa mundo? Na maaring isipin na kung ang fake na Havaianas ang suot, wala namang magma-magnifying glass para sabihin ang tunay na estado nito. Pero sa kalakaran ng pangungimpisal sa simbahan at paghininala sa terorismo, dahil alam mo na di tunay ang saplot sa paa, hindi ka maaring magka-chinup na attitude. Sa imahinaryo at historikal na mundo ng kasalukuyang karanasan sa kapitalismo sa bansa, dahil may pagkakasala, kinakailangang maglakad ka na nakatungo. Na ang Havaianas ay fake na Havaianas ay pagdirekta ng ugnay sa orihinaryong tsinelas. Tanging ang Havaianas ang natatangi at nakakapagbigay-tangi. Na ang tsinelas ay mamahaling Havaianas pero nananatiling tsinelas pa rin sa Brazil na nagbibigay-diin kung bakit ang gitnang uri sa bansa ay nagnanais magkatsinelas ng ibang bansa at itakwil ang lokal na tsinelas. Sa huli, sino ang mga paang nagsusuot ng kung anong tsinelas, at kung ano ang kamay na humahawak ng tsinelas ng kapangyarihan?

2.3 Search for the Bench Underwear Models

Ang katawan ang simptomas at reseptakel ng orihinalidad at reprodyusabilidad sa kulturang popular. Kapag sinabing “search,” may hinahanap na inaasahang makatagpo at bigyan-rekognisyon. Ibig sabihin, bago sumali, hindi kinikilala, walang personalidad, di entidad, walang pagkatao. Ang tatak na Bench ang awtor ng paghahanap, ito lamang ang proper—angkop, lehitimo, may kapangyarihang makapaghanap at makapagbigay-rekognisyon--na pangalan sa titulo. Ang Bench ang benefactor dahil ito ang mag-aangat sa pinaka-deserving na katawan para bigyan ng proper na rekognisyon, “Bench model.” “Underwear” na modelo ang hinahanap, na tulad ng paradigmatikong pagtutuligsa ng Havaianas, ay may kapangyarihang ibuyanyang ang orihinaryong bagay sa ibang antas ng pagpapakahulugan. Domestiko, itinatago, tinatakpan ng iba pang saplot, pribado, at sexually sterile ang underwear na sa pamamagitan ng awtorial na “Bench” ay nililikha bilang negosyo, trabaho, ibinubuyanyang, hyper-sexual at publiko. Paano matagumpay na nagawang negosyo ang bagay na itinatago lang naman? Kailan pa darating ang manaka-nakang pagkakataon na kailangan mong maghubad at mapahiya kapag gulanit, may butas at mantsa, at bacon na ang garter ng underwear? Ang hinahanap ay modelo na kakatwa rin naman dahil hindi ito ang pagdakila sa modelo-bilang-moral na nakakaangat at sa kanyang pagkabayani, kundi literal ngunit kopya ng idinadakilang pisikalidad—kabataan; matikas na pangangatawan, may abs at pecs kung lalake; balingkinitan at mahihin kumilos kung babae. Kung ang naunang modelo ay kailangang magpakita ng kanyang pagkabayani, ang kasalukuyang ipinaghahanap na modelo ay kailangan nandoon lang kahit pa sinasabing may X-factor o di-kilala (unknown) na substansyal na faktor na isinasaad. Sa pamamagitan ng catch phrase na “X-factor,” binubura ang obhetismo, ginagawang mas patron ang Bench o ang representatibong pipili ng modelo nang mga modelo. Kung gayon, ang itatanghal na modelo ay yaong pinakalapat sa ideal ng combo meal ng komersyal na sexualidad ng Bench, tulad ng kanilang underwear. Sa partikular, komersyal na heterosexualidad ang hinahanap dahil isang pares ng lalake at babae bilang target market ng Bench underwear kahit pa maaring magkaroon ng in-mixing o underwear shifting ang lalake at babae sa panlalake at pambabaeng underwear dahil mismo sa kalikasang katangian ng underwear—nakatago ito at hindi ibinubuyanyang, maliban sa pagkakataon tulad ng lingguhang search. Kung gayon, ang orihinalidad ng karanasan sa pagsuot, pagtunghay at estetika ng underwear ay pinalitan na ng lente ng komersyal na heterosexualidad na siyang nagdidikta ng tila bagong pagtunghay sa underwear at katawang nagsusuot nito sa pamamagitan ng reprodyusabilidad—dito ay tunay na reifikasyon o reproduksyon ng bagay sa kapitalismo para estimahin ang gitnang uring panuntunan ng buhay at ligaya—ng reprodusabilidad, hindi ng orihinalidad, para magtaguyod ng tila orhinalidad. Ang matikas na hubad na katawan na lingguhang ipinaparada sa telebisyon, kinatulong pa ng print ads, giant billboards sa EDSA at iba pang pangunahing daan, at nang taunang fashion event na may proper name na namang “Bench underwear fashion show,” ay reproduksyon ng matagumpay na negosyo at ng gamit nito sa katawan—silang may kakayanang bumili ng damit kahit walang pangangatawang modelong makakapagsuot nito sa heterosexual na kapamaraan (ang pagtampok sa finasyal kasya sa corporeal na kapital) ay bumibili nang damit na itatago, o patuksong ihahayag sa low-waist jeans at baby t-shirts, higit sa lahat, para magkaroon ng indibidwal na lehitimasyon sa karanasan gitnang uri at ng pangako nito ng urbanidad at kosmopolitanismo. Balikan na naman natin ang kumpesyonal sa simbahan at paghihinala sa terorismo, ang reafirmasyon ay tungo sa pagdisiplina ng katawan tungo sa debosyon sa gitnang uring panuntunan. Pribadong kaligayahan dulot ng pribadong pagtatangka ng indibidwal na makaagapay sa pinalawak na panuntunan ng gitnang uri—tunay na pribatisasyon ng pagnanasa. Hinihikayat ng “Search for the Bench Underwear Model” ang pagtangkilik di lamang sa produkto, kundi sa inuusad na agendang tila orihinal at ang reproduksyon nito sa bawat modelong malalaglag na nagpapatingkad sa pagdamdana sa magiging modelo ng mga modelo o Model with a capital M gaya nang isinasaad ng titulo ng palabas. Auto-referential ang palabas ng Bench dahil isinasaad nito kung paano ito, sa ngalan ng komersyo, lumilikha o nagmamanufaktura ng bagong pagpapakahulugan sa orihinalidad, at ang reprodyusabilidad nito sa pamamagitan nang panghihikayat na pagtangkilik sa hanay ng representatibong mamimili—ang unti-unting sinisibak na bilang ng kandidaturang modelo—na ang pamantayan nang gitnang uring kagalingan ay nakabatay hindi sa simpleng kaalaman sa brand kundi sa akto ng pagtangkilik. Biswal at afektwal tayong pinapatangkilik ng palabas bilang rehersal sa aktwal na pagtangkilik sa produkto, kung hindi pa nga tayo nakaranas ng kumbersyon para paboran ang brand na ito na, tulad nang palabas, ibinubuyanyag ang pag-aari ng awtorial at proper na orihinaryo. Tayo na nagsusuot ng Bench na nakabandera sa makakakita ay inaako bilang katuwang na pag-aari ng Bench. Ang ating pag-aari ay ngayon, nag-aari na sa atin. Na kakatwa dahil ang pag-aari at nag-aari ay nakabatay sa sentralidad ng komersyal na heterosexualidad—ang mga ari.

2.4 Sex scandals na na-video at ipinapalaganap sa cellphone

May isang tulang-bayan sa panahon ng Amerikano, “Awit ng Manlalakbay,” tungkol ito sa paglalakbay ng persona sa iba’t ibang bahagi ng bansa, pero nananatili pa rin ang orihinaryong pakiramdam—ang kalungkutan dulot ng kawalan ng pag-ibig na naglalahad ng irony ng pagbiyahe sa literal na espasyo gayong ang interyor na espasyo ng indibidwal ay nananatiling nakalugmok sa di mapukaw na kalungkutan. Ang tula ay tipikal sa mga tula sa panahon ng Amerikanong kolonialismo, romantikong nabigyan-diin ang kapasidad ng indibidwal na tanggapin ang intensifikadong pagdurusa bilang indibidwal na desisyon. Bahagi ng kontraryong liberalismo na isinisiwalat para lamang ikahon ang liberal na praxis at pagpapahalaga, ang tula ay una’t sa huli desisyon ng indibidwal na maging lugami dahil sa kawalan ng aalo. Na ang tula ay tulang-bayan—palipat-dila, walang awtor, popular sa masang hanay—ay nagsasaad ng malawakang diseminasyon ng tula at reprodyusabilidad ng bagong orihinaryong pagkatao (liberal na mamamayan). Flashforward sa mga indibidwal at pares na piniling i-video ang kanilang sexual praktis. Ang orihinaryong pagkatao na fantasy-ideal ng Amerikanong kolonialismo ay nahigtan na ng teknolohiyang nagsisiwalat ng pribadong praktis sa publikong spero—ibig sabihin, hindi na lamang ito ginagawa sa patagong kalakaran (tulad ng underwear), sa kakatwang paraan ng pagkakamali, pagkanakaw at iligal na upload ay nagiging publiko ang ilang segundong sex act. Hindi nagbago ang orihinaryo, nagbago ang paraan ng reprodyusabilidad nito. Naging mass ang paraan ng diseminasyon ng sex act at ng bagong reprodyusibilidad nito—matutunghayan kapag finorward sa ibang cell, idinownload sa websites o nabili sa enterpeneurial na taong kinolekta at pinirata ang mga ito sa DVD. Sa aking pakiwari, wala namang intensyon ang mga nagvideo na ibuyanyang sa publikong spero ang pribadong karanasan. May pagkakamali sa transmisyon ng diseminasyon. At ang pagkakamaling ito ay integral kung paano ang pribadong teknolohiya ng cellphone ay nakakapagreprodyus ng orihinaryong pagkamamamayan: nakawan ng pribadong ari (cellphone), iligal na forward-upload-download nito, iligal na reproduksyon at konsumpsyon nito sa DVD format. Ang ilang segundong pribadong karanasan ay nananatiling nakakulong sa virtual na espasyo ng internet, handa sa pag-download ng sinumang interesado sa publikasyon ng pribadong karanasan. At sino naman ang interesadong tunghayan at tangkilikin ito? Ang pribadong exhibisyonismo ay hindi katumbas ng publikong voyurismo. Sa isang liberal na pamayanan, kanya-kanya tayo ng preferensiya basta walang naapakang ibang preferensiya. Ibig sabihin, pinananatiling pribado ang konsumpsyon ng pribadong karanasan, kahit pa sexual nga ito. Pribatisasyon ito na kahalintulad at kaiba ng pribatisasyon ng pagnanasa at paraan ng pagtangkilik ng masa sa gitnang uring panuntunan, tulad ng Havaianas at Bench na kahit panloob at domestiko ay kayang kumawala at maging publiko. Pero mas inklusibo ang pribatisasyon ng cellphone sex videos dahil paratihan itong nakatago kahit sa reproduksyon nito—patagong download, patagong pirating, patagong pagbenta. Kung gayon, ang produktibo sa karanasan sa sex videos ay ang kapasidad ng reprodusabilidad nito na gawing tagong publiko ang tumatangkilik nito—andergrawnd sa pananaw ng liberalismo. Na sa ganitong mababang lebel—laylayan ng laylayan—ay nangingimi ang proper na munisipyo at iba pang lunan na maiugnay dito, hindi tulad ng pagbuyanyang ng Bench underwear sa awtorial nitong status. Tulad ng tula, mayroong Cagayan de Oro sex video, Siliman sex video, De La Salle sex video, Ateneo sex video, Baguio sex video, MRT sex video , at iba pa na nakaangkla sa iba’t ibang lunan gayon iisa ang substansyang nilalalaman—ang ilang segundo at sentimetro (depende sa size ng cellphone screen) na paggunita sa pribadong karanasang sexual. Ang irony ng panonood nito sa mas malaking screen ay mas malabo ang pixels at resepsyon na paratihang magsisiwalat ng visualidad ng naunang pribadong liberalismong karanasan. Ang bago sa reprodyusabilidad ng orihinaryo ay ang pagiging makaluma at kagyat ng pagtangkilik nito. Mayroon bang maa-arouse sa malabo at ilang segundong quickie sex? Novelty ito na siya namang nagsisiwalat ng alternatibong liberalismo, urbanidad at kosmopolitanismo sa mga lunang pinangalanan na ng panganganak ng sarili nitong bersyon ng sex video. Tila sinasabing, para ituring na liberal at modernong espasyo, kailangang nagkaroon nang sex video, na parang dagdag na rekisito ng modernisasyon lalo na sa probinsya—para masabing umuunlad ang bayan, ang bagong arkitektoniko ay nagdi-displace sa simbahan bilang primaryong sentro, nagiging Jollibee o MacDonalds na ito, kung walang magkaribal na mall, mga billboards ng Bench at iba pang nakabuyanyang na modelong nagpapakonsumo ng brands; kasabay ng trafik, batang lansangan, basura sa kalsada, at sex workers.

2.5 Litrato ni Sherilyn na parating nakatapat sa dibdib ng kanyang Nanay Linda kapag nasa publiko

Walang palya na kapag nagsalita si Nanay Linda ukol sa abduction ng kanyang anak na si Sherilyn ay parati itong naluluha. Hindi Nora Aunor na ang pagluha na paisa-isang patak lamang pero mas Vilma Santos pa na napapagsabay ang fountain ng luha sa pagbigkas ng pananalita. Mapait ang kwento ni Nanay Linda bilang ina ng desaparasido, pero tiyak at malinaw ang kanyang pananalita. Ang orihinaryo sa karanasan ay ang kanyang anak at ang simbolo nito—pagmamahal, pagkalinga, pagiging anak, skolar ng bayan at iba pa. Kaya tila agimat ang litratong nakatapat sa dibdib ng ina dahil paratihan itong ginagawang abot-kamay, abot-tanaw ang imahen ng orihinaryong pag-ibig. Ang pag-iyak at pananalita ni Nanay Linda ay ang reproduksyon ng orihinaryo dahil ito ay sapilitang iwinala ng pangunahing tagapagsiwalat ng pagpapakahulugan sa batas at kaayusan—ang estado sa pangkalahatan, at si Arroyo at militar sa partikular. Umiiyak tayo dahil malungkot tayo, umiiyak tayo dahil masaya tayo. Ano ang pinagkaiba? Tila isinasaad na ang kontexto—hindi ang aktwal na texto ng pagkawala at ang posibilidad na muli siyang manumbalik—ang nagbabago kahit pa magkasabay at magkabilang pisngi lamang ng karanasan ang rasyonal ng pag-iyak. Sa bawat siklo ng pag-iyak at pananalita, may temporal na napupurgang mabigat para kay Nanay Linda gayon baka iba ang resepsyon ng mga nakakatunghay sa kanya, na baka nawawalan-bisa ang walang puknat na pagdalamhati. Sino ang hindi maantig kapag natunghayan si Nanay Linda? Pero kapag paratihang natutunghayan ang akto ni Nanay Linda, nawawalan ng orihinalidad ang reprodyusabilidad ng kanyang pagtatanghal. Na ang itinatanghal ni Nanay Linda ay ang pasismo ng estado ni Arroyo ay nananatiling napakaabstraktong entidad kahit pa lumuha ito ng bato. At dahil hindi siya makakaluha ng bato, paratihan na lamang siyang iiyak na tila isinasaad na sa kanyang pananaw, parating orihinal ang pagdanas ng reprodyusabilidad ng biktimisasyon ng estadong karahasan. Kumbaga, sinusunod lamang ni Nanay Linda ang payo ng manunulat na si Amado V. Hernandez, “May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,/ may araw ding di na luha sa mata mong namumugto/ ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,/ samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;/ sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo/ at ang lumang tanikalay’y lalagutin mo ng punglo!.” At ito ang tanging magagawa ng ina sa publiko sa kasalukuyang yugto na ang publiko ay hindi pa nayayanig sa tumataas na bilang ng nawawala at pinapatay na mga aktibista. Ang spektakularisasyon ng kanyang pag-iyak—hindi natin natutunghayan ang pribadong pag-iyak—ang politikal na tugon at pakikitunggali ng ina ng desaparasido. Ang anak ay naging labi na lamang—hindi alam kung buhay o patay; kung patay, nasaan ang labi; kung buhay, saan dinedetina ang anak?--ng pribadong pagmamahal sa pagbara ng estado ng historikal na posibilidad na madanas ang kabuuang pagmamahal sa karanasan ng anak at ina. Paano magmahal ng nawawala? Paano maglibing nang hindi alam kung buhay pa o patay? Kaya lumuluha sa publiko si Nanay Linda dahil ang atas niya sa sarili ay gawing buhay ang politika ng pagkawala ng kanyang anak at ng iba pang mga anak, magulang at kaibigan. Sa marami sa atin, sa ating kamangmangan ay dahil di pa nga nagsisilang ng orihinaryo, paano aalalahin ang di pa ipinapanganak; at sa ating hindi na napupukaw at hindi makahagulgol na tulad ni Nanay Linda, dahil wala tayong direktang orihinaryo tulad nang kay Nanay Linda. Ang orihinaryo ay ang pangangailangang maging gitnang uri ayon sa media at pamahalaan—magkaroon ng mga bagay na magpapakilanlan sa sarili at sa isa’t isa na mataas na ang ating narating. Hindi bahagi ng gitnang uring panuntunan na may mga nawawala o pinapaslang—hindi rin ito kabahagi ng liberalismo sa ideal na sinisiwalat ng gentrifikasyon. Kaya hindi inaako ng estado ang mga nawawala. Pinili ni Nanay Linda na hindi manahimik, umiyak sa publikong spero para ipaalaala sa ating pumanig na sa imahinaryo ng gitnang uring pangangarap na hindi tayo ganito, hindi tayo malulubos, at hindi tayo magiging. Alin ang mas malaking trahedya? Ang reprodyusabilidad ng orihinal kay Nanay Linda o sa ating nagmamaanmaangang orihinal ang reprosyusabilidad ng mga binili at pinakyaw na gitnang uring karanasan?

Ang litrato ni Sherilyn na nakatapat sa dibdib ng kanyang Nanay Linda (Pasintabi column)

Ang litrato ni Sherilyn na nakatapat sa dibdib ng kanyang Nanay Linda

Walang palya na kapag nagsalita si Nanay Linda ukol sa abduction ng kanyang anak na si Sherilyn ay parati itong naluluha. Hindi Nora Aunor na ang pagluha na paisa-isang patak lamang pero mas Vilma Santos pa na napapagsabay ang fountain ng luha sa pagbigkas ng pananalita. Mapait ang kwento ni Nanay Linda bilang ina ng desaparasido, pero tiyak at malinaw ang kanyang pananalita.

Ang orihinaryo sa karanasan ay ang kanyang anak at ang simbolo nito—pagmamahal, pagkalinga, pagiging anak, skolar ng bayan at iba pa. Kaya tila agimat ang litratong nakatapat sa dibdib ng ina dahil paratihan itong ginagawang abot-kamay, abot-tanaw ang imahen ng orihinaryong pag-ibig.

Ang pag-iyak at pananalita ni Nanay Linda ay ang reproduksyon ng orihinaryo dahil ito ay sapilitang iwinala ng pangunahing tagapagsiwalat ng pagpapakahulugan sa batas at kaayusan—ang estado sa pangkalahatan, at si Arroyo at militar sa partikular. Umiiyak tayo dahil malungkot tayo, umiiyak tayo dahil masaya tayo. Ano ang pinagkaiba?

Tila isinasaad na ang kontexto—hindi ang aktwal na texto ng pagkawala at ang posibilidad na muli siyang manumbalik—ang nagbabago kahit pa magkasabay at magkabilang pisngi lamang ng karanasan ang rasyonal ng pag-iyak. Sa bawat siklo ng pag-iyak at pananalita, may temporal na napupurgang mabigat para kay Nanay Linda gayon baka iba ang resepsyon ng mga nakakatunghay sa kanya, na baka nawawalan-bisa ang walang puknat na pagdalamhati.

Sino ang hindi maantig kapag natunghayan si Nanay Linda? Pero kapag paratihang natutunghayan ang akto ni Nanay Linda, nawawalan ng orihinalidad ang reprodyusabilidad ng kanyang pagtatanghal. Na ang itinatanghal ni Nanay Linda ay ang pasismo ng estado ni Arroyo ay nananatiling napakaabstraktong entidad kahit pa lumuha ito ng bato.

At dahil hindi siya makakaluha ng bato, paratihan na lamang siyang iiyak na tila isinasaad na sa kanyang pananaw, parating orihinal ang pagdanas ng reprodyusabilidad ng biktimisasyon ng estadong karahasan. Kumbaga, sinusunod lamang ni Nanay Linda ang payo ng manunulat na si Amado V. Hernandez, na “May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,/ may araw ding di na luha sa mata mong namumugto/ ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,/ samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;/ sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo/ at ang lumang tanikalay’y lalagutin mo ng punglo!.”

At ito ang tanging magagawa ng ina sa publiko sa kasalukuyang yugto na ang publiko ay hindi pa nayayanig sa tumataas na bilang ng nawawala at pinapatay na mga aktibista. Ang spektakularisasyon ng kanyang pag-iyak—hindi natin natutunghayan ang pribadong pag-iyak—ang politikal na tugon at pakikitunggali ng ina ng desaparasido. Ang anak ay naging labi na lamang—hindi alam kung buhay o patay; kung patay, nasaan ang labi; kung buhay, saan dinedetina ang anak?--ng pribadong pagmamahal sa pagbara ng estado ng historikal na posibilidad na madanas ang kabuuang pagmamahal sa karanasan ng anak at ina.

Paano magmahal ng nawawala? Paano maglibing nang hindi alam kung buhay pa o patay? Kaya lumuluha sa publiko si Nanay Linda dahil ang atas niya sa sarili ay gawing buhay ang politika ng pagkawala ng kanyang anak at ng iba pang mga anak, magulang at kaibigan. Dahil sa marami sa atin, sa ating kamangmangan ay di pa nga ito isinisilang, paano aalalahin ang di pa ipinapanganak; at sa ating hindi na napupukaw at hindi makahagulgol na tulad ni Nanay Linda, dahil wala tayong direktang orihinaryo tulad nang kay Nanay Linda, ang orihinaryo ay ang pangangailangang maging gitnang uri ayon sa media at pamahalaan—magkaroon ng mga bagay na magpapakilanlan sa sarili at sa isa’t isa na mataas na ang ating narating.

Hindi bahagi ng gitnang uring panuntunan na may mga nawawala o pinapaslang—hindi rin ito kabahagi ng liberalismo sa ideal na sinisiwalat ng gentrifikasyon. Kaya hindi inaako ng estado ang mga nawawala. Pinili ni Nanay Linda na hindi manahimik, umiyak sa publikong spero para ipaalaala sa ating pumanig na sa imahinaryo ng gitnang uring pangangarap na hindi tayo ganito, hindi tayo malulubos, at hindi tayo magiging.

Alin ang mas malaking trahedya? Ang kay Nanay Linda o sa ating nagmamaanmaangang orihinal ang reprosyusabilidad ng biniling gitnang uring karanasan?

Kahirapan at Pelikula (Pasintabi Column)

Kahirapan at Pelikula

Isang matingkad na katangian ng pelikulang Filipino ang pagpaksa at pag-estetika sa kahirapan. Sa tinatawag na unang ginintuang panahon ng pelikulang Filipino sa 1950s, ang mga pelikulang Badjao at Anak-dalita ay tumalakay ng kahirapan sa hanay ng katutubo at maralitang tagalunsod. Sa ikalawang ginintuang panahon sa 1970s hanggang 1980s, ang mga pelikulang Maynila sa Kuko ng Liwanag, Manila After Dark, Himala, Kisapmata at Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon ay ilang maningning na halimbawa ng kasiningan na humalaw sa karanasan ng politikal na kahirapan bilang paraan nang pakikipagtunggali sa diktadurya ng mga Marcos.

Sa kasalukuyang pagbunsod ng tinatawag na new indie digi cinema—new dahil bago muli ang isinasaad nito, independent dahil hindi big studio kahit pa malalaking negosyo ang pumopondo rito at dahil hindi komersyal at mainstream ang layon, digital dahil ito ang medium na gamit, hindi na celluloid—pinili rin ng mga tumingkad na pelikula na gamitin ang kahirapan. Gamit ito, hindi sa politikal na layon gaya ng naunang panahon sa pelikula, pero sa paglalahad ng postmoderno at multiple na karanasan ng pagkatao. Ang Batad ay tungkol sa batang lalakeng Igorot na nangarap magkasapatos sa turistang lugar ng Kordilyera. Ang Kadin ay tumalakay sa batang Ivatang naghahanap sa nawawalang kambing. Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros ay tungkol sa teenager na baklang maralitang tagalunsod na may pamilyang lumpen.

Nawawala ang politikal na proyekto ng panlipunan at historikal na antas tungo sa politika ng pang-araw-araw na karanasan sa kahirapan. Tanggap na ang kahirapan, nilikha na bilang exotika na kahali-halina. Kaya ito rin ang dahilan kung bakit ang pelikula ng kahirapan ang siyang umiikot sa art film festival market para bigyan-representasyon kung ano ang pelikula/karanasan/lipunang Filipino, kung ano ang Pilipinas na ma-e-export para sa art house market.

Ang iniisip kong imahen ay ang opening scene sa Maximo Oliveros. Lumulutang ang isang orkidya sa imburnal ng syudad. Nawawala ang orkidya sa akma nitong lunan. Kakatwa ang ganitong eksena na sumisimbolo sa kabuuan ng pelikula at ng new indie digi cinema sa bansa: ang paghahanap ng humanismo sa gitna ng malawakan, malaliman at malakas na pwersa ng kahirapan. At ito ang isinisiwalat ng mga pelikula: ang posibilidad ng maging tao kahit sa sistematikong kahirapang nagsasaad na burahin ito.

Ito ang pumapalit sa politikal na proyektong naging pamana ng henerasyon nina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Kidlat Tahimik at Nic deocampo, mga direktor na nagpakilala sa pelikulang (kahirapan) sa dayuhang publiko. Hindi umakma ang sumunod na henerasyon ng mga direktor. Ang pagtatangka ni Carlitos Siguion Reyna na i-adapt ang mga klasikal na nobela para sa kalagayang Filipino ay hindi lubos na nagtagumpay. Ang mga sumunod na mga pelikula ng kahenarasyon nina Brocka at iba pa ay hindi rin nakasapat na bigyan-definisyon ang post-Marcos na yugto ng pagsasabansa.

Ang pagtatangka ng mga kababaihang direktor na gumawa ng OCW (overseas contract worker) na pelikula, tulad ng Milan at Anak, ay mga pagtatangka pang palawakin ang market kaysa tumampok sa kritikal na panloob at panlabas na manonood. Ang huling pagtatangka, ang maging indie sa pelikula, ay mas naging matagumpay pa, at naging simulain ng kasalukuyang new indie digi cinema. Ang mga pelikulang Magnifico, Babae sa Breakwater, Pila-Balde, Tuhog at ang mga trabaho ni Lav Diaz, ang pinakaexperimental sa grupong ito, ang naghudyat ng panibagong tunguhin ng pelikulang Filipino at kahirapan—politikal at independent.

Inilalahad ang humanismo hindi parang bagong biling prolerang tutunghayan sa barong-barong kundi para ipakita ang kontradiksyon sa modernong buhay—nahihirapan maging tao dahil sa sistemikong kahirapan. Parang paano ka magiging mabuting tao kung sistematiko kang hindi itinuturing na tao? Ano ang mga bagong pagkataong dulot ng patuloy na paglaganap ng kahirapan?

May sagot ang Maximo Oliveros, at pangunahing naging tugon ng marami pang indie digi na pelikula: palutangin ang kagandahan, kahit pa ligaw ito. Ang tugon naman ng Tribu, ibuyanyag ang epistemiko at literal na karahasan. Walang pagpipigil ang pelikulang ito tungkol sa gangs sa Tundo, hanggang sa lamunin nila ang isa’t isa. Walang redempsyon. O tulad ng pelikula Endo (End of Contract), tungkol sa pag-ibig at pakikibakang mamuhay ng disente ng army ng subcontractual na manggagawa, ang katubusan ay sa indibidwal na antas lamang. Ngingiti ka sa sarili o sa kapwa, na kahit pa wala kang trabaho matapos ng ikalimang buwan, wala kang pag-ibig na tunay na makakapag-ugat, tila maganda pa rin ang mundo dahil may temporal kang trabaho at dahil nakaranas kang tunay na umibig.

Si Bienvenido Lumbera sa Edad ng Nokia N92, Trinoma, BPO at HSA (Paper, Pistang Panitik, 30 Agosto 07)

Si Bienvenido Lumbera sa Edad ng Nokia N92, Trinoma, BPO, at HSA

Ngayong kinailangan kong balik-aralin ang mga sanaysay ni Bien, nalungkot akong isipin na ang lahat pala ng aking itinatanong ay naitanong na ni Bien. Ano ang ugat ng tradisyon sa kasalukuyang panitikan, pelikula at kulturang popular? Nasagot na ito ni Bien, halimbawa, sa pagtunghay sa tulang-bayan sa fasinasyon ng deklarasyon ng pag-ibig sa Valentine greeting cards: “Tunay na sa ating panahon, lalo na sa mga taga-siyudad na ‘may mataas na piang-aralan,’ ang mga [tulang-bayan ay] malalabong larawan na lamang ng sinaunang lipunang agricultural. Ngunit ang damdaming pumipintig sa likod ng mga larawang iyan ay hingit na makatotohanan at matapat kaysa sa emosyong pilit na binibigyan-buhay ng mga Kupido, puso at bulaklak na kumbensyonal na palamuti ng mga Valentine card.” Mayroon pero nabahiran na ng kapitalismong imperatibo kaya nawala ang wagas na kaalaman-pamayanan ng naunang tradisyon.

Una si Bien sa paggiging multi-media at interdisiplinaryong kritiko. Siya ay kritiko ng panitikan, wika, edukasyon, pelikula at kulturang popular, mga erya ng sarili kong interes din. Una rin si Bien sa paggamit ng kulturang popular bilang historikal na artifact—pelikula bilang paraan ng pagdalumat sa Amerikanong kolonialismo, halimbawa, na hindi pa katanggap-tanggap ang ebidensya sa examinasyon ng pambansang kasaysayan. Higit sa lahat, una si Bien sa pagkilala sa mga hindi kinikilalang koneksyon sa kritisismong pampanitikan—ang ugnayan ng kasaysayan ng lipunan at pelikula, ang pangangailangang pagsubstansya ng panitikang rehiyonal sa pambansang panitikan, ang mismong kategorya ng pambansang panitikan, ang leksyon mula sa mga naunang manunulat, at ang pangako ng kabataang manunulat sa iba’t ibang henerasyon…. Inangkla ni Bien ang kalakhan ng kanyang pagsusuri sa nasyonalistiko o makabayang panuntunan. Nagsimula rin ito sa parang “Literature and Society” ni Salvador P. Lopez, ang preferensiya sa panlipunang laman kaysa sa sining para sa sining na panuntunan sa panitikan. Pero umigpaw si Bien. Makauring pagsusuri o class analysis ang malaking adbentaheng isiniwalat ni Bien sa kritisismo. Madalas niyang tinatanong, “Para kanino?” hindi bilang retorika, ampaw o thought balloon lang na wala namang tiyak na responsaryo kundi bilang diin sa mambabasa o publikong isinasaalang-alang sa produksyon ng anumang akda.

At dahil sa matalas na pag-uugnay ni Bien sa panitikan at uring pagsusuri, nagiging makabuluhan pa rin siya sa sumusunod na henerasyon ng mag-aaral, skolar at guro na sumususo sa kanyang kritisismo. Hindi, sa aking palagay, magiging irrelevant si Bien sa ilan pang henerasyon ng skolars. Ni hindi nga siya magiging historikal na dokumento ng naunang panahon at kritisismo, tulad ng kina Welleck at Warren, dahil pertinente pa rin ang mga tanong na una niyang pinalutang, at hindi pa lubos na nasasagutan dahil mas malaking resolusyon sa labas ng disiplinal na erya ng Panitikan—ang mismong kasaysayan at lipunan—ang kinakailangang matransforma. Ibig sabihin, tinanong ni Bien ang mahihirap na tanong, na tulad ng prinoblema ni Rizal sa kanyang mga nobela, ay hindi lubos na matutugunan sa pamamagitan ng pagkabaliw at pagkamatay ni Sisa, reimbensyon ng pagkatao ni Ibarra kay Simoun, ang pag-ampon at edukasyon ni Basilio, at ang pagtapon ng prayle sa kaban ng yaman sa karagatan. Pero hindi tulad ng itinapon na yaman, na inasa sa pagkahinog ng panlipunang kondisyong magsusuong sa kolektibong transformasyon ng susunod na henerasyon, si Bien ay tumataya sa mga estudyante, skolar at artista na kanyang minentor—sina Doreen Fernandez, Conrado de Quiros, Ricky Lee, Vim Nadera, at iba pa--para interhenerasyonal at intersubhetibong resolbahin ang atas pangkasaysayan. Malalaki ang mga tanong, tila hindi matitinag ang imperialismo, halimbawa, pero kailangang katunggaliin hindi lang para masabing hindi lahat ay nangatulog sa mga gabi ng tahimik at marahas na panunupil, kundi tunay na ginamit ang pluma sa paglaban sa estado poder ng politikal na kapangyarihan. At mabibilang ang mga kritikong tumaya ng sariling pagkatao at buhay para sa progresibong paniniwala.

Hinawi ng skolarsyip at pagiging intelektwal ni Bien ang mahahalagang angas na dapat sana ay kinaharap ko rin. Heto ang isang mahalagang anekdota ni Bien:

After a year at Indiana University, driven by a perception that contemporary Tagalog poetry was not at par with the poetry that had been turned out in Europe early in the twentieth century, I began writing what I presumptuously thought would be “modern” Tagalog poetry. In my final year on campus, I got approval for a dissertation topic which would take me on an exploration of the history and aesthetics of English writing by Indian fictionists. It was 1960, and a young writer, Rony V. Diaz, had just arrived in Bloomington from the Philippines where a resurgent nationalism was directing the minds of the young to things Philippine. He asked me when he found out what I was goint to write on. “Why not write on a Philippine topic?” I was flabbergasted. I had not until then thought it important to relate my intellectual work to the culture of my native land.

Nang magtungo rin ako sa Amerika para sa aking graduate studies, ni hindi na sa akin sumagi na kailangan kong magsulat ng paksa tungkol sa Pilipinas. Naging guro ko si Bien sa M.A. at nabasa rin ang kanyang mga sinulat, marami na ito noon pa man. Hindi na ako dumaan sa angas na pagtingin na mababang uri ng kalidad ang anumang paksaing Pilipinas. Tinunghayan ko ang kaso ng Pilipinas bilang exemplaryo ng diskursong global, kung paano ang ating karanasan, problematisasyon at rekurso ay makakapagbigay-alam at karunungan sa inaakalang world standard sa pagsusuring kultural. Lumaktaw ako sa banging maraming kinahulugan ng mga nauna at sumunod sa akin. Wala kasi silang Bien na gumabay sa kanila, o nagbigay man lamang ng safety net.

Pinarangalan si Bien noong 1993 ng Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature and Creative Communication Arts “for asserting the central place of the vernacular tradition in framing a national identity for modern Filipinos.” Kakatwa na matapos ng halos isang daan taon ng opisyal na kalayaan ay wala pa rin tayong idioma ng pambansang identidad maliban sa opisyal na artikulasyon ng estado. Pinaparangalan si Lumbera dahil mayroon siyang tila bagong sinasabi—ang substansasyon ng etnisidad at ethno-lingwistikang kaibahan para sa pagsasabansa. Ano kung gayon ang sinasabi ng pagpaparangal kay Lumbera sa pwersa ng negosyo na buwagin ang etho-lingwistikang kaibahan sa pamamagitan ng standardisasyon ng punto at dilang pabigkas sa call centers at ang alat-tamis-asim ng ketsap sa French fries sa fastfoods? O ang paraan na pagkamangmang na mamamayan ng pamahalaan na pulbusin ang mga inakusahang rebelde at terorista sa Basilan at Sulo, matapos ay gawing mabilisan ang kumbersyon sa turismo at konsumerismo, magtayo ng resorts at malls kung gayon?

Nilulusaw ng estado ang vernakular at iba pang marka ng pagkakaiba para umugma sa opisyal na dikta ng pagkamamamayan—nakakapag-ingles na kosmopolitanismo; tradisyong pangmuseo; urbanidad ng billboards, sex work at sex video na naipalaganap sa cellphone; at di lamang pagsawalang-kibo kundi pagsang-ayon sa pasismo. Kaya mahalaga pa rin ang asersyon ni Bien: iginigiit dahil literal at epistemikong nilulusaw. Kung gayon, makabuluhan pa rin ang mga akda ni Bien hindi sa antas ng paghahawan ng landas (pioneering) ng kanyang mga pagsusuri sa multidisiplinal na larangan ng panitikan, teatro, wika at edukasyon, pelikula at kulturang popular ng bansa, kundi dahil hindi pa tapos ang laban sa mapang-uring (class) usapin sa likod ng mga disiplina na ito at sa pagsasabansa ng mga ito. Kung tapos na ang laban, sana ay papuri sa Diyos na testimonial na lamang ang ating maririnig na talumpati ngayong hapon. Pero hindi, dahil wala pang kolektibo at pambansang resolusyong nabubuo sa tunggaliang pang-uri sa bansa.

Tinanong na ni Bien ang mahahalagang usapin sa ating panahon. Ang ilan sa mga ito, at may partikular na halaga sa akin bilang skolar ay: Bakit astang mayaman si Juan Maralita? (Ito rin ang aking prinoproblematisa sa usapin ng kulturang popular at ang produksyon ng gitnang uring pakiwari sa hanay ng di naman gitnang uring nakararami. Gaya ni Bien, sinisipat ko naman ang informal na edukasyon ng kulturang popular na nagsisiwalat ng nakakaangat na pakiwari kahit pa mababa naman ang antas ng pagkasadlak sa lipunan.) Ano ang papel ng akademiko sa lipunang nagbabago? (Kung alam natin ang sagot, di sana ay sulat na lang tayo nang sulat. At dahil naitanong ito ni Bien, parati na itong espada sa ating ulunan kada nagsusulat tayo. “Para kanino?” na kailangan nating paratihang tinatanong sa bawat tipak sa ating computer.) Ano ang pamana ni Mao Zedong sa mga manlilikha? (Kung isinasaalang-alang ang “para kanino?” ang sunod na pagdaloy ang “pagsulat para sa masa” na pag-abante pang lalo sa usaping panlipunang laman unang inilahad ni S. P. Lopez, at bilang pag-abante sa isang rebolusyong kultural sa anumang kasalukuyan.) Ano ang rugged terrain ng vernakular na panitikan? (Sa akin ay kung paano integral ang karanasang vernakular sa pribilehiyadong status ng pambansa. At kung magpakagayon, ang inklusyon ng pagkakaiba hindi bilang anyo ng diversity kundi ng kolektibong kaibahang siya namang dapat pagsubstansyahin ng karanasang pambansa.) Ano ang pelikulang Filipino sa manonood nito? (Kung sa panitikan ay tinutungo pa lamang ang ideal ng pambansang panitikan, sa pelikula ay tila malinaw na itong usapin kay Bien: ang pambansang cinema bilang sinisiwalat ng artistang intelektwal at tinatangkilik at muling dinidiskurso ng mga manonood nito. At kung gayon, dayalektikal na paghulma ng anumang pagsasabansa sa laylayan ng estadong kapangyarihan.) Ano ang ideolohiyang nakatago pero dapat ilantad sa mainstream mass media, tulad ng Time magazin at palabas pantelebisyon na John en Marsha? (Sa Time, bilang instrumento ng kulturang imperialismo; sa lokal na media, bilang hugutan ng produktibo at kontra-produktibong pagpapahalaga. Ito rin ang aking agenda sa pag-aaral ng kulturang popular, tulad ng malls, droga, video games, skin whiteners, at iba pa—paano kritikal na babasahin ang mga akda bilang kritikal na pagdalumat sa kolektibong pagkatao at kontraryong pagkamamamayan.)

Ngayong matanda-tanda na ako, at mistulang pagod na sa tila walang katapusang pagsulat ng mga akda at pag-aaral dahil tila ito naman ang bansang di lamang di maubos-ubusan ng panlipunang suliranin, bagkus ay paratihan pang nanganganak ng mga perversyong variedad, parati, hindi ko man basahin nang paulit-ulit, ay sumilong sa lilim ng nauna at kasalukuyang skolarsyip ni Bien, magpahinga at kumuha muli ng lakas, para muli’t muling gawin ang nararapat sa isang bansang walang realisasyon ng mga dapat para sa mamamayan, sa estadong pinagkakamali ang pagpapatupad ng dapat bilang ehersisyo ng pagpapakitid ng indibidwal at kolektibong karapatan mabuhay ng may dangal. Sa lilim ni Bien at ng kanyang ideal na ideal ng bayan, sa pagtamlay ay panunumbalik sa pagsulat at pakikibaka para sa sambayanan.